You are on page 1of 96

ANG BATAS RIZAL AT PAGPILI SA BAYANI NG LAHI

Ang Batas Rizal ay hango sa Batas Republika Blg. 1425 na pinagtibay


noong ika-12 ng hunyo, 1956. Inihanda ito ni Senador Jose P. Laurel Sr.
Tagapangulo, Lupon ng Pambansang Edukasyon at ipinatupad ng Pambansag
Kapulungan ng Edukasyon noong ika-16 ng Agosto, 1956 ayon sa “Official
Gazette”. Ang batas na ito ay inihanda sa mababang kapulungan ni kinatawan
Claro M. Recto.

Ang Batas ay nagtatadhana ng pagsama ng kurikulum ng lahat ng


paaralang pambayan at pansarili ng kursong nauukol sa buhay, mga ginawa at
mga sinulat ni Rizal lalo na ang Noli me Tangere at El Felibusterismo.

Ang Batas ay naghahangad na maitalagang muli ng mga Pilipino ang


kanilang sarili at mga simulain ng bayan at nasyonalismo na siyang naging
dahilan ng kamatayan ng ating bayani.

Bayani ng Lahing Pilipino

Ang grupo nina Komisyoner William Howard Taft ang nagpasyang


pumili ng isang bayaning magiging Pambansang huwaran ng mga Pilipino. Ang
mga sumusunod ay kasama sa komisyon at nagpasyang pumili ng bayani ng
lahing Pilipino:

1. W. Morgan Shuster
2. Berdnard Moises
3. Dean Warcester
4. Henry Clay Ide
5. Trinidad Pardo de Tavera
6. Gregorio Araneta
7. Cayetano Arellano
8. Jose Luzurriaga

Prof. Armando S. Santos Page 1


Ayon kay Dr. Otley Beyer, dalubhasa sa Antropolohiya at teknikal na
katulong ng komisyon, napagkasunduan ng lupon ang mga sumusunod na
batayan sa pagpili ng bayani ng lahing Pilipino:

1. Isang Pilipino
2. Yumao na
3. May matayog na pagmamahal sa bayan
4. May mahinahong damdamin

Sina Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Jose Rizal, Heneral
Antonio Luna, at Emilio Jacinto ang naging limang pinagpilian. Nanalo sa
botohan si Marcelo H. Del Pilar ngunit binago nito ito dahil ang buhay at
kamatayan niya hindi madula.

Ang Monumento ni Rizal


Kilalang manlalakbay si Rizal mula Asya at Europa pero alam niyo ban a
anu unang monumentong inaalay sa kanyang kabayanihan ay makikita a
lalawigan na kahit minsan ay hindi niya napuntahan. Sa Daet, Camarines Norte
nakatayo ang unang monumento ni Rizal na simulan gawin noong Disyembre
1898 at ganap na natapos Pebrerero 1899. Si Col. Antonio Sanz at Ildefonso
Alegre ang nagpagawa ng monument ni Rizal na may taas na 20 talampakan. Si
Ginoong Sanz ang may disenyo ng monument at umabot ng 63 taon bago
maiproklama ng “National Historical Institute” ang nasabing landmark sa Daet,
Camarines Norte.
Ang monument ni Rizal sa Luneta ay idinaan naman sa isabg patimpalak
ito ay ang “International Art Competition” noong 1905. Si Richard Kissling
isang “Swiss sculptor” ang kanyang disenyo ay pumangalawa lamang sa
nasabing patimpalak ngunit ang obrang kanyang ginawa ang ginamit. Si Carlos
Nicoli isang “Italian artist” ang kanyang obra ang nanalo ng unang gantimpala
ngunit hindi ito ginamit dahil sa teknikalidad.

Prof. Armando S. Santos Page 2


KABANATA 1 : ANG PAGSILANG NG PAMBANSANG BAYANI

Pagsilang

Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa makasaysayang pook ng


Calamba ,Laguna mga sampung oras sa kabayo patimog mula maynila. Ang
Calamba noon, bayang tinitirhan ng mga tatlo-apat na libong katao, ay nasa
pusod ng kasaganaang agrikultura, natatamnan ng tubo at palay ang kapatagan
sa paligid nito ang kakayuhang hitik sa iba’t-ibang uri ng prutas. Bahagi ito ng
relihiyong tinaguriang ang kaban ng bigas ng Pilipinas. Bininyagan sa simbahan
ng Calamba noong Hunyo 22, 1861. Si Padre Rufino Collantes ang paring
nagbinyag kay Rizal. Padre Pedro Casanas nagsilbing ninong ni Rizal. Ang
isang paring may malaking naitulong sa paghubog ng katauhan ni Jose ay si
Padre Leoncio Lopez ng Calamba, Laguna
Ang buong pangalan ng bata ay Jose Protasio Rizal Mercado y Alonzo
Realonda. Kinuha sa patrong San Jose. Noong panahong iyon ay kinaugalian na
ng mga magulang na isunod ang pangalan ng mga anak sa santo’t santa.
Nagmula naman sa kalendaryo ang pangalang Protasio. Ang Rizal ay taglay ng
kanilang pamilya dahil sa utos ni Gobernador Heneral Claveria ang Rizal ay
mula sa kastilang “Ricial” na nangangahulugan “luntiang bukid”. Nanggaling
naman sa kanyang ninuno ang apelyidong Mercado na ang ibig sabihin ay
“palengke”. Ang Alonzo ay apelyidon ng ama ng kanyang ina at ang Realonda ay
apelyido ng ninang ng kanyang ina.

Magulang:
Francisco Mercado

Ipinanganak noong Mayo 11, 1818. Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa


Colegio ng San Jose. Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang
Dominicano sa Calamba. Namatay noong Enero 5,1898.

Prof. Armando S. Santos Page 3


Teodora Alonzo

Ipinanganak noong Nobyembre 8,1826 sa Maynila .Nag-aral sa Colegio


de Santa Rosa . Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol.
Namatay noong Agosto 16, 1911.

Magkakapatid na Rizal:
1. Saturnina - asawa ni Manuel T. Hidalgo
2. Paciano - namatay na matandang lalaki
3. Narcisa - asawa ni Antonio Lopez
4. Olympia - asawa ni Silvestre Ubaldo
5. Lucia - asawa ni Mariano Herbosa
6. Maria - asawa ni Daniel Faustino Cruz
7. Conception - namatay sa edad na tatlo
8. Josefa - namatay na matandang dalaga
9. Trinidad - namatay ng matandang dalaga
10. Soledad - asawa ni Pantaleon Quintero

Mga Ninuno:
Ninuno sa Ama

Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la Rosa naging anak


si Francisca Mercado at napangasawa si Cerila Bernacha naging anak si Juan
Mercado at napangasawa si Cerila Alejandro at naging anak si Francisco
Mercado at napangasawa si Teodora Alonzo at naging anak si Jose Rizal

Ninuno sa Ina

Eugenio Ursua napangasawa si Benigna at naging anak nila si Regina na


naging asawa ni Manuel de Quintos at naging anak nila si Brigida na
napangasawa ni Lorezo Alberto Alonzo at naging anak nila si Teodora Alonzo
na napangasawa ni Francisco Mercado at naging anak nila si Jose Rizal

Prof. Armando S. Santos Page 4


PamilyangRizal:

Ang pamilya ay kabilang sa pangkat na principalia at isa sa mga


kinikilalang pamilya sa Calamba. Ang ama ay nangungupahan sa lupain na pag-
aari ng hacienda ng mga Dominicano sa Calamba at tinataya na ang kaniyang
lupang sinasaka ay umaabot ng 600 na hektarya. Ang lupa ay tinataniman ng
palay mais at tubo. Maliban sa pagsasaka ang pag-aalaga ng hayop ay isa sa
kanilang mga hanapbuhay.

Ang ina ni Rizal ay mayroong isang tindahan sa ilalim ng kanilang bahay,


gilingan ng trigo para maging harina, at gawaan ng hamon. Ang pamilya ay isa
sa mga unang nakapagpagawa ng bahay na bato sa Calamba. Nagmamay-ari sila
ng isang karwahe na isang karangyaan sa panahong iyon. Mayroon silang isang
aklatan sa bahay na naglalaman ng 1,000 aklat. Naipadala ng mga Rizal ang
kanilang mga anak sa Maynila para mag-aral.

Ang Tahanan ng mga Rizal


Ang bahay ng mga Rizal ay gawa sa bato at matitigas na kahoy at ito ay
nakatayo na malapit sa simbahan ng Calamba. Ang paligid ng kabahayan ay
natataniman ng mga punong atis, balimbing, chico, macopa, papaya, santol,
tampoy, at iba pa. Ang bakuran ng bahay ay naging alagaan ng mga manok at
pabo.

 
 
KABANATA 2 : BATANG BAYANI

Mga Ala-ala ng Kamusmusan


1.Panonood ng mga ibon.

2.Araw-araw na pagdadasal sa oras ng angelus.

3.Pagkukuwento ng kaniyang yaya ukol sa asuwang, nuno, at tikbalang.

4.Ang una niyang kalungkutan ay ang pagkamatay ng kaniyang


nakababatang kapatid na si Concha.

5.Sa edad na tatlo ay nakasama na siya sa pagdadasal ng pamilya.

Prof. Armando S. Santos Page 5


6.Pagpunta sa Antipolo noong Hunyo 6, 1868. Ito ang kaniyang unang
pagtawid sa Lawa ng Laguna. Pagkatapos ng pagpunta sa Antipolo ay nagtungo
sila ng kaniyang tatay sa Maynila.

7.Ang hindi niya malimutan ay ang kuwento ng kaniyang ina ukol sa gamo-
gamo.

Mga Talento sa Panahon ng Kamusmusan


1. Inayos niya at binigyan ng bagong guhit ang bandera ng simbahan.

2. Paggagawa ng imahen mula sa putik (clay).

3. Sa edad na 8 ay kaniyang isinulat ang tulang Sa Aking mga Kabata na


nagbibigay ng pagpapahalaga sa kaniyang sariling wika. Ang tulang ito ay
unang nalathala sa aklat na “Kung Sino ang Kumatha ng Florante (1906)” ni
Hermenegildo Cruz.

4. Sa edad na 8 ay sinulat niya ang isang drama na nakaukol sa kapistahan


ng Calamba at ang nasabing gawa ni Rizal ay binili sa kaniya ng gobernadorcillo
ng Paete, Laguna.

Mga Inpluwensiya Kay Rizal


Namana mula sa mga ninunong Malayo ay namana niya ang pagmamahal
sa kalayaan, paghahangad sa paglalakbay, at katapangan.Mula sa kaniyang mga
ninunong Tsino ay namana niya ang pagiging seryoso, katipiran, katiyagaan, at
pagmamahal sa mga bata.

Mula sa kaniyang mga ninunong Espanyol ay namana niya kapinuhan sa


pagkilos at kanipisan sa insulto.

Mula sa kaniyang ama ay namana niya ang pagtitiyaga sa trabaho,


paggalang sa sarili, at malayang pag-iisip. Mula sa kaniyang ina ay namana niya
pagpapakasakit sa sarili at pagnanais sa sining at panitikan.

Kapaligiran
Ang kapaligiran ng Calamba ay nagsilbing kaniyang pang-enganyo sa
pagmamahal sa sining at literatura. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay
nagturo sa kaniyang kaisipan ukol sa pagmamahal sa kalayaan at katarungan.

Prof. Armando S. Santos Page 6


Mula sa kaniyang mga kapatid na babae ay natutunan niya ang paggalang
sa mga kababaihan. Ang pakikinig niya sa mga kuwento ng kaniyang yaya ay
nagbigay sa kaniyang interes sa mga kuwentong bayan at mga alamat.

Mula sa kaniyang tatlong mga kapatid ay nainpluwensiyahan siya ng mga


sumusunod: Jose Alberto Alonzo ay natutunan niya ang pagmamahal sa sining.
Manuel Alonzo ay natutunan niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng
katawan. Gregorio Alonzo ay natutunan niya ang ang malabis na pagkahilig sa
pagbabasa. Padre Leoncio Lopez ay natutunan niya ang pagmamahal sa
makaiskolar at pilsopikal na pag-iisip.

KABANATA 3 : ANG PAG-AARAL SA BIÑAN

Mga Unang Guro ni Rizal

1. Doñ a Teodora Alonzo - ang unang guro ni Rizal


2.Maestro Celestino
3.Lucas Padua
4.Leon Monroy

Pagpunta sa Biñan

Nang mamatay ang gurong sadyang inupahan ng kanyang ama para


magturo sa kanya sa bahay , siya’y dinala ni Paciano sa Binyang siyam na taon
na siya noon. Hunyo 1869 ,si Rizal ay umalis ng Calamba para magtungo sa
Biñ an para mag-aral.

Si Maestro Justiniano Aquino Cruz ay lubos na may kabatiran tungkol sa


asignaturang kanyang itinuturo, datapuwa’t isa siyang mahigpit na tagsunod sa
matandang paniniwala na upang ang isang bata’y matuto, kailangan tulungan
ng pamalo ang aklat.

Mga Naging Gawain sa Pag-aaaral

1. Sa unang pagkikita niya sa kaniyang guro ay sinabi niya ang kaniyang


kakauntian ng kaalaman sa Espanyol at Latin.

Prof. Armando S. Santos Page 7


2. Sinabi ni Rizal na ang kaniyang guro ay may kahusayan sa balarilang
Espanyol na sinulat nina Nebrija at Gainza.
3. Nakaaway ni Rizal si Pedro na anak ng kaniyang guro.
4. Nagkaroon din siya ng away sa mga bata sa Biñ an isa na rito si Andres
Salandanan na tumalo sa kaniya.

5. Nag-aral si Rizal ng pagpipinta kay Matandang Juancho na dito ay


nakasama ng kaniyang kaeskuwelang si Jose Guevarra.
6. Sa pagsapit ng ilang buwan si Rizal ay nanguna sa kaniyang mga
kaeskuwela sa mga Espanyol, Latin at iba pang mga aralin.
7. Sa kabila ng kahusayan ni Rizal sa pag-aaral, siya ay napapalo ng
kaniyang maestro halos araw-araw dahilan sa mga sumbong laban sa kaniya ng
kaniyang mga kamag-aral.
8. Nilisan ni Rizal ang pag-aaral sa Biñ an noong Disyembre 1870
pagkatapos ng halos isa at kalahating taon.
9. Nilisan ni Rizal ang Biñ an sakay ng Barkong Talim na naghatid sa kaniya
sa Calamba.

Gomburza

Sa kaniyang pag-uwi sa Calamba ay nabalitaan niya ang Pag-aalsa sa


Cavite at ang pagbitay sa tatlong paring martir na sina Jose Burgos, Mariano
Gomez, at Jacinto Zamora. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay naging
malapit na mag-aaral ni Padre Jose Burgos. Si Paciano sa maraming
pagkakataon ay naibahagi kay Rizal ang mag ideya at pilosopiya ni Jose Burgos.

Kawalan ng Katarungan sa Kanyang Ina

Pagkatapos ng kamatayan ng Gomburza, ang ina ni Rizal ay


pinagbintangan na nagbabalak na lasunin ang asawa ng kaniyang kapatid (Jose
Alberto) . Ang mga kaaway ng pamilyang Rizal at ang hipag ng kaniyang ina ay
nagkipagsabawatan upang maisangkot ang ina sa nasabing bintang na paglason.
Pagkatapos na madakip ni Donya Teodora, ito ay pinaglakad mula Calamba
hanggang Santa Cruz, Laguna na ang layo ay 50 kilometro. Ang ina ni Rizal ay
nakulong sa loob ng dalawa at kalahating taon.

Prof. Armando S. Santos Page 8


 

KABANATA 4 : PAG-AARAL SA ATENEO

Ang Pagpasok ni Rizal sa Ateneo

June 20, 1872 , sinamahan si Rizal ni Paciano para magpunta sa Maynila.


Kumuha ng pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa
sa Colegio ng San Juan de Letran. Nagbalik si Rizal sa Calamba mula sa Maynila
para dumalo ng kapistahan sa kaniyang pagbabalik sa Maynila ay nagbago ng
isip si Rizal at nagbalak na pumasok sa Ateneo.
Hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahilan sa siya huli na sa patalaan
maliit para sa kaniyang edad Sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang
kaniyang apelyidong Rizal imbes na Mercado.
Manuel Xerex Burgos – ang pamangkin ni Jose Burgos na tumulong upang
makapasok si Rizal sa Ateneo. Nanirahan siya sa isang paupahang bahay na
pag-aari ni Señ ora Titay sa Daang Caraballo, na nasa labas ng Intramuros.

Sistema ng Edukasyong Heswita

Mas adbanse ang edukasyong ipinagkakaloob ng mga Jesuita kumpara


sa mga kolehiyo noong sa Pilipinas. Ang layunin ng edukasyon ng mga Jesuita
ay ang hubugin ang mga mag-aaral sa mga aral ng Katolisismo, kaalaman sa
sining at agham. Ang isang matalinong Katoliko mula sa pananaw ng mga
Jesuita ay magiging mabuting tagapagtanggol ng simbahan. Ang pangunahing
pilosopiya ng Ateneo ay Ad Majorem Dei Gloriam – Para sa Higit na Kadakilaan
ng Diyos.

Hinati ang klase sa dalawang pangkat

Prof. Armando S. Santos Page 9


a. Imperyong Romano – katawagan sa mga internos o mga mag-aaral
na nakatira sa loob ng bakuran ng Ateneo.
b. Imperyong Cartago – katawagan sa mga externos o mga mag-aaral na
nakatira sa labas ng Ateneo.

Ang Rango
a.emperor
b.tribune
k.decurion
d. centurion
e.standard bearer

Unang Taon sa Ateneo (1872-73)

Padre Jose Bech S.J. – ang guro ni Rizal sa kaniyang unang taon sa
Ateneo. Nagsimula siyang nasa mababang ranggo sa imperyong Cartago ngunit
sa paglipat ng mga linggo ay nagawang makapanguna sa kaniyang mga kamag-
aral. Napanalunan niya ang kaniyang unang gantimpala sa kaniyang pag-aaral –
isang larawang pangrelihiyon. Upang mapagbuti ni Rizal ang kaniyang
kaalaman sa wikang Esanyol siya ay nagpaturo ng aralin sa Colegio de Santa
Isabel sa panahon ng kaniyang pamamahinga sa tanghali. Sa kalagitnaan ng taon
si Rizal ay hindi nagbuti sa kaniyang pag-aaral upang mapanatili ang kaniyang
pangunguna sa klase ito ay dahilan sa kaniyang sama ng loob sa hindi
makatwirang puna ng guro sa kaniya.

Sa bakasyon ng 1873, si Rizal ay hindi naging masaya dahilan sa nasa


bilangguan ang kaniyang ina. Lihim na pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang
kaniyang ina at kinuwentuhan niya ang ina ukol sa kaniyang pag-aaral sa
Ateneo.

Ikalawang Taon sa Ateneo (1873-74)

1. Walang masyadong mahalagang pangyayari kay Rizal sa Ateneo sa


taong ito. Hindi nagpakita ng pangunguna sa pag-aral si Rizal dahilan sa sama
ng loob dailan sa hindi magandang puna ng guro sa kaniya.

Prof. Armando S. Santos Page 10


2. Dumating sa Ateneo ang ilan sa kaniyang mga dating kamag-aral sa
Biñ an.
3. Hinulaan ni Rizal ang nalalapit na paglaya ng kaniyang/ina.
4. Nagsimula si Rizal ng kaniyang pagkahilig sa pagbabasa at ilan sa mga
aklat na ito ay ang mga sumusunod:

*Ang Konde ng Monte Kristo na sinulat ni Alexander Dumas.


*Kasaysayan g Daigdig na sinulat ni Cesar Cantu na pinilit niyang ipabili
sa kaniyang ama.
*Paglalakbay sa Pilipinas na isinulat ni Dr. Feodor Jagor.

Ikatlong Taon sa Ateneo (1875-76)

Nagbalik si Rizal sa Ateneo para sa kaniyang IkatlongTaon. Dumating ang


kaniyang ina at ipinaalam kaniyang paglaya kay Rizal.
Hindi rin kinakitahan ng pangunguna si Rizal sa klase. Natalo siya ng mga
kamag-aral na Espanyol sa wikang Espanyol dahilan sa mas mahusay ang mga
ito sa sa tamang pagbigkas.

Ika-apat na Taon sa Ateneo (1876-77)

Sa taong ito ay nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez


S.J. Ang nasabing pari ang humikayat kay Rizal para mag-aral na mabuti, lalo na
sa pagsulat ng mga tula. Sinabi ni Rizal na si Padre Francisco de Paula Sanchez
ay isang modelo ng katuwiran at pagsisikap para sa pag-unlad ng kaniyang mga
mag-aaral.

Dahilan dito ay nagbalik ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at natapos ang


taon ng pag-aaral na mayroong limang medalya. Naging ganap ang sigla ni Rizal
sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo. Nagtapos si Rizal sa Ateneo noong Marso 23,
1877 at natamo sa paaralan ang Bachiller en Artes.

Mga Naging Ibang Gawain sa Ateneo

1. Mga Samahan na Kinasapian ni Rizal


*Kalihim ng Marian Congregation

Prof. Armando S. Santos Page 11


*Kasapi ng Academy of Spanish Language
*Kasapi ng Academy of natural Sciences

2. Nag-aral siya pagguhit kay Agustin Saez na kilalang mahusay na pintor na


Espanyol. Nag-aral siya ng paglililok kay Romualdo de Jesus. Nag-aral din siya
ng eskrima at gymnastics.
3. Padre Jose Villaclara - nagsabi kay Rizal na tigilan na ang pagsulat ng tula.

