You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE


Shoe Ave. cor. Mayor Chanyungco St., Sta. Elena, Marikina City – 1800
SY 2020- 2021
GE-9 Works & Life or Rizal

TALAMBUHAY NI RIZAL

1. Tukuyin ang simula ng angkan ni Rizal, sa panig ng kaniyang ama.

May isang LAM-CO, tubong Fookien, Tsina, na mula sa distrito ng Parian (mga
Intsik) sa Maynila ay nanirahan sa Tubigan, Binyang, siya'y naging Domingo Lam-co,
at napakasal sa isang mestisang Tsina, si Inez dela Rosa. Nagkaanak sila ng dalawa,
sina Francisco at Josefa, na binigyan ni Lam-co ng bagong apelyidong Mercado
(mangangalakal), batay sa pagiging negosyante ng kaniyang mga ninuno. Isa pa,
apelyidong Kastila ang Mercado at iyon ang magkukubli sa kanilang pagiging Intsik.
Noon ay mababa ang pagtingin ng mga Kastila at maging ng mga Pilipino sa mga
Intsik. Namatay si Josefa (gulang lima) at si Francisco ay napakasal kay Bernarda
Monicha, mestisa ring Intsik. Naging anak nila sina Juan at Clemente. Si Juan ay
napakasal kay Cirila Alejandro at sa labing-apat na naging anak ay isa si Francisco
Mercardo, ang ama ni Rizal. Dahil sa kapatid ni Francisco na si Petrona, isang
magtetela sa Kalamba, ang una ay pumasok na kasama sa asyenda ng mga Dominikano
na Kalamba at doon nito nakilala si Teodora Alonso na naging kabiyak niya.

2. Tuntunin nag simula ng angkan ni Rizal, sa panig ng kanyang ina.

Si Eugenio Ochoa o Ursua, lahing Hapon, ay may anak, si Regina Ochoa, na


napakasal sa isang mestisang Intsik, si Manuel de Quintos. Ang naging supling ay si
Brigida de Quintos, na napakasal naman na isang inhinyero, si Lorenzo Alberto
Alonso. Nagkaanak ng lima ang mag-asawa sina Narcisa, TEODORA, Gregorio,
Manuel at Jose. Isinilang at bininyagan sa Maynila, ang mga ito ay nanirahan sa
Kalamba, sa lupain ng yumaong ama, si Lorenzo Alberto Alonso. Nang iutos ni
Claveria noong 1849 ang pagsasaayos ng pangalan ng mga Pilipino, idinagdag nila ang
REALONDA. Bunga: ang buong pangalan ng ina ni Rizal ay TEODORA ALONSO
REALONDA MERCADO y QUINTOS.

3. Saan nanggaling ang apelyidong Rizal?

Nang pagtibaying Mercado ang apelyido ni Don Francisco, ayon sa utos ni


Governador Claveria noong 1849, naipalagay ng may malayang isip sa matanda, na
ang "Mercado" ay hindi agpang sa kanya, sapagka't siya ay isang magsasaka, at hindi
negosyate. Idinagdag niya sa kaniyang apelyido ang ricial, na ang kahulugan ay
luntiang paatulan. Sapagka't higit na madulas bigkasin nag Rizal, iyon ang naging
baybay ng apelyido ng angkan ng bayani.
4. Bakit pambihira ang may apilyedong Rizal ngayon, gayong napakaraming kapatid ni
Don Francisco Mercado Rizal?

Sapagka't si Don Francisco lamang ang gumamit ng Rizal sa magkakapatid.


Hindi matiyak ang sanhi nito, nguni't sa napantaha, ang hindi pagkagamit ng iba pang
kapatid ni Don Francisco ng Rizal ay ang mga sumusunod: (1) si Don Francisco lamang
nag pumili at nagdagdag ng Rizal sa apelyidong Mercado; (2) si Don Francisco, na may
malayang pag-iisip ay may nakasalungatang may kapangyarihan at kapag ginamit ng
kaniyang mga kapatid nag Rizal ay maaaring masangkot pa ang mga iyon. Ang totoo,
nang unang pumasa-Europa si Rizal, ang ginamit niyang ngalan sa kanyang pasaporte
ay Jose Mercado upang hindi mapuna ng may kapangyarihan sa "mainit" na sa kanyang
angkan.

5. Bakit Jose ang ipinangalan sa bayani?

Nang isilang si Dr. Rizal noong ika-19 ng Hunyo, Miyerkules bago


maghatinggabi, nagkataong yaon ang kaarawan ni San Jose ayon sa kalendaryong

1
Republic of the Philippines
MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE
Shoe Ave. cor. Mayor Chanyungco St., Sta. Elena, Marikina City – 1800
SY 2020- 2021
GE-9 Works & Life or Rizal

Katoliko. Kaipala'y doon isinunod ng relihiyosang si Donya Teodora ang pangalan ng


kanyang pangalawang anak na lalaki.

6. Sinu-sino ang mga kapatid ni Rizal?

Sina Saturnina (1850-1913), Paciano (1851-1930), Narcisa (1852-1939),


Olimpia (1855-1887), Lucia (1857-1919), Maria (1859-1945), Conception (1862-
1863) Josefa (1865-1945), Trinidad