Likhang Lilok

1. Imahen ng Birheng Maria na ipagkakaloob sana ni Rizal kay Padre


Lleonart.

Unang Pag-ibig ni Rizal

1. Segunda Katigbak – ang babaeng unang minahal ni Rizal.


2. Mariano Katigbak – kapatid ni Segunda at kaibigan ni Rizal.
3. La Concordia – ang paaralan na pinapasukan ni Segunda Katigbak.
4. Manuel Luz – ang lalaking takdang mapangasawa ni Segunda.
 
 
KABANATA 5 :PAG-AARAL SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
(1877-82)

Sa pagtatapos ni Rizal sa Ateneo ay naghanda siya para sa pag-aaral sa


unibersidad. Ang planong pagpasok ni Rizal sa unibersidad ay tinutulan ng
kaniyang ina dahilan sa pagkakaroon nito ng maraming kaalaman ay
nanganganib ang buhay ni Rizal.Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ina si Rizal ay
isinama ni Paciano sa Maynila para mag-aral.Noong Abril 1877 nagpatala para
mag-aral si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Ang una niyang kursong kinuha ay Pilosopia Y Letra bunga ng mga


sumususunod na dahilan:

Prof. Armando S. Santos Page 12


a.Ito ang gusto ng kaniyang ama
b.Wala pa siyang tiyak na kursong gusto

Padre Pablo Ramon SJ – ang hiningan ni Rizal ng payo ukol sa kaniyang


dapat na maging kurso sa UST. Sa unang semestre ng taong 1877-78 si Rizal
din ay nag-aral sa kursong perito agrimensor sa Ateneo. Sa ikalawang Semestre
ng nasabing taon ay natanggap ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Ramon SJ na
nagpapayo sa kaniya na kumuha ng Medisina. Kinuha ni Rizal ang kurso dahilan
sa kaniyang pagnanais na magamot ang kaniyang ina.

Nagkaroon si Rizal ng relasyon sa mga sumusunod na babae:

a. Binibining L. – isang babae na taga Calamba na laging dinadalaw ni Rizal


sa gabi sa panahon ng bakasyon na umuwi siya mula Maynila na bigo kay
Segunda Katigbak.
b. Leonora Valenzuela – kapitbahay ng inuupahang bahay ni Rizal. Kaniya
itong pinadadalhan ng sulat sa pamamagitan ng hindi nakikitang tinta.
k. Leonor Rivera – pinsan ni Rizal at anak ng kaniyang inuupahang bahay.
Sa kanilang pagsusulatan ay ginagamit ni Leonor ang pangalang Taimis.

Si Rizal ay naging biktima ng isang opisyal na Espanyol noong 1878. Si


Rizal ay pinalo ng sable sa likod ng nasabing opisyal. Noong 1879, si Rizal ay
lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario. Sa nasabing paligsahan ay
nanalo ng unang gantimpala ang kaniyang tulang sinulat na may pamagat na A
La Juventud Filipina.Ang paligsahan ay para lamang sa mga Pilipino.

Noong 1880, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario


ukol bilang pag-paparangal sa ika-400 taon ng kamatayan ni Miguel de
Cervantes. Sa nasabing paligsahan ang kaniyang ginawang akda na may
pamagat na El Consejo de los Dioses ay nanalo ng unang gantimpla. Ang
paligsahan ay bukas sa mga Pilipino at Espanyol.

Kampeon ng mga Estudyante – Nagtayo sina Rizal ng isang samahan na


tinatagwag na Compañerismo sa layunin na ipagtanggol ang kanilang sarili
laban sa mga pang-iinsulto ng kanilang mga kamag-aral na Espanyol.
Hindi naging masaya si Rizal sa UST bunga ng mga sumusunod na kadahilanan;

Prof. Armando S. Santos Page 13


a.Galit sa kaniya ang mga guro ng UST
b.Minamaliit ang mga mag-aaral na Pilipino ng mga Espanyol
k.Makaluma ang sistema ng pagtuturo sa UST
 
KABANATA 6 –: PAGPUNTA SA ESPANYA
(1882-85)

Ang Pag-alis

Sa pagtatapos ni Rizal sa kaniyang ika-apat na taon ng pag-aaral ng


medisina sa UST si Rizal ay nagbalak na tumungo ng Espanya para dito
magpatuloy ng pag-aaral.

Ang Lihim na Pag-alis ni Rizal

1. Paciano – ang nagbalak ng pag-alis ni Rizal para magtungo sa Europa.


2. Antonio Rivera – ang ama ni Leonor Rivera na kumuha ng pasaporte
ni Rizal patungo ng Espanya.
3. Jose Mercado – ang ginamit na pangalan ni Rizal sa kaniyang lihim na
pag-alis patungo sa Espanya.
4. Umalis si Rizal sa Pilipinas noong Mayo 3, 1882 sakay ng barkong
Salvadora.
5. Donato Lecha – ang kapitan ng barkong Salvadora.

Singapore

-Mayo 8, 1882 – narating ni Rizal ang Singapore.


-Hotel de la Paz – hotel na tinuluyan ni Rizal sa Singapore.

Dinalaw ni Rizal ang mga sumusunod:

1. Harding Botaniko
2. Distritong Pamilihan
3. Templong Budista

Prof. Armando S. Santos Page 14


4. Estatwa ni Thomas Stanford Raffles – tagapagtatag ng Singapore.
5. Nilisan ni Rizal ang Singapore sakay ng barkong Djemnah.

Colombo

Maraming iba’t ibang lahi ang nakasabay ni Rizal sa barko Djemnah at


binalak ni Rizal na magsalita ng Pranses ngunit hindi siya naintidihan ng mga
ito. Ang kaniyang sinabi sa Port Galle ay masyadong malungkot ang
lunsod.Nakarating siya sa Colombo at sinabi niyang maganda ang lunsod kaysa
sa Sinapore, Port Galle, at Maynila.

Suez Canal

Suez Canal – isang lagusang tubig na nag-uugnay sa Red Sea at


Mediterrenean Sea. Ferdinand de Lesseps – isang diplomatikong Pranses na
nagplano ng pagtatayo ng Suez Canal. Nakarating si Rizal sa Port Said na dulong
bahagi ng Ehipto. Dito nakita ni Rizal ang mga tao na nagsasalita ng iba’t ibang
mga wika.

Naples at Merseilles

Nagtungo ang barkong Djemnah sa Europa at noong narating ni Rizal ang


Naples noong Hunyo 11, 1882. Kinabukasan ay narating niya ang daungan ng
Merselles at kaniyang binisita ang Chateu d’If na siyang lugar na binanggit ni
Alexander Dumas sa kaniyang nobelang Count of Monte Cristo.

Barcelona

Hunyo 15, 1882 nilisan ni Rizal ang Merseilles at narating ang Barcelona
sakay ng tren galing Pransiya. Narating niya ang Barcelona noong Hunyo 16,
1882. Hindi maganda ang unang impresyon ni Rizal sa Barcelona dahilan siya
ay napatira sa hindi magandang bahagi ng lunsod. Sa bandang huli ay nagbago
ang kaniyang pananaw sa Barcelona dahilan sa nakita niya ang lunsod ay
nagtataglay ng kalayaan at liberalismo, ang mga tao ay palakaibigan, at
magagalang.

Prof. Armando S. Santos Page 15


Plaza de Cataluñ a – ang paboritong kaininan ng mga mag-aaral na Pilipino
sa Barcelona at dito binigyan si Rizal ng isang piging bilang pagbati sa kaniyang
pagdating.

Amor Patrio

Amor Patrio – ang unang akda ni Rizal sa labas ng bansa. Dito rin ginamit
ni Rizal ang pangalan sa panulat na Laong Laan.
Diariong Tagalog – isang mapangahas na pahayagan sa Maynila na
naglathala ng kaniyang mga artikulo.
Basilio Teodoro – ang patnugot ng Diariong Tagalog.
Marcelo H. Del Pilar – ang nagsalin ng Amor Patrio mula sa wikang
Espanyol sa wikang Tagalog.

Iba pang mga artikulong ipinadala ni Rizal sa Diariong Tagalog


a.Los Viajes
b.Revista del Madrid

Paglipat sa Madrid

Sa Barcelona ay nabalitaan ni Rizal ang balita ukol sa epidemya ng


kolera sa Pilipinas. Nakatanggap siya ng sulat mula kay Jose Cecilio na
nagbabalita ng malungkot na kalagayan ni Leonor buhat ng siya ay umalis.
Pinayuhan ni Paciano si Rizal na lumipat ng Madrid.

Buhay sa Madrid

Nagpatala si Rizal sa Universidad Central de Madrid sa mga kursong:


a.Medisina
b.Pilosopiya at Pagsulat

Prof. Armando S. Santos Page 16


Nagsikap na Matutunan ang mga sumusunod:
a. Pagpipinta at Paglilok sa Academy of Fine Arts of San Fernando
b. Nagsanay ng eskrima at pagbaril sa Hall of Arms of Sanz y Carbonell

Nag-aral ng mga wikang:


a. Pranses
b. Aleman
k. English

Namamasyal sa mga galerya ng sining at mga museo Nagbasa ng


maraming mga aklat.Naging matipid si Rizal sa kaniyang pagastos Ang tanging
sugal na tinayaan ni Rizal ay ang lotto Nagpapalipas ng mga libreng oras sa
bahay ng mga Paterno.

Pag-ibig kay Consuel Ortiga y Perez

Nagkaroon ng pagkakataon si Rizal na makabisita sa bahay ni Señ or


Pablo Ortiga y Rey na dating alcalde ng Maynila sa panahon ng panunungkulan
ni Gobernador Heneral Polavieja.
Consuelo ang anak na dalaga ni Don Pablo na umibig kay Rizal.
Pinadalhan ni Rizal ng isang tula ang dalaga na may pamagat na A La Señorita C.
O. Y P. Hindi itinuloy ni Rizal ang panliligaw sa dalaga dahilan sa:
a. Tapat siya kay Leonor
b. Ang kaniyang kaibigang si Eduardo de Lete ay nanliligaw sa dalaga

Si Rizal Bilang Mason

Sa Madrid ay nakilala ni Rizal ang mga kilalang liberal ng Espanya na ang


mga ito ay kabilang sa samahan ng mga Mason.
Masonerya – isang pandaigdig na kapatiran ng mga taong may malayang
kaisipan.

Prof. Armando S. Santos Page 17


Sumali si Rizal sa nasabing samahan upang mahingi ang tulong ng mga ito
sa kaniyang paglaban sa mga prayle sa Pilipinas.
Logia de Acacia – ang balangay ng Masoneya na inaniban ni Rizal.

Paghihirap sa Madrid

Nagkaroon ng paghihirap si Rizal sa Madrid dahilan sa hindi naging


maganda ang ani sa kanilang lupa. Dahilan dito ay hindi nakarating ang
sustento ni Rizal sa Madrid. Ipinagbili ni Paciamo ang bisiro ni Rizal para may
maipadala lamang kay Rizal. Kumuha si Rizal ng pagsusulit sa kaniyang aralin
sa Griego na hindi man lamang nag-aalmusal at nananghalian.

Pagpugay kina Luna at Hidalgo

Nagkaroon ng pagpupugay ang mga Pilipino dahilan sa pagkapanalo nina :


a. Juan Luna sa Spolarium
b. Felix Resurecion Hidalgo sa Virgines Christianas Expuesta al Populacho.

Pagtatapos sa Pag-aaral
Natapos ni Rizal noong 1885 ang kaniyang kurso sa Medisina at Pilosopiya
 
  
KABANATA 7 : RIZAL SA PARIS AT BERLIN

Paris (1885-86)

Nagtungo si Rizal sa Paris at Berlin para sa kanyang layunin na


magpakadalubhasa sa optalmolohiya o paggamot sa mata. Bago nagtungo sa
Paris pansamantalang tumigil si Rizal sa bahay ni Maximo Viola na nag-aaral ng
medisina sa Barcelona. Sa Barcelona kaniyang nakilala si Eusebio Carominas
ang patnugot ng pahayagang La Publicidad .

Nobyembre 1885 - nakarating si Rizal sa Paris at naglingkod bilang


katulong ni Dr. Loius de Weckert na pangunahing optalmolohista ng Pransiya.

Prof. Armando S. Santos Page 18


Nanatili dito si Rizal mula Nobyembre 1885 hanggang Pebrero 1886.

Sa labas ng kaniyang oras sa klinika ni Dr. Weckert ay kanyang


kaibigan partikular na dito ang pamilyang Pardo de Tavera.

Heidelberg

Pagkatapos ng kanilang mga gawain sa Paris si Rizal ay nagtungo ng


Alemanya para sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa optalmolohiya.

Pebrero 3, 1886 - dinalaw ni Rizal ang makasaysayang lunsod ng


Heidelberg na kilala sa kanyang unibersidad. Naninirahan siya sa isang
boarding house na tinitirhan ng mga mag-aaral ng abogasya.

Sa Heidelberg si Rizal ay naglingkod bilang katulong sa klinika ni Dr.


Otto Becker, isang kilalang doktor ng optalmolohiya sa Alemanya.

A Las Flores de Heidelberg ang tulang sinulat ni Rizal sa kagandahan ng


mga bulaklak ng Heidelberg. Sa nasabing lunsod inabutan si Rizal ang
selebrasyon ng Ikalimang Daan Taon ng Pagkakatatag ng Heidelberg.

Wilhelmsfeld

Wilhelmsfeld isang bayang bakasyunan sa Alemanya kung saan si Rizal


ay tumigil ng tatlong buwan. Karl Ullmer pastor protestante na tinigilan ni
Rizal habang siya ay nagbabakasyon sa Wilhelmsfeld. Napamahal kay Rizal ang
pamilya ni Pastor Ullmer at ito ay kaniyang ipinadama niya sa pamamagitan ng
pagsulat sa anak nito na si Friedrich Ullmer na nagpapasalamat sa kabutihan ng
nasabing pamilya.

Unang Sulat kay Blumentritt

Hulyo 31, 1886 - petsa ng unang sulat ni Rizal na ipinadal;a niya kay
Blumentritt.

Prof. Armando S. Santos Page 19


Ferdinand Blumentritt - isang propesor sa Ateneo ng Leitmeritz, Austria
na interesado sa pag-aaral ng mga diyalekta ng Pilipinas.

Aritmetika - pamagat ng aklat na nakasulat sa wikang Espanyol at Tagalog


na ipinadala ni Rizal kay Blumentritt upang magamit niyang batayan sa pag-
aaral ng wikang Tagalog.

Leipsig at Dresden

Leipsig - isang lunsod sa Alemanya na kaniyang binisita upang dumalo ng


aralin sa Kasaysayan at Sikolohiya. Dito ay kanyang naging kaibigan si Friedrich
Ratzel na kilalang mananalaysay at si Dr. Hans Mever na isang kilalang
antropologo. Isinalin din ni Rizal ang akda ni Hans Christian Andersen.

Dresden - binisita ni Rizal ang lunsod na ito at dito ay kaniyang nakilala


si Dr. Adolph Mever ang direktor ng Museo ng Antropolohiya at Etnolohiya.

Pagtanggap kay Rizal sa Kalipunang Siyentipiko sa Berlin

Berlin - hinangaan ni Rizal ang lunsod na ito dahilan sa pagkakroon nito


ng siyentipikong kapaligiran at malaya sa pagtatangi ng lahi.
1. Dr. Feodor Jagor - nakatagpo ni Rizal ang nasabing manlalakbay na
sumulat ng isang akalt tungkol sa Pilipinas.
2. Dr. Rudolf Virchow - isang kilalang antropolohistang Aleman na
nakilala ni Rizal sa Berlin.
3. Dr. W. Joest - isang kilalang heograpong Alemanya na nakilala ni Rizal
sa Berlin.
4. Dr. Karl Ernest Schweigger- isang kilalang optalmolohista ng Berlin at
dito si Rizal ay naglingkod sa klinika.
5. Dr. Rudolf Virchow - kanyang inimbitahan si Rizal na magsalita sa
isang pagpupulong ng Ethnographic Society ng Berlin.

Tagalog Verskunt - ang pamagat ng papel panayam na binasa ni Rizal sa


isinagawang pagpupulong ng Ethnographic Society ng Berlin.

Prof. Armando S. Santos Page 20


Buhay ni Rizal sa Berlin

Mga dahilan ni Rizal sa Pagtigil sa Berlin


a. Palawakin ang kaalaman sa optalmolohiya
b. Palawakin ang kaalaman sa agham at wika
k. Magmasid sa kalagayang pulitikal at kabuhayan ng Alemanya
d. Makilahok sa mga kilalang siyentipikong Aleman
e. Ipalimbag ang Noli Me Tangere

Obserbasyon sa Mga Kababaihang Aleman


a. Seryosa
b. Matiyaga
k. Edukada
d. palakaibiganin

Paghihirap sa Berlin
1. Walang dumating na padalang pera mula sa Calamba
2. Kumakain lamang ng isang beses sa isang araw
3. Naglalaba ng kaniyang sariling damit
4. Naghihinala siya sa pagkakaroon ng sintomas ng sakit na tuberkulosis
 
 
KABANATA 8 : NOLI ME TANGERE

Dahilan Kung Bakit Sinulat ang Noli Me Tangere

1. Matugon ang paninirang puri ipinaratang ng mga kastila sa mga


Pilipino at sa bansa.

Prof. Armando S. Santos Page 21


2. Maimulat ang kalagayang panlipunan, uri na pamumuhay, mga
paniwala, pag-asa, mithiin o adhikain, karaingan at kalungkutan.
3. Maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginawang dahilan o
sangkalan sa paggawa ng masama.
4. Maipahiwatig ang pagkakaiba ng tunay sa di tunay na relihiyon. Ang
huli ay gumamit ng pamahiin at banal na salita upang makuha ang salapi at
mapaniwala ang mga tao sa mga bagay-bagay na mahirap matanggap.
5. Mailarawan ang mga kasawian, masamamg hilig, kapintasan at
kahirapan sa buhay.

Layunin sa Pagsulat ng Noli me Tangere

1. Gisingin ang damdamin ng mga Pilipino


2. Bigyang babala ang mga kastila o pamahalaan
3. Udyukan ang mga Pilipino sa lumaban.

Ang Ideya at Pagsulat ng Noli

Uncle Tom's Cabin - isang nobela na sinulat ni Harriet Beecher Stowe na


tumatalakay sa buhay ng mga aliping itim sa Amerika.

Enero 2, 1884 - petsa ng pagtitipon kung saan pinanukala ni Rizal sa grupo


ng mga Pilipino na magsulat sila ng isang nobelang ukol sa kalagayan ng
Pilipinas.

Paghahati ng Pagsulat ng Noli Me Tangere


*1/2 sa Espanya (Madrid)
*1/4 sa Pransya(Paris)
* 1/4 sa Alemanya

Wilhelmsfeld - dito tinapos ni Rizal ang mga huling kabanata ng Noli Me


Tangere.

Prof. Armando S. Santos Page 22


Maximo Viola - ang nagsilbing tagapagligtas ng Noli Me Tangere sa
pamamagitan ng pagpapahiram niya kay Rizal ng halagang P300 upang
magamit sa pagpapalimbag ng nasabing nobela.
Pebrero 21, 1887 - petsang natapos ang Noli Me Tangere at inihanda para
sa pagpapalimbag.
Berlin Buchdruckrei-Action-Gesselschaft - ang palimbagan na tumanggap
upang ilaathala ang Noli Me Tangere sa halagang P300 sa daming 2,000 kopya.
Marso 21, 1887 - lumabas ng palimbagan ang nobelang Noli Me Tangere.

Mga Unang Pinadalahan ni Rizal ng kopya ng Noli

*Ferdinand Blumentritt
*Dr. Antonio Ma. Regidor
*Graciano Lopez-Jaena
*Mariano Ponce
*Felix Resurrecion- Hidalgo

Kinuha ni Rizal ang pamagat ng Noli Me Tangere mula sa ebanghelyo ni


San Juan. Inihandog ni Rizal ang Noli Me Tangere sa inang bayan.

Elias at Salome - ang isang kabanata na inalis ni Rizal sa Noli Me Tangere


upang makatipid siya sa presyo ng pagpapalimbag ng nobela.

KABANATA 9 : PAGLALAKBAY SA EUROPA KASAMA NI VIOLA

Ang Paglalakbay

Mayo 11, 1887 - nagsimula ang paglalakbay nina Rizal at Viola sa Europa.

Dresden

Prof. Armando S. Santos Page 23


Ang kanilang paglalakbay sa Dresden ay napataon sa Eksposisyon ng mga
Bulaklak. Binisita ni Rizal si Dr. Adolph Meyer sa Museo ng Sining.
Prometheus Bound - isang obra maestrang pinta na labis na hinangaan ni
Rizal sa Dresden.
Dr. Jagor - nagpayo kay Rizal na padalhan muna ng telegrama si
Blumentritt bago siya pumunta ng Leitmeritz.

Leitmeritz

Mayo 13, 1887 - dumating si Rizal sa Leitmeritz at dito siya ay sinalubong


ni Prof. Ferdinand Blumentritt sa istasyon ng tren dala ang larawan na
pagkakakilalanan kay Rizal.
Hotel Kreb dito tumira sina Rizal at Blumentritt habang bumibisita sa
Leitmeritz. Nakilala ni Rizal ang pamilya ni Blumentritt
1. Rosa ang asawa ni Blumentritt
2. Dolores - anak
3. Conrad - anak
4. Fritz – anak

Burgomaster - ipinakilala ni Blumentritt si Rizal at kaniyang hinangaan


ang katalinuhan ni Rizal sa madaling pagkatuto ng wikang Aleman.
Dr. Carlos Czepelak - isa sa mga kilalang siyentipiko ng Europa nakilala
ni Rizal sa Leitmeritz.
Robert Klutschak - isang bantog na naturalista na nakilala ni Rizal sa
Leitmeritz.

Prague

Dinalaw ni Rizal at Viola ang lunsod na ito noong Mayo 17 -19, 1887 Dr.
Willkom - ang professor ng natural history ng Unibersidad ng Prague na
dinalaw ni Rizal sa lunsod dala ang sulat ng pagpapakilala ni Blumentritt.
Binisita ni Rizal at Viola ang libingan ni Copernicus - ang dakilang astronomo sa
kasaysayan ng sangkatauhan. Binisita din nila ang kuweba na nagsilbing
bilangguan ni San Juan Nepomuceno pati na ang tulay na pinaghulugan nito.

Prof. Armando S. Santos Page 24


Vienna

Binisita ni Rizal sa lunsod na ito si Norfenfals na isa sa mga


pinakadakilang nobelista ng Europa noong panahong iyon. Sa dakong huli
hinangaan din niya si Rizal sa katalinuhang taglay nito.
Hotel Metropole - hotel na tinigilan nina Rizal at Viola sa Vienna.

Pagbaybay sa Ilog Danube

Danube - isa sa mga malalaking ilog ng Europa. Nagsakay sina Rizal at


Viola ng bangka upang makita ang kagandahan ng ilog at ng kanyang mga
pangpang. Dito napansin ni Viola sa unang pagkakataon ang kakaibang gamit ng
mga tagarito na papel na napkin sa kanilang pagkain.

Lintz tungo sa Rheinfall

Munich - dinalaw nina Rizal at Viola ang lunsod at panandaliang


namasyal upang malasahan ang Munich beer na bantog sa buong Alemanya.

Nuremberg - sa lunsod na ito ay dinalaw nina Rizal at Viola ang museo na


nagtataglay ng mga kagamitang pangpahirapna ginamit sa panahon ng
Ingkisisyon at ang pagawaan ng manyika na pinakamalaking industriya ng
lunsod.

Ulm - dinalaw nina Rizal at Viola ang katedral ng lunsod na kilala bilang
pinakamalaki at pinakamataas at pinanhik ang tore nito.

Rheinfall - nakita ni Rizal ang talon na ito na kanyang sinabing


"pinakamaganda sa buong Europa."

Prof. Armando S. Santos Page 25


Switzerland

Geneva - kay Rizal ang lunsod na ito ang pinakamaganda sa buong


Europa. Mga wikang sinasalita ng mga taga-Switzerland Aleman, Pranses,
Italyan.

Dito niya natanggap ang isang telegrama ukol sa isinasagawang


Eksposisyon sa Madrid na ang ipinapakita sa Pilipinas ay ang mga tribo ng
Igorot na suot na bahag at mga makalumang kagamitan ay pinagtatawanan ng
mga taga- Madrid. Sa Geneva inabutan si Rizal ng kanyang ika-26 na taong
kaarawan at kanyang pinakain si Viola ng isang masaganang pagkain.

Dito sa lunsod ng Geneva naghiwalay sina Rizal at Viola. Si Rizal para


ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay sa Italya at si Viola naman para magbalik
sa Barcelona.

Italya
Mga lunsod ng Italya na binisita ni Rizal
Turin
Milan
Venice
Florence

Roma

Roma - nakarating si Rizal sa "lunsod ng mga Caesar" noong Hunyo 27,


1887. Hinangaan ni Rizal ng labis ang karangyaan ng nasabing lunsod.

Mga kahanga-hangang tanawin na binisita ni Rizal sa Roma

Prof. Armando S. Santos Page 26


Capitolium
Bato ng Tarpeian
Palatinum
Forum Romanum
Ampiteatro
Simbahan ng Santa Maria Magigiore

Vaticano - ang lunsod na sentro ng Katolisismo sa mundo at dinalaw ito


ni Rizal noong Hunyo 29, 1887. Kanyang nakita ang Basilica de San Pedro - ang
pinakamalaking simbahan sa mundo.

  
KABANATA 10 : ANG UNANG PAGBABALIK SA PILIPINAS

Desisyon o Dahilan ng pagbalik sa Pilipinas

1. Gamutin ang mata ng kanyang ina.


2. Pagsilbihan ang kanyang kababayan.
3. Alamin ang pananahimik ni Leonor Rivera.
4. Tuklasin ang epekto ng Noli me Tangere sa kanyang kababayan at sa
mga kastila sa PIlipinas.

Mga Tumangging magbalik si Rizal sa Pilipinas

1. Paciano Rizal
2. Silvestre Ubaldo
3. Jose Cecilio

Hunyo 29, 1887 - tumelegrama si Rizal sa kaniyang ama ukol sa kanyang


pagbabalik sa Pilipinas.

Prof. Armando S. Santos Page 27


Pagbabalik Patungo ng Maynila

Hulyo 3 ,1887 - lumulan si Rizal sa barkong Diemnah ang barkong kanyang


sinakyan noong siya ay magtungo ng Europa limang taon na ang nakakaraan.

Hulyo 30, 1887 nakarating si Rizal sa Saigon at sumakay ng barkong


Haipong. Agosto 5, 1887 nakarating ang Haipong sa Maynila. Napansin ni Rizal
na sa limang taon niyang pagkakahiwalay sa bansa ay halos walang nagababago
sa kaayusan at kaanyuan ng lunsod ng Maynila.

Pagbabalik sa Calamba

Agosto 8, 1887 - petsa ng makarating si Rizal sa Calamba. Paciano hindi


niya hiniwalayan si Rizal sa mga unang araw ng pagbabalik nito sa Calamba
dahilan sa kanyang pag-aalala sa kaligtasan ng kanyang nakababatang kapatid.

Nagtayo si Rizal ng isang klinika sa Calamba upang maka-paglingkod siya


bilang manggagamot. Ang kanyang unang naging pasyente ay ang kanyang ina,
nguni't hindi niya ito inoperahan sa dahilang ang katarata nito ay hindi pa noon
hinog.

Tinawag si Rizal na Doktor Uliman ng mga taga -Calamba at naging bantog


sa Calamba at mga karatig bayan at dinayo ng mga tao ang kanyang klinika.
Kumita si Rizal ng P900 sa unang buwan ng kanyang paggagamot at sa buwan
ng Pebrero 1888 ang halaga ay umabot ng P5,000. Nagtayo si Rizal ng isang
gymnasium sa Calamba upang mailigtas ang kanyang mga kababayan sa bisyong
tulad ng sugal at sabong.

Prof. Armando S. Santos Page 28


Hindi nadalaw ni Rizal si Leonor Rivera dahilan sa pagtutol ng kanyang
mga magulang na dalawin ang dalaga. Ang mga magulang ni Leonor Rivera ay
ayaw na makatuluyan ng kanilang anak na si Rizal.

Ang Kaguluhang Bunga ng Noli Me Tangere

Nilapitan ng mga prayle ang gobernador heneral at naghahatid ng mga


sumbong na laban sa nobelang Noli Me Tangere.

Emilio Terrero ang gobernador heneral na nagpatawag kay Rizal ukol sa


usapin ng nobelang Noli Me Tangere at kanyang hinigian si Rizal ng isang kopya
ng nasabing nobela. Walang kopyang maibigay si Rizal dahilan sa naubos na ang
kanyang mga dala.

Binisita ni Rizal sa Ateneo ang kanyang mga dating guro na sina Padre
Federico Faura, Francisco Paula Sanchez, at Jose Bech upang hingin niya ang
kopya ng Noli Me Tangere na kanyang ibinigay sa Ateneo, ayaw ibigay ng mga
pareng Jesuita ang kanilang mga kopya.

Pedro Payo ang arsobispo ng Maynila na kalaban ng mga Pilipino at


nagpadala ng kopya ng Noli Me Tangere sa rektor ng Unibersidad ng Santo
Tomas upang pag-aralan ang nobela. Gregorio Echavarria ang rektor ng UST at
katulong ng lupon ng mga guro ng unibersidad na gumawa ng pag-aaral sa
nobelang Noli Me Tangere.

Ayon sa pag-aaral ng mga lupon ng mga guro ng UST ng rekomendasyon


na ang Noli Me Tangere ay heretikal, subersibo, at laban sa kaayusang
pampubliko.

Hindi nagustuhan ni Terrero ang ulat ng lupon ng mga guro ng UST


dahilan sa alam niyang kalaban ni Rizal ang mga Dominikano at ipinadala ang

Prof. Armando S. Santos Page 29


kopya ng Noli Me Tangere sa Permanenteng Lupon ng Sensura na binubuo ng
mga pari at mga taong hindi alagad ng simbahan.

Padre Salvador Font - ang pinuno ng Lupon sa Sensura na nag-ulat na


ang Noli Me Tangere ay subersibo at kontra sa simbahan at pamahalaan.
Kanyang iminungkahi ang pagbabawal ng pag-aangkat, paggawa at pagbibili ng
mapanirang nobela.

Mga Kaaway ng Noli Me Tangere


Padre Jose Rodriguez - prayle ng Guadalupe na naglabas ng walong
polyeto na bumabatikos sa Noli Me Tangere. Ang mga polyetong isinulat niya ay
ipinagbibili sa mga nagsisimba. Questiones De Summo Interes ang pamagat ng
polyetong ginawa.

Mga Senador ng Espanya na bumabatikos sa Noli Me Tangere.


Jose Salamanca
Luis M. de Pando
Fernando Vida

Vicente Barrantes - kanyang binatikos ang Noli Me Tangere sa kanyang


inilathalang artikulo sa pahayagang La Espana Moderna.

Mga Tagapagtanggol ng Noli Me Tangere

Marcelo H. del Pilar


Antonio Ma. Regidor
Graciano Lopez Jaena
Mariano Ponce
Segismundo Moret - isang Espanyol na dating Ministro ng hari ng Espanya at
tagapagtanggol ng Noli Me Tangere.
Miguel Morayta - propesor ng kasaysayan sa Unibersidad Central de Madrid.
Ferdinand Blumentritt

Prof. Armando S. Santos Page 30


Padre Vicente Garcia - isang iskolar na paring Pilipino na gumawa ng isang
polyeto na ginamitan niya ng pangalang panulat na Desiderio Magalang at
kanyang sinagot ang mga akusasyon ni Padre Jose Rodriguez laban sa Noli Me
Tangere at sa may akda nito.

Ang Pakikipagkaibigan kay Jose Taviel de Andrade

Jose Taviel de Andrade - isang tenyente ng hukbong Espanyol na


inatasan ni Gobernador Heneral Terrero upang magsilbing tagabantay ni Rizal
laban sa mga lihim niyang kaaway. Dahilan sa kapwa mga kabataan, edukado, at
may kultura naging ganap na magkaibigan sina Rizal at Andrade . Nakasama ni
Rizal si Andrade sa pamamasyal, iskrimahan, at pagbaril.

Suliranin Agraryo sa Calamba

Naimpluwensiyahan si Gobernador Heneral Terrero ng kanyang nabasa


sa Noli Me Tangere at nagpasimula ng imbestigasyon sa mga hacienda na pag-
aari ng mga prayle upang maituwid ang mga pagmamalabis na nagaganap dito.
Tumulong si Rizal sa kanyang mga kababayan sa Calamba sa pagkuha ng
mahahalagang datos ukol sa suliraning agraryo sa kanyang bayan.
Lumabas sa pag-aaral na ginawa ni Rizal ang mga sumusunod:

a. ang hacienda ng mga paring Dominikano ay sumasakop sa buong


bayan ng Calamba.
b. Ang tubo ng mga paring Dominikano ay patuloy na tumataas dahilan
sa walang taros na pagpapalaki ng binabayarang upa sa lupa.
k. Ang hacienda ay hindi man lamang nagkakaloob ng anumang tulong
pinansiyal para sa mga pagdiriwang ng mga kapistahan, sa edukasyon ng mga
kabataan, at pagpapabuti ng agrikultura.

Prof. Armando S. Santos Page 31


d. Ang mga kasama na siyang nahirapan ng labis sa paggawa sa hacienda
ay pinapaalis na lamang mula sa lupa sa dahilan lamang sa mga mababaw na
kadahilanan.
e. Sinisingil ng mataas na tubo ang mga kasama sa hacienda at kung hindi
nakapagbabayad ay kinukumpiska ng mga tagapangasiwa ng hacienda ang mga
hayop, kagamitan, o maging ang bahay ng mga kasama.

Pag-alis sa Calamba

Dahilan sa Noli Me Tangere at pakikialam ni Rizal sa suliraning agraryo


sa hacienda sa Calamba, si Rizal ay labis na kinamuhian ng mga prayleng
Dominikano. Pinilit ng mga prayle ang Gobernador Heneral Terrero na iligpit si
Rizal sa pamamagitan ng pagpaptapon sa kanya ngunit ang gobernador heneral
ay hindi sumunod sa kagustuhan ng mga prayle. Nakatanggap ng mga
pagbabanta sa buhay ni Rizal ang kanyang mga magulang at pinaki-usapan siya
ng kanyang mga kamag-anakan pati na ni Tenyente Jose Taviel de Andrade na
umalis na muna ng Pilipinas.

Pinatawag si Rizal ni Gobernador Heneral Terrero at pinayuhan siya na


umalis ng Pilipinas para sa kabutihan ng una.

1. Napilitang umalis si Rizal sa Pilipinas bunga ng dalawang pangunahing


kadahilanan.
a. Nasapanganib na rin ang buhay ng kanyang mga magulang, kapatid at
mga kaibigan.
b. Mas higit siyang makalalaban para sa kapakanan ng bayan kung siya
ay magsusulat na malaya sa ibang bansa.
 
 
KABANATA 11: HONGKONG AT MACAO

Biyahe Patungo sa Hongkong

Prof. Armando S. Santos Page 32


Peberero 3, 1888 - sumakay si rizal ng barkong Zafiro patungo ng
Hongkong at nakarating sa Amoy, China noong Pebrero 7,1888. Hindi lumabas
si Rizal ng Amoy bunga ng tatlong dahilan:
a. hindi mabuti ang kanyang pakiramdam
b. umuulan noon ng malakas
k. narinig niya na ang lunsod ay marumi.

Victoria Hotel - dito nanuluyan si Rizal sa pagdating sa Hongkong

Jose Sainz de Varanda - isang opisyal na Espanyol na sumusubaybay o


nagmamanman kay Rizal sa Hongkong.

Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong ang mga Pilipinong takas mula sa


Marianas na hinuli ng mga Espanyol noong 1872.Nakatagpo ni Rizal sa
Hongkong si Jose Basa isang abogadong tumakas sa Marianas at biktima ng
terorismo ng Espanya ng 1872.

Karanasan sa Hongkong

Naobserbahan ni Rizal ang mga sumusunod sa Hongkong;


a. Maingay na pagdiriwang ng Bagong Taon ng Pebrero 11- 13, 1888.
b. Ang kaibahan ng tanghalan ng mga Tsino at paraan ng pagganap at
paglalarawan ng mg galaw ng mga tauhan.
k. Ang masaganang piging kung saan ang mga panauhin ay inaanihan
ng labis na pagkain.
d. Ang mga Dominikano ang pinakamayamang ordeng pangrelihiyon sa
Hongkong dahilan sa pag-aari ng maraming mga bahay paupahan, at malaking
halagang salapi na nakadeposito sa mga bangko na tumutubo ng malaking
interes.

Pagbisita sa Macao
Kiu Kiang - ang barkong sinakyan ni Rizal at Basa patungo sa Macao
noong Pebrero 18, 1888 at nakita niya dito si Jose Sainz de Varanda na
sumusunod sa kanya.

Prof. Armando S. Santos Page 33


Don Juan Francisco Lecaros - Pilipino na nakapag-asawa ng Portugess at
sa kanyang bahay si Rizal ay nanuluyan habang sila ay nasa Macao. Si Don Juan
Francisco Lecaros ay naging kinatawan ng Pilipinas sa Spanish Cortez.

Paglisan sa Hongkong

Pebrero 22, 1888 - nilisan ni Rizal ang Hongkong sakay ng barkong


Oceanic na pag-aari ng mga Amerikano at kanyang patutunguhan ay ang
bansang Hapon.

 
KABANATA 12 : SI RIZAL SA BANSANG HAPON

Ang Pagdating sa Hapon

Pebrero 28, 1888 - duamting si Rizal sa Yokohama at tumigil sa Grand


Hotel. Mula sa Yokohama nagtungo si Rizal sa Tokyo na siyang punong lunsod
ng nasabing bansa.

Tokyo

Juan Perez Caballero - opisyal ng Espanya sa Tokyo na bumisita kay


Rizal sa hotel at inanyayahan si Rizal na manirahan sa gusali ng legasyon.
Tumira si Rizal sa legasyon ng Espanya sa tokyo dahilan sa mga sumusunod:
a. Makatitipid siya ng malaki kung sa legasyon maninirahan
b. Wala naman siyang itinatago sa mga Espanyol.

Sa kaniyang paninirahan sa legasyon ay naging matalik niyang kaibigan


si Juan Perez Caballero at kanyang sinabi na ang diplomat ay isang bata,
matalino, at mahusay na manunulat. Sa unang araw ni Rizal sa Tokyo ay
napahiya si Rizal sa dahilan na napagkamalan na isang Hapon na hindi
marunong magsalita ng nihongo. Napilitan si Rizal na mag-aral ng wikang
nihongo at natutunan niya ito sa loob ng ilang araw lamang. Pinag-aralan din ni

Prof. Armando S. Santos Page 34


Rizal ang kabuki, sining, musika, at jujitsu. Nakatagpo ni Rizal sa Tokyo ang mga
musikerong Pilipino.

Ang Impresyon ni Rizal sa bansang Hapon

a. ang kagandahan ng bansa


b. Kalinisan, pagiging magalang, at kasipagan ng mga Hapon
k. Magandang kasuutan at kasimplehan ng mga Haponesa
d. Kakaunti ang magnanakaw sa Tokyo
e. Halos walang pulubing makikita sa lansangan

O-Sei-San

Seiko Usui - ang babaing inibig ni Rizal noong siya ay nasa bansang
Hapon at mas kilala siya sa katawagang ibinigay ni Rizal na O-Sei-San. Nakita ni
Rizal si O-Sei-San sa labas ng legasyon ng Espanya sa Tokyo na kung saan
malapit ang tinitirhan ni O-Sei-San.

Inabangan ni Rizal sa kanyang pagdaan sa harapan ng legasyon at siya ay


ipinakilala ng hardinero ng legasyon kay O-Sei-San na isang manggagamot na
mula sa Maynila at panauhin ng legasyon. Sumagot si O-Sei-San sa salitang
Pranses at Ingles.

Buhat noon ay araw-araw nagkakatagpo si Rizal at O-Sei-San at nakasama


ni Rizal sa pamamasyal sa mga magagandang lugar ng lunsod ng Tokyo.
Napamahal si Rizal kay O-Sei-San dahilan ang una ay bigo kay Leonor Rivera at
biktima ng kawalan ng katarungan.

Si O-Sei-San ay anak ng isang samurai 23 at walang karanasan sa pag-ibig.


Ang magkatulad nilang interes sa sining ang nagbigay daan sa kanilang pag-ibig.
Nakita ni Rizal kay O-Sei-Sanang kaniyang ideal na babaing iibigin. Si O-Sei-San
ay maganda, mapanghalina, mahinhin at matalino.Naibigan ni O-Sei-San si Rizal
dahilan sa maginoo, magalang at pagkakaroon ng maraming kaalaman.

Prof. Armando S. Santos Page 35


Tinulungan ni O-Sei-San si Rizal sa maraming paraan ng higit sa isang
katipan. Si O-Sei-San ay nagsilbing kasama ni Rizal sa pamamasyal, interpreter
at tagapagturo. Ang kagandahan ni O-Sei-San ay halos bumihag kay Rizal na
manirahan sa Hapon at tanggapin ang magandang hanapbuhay na inaalok ng
legasyon ng Espanya sa Tokyo.

Pinili ni Rizal ang paglilingkod sa bayan kaysa sa pakasalan si O-Sei-San.


Naging tapat si O-Sei-San kay Jose Rizal nag-asawa lamang ito noong 1897
pagkatapos na bitayin si Rizal. Napangasawa ni O -Sei-San si Alfred Charlton na
isang Ingles na isang guro ng kemistriya sa Tokyo.

Pag-alis sa Hapon

Abril 13, 1888 petsa ng umalis si Rizal sa Yokohama patungo ng Amerika


sakay ng barkong Belgic. Sa kanyang paglalakbay sa Pasipiko ay nakatagpo ni
Rizal sa barko ang mag-asawang Reinaldo Turner at Emma Jacson. Itinanong ng
kanilang anak kung kilala niya si Richal na sumulat ng Noli Me Tangere . Sinabi
niya sa mga bata na siya si Rizal.

Techo Suhiro -isang Hapon na nakasabay ni Rizal sa barko. Siya ay


mamamahayag, nobelista, at tagapagtanggol ng karapatang pantao sa Hapon.
Magkatulad si rizal at Techo sa dahilan sa silang dalawa ay pinaalis sa kanilang
mga bansa ng isang mapagmalupit na pamahalaan. Kapwa sila mga lalaki ng
kapayapaan na gumamit ng lakas ng panulat sa pagtuligsa sa kabuktutan na
nagaganap sa kanilang bansa.

Nagtungo sila sa ibang bansa upang doon ipagpatuloy ang kanilang


pakikipaglaban para sa karapatan ng kanilang mga kababayan. Kapwa sila
mayroong misyon na palayain ang kanilang bansa sa mga mapaniil na pinuno
ng pamahalaan.
KABANATA 13 : SI RIZAL SA ESTADOS UNIDOS

Ang Paglalakbay sa Amerika

Prof. Armando S. Santos Page 36


Abril 28, 1888 - dumating ang barkong Belgic sa daungan ng lunsod ng
San Francisco. Hindi pinayagan ang mga pasahero na makababa ng barko at sila
ay kinuwarentenas dahilan sa takot ng mga Amerikano na ang mga ito ay
mayroong sakit na kolera.

Nabigla si Rizal sa dahilang noong panahong iyon ay walang epidemya ng


kolera sa Malayong Silangan at ang konsul ng Estados Unidos sa Hapon ay
nagbigay ng patunay na walang epidemya ng nasabing sakit sa Hapon.

Nalaman ni Rizal na ang dahilan ng kuwarentenas ay upang hind


makapasok agad ang mga manggagawang Tsino sa Estados Unidos na ayaw ng
mga Amerikanong manggagawa. Pag pumasok ang mga manggagawang Tsino
ay matatalo ang nakaupong presidente ng Amerika sa nalalapit na eleksiyon.

Kahit na may kuwarentenas ay pinayagan ng mga Amerikano na


makapasok ang 700 bales ng sutla na mula sa Tsina na hindi man lamang
pinapausukan ng gamot.

Nakaalis si Rizal at mga biyahero mula sa primara klaseng kabina mula sa


kuwarentenas pagkatapos ng isang linggo. Ang mga Hapon at Tsino ay
ikinulong pa ng mas mahabang panahon.

Tumuloy si Rizal sa Palace Hotel sa kanyang panahon ng pananatili sa San


Francisco. Mula sa San Francisco ay tinawid ni Rizal ang kalawakan ng Estados
Unidos hanggang sa lunsod ng New York. Narating ni Rizal ang New York noong
Mayo 3, 1888 at kaniyang sinabi na ang lunsod ay isang napakalaking bayan.

Mula sa New York si Rizal ay sumakay ng barkong City of Rome na nagdala


sa kanya patungo ng London.

Mga Impresyon ni Rizal sa Amerika

Mabuting Impresyon

Prof. Armando S. Santos Page 37


a. ang kaunlaran ng Estados Unidos ay makikita sa kanyang malalaking
lunsod, malawak ang bukid, at lumalagong mga industriya at abalang mga
pabrika.
b. Ang pagiging masigasig ng mga mamamayang Amerikano.
k. Ang likas na kagandahan ng bansa.
d. Ang mataas na antas na pamumuhay ng tao.
e. Ang magandang pagkakataon para sa mga dayuhang manggagawa.

Masamang Impresyon

a. Ang kawalan ng pagkakapantay ng mga lahi. Ang Amerika ay isang


magandang bayan para sa mga puti at hindi sa mga taong may
kulay ang balat.
 
 
KABANATA 14 : SI RIZAL SA LONDON

Mga Dahilan ng Pagtira sa London

a. Mapahusay ang kanyang kaalaman sa wikang Ingles


b. Pag-aralan at iwasto ang aklat na Sucesos de las Islas Filipinas na isinulat
ni Morga.
k. Ligtas ang London sa kanyang pakikipaglaban sa kalupitan ng mga
dayuhan sa Pilipinas.

Pagtawid sa Atlantiko

1. Sakay ng barkong City of Rome si Rizal ang nagsilbing interpreter ng mga


pasahero bunga ng kanyang kaalaman sa maraming wika.

Prof. Armando S. Santos Page 38


2. Pinahanga ni Rizal ang kanyang mga kapwa pasahero sa kahusayan niya
sa paglalaro ng yoyo.
3. Nakipagtalakayan sa mga mamamahayag na Amerikano ukol sa suliranin
ng sangkatauhan. napansin ni Rizal ang kahinaan ng mga ito sa kaalaman
sa geopolitics.
4. Dumating si Rizal sa Liverpool, England noong Mayo 24, 1888 at
nagpalipas ng gabi sa Hotel Adelphi.

Ang Buhay ni Rizal sa London

1. Dumating si Rizal sa London ng Mayo 25, 1888.


2. Pansamantalang nanirahan si Rizal sa bahay ni Antonio Ma. Regidor na
isang takas na Pilipino sa Marianas noong 1872 at nagtatrabaho bilang
abogado sa London.
3. Nakahanap ng isang bahay na matitirahan si Rizal sa London at may
address na 37 Chalcot Crescent, Primrose Hill.
4. Ang may-ari ng nasabing bahay paupahan ay ang pamilyang Beckett na
isang organista ng Katedral ng St. Paul.
5. Ang bahay ng mga Beckett ay nasa magandang lokasyon, malapit sa
British Museum.
British Museum - ang pambansang aklatan ng England na nagtataglay ng
napakarami at mga di-karaniwang mga aklat. Dito ginugol ni Rizal ang kanyang
maraming araw sa London sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa nabanggit na
aklatan.

Mga Balita sa Mula sa Pilipinas


Masamang Balita

1. pag-uusig sa mga makabayang Pilipino na lumagda sa


Manipestong laban sa mga Prayle na iniharap ni Doroteo
Cortes. Ang manipesto ay nilagdaan ng 800 na Pilipino at
isinulat ni Marcelo H. del Pilar na humihiling sa pagpapa-alis
ng mga prayle sa Pilipinas.

Prof. Armando S. Santos Page 39


2. pag-uusig laban sa mga kasama sa lupa sa Calamba, kabilang
dito ang pamilya ni Rizal dahilan sa kanilang ginawang
petisyon para sa repormang agraryo.

3. Malubhang paninira nina Senador Salamanca at Vida sa


Cortes ng EEspanya laban sa Noli Me Tangere , gayundin ng
mga manunulat na sina Wenceslao Retana at Pablo Feced sa
mga pahayagang Espanyol.

4. Ang bayaw ni Rizal na si Manuel Hidalgo ay ipinatapon ni


Gobernador Weyler ng walang anumang ginanap na paglilitis.

5. Dinakip ng mga Espanyol si Laureano Viado na kaibigan ni


Rizal sa Maynila dahilan sa nahulihan ng mga Espanyol ng
sipi ng Noli Me Tangere sa kanyang bahay.

Magandang Balita

1. Padre Vicente nabalitaan ni Rizal ang ginawang pagtatanggol


Garcia sa nobelang Noli Me Tangere laban sa pagbabatikos ng mga
prayle.

Ang Anotasyon ng Sucesos ni Morga

Sucesos de las Islas Filipinas - isang aklat na sinulat ni Morga noong 1609
ukol sa mga kaganapan sa Pilipinas nalathala sa Mexico. Sa kanyang sulat ay
sinabi niyang mahusay ang aklat ni Morga dahilan sa wala siyang kababawan at
kayabangan na tulad ng sa mga prayle, simple ngunit ang kanyang mensahe ay
nasa pagitan ng bawat hanay ng mga salita.

Binasa din ni Rizal ang mga aklat na sinulat nina Chirino, Colin,
Argensola, at Plasencia ukol sa mga dating kaugalian ng mga Pilipino sa unang
bahagi ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa.

Sa loob ng sampung buwan ay naging abala si Rizal sa kanyang


pagsasaliksik pangkasaysayan sa London.

Prof. Armando S. Santos Page 40


Dahilan sa labis na kaabalahan ay kanyang tinanggihan si Mariano Ponce
sa alok nito na maging patnugot ng isang pahayagan na sasagot sa mga
paninira ng mga Espanyol laban sa mga Pilipino.

Habang naninirahan sa London, si Rizal ay gumawa ng saglit na pagbisita


sa Paris upang basahin ang ilang mga babasahing materyal sa Bibliotheque
Nationale o pambansang aklatan ng Pransiya.

Binisita din panandali ni Rizal ang Madrid at Barcelona upang alamin sa


mga Pilipino ang kanilang ginagawang pagkilos para sa reporma sa Pilipinas. Sa
unang pagkakataon ay nakita ni Rizal si Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce,
ang dalawang higante ng kilusang propaganda.

Nagbalik si Rizal sa London noong Disyembre 24, 1888 at nagdaos ng


Pasko at Bagong Taon sa tahanan ng mga Beckett . Nagpadala si Rizal ng regalo
kay Blumentritt at Dr. Czepelak.

Ang Aktibong Pakikilahok sa Kilusang Propaganda

Itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona ang isang makabayang samahan


na tinawag na Asosacion La Solidaridad na pinasinayaan noong Disyembre 31,
1884. Sa pamamagitan ng nagkakaisang boto, si Rizal ay nahalal na Pangulong
Pandangal ng Asociacion La solidaridad bilang pagkilala sa kanyang pamumuno
sa lahat ng mga makabayang Pilipino sa Europa. Nagpadala si Rizal ng isang
liham sa Asociacion La Solidaridad na nagpapasalamat sa kanilang pagtitiwala
at pagpapayo sa ikapagtatgumpay ng samahan.

Noong Pebrero 15, 1889 itinatag ni Graciano Lopez Jaena sa Barcelona


ang pahayagang makabayan na amy pamagat na La Solidaridad na lumalabas
tuwing ikalawa at huling linggo ng buwan at nagsilbing pahayagan ng kilusang
propaganda.

Mga layunin ng Pahayagang La Solidaridad

Prof. Armando S. Santos Page 41


1. Isulong ang isang mapayapang pagbabagong politikal at panlipunan sa
Pilipinas
2. Ipakita sa mga mambabasa ang kalunus-lunos na kalagayan ng Pilipinas
upang malapatan ng lunas ng pamahalaang Espanya.
3. Labanan ang mga paring Espanyol sa Pilipinas na noon ay siyang
kumokontrol ng pamahalaan.
4. Isulong ang kaisipang liberal at kaunlaran.
5. Isulong ang makatuwirang karapatan ng mga Pilipino para sa buhay,
demokrasya, at kaligayahan.

Pinayuhan ni Rizal ang mga miyembro ng pahayagang La Solidaridad na


maging makatotohanan at tapat sa kanilang mga isusulat upang igalang ng mga
mababasa ang kanilang opinyon. Sinabi din ni Rizal na huwag gayahin ang mga
mamahayag na binabayaran ng mga prayle na gumagamit ng pandaraya at mga
bulgar na salita.

Los Agricultores Filipino - ang unang artikulo na isinulat ni Rizal para sa


pahayagang La Solidaridad at nalathala noong Marso 25, 1889. Sa nasabing
artikulo ay kanyang sinabi na ang dahilan ng pagiging paurong ng mga
magsasakang Pilipino ay ang napakaraming balakid sa kanyang pagsulong
tulad ng mga mahihigpit na pinuno, mga magnanakaw, sakunang mula sa
kalikasan, sapilitang paggawa, at marami pang mga salik na hindi magbibigay
daan sa pag- unlad ng kabuhayan ng mga magsasaka at ng sining ng agrikultura
sa bansa.

Mga Sinulat ni Rizal sa London

La Vision del Fray Rodriguez - isang satirikong polyeto na sinulat ni Rizal


laban kay Padre Jose Rodriguez at kanyang ginamit na pangalan dito ay Dimas
Alang, nalathala sa Barcelona. Dito ay labis na tinuya ni Rizal si Padre Rodriguez
sa labis nitong katangahan. Sa polyetong La Vision del Fray Rodriguez ay
naipakita ni Rizal ang kanyang (a) mataas na kaalaman sa relihiyon at (b)
kahusayan sa panunudyo.

Liham sa mga Kadalagahan ng Malolos - isang sulat na ipinadala ni Rizal


sa mga dalaga ng Malolos na noon ay humiling sa pamahalaan na pagkalooban

Prof. Armando S. Santos Page 42


sila ng pagkakataon na mag-aral ng wikang Espanyol kahit ito ay laban sa
kagustuhan ng prayle paroko ng Malolos, Bulacan.

Ang nilalaman ng Liham sa Mga Kadalagahan ng Malolos ay ang mga


sumusunod na pagpapayo ni Rizal sa mga kababaihan:

1. Ang mga inang Pilipina ay dapat magturo sa kanilang mga anak ng


pag-ibig sa Diyos, bayan at sa sangkatauhan.
2. Dapat na ang mga inang Pilipina makatulad ng mga ina sa Sparta na
nasisiyahan na makita ang kanilang mga anak na lumalaban para sa
kalayaan ng bayan.
3. Dapat ingatan ng mga kababaihan sa Pilipinas ang kanilang
karangalan at dignidad.
4. Dapat sikapin ng mga kababaihang Pilipina na maging edukado,
maliban pa sa pagpapanatili ng kanyang mga likas na katangian.
5. ang pananampalataya ay hindi lamang ang mahabang dasal,
pagsuot ng mga krusipiho at kagamitang pang-relihiyon sa
katawan, kundi bagkus ang pamumuhay ng tunay na Kristiyano na
may mabuting moral at kaugalian.

Sumulat din si Rizal ng dalawang artikulo sa Trubner's Record isang


pahayagang Ingles sa London na may pamagat na Specimens of Tagal Folklore at
Two Eastern Fables.
 
Ang Romansa kay Gertrude Beckett

Gertrude Beckett - anak na babae ng kanyang kasero sa London at


tinawag niya ito sa palayaw na Getie. Naging malapit ang dalawa, dahilan sa
tinutulungan ng dalaga si Rizal sa kanyang mga gawain tulad ng paghahalo ng
pintura sa kanyang pagpipinta at paghahanda ng clay para sa kaniyang
iskultura. Tinawag ni Getie si Rizal sa palayaw na Petie. Ngunit bago pa man
mabuo ang isang pag-ibig, si Rizal ay lumayo kay Gertrude Beckett dahilan sa
kanyang mas mahalagang misyon sa buhay.

Bago umalis si Rizal sa London, kanyang tinapos ang apat na gawang


lilok na may pamagat na :

Prof. Armando S. Santos Page 43


1. Promotheus Bound
2. Triumph of Death Over Life
3. Triumph of Science Over Death
4. Ang ulo ng magkapatid na dalagang Beckett

Marso 19, 1889 - nagpaalam si Rizal sa pamilyang Beckett at nilisan ang


London patungo ng Paris.
 
 
KABANATA 15 -: IKALAWANG PAGTIGIL SA PARIS PARA SA
PANDAIGDIG NA EKSPOSISYON NG 1889

Pagtungo sa Paris

Pumunta si Rizal sa Paris dahilan sa gaganapin noon ang Pandaigdig na


Eksposisyon na darayuhin ng libu-libong mga tao mula sa iba't ibang panig ng
mundo. Dahilan sa karamihan ng tao, si Rizal ay nahirapan na makahanap ng
lugar na matitirahan at naging napakamahal pa ng kabayaran sa mga
paupahang kuwarto.

Pansamantalang tumira si Rizal sa kanyang kaibigang si Valentin


Ventura sa 45 Rue Maubuege at dito ay kanyang inayos ang kanyang anotasyon
ng aklat na Sucesos de las Filipinas na sinulat ni Morga.

Nagpalipat-lipat ng tirahan si Rizal hanggang makakita siya ng isang


maliit na silid at nakasama niya dito ang dalawang Pilipino na sina Capitan Justo
Trinidad na dating gobernadorcillo ng Santa Ana at Jose Albert na isang batang
mag-aaral mula sa Maynila.
 

Buhay ni Rizal sa Paris

Prof. Armando S. Santos Page 44


Sa kabila ng kasiyahan sa Paris naging abala pa rin si Rizal sa pagbabasa
ng mga aklat sa Bibliotheque Nationale upang tingnan ang mga datos para sa
kaniyang anotasyon ng Sucesos Las Islas de Filipinas ni Morga.

Sa mga malalayang oras si Rizal ay dumadalaw sa bahay ng mga


pamilyang Pilipino na sina Pardo de Tavera, Ventura, Luna, at Bousted. Naging
kaibigan niya ang tatlong magkapatid na Pardo de Tavera, na ang ama ay isa sa
mga biktima ng kalupitan ng mga Espanyol noong 1872.

Naging ninong si Rizal ni Maria de la Paz Luna na pangalawang anak nina


Juan Luna at Luz Pardo de Tavera. Naging malimit si Rizal sa pagdalaw sa
pamilyang Bousted.

Isa sa umakit kay Rizal sa Eksposisyon ng Paris ay ang Eiffel Tower na


may taas na 984 talampakan. Dumalo si Rizal at ang kanyang mga kaibigan sa
pagbubukas ng Eksposisyong Paris na pinangasiwaan ng Pangulo ng Pransiya
na si Sadi Carnot.

Isa sa mga bahagi ng kasaysayan sa Paris ay ang pagkakaroon ng


eksposisyon sa mga likhang sining na sinalihan ni Juan Luna, Felix Resureccion-
Hidalgo, at Felix Pardo de Tavera. Lumahok din si Rizal sa pamamagitan ng
pagsasali ng kanyang gawang iskultura, napasali ang kanyang likha ngunit hindi
nagtamo ng gantimpala.

Itinayo ni Rizal sa Paris ang Samahang Kidlat na binubuo ng kanyang mga


kababayang Pilipino. Ang samahan ay panandalian lamang at naglalayon na
paglalapitin ang mga Pilipino sa Paris upang higit silang masiyahan sa
panonood ng eksposisyon.

Itinatag ni Rizal ang samahang Los Indios Bravos at pinalitan nito ang
Samahang Kidlat . Nangako ang mga kasapi nito ng pagsisikap sa katalinuhan at
pagpapalakas katawan upang magtamo ng paghanga ng dayuhan.

Samantalang nasa Paris itinatag ni Rizal ang isang lihim na samahan na


nakilala lamang sa panitik na R.D.L.M. at sinasapantaha na ang kahulugan ay

Prof. Armando S. Santos Page 45


Redencion de los Malayos (Ang Pagpapalaya sa Malayo) . Ang samahang ito ay
nanatili pa ring isang palaisipan sa mga nag-aaral ng Rizal.

Ang Paglalathala ng Sucesos de las Islas Filipinas

Isa sa pinakamahalagang nagawa ni rizal habang siya ay nasa Paris ng


1889 ay ang pagpapalimbag ng kanyang anotasyon ng aklat ni Morga na Sucesos
de las Islas Filipinas na inilathala ng Garnier Freres.

Isinulat ni Blumentritt ang Paunang Salita para sa Sucesos de las Islas


Filipinas at inihandog ni Rizal ang aklat para sa inang bayan. Isinulat ni Rizal
ang anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas sa layunin na ipakita sa mga
Pilipino ang pagkakaroon natin ng mataas na kabihasnan bago pa man
dumating ang mga Espanyol.

Nakatanggap si Rizal ng maraming paghanga mula sa kanyang mga


kaibigan dahilan sa kanyang paglalathala ng anotasyon sa Sucesos de las Islas
Filipinas ni Morga.

Si Rizal bilang Mananalaysay

Si Rizal ay masasabing mahusay na mananalaysay dahilan sa mga


sumusunod na salik:

1. Ang kanyang pagsasaliksik sa dalawang dakilang aklatan ng mundo -


British Museum (London) at Bibliotheque Nastionale (Paris) ay
nakapagpalawak ng kanyang kaalamang pangkasaysayan.
2. Ang kanyang ginawang anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas ay
kakikitahan ng malawak na kaalaman ni Rizal sa histograpiya - ang pag-
aaral ng pagsulat ng kasaysayan.
3. Ang kaalaman ni Rizal sa maraming wika ay nakatulong sa kanya upang
mabasa ang maraming dokumentong historikal sa kanyang orihinal na
anyo.
4. Nabasa niya si Pigadicta sa wikang Italyano: Marsden, Raffles, Lord
Stanley, at Wallace sa wikang Ingles; Blumentritt, Jagor, at Virchow sa
wikang Aleman; M. Jacquet, J. Mallat, at A. Marche sa wikang Pranses; at

Prof. Armando S. Santos Page 46


sina T. H. Pardo de Tavera, Pedro Paterno, Miguel Morayta, at Pi y Margall
sa wikang Espanyol.
5. Ang kaalaman ni Rizal sa kasaysayan ay hindi lamang ukol sa Pilipinas
kundi sa kasaysayan ng kolonisasyon ng mga Europeo sa Asya.

Maliban sa anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas naghanda rin si Rizal ng


malathalang artikulong historikal na gaya ng mga sumusunod:

1. Ma- yi
2. Tawalisi of Ibn Batuta
3. Filipinas dentro de Cien Anos
4. Sobre la Indolencia de los Filipinos
5. La Politica Colonial de Filipinas
6. Manila en el mes de Diciembre, 1872
7. Historia de la Familia Rizal de Calamba
8. Los Pueblos del Archipielago Indico

Filipinas dentro de Cien Anos - sa artikulong ito ay hinulaan ni Rizaal ang


pagtatapos ng kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas sa pagtatapos ng ika 19
daantaon.

Sobre la Indolencia de los Filipinos - tinalakay ni Rizal ang kadahilanan ng


katamaran at pagiging mabagal na pag-unlad ng mga Pilipino sa mga
sumusunod na salik.

1. Ang Pag-aalsa ng mga Pilipino at panloob na kaguluhan kasunod ng


pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.
2. Ang mga digmaan ng Espanya laban sa mga Portuges, Olandes, Ingles, at
iba pang mga kalaban na dito ay naglingkod ang mga Pilipino bilang mga
kawal ng hukbong Espanyol.
3. Ang pananlakay ng mga Muslim ng Mindanao sa mga baybaying bayan ng
Pilipinas.
4. Ang sapilitang paggawa ng libu-libong mga Pilipino na naging dahilan
upang mapabayaan ang pagsasaka, komersiyo at industriya sa Pilipinas.

Prof. Armando S. Santos Page 47


5. Ang kawalan ng pagsisikap ng mga Pilipino ng magtrabaho ng higit
dahilan sa hindi naman nila ganap na napakanibangan ang bunga ng
kanilang paghihirap.
6. Ang pagpapabaya ng pamahalaan sa agrikultura, komersiyo at industriya.
7. Ang masamang halimbawa na ipinapakita ng mga Espanyol ukol sa mga
gawaing manwal.
8. Ang pagtuturo ng mga prayle na "mas madaling makapasok sa langit ang
mga mahihirap" at dahil dito ay ninais ng mga Pilipino ang kahirapan sa
layunin ng madaliang pagpasok sa langit sa pagsapit ng kamatayan.
9. Ang sistema ng edukasyong Espanyol ay hindi nakapagsulong ng
pangkabuhayang kaalaman. Ang edukasyon ay depresibo, brutal, at hindi
makatao.

Iba pang Mga Ginawa sa Paris

Binalak ni Rizal na itayo ang samahan ng mga Filipinolohista sa Paris


ngunit hindi ito naisakatuparan. Ipananukala ni Rizal ang pagtatayo ng isang
makabagong kolehiyo ng mga Pilipino sa Hongkong na ang layunin ay
magsanay at magturo ng mga anak ng mga mabubuting pamilyang Pilipino.

Nagdaos ng kapaskuhan si Rizal sa Paris at pagkatapos ng Bagong Taon


ay saglit na dumalaw sa London upang tingnan ang katumpakan ng kanyang
anotasyon Sucesos de las Islas Filipinas at dalawin si Gertrude Beckett.

Mga Dahilan ni Rizal sa Pag-alis sa Paris

1. Ang napakamahal na halaga ng bilihin dahilan sa karamihan ng mga taong


dumalo sa Pandaigdig na Eksposisyon sa paris.
2. Ang masayang kapaligiran ng Paris ay umaagaw ng kanyang atensiyon sa
mga gawaing pampanitikan. Ang pangangailangan niya na isulat ang El
Filibusterismo .
 
 
KABANATA 16 : SI RIZAL SA BRUSSELS

Prof. Armando S. Santos Page 48


Ang Buhay ni Rizal sa Brussels

Umalis si Rizal patungo ng lunsod ng Brussels (1890) kasama ni Jose


Albert at nanuluyan sa isang kainamang bahay paupahan sa 38 Rue Philippe
Champagne na pinangasiwaan ng magkapatid na babaeng Jacoby na sina
Suzanne at Marie.

Sa Brussels ay sinimulang sulatin ni Rizal ang nobelang El Filibusterimo


at nagsusulat din siya ng mga ipinadadalang artikulo para sa La Solidaridad .
Ginugugol din niya ang kanyang mga libreng sandali sa pagpapalakas ng
katawan sa gymnasium at sa pagsasanay sa pagbaril at iskrima.

Naging kasama ni Rizal sa kuwarto si Jose Alejandrino napansin niya ang


labis na katipiran ni Rizal sa pamamagitan ng pagkain sa bahay at pagluluto nila
ng pansit.

Mga Artikulong ni Rizal sa La Solidaridad ng siya ay nasa Brussels.

1. A la Defensa - isang sagot sa mapanirang artikulo ni Patricio Escosura.


2. La Verdad Para Todos - isang pagtatanggol sa mga katutubong pinuno sa
Pilipinas sa mga pamumuna ng mga Espanyol na ang Pilipino ay
mangmang at tanga.
3. Vicente Barrantes Teatro Tagalog - ipinakita ni Rizal ang kamangmangan
ni Vicente Barrantes sa tanghalang sining ng mga Tagalog.
4. Una Profanacion - isang artikulo na tumutuligsa sa mga prayle sa
pagkakait nito ng isang Kristiyanong libing para sa kaniyang bayaw na si
Mariano Herbosa.
5. Verdades Nueva - sinagot ni Rizal ang akusasyon ni Vicente Belloc na ang
pagbibigay ng reporma sa Pilipinas ay makakasira sa katiwasayan ng
pamahalaang Espanyol sa Pilipinas.
6. Crueldad - sa artikulong ito ay ipinagtanggol ni Rizal si Blumentritt laban
sa paninira ng mga kaaway nito.
7. Diferencias - kaniyang sinagot ang isang artikulo na nanunudyo sa mga
Pilipinong humihingi ng Reporma.
8. Inconsequencias - ipinagtanggol niya si Antonio Luna laban sa ginawang
paninira ni Mir Deas.

Prof. Armando S. Santos Page 49


9. Llanto y Risas - mapait na pagpuna ni Rizal laban sa mababang pagtingin
ng mga bayarang mamahayag ng prayle sa mga kayumangging Pilipino.
10. Ingratitudes - isang artikulo na sumasagot sa sinabi ni Gobernador
Weyler sa mga taga-Calamba na huwag magpalinlang sa mga walang
kabuluhang pangako ng kanilang mga walang utang na loob na anak (isa
na dito si Rizal).
Binigyan din ni Rizal 9. g pansin ang ortograpiya ng wikang Tagalog sa
pamamgitan ng paggamit ng k at w at ituwid ang Hispanikong pagsulat tulad ng
arao at salacot. Dahilan dito ay sinulat ni Rizal ang kanyang artikulo Sobre La
Nueva Ortografia de la Lengua de Tagala na kanyang inilathala sa La
Solidaridad.

Dito isinalin ni Rizal ang akda ni Schiller na William Tell mula sa Aleman
sa wikang Tagalog.

Nabalitaan ni Rizal kina Juan Luna at Valentin Ventura na ang mga


Pilipino sa Madrid ay nagugumon sa sugal. Sinulatan ni Rizal ang mga Pilipino
sa Madrid at sinaway nila ang mga ito sa kanilang pagkakagumon sa sugal.
Nagalit ang ilang mga Pilipino kay Rizal at tinawag nila itong Papa imbes na
Pepe na kanyang tunay na palayaw.

Sa Brussel ay nakatanggap si Rizal ng masamang balita.

1. Ang sumasamang kalagayan ng mga magsasaka sa Calamba.


2. Nagharap ng demanda ang mga Dominicano para alisin ang lupang
kanilang pinapaupahan kay Don Francisco Mercado - Rizal.
3. Ipinatapon si Paciano at kanyang mga bayaw na si Manuel Hidalgo ay
muling ipinatapon sa Bohol.
4. Nararamdaman ni Rizal ang kanyang nalalapit na kamatayan.

Dahilan sa pag-uusig na nadarama ng kanyang pamilya si Rizal ay


nagbalak ng umuwi, sa dahilang hindi siya maaring manatili na nagsusulat
lamang habang ang kanyang mga magulang at mga kapatid ay nagdaranas ng
lupit ng mga paring Espanyol. Ang kanyang balaking umuwi ay sinalunga ni

Prof. Armando S. Santos Page 50


Graciano Lopez- Jaena at gayundin ng kanyang mga kaibigang sina Basa,
Blumentritt, at Mariano Ponce.

Nagbago lamang ang isipan ni Rizal nang matanggap niya ang sulat ni
Paciano na nagsasabing natalo sila sa kaso at ito ay kanilang iaapela sa korte
supremo sa Madrid at dito si Rizal ay nagtungo para tingnan ang kanyang
magagawa sa kaso. Nagkaroon ng romansa si Rizal kay Petite Sussane Jacoby -
ang pamangkin ng kanyang mga kasera.
 
KABANATA 17 : MGA KABIGUAN SA MADRID

Kabiguan sa Katarungan

Sa pagdating ni Rizal sa Madrid ay agad niyang hiningi ang tulong


Asociacion Hispano-Filipina at mga pahayagang liberal sa Madrid tulad ng La
Justicia, El Globo, La Republica, at El Resumen upang matulungan siya sa
paghingi ng katarungan sa kanyang pamilya at kababayan sa Calamba.

Sa paghingi ni Rizal ng katarungan para sa kanyang pamilya ay tumayo


si Marcelo H. del Pilar bilang abogado kanilang idinulog ang kanilang protesta
laban sa kawalang katarungan ni gobernador heneral Valeriano Weyler at ng
mga paring Dominikano.

Ang kanilang pakikinayam kay Ministro Fabie ng Ministerio ng


Katarungan ay nawalan ng kabuluhan. Ang patakaran ng Espanya ay ang
"sarahan ang tainga, buksan ang pitaka, at magkibit-balikat na lamang."

Natanggap ni Rizal ang masamang balita na natanggap na nila ang


kautusan ng pagpapaalis sa mga taga-Calamba mula sa hacienda ng mga paring
Dominikano.

Ang mga kaibigan Espanyol ni Rizal ay walang magawa kundi ang


magbigay lamang ng pananalita ng pakikiramay. Samantala ipinanukala ni
Blumentritt na makipagkita si Rizal sa Reyna Maria Cristina upang ilapit ang

Prof. Armando S. Santos Page 51


kanyang mga suliranin, ngunit sinabi ni Rizal na siya ay walang kakilala o salapi
na makapagsasama sa kaniya sa Reyna.

Iba pang mga Kabiguan sa Madrid

1. Habang bigo si Rizal sa paghingi ng katarungan para sa kanyang mga


magulang ay namatay naman ang kanyang matalik na kaibigan at kasama
sa kilusang propaganda na si Jose Maria Panganiban.
2. Nang malasing si Antonio Luna ay hinamon niya si Rizal ng duwelo
dahilan sa karibalan sa babae. Nang matanggal ang kalasingan ay naayos
ang hidwaan.
3. Hinamon ni Rizal si Wenceslao Retana ng duwelo. Si Retana ay isang
mamamahayag na binabayaran ng mga prayle upang manira sa mga
makabayang Pilipino sa Europa sa isa niyang artikulo ay sinabi nito na
kaya pinaalis ang pamilya ni Rizal sa Calamba ay dahilan sa hindi
pagbabayad ng utang. Hiningi ni Rizal ang paumanhin ni Retana o ang
duwelo. Hindi ito natuloy nang humingi ng tawad si Retana at hindi na
sumulat ng anumang mapanirang puri si Retana laban sa mga Pilipino.
Isang kabalintunaan na si Retana ang kauna-unahang sumulat ng aklat
pangbiograpiya ni Rizal na may pamagat na Vidas y Escritos de Dr. Jose
Rizal .

Ang Pagpapakasal ni Leonor Rivera.

Habang nanonood sina Rizal at ang kanyang mga kasama sa tanghalang


Apolo sa Madrid ay nawala ang kanyang locket na nagtataglay ng larawan ni
Leonor Rivera. Nakatanggap si Rizal ng sulat mula kay Leonor Rivera na
nagpapabatid ng nalalapit na kasal niya sa isang inhinyerong Ingles na si Henry
Kipping na labis na ikinalungkot ni Rizal.

Ang labis na pagdaramdam ni Rizal sa tinamong kabiguan ay naisulat niya


kay Blumentritt na "pipiliin ni Leonor ang pangalang Kipping dahilan sa ito ay
malaya at ang Rizal ay isang alipin."

Sa sagot ni Blumentritt ay huli kanyang sinabi na "hindi maunawaan ng


kanyang asawa (Rosa) na ang isang babaeng pinarangalan ng pag-ibig ni Rizal
ay iiwan siya (Rizal)." Sa isa pang sulat na ipinadala ni Blumentritt sinabi

Prof. Armando S. Santos Page 52


niyang si Leonor ay "tulad ng isang bata, naipinagpalit ang diamante sa isang
karaniwang bato."

Karibalang Rizal at del Pilar

Sa pagtatapos ng 1890, nagsimulang makilala si del Pilar sa Madrid


dahilan sa kanyang pagsulat sa La Solidaridad . Sa kabilang dako, ang lideratura
ni Rizal ay sa aspekto ng ideyalismo na hindi ganap na maunawaan at
matularan ng kanyang mga kasamahan.

Maging sa editoryal ng La Solidaridad ay nagkakaroon na ng pagkakaiba


sa paniniwala at patakaran sina Rizal at del Pilar. Upang magawan ng paraan na
huwag lumala ang karibalan ay nagka-isa ang mga Pilipino sa Madrid na may
bilang na 90 ay nagkaisang magsagawa ng isang pag-uusapan na kanilang
gaganapin sa Enero 1, 1891.

Pinag-usapan dito na ang editoryal ng La Solidaridad ay mapasailalim sa


samahan ng mga Pilipino, ito ay tinutulan ni del Pilar. Napag-usapan na
magkakaroon ng isang halalan na dito ang makapagtatamo ng 2/3 na boto ang
mananalo. Nagsagawa ng halalan ang mga Pilipino sa Madrid noong unang
linggo ng Pebrero 1891 at nahati ang mga Pilipino sa dalawang kampo --
Rizalista at Pilarista . Sa unang araw ng halalan ay si Rizal ang nanalo ngunit
hindi natamo ang 2/3 na kinakailangang boto at sa ikalwang araw ay
nagkaroon uli ng halalan ay ganito pa rin ang resulta.

Sa ikatlong araw ay hinakayat ni Mariano Ponce na bumoto na ang


karamihan kay Rizal at natamo ni Rizal ang kinakailangang 2/3 na boto na
naghalal sa kanya bilang pinuno ng samahan. Pagkatapos ng pagwawagi ni Rizal
ay hindi niya tinaggap ang kanyang posisyon, sa dahilang ayaw niyang maging
pinuno ng hati-hating samahan. Umalis si Rizal sa Madrid na nag-iwan ng
maikling sulat ng pagpapasalamat sa mga kababayan niyang naghalal sa kanya
at nagtungo sa Biarritz.
 
 

KABANATA 18 : BAKASYON NI RIZAL SA BIARRITZ

Prof. Armando S. Santos Page 53


Mga Ginawa ni Rizal sa Biarritz

Sa pag-alis ni Rizal sa Madrid ay nagtungo si Rizal sa Biarritz at


nagbakasyon sa bahay ni Senor Eduardo Bousted sa Villa Eliada. Naging malapit
si Rizal sa mga anak na dalaga ni Senor Bousted na sina Adelina at Nellie.

Ang Bearritz ay isang magandang bakasyunan at nakita rito ni Rizal ang


mga turista mula sa iba't ibang panig ng mundo. Ang kagandahan ng pook ang
nagpalimot kay rizal sa kanyang mga kasawian sa Madrid.

Nagkaroon ng namuong pag-ibig sa pagitan nina Rizal at Nellie Bousted.


Naakit si Rizal kay Nellie sa dahilan sa katalinuhan, mahinahon, at mataas na
moral ng dalaga. Ipinagtapat ni Rizal sa kanyang mga kaibigan na nagkaroon
siya ng pagnanais na pakasalan si Nellie Bousted.

Tinukso na siya ni Marcelo H. del Pilar na palitan ang pamagat ng kanyang


nobela na Noli ng Neli. Si Antonio Luna na minsan ay kanyang naging karibal
kay Nellie ay hinikayat si Rizal na pakasalan na si Nellie.

Natapos ang pag-iibigang Rizal at Nellie dahilan sa hindi nahikayat si Rizal


na magpakasal sa dalaga dahilan sa mga sumusunod:

1. Ayaw ni Rizal maging Protestante


2. Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal na maging manugang dahilan si Rizal ay
mahirap na "doktor na walang pasyente, manunulat na walang pera" at
isang repormista na inuusig ng mga prayle at opisyal ng pamahalaan sa
sariling bayan. Naghiwalay sina Rizal at Nellie bilang mabuting
magkaibigan.

Prof. Armando S. Santos Page 54


Tinapos ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo ilang araw bago siya
umalis sa Biarritz patungo ng Paris. Sa Paris ay kanyang sinulatan si Jose Basa
at sinabing nagnanais siyang manirahan sa Hongkong at dito nagtrabaho bilang
doktor. Nagbalik si Rizal sa Brussels at muli niyang binisita ang mga Jacoby lalo
na si Petite Sussane Jacoby.

Nagpahinga si Rizal sa mga gawain ng Kilusang Propaganda upang


maharap niya ang pagpapalimbag ng kanyang ikalawang nobela - El
Fililbusterismo . Mula sa Brussels ay kanyang ipinaalam sa Kilusang Propaganda
na itigil na ang pagpapadala ng kanyang sustentong P 50 bawat buwan.

Tinigilan na rin ni Rizal ang pagpapadala ng mga artikulo sa pahayagang La


Solidaridad sa kabila ng pakiusap ng kanyang mga kaibigan . Napansin din ni
Marcelo H. del Pilar ang panlalamig ng kilusang propaganda sa pananahimik ni
Rizal at dahilan dito ay napilitang sumulat si del Pilar na nakikiusap kay Rizal
na muling magsulat sa pahayagan.
 
 
KABANATA 19 : ANG PAGPAPALIMBAG NG EL FILIBUSTERISMO
SA BELGIUM

Ang Bahay ni Rizal sa Ghent

Mula sa Brussels si Rizal ay nagtungo sa Ghent na isang lunsod


pamantasan ng Belgium. Mula pa sa Calamba ay sinimulan na ni Rizal ang
nobelang El Filibusterismo at natapos ang huling kabanata sa Biarritz.

Naninirahan si Rizal sa Ghent dahilan sa mga sumusunod:

1. Mura ang halaga ng pagpapalimbag sa Ghent


2. Makaligtas sa pang-aakit ni Petite Sussane Jacoby

Prof. Armando S. Santos Page 55


Sa lunsod ng Ghent ay nakatagpo ni Rizal ang dalawang Pilipino na
estudyante ng inhinyera sa Unibersidad ng Ghent na sina Jose Alejandrino at
Edilberto Evangelista. Nanirahan si Rizal sa isang mumurahing bahay paupahan
at nakasama niya si Jose Alejandrino na nakapuna ng kanyang labis na
katipiran.

Sa pagdating ni Rizal sa Ghent ay naghanap siya ng pinakamurang bahay


palimbagan para sa kanyang nobelang El Filibusterismo at kanyang natagpuan
ang palimbagang F. MEYER-VAN LOO PRESS sa daang Viaanderen na handang
maglathala ng nobela sa pamamagitan ng pagbabayad ng hulugan. Isisnanla ni
Rizal ang kanyang mga alahas upang maging paunang bayad sa palimbagan.

Habang nasa palimbagan si Rizal ay naubusan siya ng pera at ang


pagpapalimbag sa El Filibusterismo ay napahinto sa kalagitnaan. Sa ganitong
kagipitan ay halos kanyang itapon ang manuskrito ng El Filibusterimo sa apoy.
Nang malaman ni Ventura ang kagipitan ni Rizal, mula sa Paris ay kanyang
pinadalhan si Rizal ng salapi para maituloy ang pagpapalimbag.

Noong Setyembre 18, 1891 ay lumabas ng palimbagan ang El


Filibusterismo at kanyang ipinadala ang dalawang kopya sa Hongkong kina Jose
Basa at Sixto Lopez. Pinadalahan din niya ang kanyang mga kaibigang sina
Blumentritt, Ponce, Lopez-Jaena, T.H. Pardo de Tavera, Antonio Luna at Juan
Luna. Pinagkaloob ni Rizal kay ValentinVentura ang orihinal na manuskrito ng
El Filibusterismo.

Inilathala ng sipian ng El Filibusterismo sa pahayagang El Nuevo Regimen


sa kanyang isyu ng Oktibre 1891. Inihandog ni Rizal ang El Filibusterismo sa ala-
ala ng GOMBURZA .

Ipinagkumpara ang Noli at Fili.

Ang Noli ay isang romantikong nobela na gawa ng puso, damdamin,


sariwa, makulay at may taglay na tuwa. Ang Fili ay isang nobelang politikal
gawa ng ulo, isip, naglalaman ng pait, pagkamuhi, sakit, karahasan, at
pagdurusa.

Prof. Armando S. Santos Page 56


Ang orihinal na kagustuhan ni Rizal ay gawing mas mahaba ang Fili
kaysa sa Noli ngunit dahilan sa kakulangan sa salapi ay naging maikli ang Fili
(38 kabanata) kung ikukumpara sa Noli (64 kabanata).

1. Para kay Wenceslao Retana mas mahusay ang Noli.


2. Para kay Marcelo H. del Pilar mas mahusay ang Fili.

Sumulat si Rizal kay Blumentritt na nagsasabi ng kanyang balak na


gumawa ng ikatlong nobela. Ito ay hindi na masyadong ukol sa politika kundi sa
etika. Sa kanyang paglalakbay patungong Hongkong ay kanyang sinimulang
sulatin ang ikatlong nobela.
 
 
 
KABANATA 20 : PANGGAGAMOT NI RIZAL SA HONGKONG

Mga Dahilan ng Paglipat sa Hongkong

1. Kawalan ng kasiyahan sa Europa dahilan sa pagkakaiba ng paniniwala


niya kay del Pilar at sa ilang mga Pilipino sa Europa.
2. Upang mas higit siyang maging malapit sa Pilipinas.
3. Para kupkupin ang kanyang pamilya.

Pamamaalam sa Europa

Nagpaalam ng maayos si Rizal kay del Pilar sa paglalayon na mapanatili


ang kaisahan ng mga Pilipino sa Europa. Mula sa Merseilles sumakay ng
barkong Melbourne patungo ng Hongkong, kasama ng kanyang bagahe ang 600
na kopya ng El Filibusterismo.

Nakatagpo ni Rizal sa barko bilang mga pasahero ang mga babaeng


Aleman na nangmamaliit sa kanya sa usapan na hihiya ni Rizal sa pamamagitan
ng maginoong pamamaraan.

Prof. Armando S. Santos Page 57


Hongkong

Dumating si Rizal sa Hongkong ng Nobeyembre 20, 1891 at sinalubong ng


mga kaibigan at dito ay nanirahan sa 5 D' Aguilar Street No. 2 Rednaxola
Terrace. Sa nasabi ding tirahan si Rizal ay nagbukas ng isang klinika.

Bago magpasko ng 1891 dumating sa Hongkong ang kanyang ama at


bayaw na si Silvestre Ubaldo. Sumunod na rin ang kanyang ina, Lucia, Josefa, at
Trinidad. Nakasama na muli ni Rizal ang kanyang pamilya sa kapaskuhan sa
ibang bansa.

Panggagamot sa Hongkong

Ginamit na rin ni Rizal ang kanyang propesyon bilang isang


manggagamot upang masuportahan niya ang kanyang pamilya. Sa tulong ni Dr,
Lorenzo Marquez na kanayang kaibigan. Inilapit niya kay Rizal ang kanyang
mga pasyenteng may sakit sa mata. Nakilala si Rizal sa Hongkong sa kanyang
kahusayan at ang mga pasyente niya ay mga British, Tsino, Portuges, at
Amerikano.Matagumpay niyang inoperahan ang kanyang ina sa Hongkong.
Maraming bumati kay Rizal sa kanyang panggagamot.

Ang Proyektong Borneo

Binalak ni Rizal na magtayo ng isang kolonya sa Borneo na bubuuin ng


mga walang lupang Pilipino mula sa ating bansa . Nagpunta siya sa Sandacan at
kinausap ang mga pinunong British at nagtagumpay siya na mapagkalooban
ang kanyang proyekto ng 100,000 hektaryang lupa, na malapit sa daungan, at
mahusay na pamahalaan upang magamit sa loob ng 999 na taon ng walang
bayad.nIpinaalam ni Rizal ang kanyang proyekto sa mga Pilipino sa Europa na
nagpakita ng pagnanais na ito ay maisakatuparan.

Sinulatan ni Rizal si Gobernador Heneral Despujol ukol sa kanyang


Proyektong Borneo ngunit hindi ito sinagot. Sa ikalawang sulat ni Rizal ay hindi
pa rin sinagot ngunit ipinarating sa kanya sa konsul ng Espanya sa Hongkong
ang pagtutol dito.

Prof. Armando S. Santos Page 58


Mga Sinulat sa Hongkong

1. Ang mga Karapatan ng Tao - isang pagsasalin ni Rizal ng proklamasyon


ng Rebolusyong Pranses ng 1789.
2. A la Nacion Espanola - isang artikulo na umaapela sa Espanya na ituwid
ang kamaliang nagawa sa mga magsasaka ng Calamba.
3. Sa Mga Kababayan - isang artikulo na nagpapaliwanag sa sitwasyong
agraryo sa Calamba.
4. Una Revisita a la Victoria Gaol - artikulo ukol sa kanyang pagbisita sa
kulungan ng Hongkong kumpara sa malupit na kulungan sa Pilipinas.
5. The Hongkong Telegraph- isang pahayagan kung saan si rizal ay
nagpapadala ng mga artikulo.
6. Ang pinakamahalagang isinulat ni rizal sa Hongkong ay ang saligang
Batas ng La liga Filipina.

Ang Pagpapasiya na Magbalik sa Maynila


Ang mga dahilan na magbalik sa Maynila.

1. Kausapin si Gob. Hen. Despujol ukol sa Proyektong Borneo


2. Itatag ang La Liga Filipina sa Maynila
3. Patunayan kay Eduardo de Lete na ito ay mali sa kanyang paniniwala na
matapang si Rizal dahilan sa siya ay malayo sa mga Espanyol.

Tinutulan ng mga kamag-anak ni Rizal ang kanyang nais na pagbabalik sa


Maynila dahilan sa itoo ay mangangahulugan lamang ng kamatayan. Ginawa ni
Rizal ang mga sumusunod na sulat bago umalis ng Hongkong na iningatan ni Dr.
Marquez na bubuksan lamang kung siya ay mamamatay .

1. Sulat sa kanyang mga magulang at mga kapatid


2. Sulat sa sambayanang Pilipino
3. Sulat sa Gobernador Heneral Despujol
Nagbalik si Rizal kasama ni Lucia sa Maynila. Kasabay naman ng pag-uwi
ng Rizal ay pagsasampa naman ng kanyang mga kaaway ng kaso.

Prof. Armando S. Santos Page 59


 
KABANATA 21 : ANG PAGBABALIK AT PAGTATAG NG LA LIGA

Ang Ikalawang Pagbabalik

Hunyo 26, 1892 - nagbalik si Rizal sa Maynila kasama ng kanyang kapatid


na si Lucia at tumigil sa Hotel de Oriente. Sa hapon ng nasabing araw nagtungo
si Rizal sa Malacanang upang makipagkita sa gobernador heneral ngunit
pinabalik siya ng gabi at nakausap si Despujol.Binisita niya ang kanyang kapatid
na si Narcisa at si Neneng.

Kinabukasan, sumakay si Rizal ng tren at dinalaw ang kanyang mga


kaibigan sa Malolos, Bulacan; San Fernando, Pampanga; Tarlac, Tarlac; at
Bacolor, Pampanga. Ang kanyang mga paglalakbay ay sinusundan ng mga
Espanyol at mga bahay na kanyang binisita pagkatapos ng ilang araw ay
sinalakay ng mga kawal Espanyol. Sa mga sumunod na araw ay muling
nakipagkita si Rizal kay Despujol.

Pagtatayo ng La Liga Filipina

Hulyo 3, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa bahay ni Doroteo


Ongjungco sa Kalye Ylaya, tondo Maynila. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng
mga sumusunod:

1. Pedro Serano Laktaw


2. Domingo Franco
3. Jose Ramos
4. Ambrosio Salvador
5. Bonifacio Arevalo
6. Agustin de la Rosa
7. Moises Salvador
8. Luis Villareal
9. Faustino Villaruel
10.Mariano Crisostomo

Prof. Armando S. Santos Page 60


11.Numeriano Adriatico
12. Estanislao Legaspi
13.Teodoro Plata
14.Andres Bonifacio
15.Juan Zulueta

Pag-aresto at Pagpapatapon

Noong Hulyo 6, 1892 - sa isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay


inaresto siya sa dahilan sa bintang na pagdadala ng mga polyetong kontra-
simbahan.

1. Ipinakulong si Rizal at mahigpit na pinababantayan sa Fort Santiago.


2. Sumunod na araw inilabas ang kautusan na ipatapon si Rizal sa Dapitan.
3. Dinala si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng barkong Cebu.
 
 
KABANATA 22 : TAPON SA DAPITAN

Ang Buhay ng Isang Tapon

Hulyo 15, 1892 nakarating si Rizal sa Dapitan at ipinagkaloob kay


Kapitan Ricardo Carnicero ang komandante ng hukbong Espanyol sa lugar.Dala
ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Pastells na superior ng mga Jesuita para kay
Padre Antonio Obach ang paring Jesuita sa Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng
mga kondisyon upang si Rizal ay makatira sa kumbento.Pansamantalang
nanirahan si Rizal sa kuwartel na pinamumunuan ni Kapitan Carcinero na
kanyang naging kaibigan.

Setyembre 21, 1891 nakatanggap sina Rizal, Carcinero at isang


Espanyol ng Dipolog ang gantimpala na ang kanilang ticket bilang 9736 ay
nanalo ng ikalawang gantimpalang P20,000. Ang naging hati ni Rizal ay P6,200.
Ibinigay niya ang P2,000 sa kanyang ama at P200 kay Jose Ma. Basa sa
Hongkong at ang natira ay kaniyang ginamit sa pagbili ng lupa sa Talisay na
isang kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan.

Prof. Armando S. Santos Page 61


Ngkaroon ng isang mahabang sulatan sina Rizal at Pastells ukol sa
usapin ng relihiyon na naglalaman ng mga paniniwalang pangrelihiyon ni Rizal.
a. Ginagamit ng mga prayle ang relihiyon sa pansariling kapakinabangan.
b. Ang sariling pagpapasiya ay biyaya ng Diyos sa lahat ng tao.

Hindi nagtagumpay si Pastell na maibalik si Rizal para sa simbahan.


Hinamon ni Rizal ang isang Pranses na si Mr. Juan Lardet ng duwelo dahilan sa
pagbebenta kay Rizal ng mga kahoy na mababa ang kwalidad.

Inilipat ni Padre Pastells si Padre Francisco Sanchez sa Dapitan upang


muling akitin si Rizal na magbalik sa simbahan. Ngunit hindi rin ito
nagtagumpay. Nakatanggap na rin si Rizal ng mga panauhin sa Dapitan at
nakasama niya ang kanyang mga kapamilya at nagpatayo na ng bahay sa
Talisay. Nagpadala ang mga prayle ng isang tao na may alyas na Pablo Mercado
(Florencio Namanan) upang isangkot si Rizal sa mas malaking kaso.

Nagtrabaho si Rizal sa Dapitan bilang isang manggagamot. Ang kanyang


mga pasyente ay mga mahihirap na hindi makabayad at mga mayayaman na
nagbabayad ng malaki sa kanyang paglilingkod. Nang tumira ang kanyang ina
sa Dapitan sa loob ng isa at kalahating taon, ginamot din ito ni Rizal. Nakilala
ang kahusayan ni Rizal sa panggagamot kahit na siya ay nasa Dapitan,
sinasadya sya ng mga pasyente mula sa iba't ibang panig ng daigdig. Naging
interes din ni Rizal ang mga lokal at halamang gamot.

Itinayo ni Rizal ang isang sistema ng patubig sa Dapitan upang


magkaroon ng malinis na tubig sa bawat bahay ng Dapitan.

Mga Proyektong Pangkomunidad sa Dapitan:

1. Paglilinis ng mga latian upang mawala ang malaria


2. Paglalagay ng pailaw sa lansangan ng Dapitan
3. Pagpapaganda ng liwasan at ang paglalagay ng mapa ng Mindanao sa
plasa.
4. Ang malaking panahon ni Rizal ay ginamit din niya sa pagtuturo ng mga
kabataan sa Dapitan. Tinuruan niya ang mga ito ng mga aralin sa wika,

Prof. Armando S. Santos Page 62


heograpiya, kasaysayan, matematika, gawaing industriyal at iba pa. Ang
oras ay mula alas 2:00 hanggang 4:00 ng hapon.

Mga ambag ni Rizal sa Agham sa Dapitan

1. Pinasok ni Rizal ang mga kagubatan at baybay dagat ng Dapitan


para sa paghahanap ng mga specimen upang ipadala niya sa mga
museo ng Europa.
2. Nakapag-ipon siya ng 346 na uri ng mga kabibi.
3. Natagpuan niya ang species ng Draco rizali Apogonia rizali at
Rhacophorus rizali.

Ang pag-aaral ng mga wika ay ipinagpatuloy ni Rizal sa Dapitan. Sa


panahong ito ay natutunan niya ang wikang Bisaya, Subuanin, at Malayo.

Ang kahusayan sa larangan ng sining ay makikita pa rin kay Rizal sa


panahon ng pagkakatapon niya sa Dapitan. Gumuguhit siya ng mga bagay na
nakaakit sa kanya at nililok niya ang (1) Paghihiganti ng Ina: (2) ang ulo ni
Padre Guericco; (3) estatwa ng isang babaeng taga-Dapitan.

Ginamit din ni Rizal ang kanyang panahon sa Dapitan bilang isang


magsasaka. Umabot ng 70 hektarya ang lupang kanyang pag-aari na tinaniman
niya ng abaka, niyog, punong kahoy, tubo , mais, kape, at cocoa. Ginamit din ni
Rizal ang modernong pagsasaka sa pamamagitan ng pag-aangkat sa Estados
Unidos ng mga makabagong makinarya.

Ang pagnenegosyo ay isa sa mga naging gawain ni Rizal sa Dapitan.


Nakipagsosyo siya kay Ramon Carreon , mangangalakal na taga-Dapitan sa
negosyo ng pangingisda, koprahan at abaka. Itinayo din ni Rizal ang
kooperatiba ng mga magasasaka sa Dapitan upang mabawasan ang monopolyo
ng mga Tsino sa lugar.

Prof. Armando S. Santos Page 63


Naging malikhain si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng paglikha ng
mga sumusunod;
a. sulpukan - isang pagsindi ng sigarilyo na gawa sa kahoy
b. makina sa paggawa ng bricks

Si Josephine Bracken.

Namatay si Leonor Rivera noong Agosto 28, 1893 dahilan sa


panganganak. Dumating si Josephine Bracken (edad 17) sa Dapitan upang
samahan ang kanyang ama-amahan na si George Tauffer upang mapagamot kay
Rizal. Dala nila ang isang tarheta ni Julio Llorente.

Nagmahalan sina Rizal at Josephine at nagbalak na magpakasal ngunit


ayaw silang ikasal ni Padre Obach ng walang permiso ng arsobispo ng Cebu.
Umalis si Tauffer sa Maynila at naiwan si Josephine sa Dapitan upang makisama
kay Rizal. Sa unang bahagi ng 1896, nakunan si Josephine sa kanilang anak ni
Rizal.

Dumating sa Dapitan noong Hunyo 1896 si Dr. Pio Valenzuela upang


ipaalam kay Rizal ang ukol sa Katipunan. Hinikayat ni Valnzuela ang pamumuno
ni Rizal sa Katipunan na tinaggihan naman niya.

Nagboluntaryo si Rizal upang maglingkod sa hukbong Espanyol bilang


isang seruhano sa Cuba. Ang kanyang kahilingan ay tinugon naman ni Gob. Hen.
Ramon Blanco na sumagot sa kanyang sulat noong Hulyo 1896 na nagsasabi ng
pagsang-ayon sa kanyang plano. Nilisan ni Rizal noong Hunyo 31, 1896 sakay
ng barkong Espana kasama nina Josephine, Narcisa, at pamangking si Angelica.
 

Prof. Armando S. Santos Page 64


 
KABANATA 23 : HULING PAGLALAKBAY SA LABAS NG BANSA

Mula Dapitan patungo ng Maynila

Nagdaan ang barkong Espana sa Dumaguete at binisita dito ni Rizal ang


isa niyang kaibigan na si Herrero Regidor na hukom ng lalawigan. Inoperahan
niya sa mata ang isang kapitan ng guardia civil. Dumaan sa Cebu at inoperahan
niya ang mag-asawang Mateo na kanyang nakilala sa Madrid. Dumaan ng Iloilo
para mamili at nagdaan sa Capiz ang barko.

Sa pagdating ni Rizal sa Maynila ay nakaalis na ang barkong Isla de Luzon


na sasakyan sana niya patungo ng Espanya. Napilitang tumigil si Rizal sa
barkong Castilla sa loob halos ng isang buwan bilang panauhin ni Enrique
Estalon, ang kapitan ng barko.

Habang nasa barko si Rizal ay sumiklab ang himagsikang Pilipino laban sa


mga Espanyol. Nalaman ni Rizal ang pagsiklab ng himagsikan sa pamamagitan
ng pagbabasa ng mga pahayagan sa barko. Sa petsang Agosto 30, 1896
natanggap ni Rizal ang isang sulat ni Blanco na nag-eendorso sa kanya sa
Ministro ng Digmaan. Inilipat si Rizal ng Setyembre 2, 1896 sa barkong Isla de
Panay na maglalayag na patungong Barcelona.

Ang barkong Isla de Panay ay dumaan ng Singapore, pansamantalang


bumaba si Rizal sa Singapore at pinayuhan siya ni Don Manuel Camus na isang
Pilipinong naninirahan na samantalahin na ang pagkakataon upang makatakas.
Hindi ito sinunod ni Rizal.

Habang si Rizal ay naglalakbay patungo ng Espanya ay lihim na


nagpapadala ng telegrama si Blanco sa Ministerio ng Digmaan na si Rizal ang
utak ng himagsikan. Sa Suez Canal ay narinig ni Rizal ang balita ukol sa pagbitay
sa mga Pilipinong naghihinalang kasangkot sa himagsikan. Setyembre 28, 1896
- narinig ni Rizal ang bali-balitang siya ay aarestuhin pagdating sa Barcelona.

Prof. Armando S. Santos Page 65


Setyembre 30, 1896 , ipinaalam kay Rizal ni Kapitan Alemany ang
kautusan na siya (Rizal) ay idedetine sa loob ng kanyang kabina hanggang hindi
nakakabalik sa Maynila.

Oktubre 3, 1896 , nakarating ang barkong Isla de Panay sa Barcelona at


ipinadala sa Munjuich Castle na noon ay pinamumunuan ni General Eulogio
Despujol . Oktubre 6, 1896 - inilabas si Rizal ng kulungan para ibalik sa Maynila
sakay ng barkong Colon.
 
 
KABANATA 24 : HULING PAGBABALIK AT PAGLILITIS

Ang Huling Pagbabalik

Sa Barkong Colon si Rizal ay binigyan ng isang kabuna at nasa ilalim ng


mahigpit na pagbabantay. Nalaman niya sa isang opisyal na siya ang sinisisi ng
mga Espanyol ukol sa nagaganap na madugong himagsikan sa Pilipinas.
Kinumpiska ng mga Espanyol ang talaarawan ni Rizal.

Sa pagdating ng barkong Colon sa Singapore ay sinikap ni Dr. Antonio


Regidor at Sixto Lopez sa pamamagitan ng isang abogadong Ingles na si
Attorney Fort na bigyan si Rizal ng habeas corpus ngunit hindi ito naipagkaloob
sa dahilang ang barkong Colon ay nasa ilalim ng bandila ng Espanya.

Nobyembre 3, 1896 -,Nakarating ang barkong Colon sa Maynila at


tahimik na inilipat si Rizal sa Fort Santiago. Sa panahong ito ang mga Espanyol
ay nangangalap na ng ebidensiya laban kay Rizal. Pinahirapan ng mga Espanyol
ang maraming mga Pilipino para isabit si Rizal sa nagaganap na himagsikan.

Nagkaroon ng isang Preliminary investigation sa kaso ni Rizal na


pinamumunuan ni Colonel Francisco Olive . Si Rizal ay sumailaliam sa limang
araw ng mahigpit na imbestigasyon. Pinili ni Rizal ang pangalan ni Tinyente
Luis Taviel de Andrade bilang abogado sa gaganaping paglilitis sa kanya.

Prof. Armando S. Santos Page 66


Nagsimula ang paglilitis kay Rizal noong Disyembre 26, 1896 at sa
nasabi ding araw ay nagpasiya ang hukuman na bitayin si Rizal sa pamamagitan
ng pagbaril.

Noong Disyembre 28, 1896 nilagdaan ni Gobernador Heneral Camilo


Polaviela ang kautusan ng pagbaril kay Jose Rizal.
 
 
KABANATA 25 : ANG KAGITINGAN SA BAGUMBAYAN

Ang mga Huling Oras ni Rizal

Sa ganap na ika -6:00 ng umaga ay binasa ni Kapitan Rafael Dominguez


ang kapasiyahan na siya ay bitayin, sa Bagumbayan sa Disyembre 30, 1896 sa
ganap na ika- 7 ng umaga.

Alas 7:00 ng umaga ,Tinanggap niyang bisita sina Padre Miguel Saderra
Matta (Rector ng Ateneo) at Padre Luis Viza, isang Jesuitang Guro.

Alas 8:00 ng umaga ,Pumalit kay Padre Viza si Padre Antonio Rosell,
inimbitahan siya ni Rizal na mag-almusal. Pagkatapos na mag-almusal
dumating si Tinyente Luis Taviel de Andrade at nagpasalamat si Rizal dito sa
ginawang pagtatanggol niya.

Alas 9:00 ng umaga , Dumating si Padre Federico Faura at sinabi ni Rizal


na tama ang sinabi ng pare na mapuputulan siya ng ulo sa pagsulat ng Noli Me
Tangere .

Alas 10:00 ng umaga , Dumating si Padre Villaclara (guro ni Rizal sa


Ateneo) at Padre Vicente Balaguer (kura paroko ng Dapitan). Dumating si
Santiago Mataix at kinapanayam si Rizal para sa pahayagang El Heraldo de
Madrid.

Prof. Armando S. Santos Page 67


Alas-12:00 ng tanghali - naiwan si Rizal na nag-iisa sa kanyang silid para
magtanghalian. Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat.
Natapos na niya ang Mi Ultimo Adios at itatago na lamang sa lutuang alcohol at
ginawa na rin ni Rizal ang kanyang huling sulat kay Ferdinand Blumentritt.

Alas 3:00 ng hapon ay nagbalik si Padre Balaguer sa Fort Santiago at


kinukulit si Rizal na gumawa ng isang retraksiyon sa kanyang isinulat na laban
sa simbahang Katoliko.

Alas 4:00 ng hapon dumating ang ina ni Rizal sa Fort Santiago. Lumuhod
dito si Rizal at hinalikan ang kanyang ina. Sumunod si Trinidad at dito ay
ibinigay niya ang lutuang alcohol na naglalaman ng Mi Ultimi Adios .

Sa pag-alis ng mga magulang at kapatid ni Rizal ay nagbalik pa rin ang


mga Jesuita sa pangungulit kay Rizal na gumawa ng retraksiyon.

Alas 6:00 ng gabi , Patuloy pa rin sa pangungulit ang mga Jesuita at mga
prayle na gumawa na si Rizal ng isang retraksiyon.

Alas 8:00 ng gabi nagsagawa si Rizal ng kanyang huling hapunan sinabi


niya kay kapitan Dominguez na pinatatawad na niya ang lahat ng kanyang mga
kaaway .

Alas 10:00 ipinadala ng Arsobispo Nozaleda ang isang kopya ng


retraksiyon na pipirmahan ni Rizal ngunit ito ay tinaggihan ni Rizal. Dahilan sa
hindi napapirma si Rizal sa retraksiyon, ang paring Jesuita ay hinuwad ang
lagda nui Rizal at pagkamatay ni Rizal ay sinabi nila na si Rizal ay lumagda ng
isang retraksiyon.

Alas 3:00 ng umaga sinasabi ng mga paring Jesuita na si Rizal ay nakinig


ng misa at tumaggap ng komunyon. Ngunit ito ay walang basehan.

Alas 5:30- kinain ni Rizal ang kanyang huling almusal pagkatapos ay


sinulat niya ang dalawang sulat para sa kanyang kasambahay at sa kapatid na si
Paciano.

Prof. Armando S. Santos Page 68


Sa nabanggit din na oras ay dumating si Josephine Bracken at
ipinagkaloob ni Rizal ang isang aklat ni Kempis na may pamagat na Imitacion de
Cristo . Sa nasabing aklat inilagay ni Rizal ang isang sulat na To my dear and
unhappy wife, Josephine December 30, 1896. Jose Rizal.

Alas 6:00 ng umaga habang naghahanda para sa martsa sa Bagumbayan,


inihanda ni Rizal ang kanyng huling sulat para sa kanyang ama at ina.

Alas 6:30 nagsimulang umalis ang martsa mula saa Fort Santiago
patungo ng Bagumbayan. Apat na sundalong Espanyol na nakabaril at bayoneta
ang nasa harapan, sa likuran si Rizal na mahinahong naglalakad kasabay ni
Tinyente Luis Taviel de Andrade sa isang tabi at si Padre March at Villaclara sa
kabila. Sa likuran ng maraming mga sundalong Espanyol na nasasandatahan. Sa
panabi ng martsa ay ang hanay ng mga taong nanonood.

Sa pagdating ni Rizal sa Bagumbayan mas maraming bilang ng mga tao


ang naghihintay upang saksihan ang gagawing pagbitay kay Rizal. Nagpaalam si
Rizal kay Luis Taviel de Andrade . Pinulsuhan siya ni Dr. Castillo isang
manggagamot ng hukbong Espanyol at humanga sa normal na tibok ng pulso
nito.

Alas 7:00 ng umaga - binaril si Rizal sa Bagumbayan. Pagkatapos ng


barilin ng firing squad isang opisyal ng hukbo ang lumapit sa kanyang katawan
at binaril na malapitan sa puso. Upang tiyakin na patay na ito. Pagkatapos ng
pagbitay, ang bangkay ni Rizal ay inilibing sa sementeryo ng Paco.

Prof. Armando S. Santos Page 69


.

SA AKING MGA KABABATA

Sinulat ni Rizal ang tulang tagalog na ito sa gulang na walo taon lamang (1869).
Nalathala ito sa aklat na Kung sino ang kumatha ng Florante (1906) ni
Hermenegildo Cruz.

Kapag ang baya’y sadyang umiibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sadyang kalayaan nasa ring masapit,
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagkat ang salita’y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian
At ang isang tao’y katulad, kagabay
Ng alin mang luha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang nararapat pagyamaning kusa
Na tulad ng ina, na tulad ng nagpala.

Ang wikang tagalog tulad din ng latin


Sa ingles, kastila at salitang angel,
Sapagkat ang poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita natin tulad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra

Prof. Armando S. Santos Page 70


Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

 SA KAARAWAN NI INA

Salin ito sa tulang “Mi Primera Inspiracion”. Ayon sa kapatid, sinulat ni Rizal ng siya
ay siyam na taong gulang (1870), ito ay inihandog ni Rizal kay Dña Teodora.

Bakit kaya ngayo’y totoong masaya


Ng mga bulaklak sa naglundong sanga
Humahalimuyak yaong bango nila
Yaman ng talulot na pagkagaganda

 At bakit sa lambak, at sa kagubatan,


Magagandang awit ang mapakikinggan
Katulad ng huni na naglalambingan
Ng ibon kung sila’y nag-aawitan.

 At bakit sa mga malalagong damo


May mga awitang naririnig tayo
Habang naglalaro sa lahat ng dako
Ang maraming ibong nangagluksu-lukso.

At doon sa tabi ng magandang bukal


May buntong-hiningang kaysarap pakinggan

Prof. Armando S. Santos Page 71


Parang nagheheleng marahang-marahan
Kasaliw ng simoy ng hanging amihan.

O mahal kong ina, bilang pagkilala


Sa kaarawan mong lubhang masanghaya
Bango ng bulaklak ay nananagana
At ang mga ibo’y may awit ng tuwa.

Ang masayang awit ng tubig bukal


Sa araw na itong kapalad-palaran,
Ay para bang isang malakas na dasal,
“Nawa’y bigyan siya ng mahabang buhay!”

At ngayon sa tulong kudyaping angkin,


Sa awit ng bukal na nakikisaliw,
Pakinggan mo, Ina, ang unang taginting
Na ang sinasabi’y “mahal ka sa akin!

ISANG ALAALA SA AKING BAYAN

Salin sa tagalong ng “Un Receurdo A Mi Pueblo” ang tulang ito ay sinulat noong
1876. Imiharap ni Rizal ang tulang ito sa isang pulong ng Academia de Literartura
ng Ateneo Municipal de Manila noong 1879, inilathala ang ulang ito sa pahayagang
La Patria sa Maynila noong Disyembre 30, 1899, at sa El Pueblo sa Cebu noong
Hunyo 19, 1900. Ayon naman kay Vicente Elio, nalathala rin ang tulang ito sa La
Democracia sa Maynila noong Hunyo 10, 1901.

 
Kung alalahanin ang nagdaang araw
Ng kamusmusang masayang pumanaw
Sa tabi ng isang baybaying luntian
Ng bubulung-bulong na dagat-dagatan;
Kung gugunitain ko ang damping matrahan
Dinig sa noo ko ang hanging magaslaw

Prof. Armando S. Santos Page 72


Nararamdaman ko yaring katauha’y
Muling sumisigla’t nagbabagong-buhay.

Kung aking malasin ang liryong busilak


Na duruyan-duyan sa hanging marahas,
Habang umiidlip ang buhanging latag
Ang libhang mapusok at maalong dagat,
Kung aking langhapin sa mga bulaklak
Ang mabangong samyo na ikinakalat,
Habang bumabating may ngiti sa lahat
Ang bukang liwayway na namamanaag.

Nagugunit kung may kahalong lumbay


Ang kamusmusan kong wala nang kapantay
Sa piling ng inang mapagmahal
Tanging nagparilag sa aba kong buhay.
Nagugunita kong puso’y namamanglaw
Ang bayang Kalambang aking sinilangan,
Sa dakong baybayin ng dagat-dagatan
Na pugad ng aking madlang kaaliwan.

Ang mga hakbang ko na nag-aapuhap


Sa mga gubat mo’y nag-iwan ng bakas
Sa tabing-ilog mong payapa’t panatag
Ako’y di miminsang sumimsim ng galak;
Sa iyong simbahang sa gara ay salat
Ang pagdarasal ko’y sumisiglang ganap,
Bisa ng hangin mong dalisay at wagas.

Sa mga gubat mo na kahanga-hanga


Ang nababakas ko’y Kamay ng Lumikha
Sa iyong kandungan ay walang luluha
At walang titikim ni munting dalita;
Ang langit mong bughaw kung tinitingala,
Lambing at pag-ibig ang sumasadiwa,
Sa sangkalikasa’y titik ng mistulang
Aking nababasa sa hanap kong tuwa.

Prof. Armando S. Santos Page 73


Kamusmusang nanaw, baying ginigiliw
Masaganang bukal sa tuwa ko’t aliw,
Ng nagdiriktang himig at tugtugin,
Ng tigapagtaboy ng dusa’t hilahil!
Halina, magbalik at muling dalawin
Ang katauhan ko’y muling pagtalikin,
Gaya ng pagbabalik ng ibon sa hardin
Sa pamumukadkad ng bukong nagbitin

Paalam, paalam, ako’y magpupuyat


Aking babantayang hindi maglilikat
Ang kagalingan mo sa aking pangarap.
Busugin ka nawa ng biyaya’t lingap
Ng butihing diwa ng magandang palad;
Ikaw ang tangi kong panatang maalab
Idadalangin ko sa lahat ng oras
Na ikaw ay maging lagi ng matapat.

ANG TANGLAW NG BAYAN

Salin ito sa tulang “Por la Education Recibe luster la Patria”. Sinulat ito ni Rizal
noong Abril, 1876, nang nag-aaral siya sa Ateneo. Nalathala ito noong Enero 2,
1906, sa El Renacimiento, nang kasama pa nito ang dahong tagalong na Munting
Pagsilang.

Prof. Armando S. Santos Page 74


Ang hiningang mapagpala ng matinong edukasyon
Ay may bisang mapang-akit, bisang laging dumadaloy
Inang Baya’y binusog sa biyayang mayamungmong,
Inaangat hanggang ito’y sa pedestal maituntong;
At kung pano’y ang bulaklak na wari ba’y naluluoy
Ay pamuling sumisigla pag ang hangi’y sumisimoy,
Iyang tao ay ganyan din: umuunlad at sumusulong,
Edukasyon ang sa kanya’y nagbubunsod sa pagsibol.

Tao’y handang tumalikod sa ginhawang pamumuhay,


Kung sa gayon yaong nasang edukasyo’y makamkam,
Edukasyon sa siyensya at sa sining ay nagluwal
Upang putong sa tanghalin sa taong karunungan;
Kung pa’no ngang sa taluktok ng mataas na Tagaytay
Nagmumula yaong batis na malinis at malinaw,
Edukasyon ay ganyan din: lupang kanyang panahanan
Ay lalasap ng biyaya ng payapang kabuhayan.

Edukasyon, pag naghari, kabataan ay lulusog,


Ang katawan at pag-iisip ay uunlad ng maayos,
Kamalia’y masusupil, diwa niya’y mabubusog
Sa marangal na damdamin, sa kaluluwa’y humuhubog;
Tanang bisyo’y mapapawi’t sapilitang mauubos
Sa harap ng edukasyon, kasamaa’y malulugmok;
Umaamo kahit na ang mga bansang asal-hayop.

At kung pa’nong iyang batis, sa pag-agos ng marahang


Naglalagos sa makahoy na bukiri’t kapalaran,
Ay may dulot na aruga at saganang mapagmahal
Sa mga halama’t mga damong nilalaro’t hinahagkan,
Ang matinong edukasyon, kapag ito’y nakamtan
Ang sa tao’y nagluklok sa mataas na pedestal
Ng mahigit pa sa gintong kapuriha’t karangalan.

Prof. Armando S. Santos Page 75


At ang kanyang mga labi’y dadaluyang walang likat
Ng tubig ng kabaitang kristal wari ang katulad
At ang kanyang pananalig ay titibay at tatatag
Ang likas na kasamaa’y masusupil niyang ganap,
Katulad ng mga along di gaanong nagluluwat
Pagsapit na sa baybayi’y nawawala’t nababasag
At ang kanyang halimbawa ay salaaming maliwanag
Ng balana sa paghakbang na pasulong at paitaas.

 Sa puso ng katauhang sa kasama ay nagugumon,


Edukasyon ay may tanglaw sa tunguhing gintong layon,
May paggapos sa sariling mga kamay na may lason
Mga pusong naghahanap ng dalisay na yamongmong
Ay sagana sa edukasyon ang nag-ukol,
Sa pusong nag-aalab, mainit at maapoy
Na pag-ibig sa katuwira’y handa silang ipagtanggol;
Ang aliw ng buhay nati’y ang mabuting edukasyon.

At kung pa’nong sa gitna man niyong along mararahas


Sa gitna man niyong sigwa’t nagngangalit na habagat
Ang naroong batong buhay na matayog at matatag
Ay palalong nakatayo at di man lang natitinag
Hanggang yaong mga alo’y maubusan ng lakas
At sa laking pagkahapo ay maidlip yaong dagat,
Sa matinong edukasyon, pag ang tao ay nanghawak
Bayan niya’y nakaakay sa matatag na pag-unlad.

Sa sapiro’y mauukit ang dakilang paglilingkod


Libu-libong karangalan ang sa kanya’y ihahandog
Hasik niyang kabaita’y mabulaklak na lulusog
Sa dibdib ng mga anak na sa kanya ay susunod
Mamamalas ng lahat ng mga punong nagkukupkop
Na ang baying nananalig at sa buti’y nagtatampok
Ay may isang hangaring lang: edukasyong maka-Diyos.

At kung pa’nong nagsasabog ng gintong mga sinag


Iyang araw, kung umagang ngumingiti ang liwanag

Prof. Armando S. Santos Page 76


Kung pa’nong nangasasilanga’y unti-unting kumakalat
Mga kulay naagawan sa kariktang sakdal dilag
Pagtuturo ay ganyan din: unti-unting naghahayag
Sa paslit pangkaisipang marikit nabanaag
Ng hiyas na kabaitang mag-aakay, magtataas
Sa baying sinisinta sa luwalhating walang kupas

SA KABATAANG PILIPINO
Ala Juventud Filipina na lahok ni Rizal sa isang pangmadlang timpalak
noong 1879. Nalathala sa La Independencia at Republica Filipina
noong Disyembre 1898; at sa Aparato Bibliografio dela Historia de
Filipina ni Wenceslao E. Retana.

Itaas ang iyong noong aliwalas


Mutyang kabataan, sa iyong paglalakad
Ang bigay ng Diyos na tanging liwanag
Ay pagitawin mo, Pag-asa ng bukas.
 
Ikaw ay bumaba, o katalinuhan
Mga puso naming ay nangaghihintay
Magsahangin ka nga’t ang aming isipa’y
Ilipad mo roon sa kaitaasan.

Taglayin mong lahat ang kagiliw-giliw


Na mga silahis ng dunong at sining;
Kilos, kabataan, at inyong lagutin
Ang gapos ng inyong diwa at damdamin.

Prof. Armando S. Santos Page 77


Masdan mo ang putong na nakasisilaw,
Sa gitna ng dilim ay di matitinag;
Ang putong na yaon ay dakilang alay
Sa nalulugaming iyong Inang Bayan.

O, ikaw na iyang may pakpak na nais


At handang lumipad sa rurok ng langit,
Upang kamtan yaong matamis na himig,
Doon sa Olimpo’y yamang nagsisikip.

Ikaw na ang tinig ay lubhang mairog,


Awit ni Pilomel na sa dusa’y gamut,
Lunas na mabisa sa dusa’t himutok
Ng kaluluwang luksa’t alipin ng lungkot;

Ikaw na ang diwa’y nagbibigay-buhay


Sa marmol na batong tigas ay sukdulan,
At ang alaalang wagas at dalisay
Sa iyo’y nagiging walang kamatayan.

At ikaw, O diwang mahal kay Apeles,


Sinuyo sa wika ni Pebong marikit,
O sa isang putol na lonang makitid
Nasalin ng kulay at ganda ng langit;

Hayo na’t ngayon di’y papag-alabin mo,


Ang apoy ng iyong isip at talino,
Ang magandang ngala’y ihasik sa mundo
At ipagbansagan ang dangal ng tao.

O dakilang araw ng tuwa at galak,


Magdiriwang na ngayon, sintang Pilipinas!
Mapuri sa baying sa iyo’y lumungap’
Umakay sa iyo sa magandang palad.

Prof. Armando S. Santos Page 78


ANG AWIT NI MARIA CLARA
Ang tulang ito ay bahagi ng Kabanatang XXIII ng Noli me Tangere, 1887. Ang
orihinal na kastila ay may tatlong saknong na aapating taludtod ang bawa’t isa.

Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan,


Doon ang lahat ay pinagpala ng halik ng araw;
May buhay na dulot ng mahinhing simoy na galing sa araw,
Pagsinta’y katimyas at napakatamis ng kamatayan man.

Maapoy na halik ang idarampi ng labi ng ina,


Paggising ng sanggol sa kandunga’y walang balisa;
Pagkawit sa leeg ng mga bisig na sabik pag-umaga na;
Matang nagniningning ay nakangiti’t puspos ng ligaya.

Mamatay ay langit dahil sa ating lupang tinubuan;


Doon ang lahat ay pinagpala ng halik ng araw,
Ang mahinhing simoy na galing sa bukid ay sadyang mapanglaw;
Pag wala na’ng ina, wala na’ng tahana’t walang pagmamahal.

AWIT NG MANLALAKBAY
Salin ito sa tagalong ng “Canto del Viajero” na sinulat ni Rizal sa Dapitan
noong 1896, nang tumanggap siya ng isang patalastas na pinahihintulutan
siyang magtungo sa Kuba bilang kusang-loob na manggagamot sa Hukbong
Kastila. Inilathala ito ni Mariano Ponce sa El Renacimiento noong Disyembre
29, 1903.

Hinahabul-habol; yaring kapalaran,

Prof. Armando S. Santos Page 79


Mailap at hindi masunggab-sunggaban;
Magandang pag-asa’y kung nanlabo man,
Siya’y patuloy rin sa kung saan

Sa pusod ng isang disyertong mapanglaw,


Siya’y maaring doon ay mamatay;
Limot ang daigdig at sariling bayan,
Kamtan nawa niya ang kapayapaan.

Kung sa mga tanging minamahal sa buhay;


Siya’y magbalik sa pagdating ng araw;
Makikita niya mga guho na lamang,
At puntod ng kanyang mga kaibigan.

Abang manlalakbay! Bakit babalik pa?


Ang luhang iniukol sa iyo’y tuyo na,
Abang manlalakbay! Limutin ang dusa;
Sa hapis ng tao, mundo ay nagtatawa.

Prof. Armando S. Santos Page 80


HULING PAALAM
Ang tulang ito ay binalangkas niya sa kalahatian ng Disyembre, 1896, at
sinulat sa kapilya sa loob ng Fort Santiago, naitakas ng kapatid na babae
bago siya bitayin.

Paalam, Bayan kong kasuyo ng araw,


Pumanaw ng edeng mutya ng silangan;
Malugod kong hain aring abang buhay,
At kung naging sariwa’t maringal;
Iaalay ko rin, matubos ka lamang.

Sa parang ng digma’t patayang mabangis,


Dahilan sa iyo ang amang nabulid;
Walang kailanagan saan man maamis,
Kahi bibitayin kung yan ang nais,
Nang baya’t tahanang pinakaiibig.
 
Mamamatay akong aking natatanaw
Sa likod ng dilim ang bukang liwayway,
Kung kailangan mo ang pulang mangulay;
Dugo ko’y gamitin sa kapanahunan,
Nang ang liwanag mo ay lalong kuminanang.

Mula pagkabata ang aking pangarap,


Hanggang sa lumaki’y kalusuga’y ganap;
Ay ang makita ka Sinilayang hiyas,
Na ang mata’y tuyo at noo’y taas,
Walang bahid lungkot, pangamba o sindak.

Aliw niring buhay maalab kong nasa,


Mabuhay! Ang sigaw ng yayaong diwa.

Prof. Armando S. Santos Page 81


Mabuhay! O anong dikit na gunita,
Nang dahil sa iyo’y mamamatay, madudusta;
Humimlay sa kandong ng banal mong lupa.

Kung sa aking aba at ulilang libing,


May isang bulaklak na doo’y sumupling,
Hagkan mo’t itaas ang halik sa hangin,
Sa liupang himlayan ay aking daramhin,
Dampi ng labi mong mainit, magiliw.

Pabayaang ako’y malasin ng buwan,


Lukuban ng sinag ng bukang liwayway,
Bayaang managhoy ang ang hanging mapanglaw,
At kung sa krus ko’y may ibong dumantal;
Bayaang awitin ang kapayapaan.

Bayaang higupin ang araw sa langit


Ang ulan kasam amg aking hinagpis;
Bayaang sa aki’y may isang tumangis;
At kung may magdasal sa hapong tahimik,
Sa Diyos o bayan, ako ri’y ihibik.

Ipanalangin mo yaong nangamatay,


Nagtiis sa hirap na walang kapantay,
Yaong mga inang kapus-kapalaran;
Balo at ulila’t mga bilanggo man,
At sa sarili mo na ang laya’y kamtan.

At kung gabi’y na libinga’y dumilim,


At ang patay lamang ang tanod sa lagim,
Ang kahiwagaa’y huwag gambalahin,
Kung may marinig kang kudyaping malambing;
Yao’y aking awit sa Bayan kong giliw.

Prof. Armando S. Santos Page 82


Kung ang libingan ko’y limot na ng lahat,
At wala ng krus ni batong sagisag,
Puntod ko’y bayaang bungkali’t ikalat,
Nang bango sa wala abo ko’y ilipad,
Sa sahig mong lupa ako’y maging latag.

Malimot man ako’y walang kalangan,


Ang kalawakan mo’y aking malalakbay;
Ako’y magiging awit, bango at kulay,
Tinig at liwanag, taghoy at alingawngaw;
Ng pananalig kong inuusal-usal.

Sintang Pilipinas ito’y huling hibik,


Sa iyo’y iiwan ang yaman ng dibdib;
Tungo ko sa bayang walang mapanlupig,
Doo’y di mamamatay yaong pananalig,
At ang naghahari’y Diyos ng pag-ibig.

Paalam sa iyo karugtong ng buhay,


Mga kababata sa sawing tahanan;
Ipagpasalamat ang aking paghimlay,
Paalam giliw ko, paalam sa tanan,
Kamatayan isang pagpapahingalay.

Prof. Armando S. Santos Page 83


BUOD NG NOLI ME TANGERE

Prof. Armando S. Santos Page 84


Ang kasaysayan ay nagsimula sa isang salu-salo na bigay ni Kapitan
Tiago (Santiago de los Santos) sa kanyang bahay sa Calle Anclague
(ngayon ay Juan Luna) nang katapusang araw ng Oktubreng iyon. Iyon
ay kanyang inihandog sa karangalan ni Crisostomo Ibarra, ang kaisa-
isang anak ni Don Rafael Ibarra, at kasintahan ni Maria Clara na
nagbalik sa Pilipinas mula sa

Europa matapos ang pitong taong pag-aaral.

Kabilang sa mga panauhing iyon si Padre Damaso, isang paring totoong


mapusok at may dalawang taong kura sa San Diego; Pari Sibyla, pari sa
Binondo; Señor Guebara, Tinyente ng mga guardiya sibil; Don
Teborcio de Espanada, asawa ni Donya Victoria; at iba pang babaing
panauhin.Maganda ang naging pagtanngap ng mga panauhin kay
Ibarra, maliban kay Padre Damaso at alinsunod sa kaugaliang Aleman.
Ipinakikilala niya ang kanyang sarili sa mga kababaihan.

Ang naging paksa sa hapunang iyon ay ang pag-aaral at ang nagging


karanasan ni Ibarra sa ibang bansa. Ikinalugod ng mga panauhin ang
mga isinalaysay ni Ibarra, maliban kay Padre Damaso na
nagmumukmok ang kalooban

 dahil sa natapat sa kaniya ay ang leeg at matigas na pakpak na tinolang


manok. Kanyang pinaalang halaga ang mga
sinabi ni Ibarra.

Matapos ang hapunan, nagtungo si Ibarra sa otel upang makapagpahinga.


Sumabay sa kanya si Tinyente Guevarra at isinalaysay sa kanya ang
mga tungkol sa kamatayan ng kanyang ama sa San Diego, ayon sa
nagsalaysay si Don Rafael ay isang matapang na lalaki, na -

ipinagtanggol ang isang bata sa kalapas tangan ng isang walang pinag-


aralang kolektor na kastila na kanyang naitulak at namatay, na nagging
dahilan ng pagkabilanggo. Sa bilangguan ay inabot iyon ng kamatayan.
Sa libingan ng mga mga kristiyano siya inilibing ngunit ipinahukay ng
kanyang kalaban ang kanyang bangkay.

Prof. Armando S. Santos Page 85


Nagpasalamat si Ibarra sa Tinyente at ipinanata niyang kanyang
tutuklasin ang katotohanan hinggil sa kamatayan ng kanyang ama.

Kinaumagahan ay naging panauhin siya ni Maria Clara, ang kanyang


katipan, at ang pagtatagpong iyon ay lalo pang nagpatibay sa kanilang
matamis na pagpapalagayan.

Pagkatapos ng pakikipagtagpong iyon sa kayang kasintahan, tumuloy na


siya sa San Diego, pagkat noon ay araw ng mga banal, at kanyang
dadalawin ang libingan ng kanyang ama. Doon niya natuklasan, sa
maglilibing na ang bangkay ni Don Rafael ay ipinahukay ng pari at
ipinalipat sa libingan ng mga Intsik, ngunit dahil noon ay maulan at
lubhang mabigat ang bangkay, ipinatapon na lamnag iyon sa lawa.

Poot na poot na iniwan ni Ibarra ang libingan, at sa kanyang paglabas


nasalubong niya si Padre Salvi, ang kura ng San Diego, na siya niyang
pinagbuhusan ng poot dahil sa nangyari sa kanyang ama. Ipinagtapat ng
pari ang lahat ng iyon ay kagagawan ni Padre Damaso na siya niyang
sinundang paring nakatalaga sa San Diego.

Sa San Diego ay nakilala niya ang ibat-ibang uri ng tao. Nakadaupang


palad niya si Pilosopo Tasyo ng dahil sa mga kaisipang
makabago ay hindi nauunawaan ng mga tao hanngang sa ipalagay
nilang nasisiraan ng bait ang matanda. Ang guro ng San Diego ang
nagsiwalat sa kanya ng mga suliranin sa mga pag-aaral ng mga
kabataan; si Don Filipo Lino ang lider ng kilusang liberal sa bayan at
isang tinyente mayor; si Don Melchor ang kapitan ng Cuadrillos
(pulis ng bayan) at iba pang mamamayan gaya nina Don Basilio at Don
Valintin.

Sina Kapitan Tiago, Maria Clara, at Tiya Isabel ay dumating sa San


Diego. Naghanda si Ibarra sa may lawa. Kabilang sa mga dumalo ay
ang mga kaibigan ni Maria Clara, sina Sinang, Vbictoria, Iday at
Neneng, at iba pang panauhin na kinabibilangan ng kanilang kaibigan.
Isa sa mga bangkero ay nagngangalang Elias.

Prof. Armando S. Santos Page 86


Sa lawa ay nakipaglaban si Elias sa isang buwaya, buong bangis na
nakipaglaban ang bangkero.

Sinaklolohan siya ni Ibarra at siyang nakapatay sa buwaya, at


tagapagligtas sa buhay ni Elias.

Hindi naglaon ay umahon na sila sa kati. Sa isang naghihintay na handa,


matapos ang kainan, si Maria Clara at ang kanyang mga kaibigan ay
naglaro ng “Gulong ng Kapalaran” ngunit lumapit si Padre Salvi at
pinunit ang aklat na pinag-lalaruan, dahil sa iyon ayon sa kanya ay
isang kasalanan. Maya-maya ay dumating ang sarhento at apat na
kawal ng guwardiya sibil na humanap kay Elias, ngunit nakaalis na ang
kanilang hinahanap.

Nang sumunod na araw ay dumalaw si Ibarra kay Pilosospo Tasyo,


upang isangguni ang kanyang panukalang paaralan na ang kanyang
pagkakaloob sa San Diego ay pinahihintulutan ng pamahalaan. Inisip ni
Pilosopo Tasyo na walang kahihinatnan ang proyekto ni Ibarra,
bagama’t ang pagtatayo ay pinasimulan na.
Samantala’y abalang-abala ang buong San Diego dahil sa nalalapit na
kapistahan. Sa umagang iyon ay pagdiriwang, nagmisa si Padre Salvi,
at nagsermon si Padre Damaso hinggil sa ilang nagkamit ng
karunungan at`lumalaso sa kaisipang mga mamamayan.

Naroon si Ibarra at nagdasal katabi si Maria Clara sa loob ng simbahan.

Lumapit si Elias at pinagunitaan na mag-ingat sa pagbabasbas sa


ipinatayong paaaralan.

Sa pagbabasbas, ang taong dilaw ang siyang gumawa ng kalo at


matamang pingmamasdan si Elias. May hinala siyang ang gumawa
niyon ay kasapakat ng mga taong kaaway ni Ibarra. At nang

lumusong na nga si Ibarra upang tumupad sa kanyang bahagi sa


pagbabasbas, humugong ang buong paligid, pagkat ang kalo ay
biglang bumagsak, mabilis niyang naitulak si Elias at ang taong
nakadilaw ang siyang nabagsakan.

Prof. Armando S. Santos Page 87


Sa isang salu-salo sa ilalim ng kiosko, isang pangyayari angnaganap
kay Ibarra at Padre Damaso, hinamak ni Padre Damaso.ng gunita ng
ama ni Ibarra, at hindi nakatiis siniil ng binata ang pari, at sa
pamamagitan ng isang patalim ay mapapatay sana niya ang prayle kung
hindi namagitan si Maria Clara Ang pangyayaring iyon ay nagbunga ng
dalawang bagay, Napatid ang pagmamahalan nina Maria Clara at Ibarra
at itong huli ay naiskumunikado. Sa kabutihang palad ay dumating ang
Gobernador Heneral na siyang nagsabi kay Kapitan Tiago na
tanggapin na si Ibarra at ipangakong lalakarin niyang maalisang
ekskumunyon niyon.

Nang matapos ang pista nagkasakit si Maria Clara. Ginamot siya ng


nagduduktor-duktorang si Teburcio de Españada ang asawa ni
Donya Victoria na umaakit kay Kapitan Tiago na ipinakasal ang
kanyang pamangking kastila na si Alfonso Linares de Españada, na
tinulungan naman na ipinatalos nila’y si Ibarra ang utak ng lahat ng
iyon. Kung kaya ng madakip ang mga sumalakay si Ibarra ang kanilang
isinigaw na pinuno, at itong huli ay dinakip.

Nang malaman ni Elias ang nangyari kay Ibarra, ay tinulungan niya iyong
makatakas. Sa isang bangkang puno ng kumpay, namaybay sila sa ilog
tumigil sila sa bahay ni Kapitan Tiago at doon ay nagkita sa kahuli-
huliang pagkakataon sina Ibarra at Maria Clara. Doon ay Padre
Damaso, ngunit nanatiling matapat si Ibarra kay Maria Clara.

Hindi naglubay ang mga kaaway ni Ibarra sa pagwasak sa kanya.


Nagpakana sila ng pagsalakay sa tanggulan ng mga guwardiya sibil, at
yaon ay ipinalam din nila kay Alferez. Sa mga nag-aalsa ang
ipinaliwanag ni Maria Clara kung bakit niya ibinigay ang sulat sa
kapitan at may kapangyarihang ipinalit lamang niya ito sa mga
sulat ng kanyang ina, ni Pia Alba, na nasa kay Padre Salvi at doon ay
natuklasan niya na ang kanyang tunay na ama ay si Padre Damaso.

Nagpatuloy na sina Elias at Ibarra sa pagtakas. Ngunit aabutin sila ng


humahabol na sasakyang pandagat ng mga pulis. Inutusan ni Elias na
magtago sa ilalim ng damo sa loob ng bangka.

Prof. Armando S. Santos Page 88


Pagkatapos ay tumalon siya. Tinugis si Elias ng mga humahabol na akala
ay ng mga may kapangyarihan ay si Ibarra. Tinamaan siya ngunit
patuloy pa rin sa paglangoy at siya nga ay nakatakas.

Malubha ang sugat, nakasapit si Elias sa baybayin at lumakad na patungo


sa gubat. Doon niya natagpuan si Basilio na umiiyak na katabi ang
bangkay ni Sisa, ang kanyang inang baliw. Inuutos niya sa bata na
siya’y sunugin. Bispiras ng pasko noon, at kabilugan ng buwan
habang unti-unting tumatakas ang buhay, si Elias ay humaharap sa
silangan at umusal ng “ Mamamatay akong hindi makikita ang
ningning ng bukang liwayway sa aking bayan!, kayong makakakita ay
salubungin ninyo siya at huwag kakalimutan ang mga nabulid sa dilim
ng gabi”.

BUOD NG EL FILIBUSTERISMO
Ang kasaysayan ng El Filibusterismo ay nagsimula sa barkong Tabo,
mula sa Maynila patungong lawa ng laguna. Yaon ay parang isang
munting daigdig na pinagtagpu-tagpuan ng iba’t- ibang uri ng nilikha.
Kabilang ang mga pasaherong naroon ay sina Simoun, ang mayaman at
makapangyarihang mag-aalahas, si Isagani ang makata at
pamangkin ni Padre Florentino, si Paulita Gomez ang
pamangkin ni Donya Victoria, ang katawa-tawang Pilipinong
nagpupusturang Kastila; si Ben Zayb, ang mamamahayag na Kastilang
maraming isinulat na makakasira ng lipunang Pilipino; si Padre Sibyla,
Bise Rekto ng Pamantasan ng Santo Tomas; Padre Camoora, ang pari
sa bayan ng Tiani; si Don Custodio, ang Pilipinong may mataas na
tungkulin sa pamahalaan, Padre Silva, dating kura ng San Diegio.

Si Padre Irene, ang mabait na alagad ng simbahan ng mga kaibigan ng


mga estudyanteng Pilipino; si Padre Florentino, ang matalino at

Prof. Armando S. Santos Page 89


makabayang paring katutubo at si Basilio, ang anak ni Sisa at nag-aral
ng medesina sa tulong ni Kapitan Tiago.

Ang El Fili ay umiinog sa katauhan ni Simoun. Sa katotohanan siya ay si


Ibarra sa Noli Me Tangere, sa tulong ni Elias na ikinabuwis ng buhay
nito, ay nakatakas sa mga kawal na tumutugis sa kanila sa lawa ng
Laguna. Hinukay niya ang ibinaong kayamanan at nagtungo sa Cuba at
doon ay nakapalagayang loob siya ng mga Kastila, pagkalipas ng
maraming taon ay bumalik siya sa Pilipinas at nagbalat- kayo, naging
makapangyarihan sa tulong ng kanyang yaman at naging malapit at
tagapayo ng Gobernador- Heneral.

Si Simoun ay dumating sa Pilipinas na may marubdub na hangaring


sa unang malas, siya ay tunay na kaibigan ng Espanya ngunit sa
kaibuturan ang kanyang damdamin ay nagtutumining ang lunggating
maibalik ang kapangyarihan ng pamahalaan sa pamamagitan ng
himagsikan at upang mailigtas sa kumbento ng Santa Clara si Maria
Clara.

Siya’y nilikhang kaugnay ng yaman at kapangyarihan sa kanyang


pagbabalik at hindi ang kanyang pagiging malapit sa Gobernador-
Heneral at sa Malakanyang, tinawag siyang Kardinal Moreno at
Eminencia Negro. Ang kanyang pagkatao ay isang tunay na mahiwaga
na nakamamalas sa kanya.

Nalantad ang lihim ng nagbabalat kayong si Simoun ng ito’y dumalaw


minsan sa pook na kinalalagakan ni Elias at ng aliw na si Sisa,
nang gabing iyon ay naroon si Basilio, ang anak ni Sisa at sa
pagpapanagpo ng dalawang lalaki ang lihim ay nabunyag. Sana’y
maaaring patayin ni Simoun si Basilio upang manatiling pinid ang
nakaraan ngunit sa binata’y nakita ang makapangyarihang mag-
aalahas ang daan ng katuparan ng kanyang pag-asa at hinayaan niya
itong mabuhay.

Prof. Armando S. Santos Page 90


At unti - unting ang layunin ni Simoun ay naisakatuparan. Sa
paggamit ng kanyang kapangyarihan ay nag-ambag siya ng
kabulukan sa pamahalaan upang ang kaalipustahan ang bayan ay
matutong masaktan, mapoot at bumangon. Sa tulong ng mangangalakal
na Intsik na si Quiroga ay nakapagpasok sila ng sandata mula sa ibang
bansa at kaipala, ang lahat ng lumaon ay hinog na para sa isang
tahasang pagbangon ng bayan.

Kinasangkapan niya ang idealismo ng mga kabataan, at ang pait ng


karanasan ng mga katandaan at inihanda niya ang lahat ng pagbangon.
Sa kanyang gunam-gunam, inaasam na niya ang pananagumpay.

Ngunit namatay si Maria Clara at sa kay Simoun ay nabuhay dahil sa


gunita ng pag-ibig, ang babae ay magandang katuparan sa
pagbangon. Ang kamatayang yaon ang pumatay sa alab ng kanyang
hangarin at ang nagbabantang pagbangon ay hindi na natuloy. Sa
gitna ng kanyang pangungulila, walang lakas si Simoun ang hudyat ng
paghihimagsik.

At siya’y nagkasakit ngunit sa kabila ng kanyang pangungulila, unti-unti


nagbangon ang kanyang poot at hinanap muli ang mabuting
pagkakataon ang hindi naisakatuparang balak.

Ang pagkakataong iyon ay dumating sa araw ng kasal nina Pulita Gomes


at Juanito Pilaez, hinandugan niya ng lampara ang ikakasal, maliban
kay Basilio ay walang ibang nakakaalam tungkol sa mahiwagang
lampara ngunit ito’y isang ing kamatayan. Ang ilaw na iyon ay
sasabog, pagpugay ng ningas at ang buong bahay na kinarororonan ng
sasabog na dinamita at iba pang nasa paligid ay mawawasak at ang
lahat ng panauhin, mga maginoo, at may mgakapangyarihan
kasama na ang Gobernador-Heneral ay mamamatay. Yaon ang
pagsisimula ng pagbangon ng bayan sa lakas ng mapang-aping Espanya
na sa kay Simoun ay isangkatapusan.

Prof. Armando S. Santos Page 91


Ngunit ang inaasahang magaganap ni Simoun y hindi naganap dahil sa
may di kalayuan, sa bahay na pinagdarausan ng handaan ay kaawa-
awang nakatayo ang makatang si Isagani. Sa kahuli-hulihang
pagkakataon, nais nitong malasin si Paulita Gomez na mga ilang
sandali lamang ay magiging angkin na siya ng ibang pag-ibig. Nakita
ng binata ang kaibigang si Basilio na nasa pook ding iyon. Pinalayo ni
Basilio ang kaibigan ngunit nanatili doon si Isagani. Napilitang
ipagtapat ni Basilio ang kahindik-hindik na mangyayari, ang tungkol
sa lamparang handog na sa sandaling paglabo ngningas ay sasabog at
ang lahat ng nasa loob ng bahay na iyon ay magwawakas. Nagunita ni
Isagani si Paulita Gomez, ang kanyang minamahal at utos ng
makapangyarihang pag-ibig sa sandaling pagkupas ng liwanag sa loob
ng tahanan ay buong bilis niya ang loob hinagap ang lampara, tumalon
sa ilog at doon sa ilog naganap ang pagsabog.

Natuklasan ang nabigong pagbabangon. Napag-alaman nasi Simoun ang


utak ng lahat ng iyon, nasukol siya ng mga nahuhuling kawal at
malubhang nasugatan. At nagawa nitop ang tumakas at dala ang
kanyang kayamanan, nagtago siya sa bahay ni Padre Florentino sa
tabi ng dagat ngunit ang kanyang kinaroroonan ay natuklasan ng mga
kapangyarihan at ang tinyente ng guwardiya sibil ay sumulat kay Padre
Florentino hinggil sa pagdating sa ikawalo ng gabi ng araw na iyon
upang dakpin si Simoun.

Ngunit ang pagdakip ng mga maykapangyarihan ay di maatim ni Simoun


kaya uminom siya ng lason sa agging bahagi na ang kamatayan,
ang takda nitong punong-puno ng kamatayan na ugat ng mga
kasamaang iyon ay itinapon ni Padre Florentino sa pusod ng dagat
upang ihabilin doon ang kapangyarihan ng Diyos. Kung kakailanganin
ng tao sa pagsasakatuparan ng isang banal at mataas na layon ay

Prof. Armando S. Santos Page 92


hahanguin niya ito muli iyon ng Lumikha mula sa sinapupunan ng mga
alon.pagitan ng buhay at kamatayan ay ikinumpisal ni Simoun kay
Padre Florentino ang lahat-lahat, ang kanyang makasariling balak na
dudurog at wawasak sa kaaway at kaibigan at upang magtagumpay
lamang sa pansarili at maramot na layunin. Ngunit ang pagdating ng
wakas at ng maykapangyarihang si Simoun aynaging bahagi na anng
kamatayan na ugat ng kasamaang iyon

ay itinapon ni Padre Florentino sa pusod ng dagat upang ihabilin doon


ang kapangyarihan ng Diyos. Kung kakailanganin ng tao sa
pagsasakatuparan ng isanmg banal at mataas na layon ay hahanguin
niya ito muli ng Lumikha mula sa sinapupunan ng mga layon.

Prof. Armando S. Santos Page 93


Prof. Armando S. Santos Page 94
Mga Sangguniang Aklat

Aguinaldo, M.M. Gabay sa Pag-aaral ng Buhay, mga Ginawa at Sinulat


ni Dr. Jose Rizal. Mandaluyong City: National Bookstore Inc., 1994
 
Alejandro R. at B. S. Medesina. Ang Buhay at Diwa ni Rizal.
Mandaluyong City: National Bookstore Inc., 1972
 
Casim, at iba pa. Mga Tula at Patnubay sa Pag-unawa ng Noli Me
Tangere ni Rizal. Manila National Bookstore Inc., 1973

 Capino, J. B. Ang Buhay ng Isang Bayani. Mandaluyong City: National


Bookstore Inc., 1973
 
Causay, P. M. Labin- isang Pag-ibig ni Jose Rizal. Mandaluyong City:
National Bookstore Inc., 1994
 
Domingo, J. El Filibusterismo ni Rizal Isinilarawan. Manila: Acapulco
Bookstore Inc., 1965

Madriega, E. R. at iba pa. Noli Me Tangere. Quezon City: Abiva


Publishing House Inc., 1996
 
Salazar, A.E. Ang El Filibusterismo. Quezon City: JMC Press Inc., 1978
 
Zaide, G. F. Jose Rizal Life, Works ang Writings. Manila : C. F.
Villanueva Bookstore. 1981

Vallejo, O. Intructional Material : Life, Works and Writings of Rizal. Aurora State
College of Technology, Aurora, Aurora

Prof. Armando S. Santos Page 95


Prof. Armando S. Santos Page 96

You might also like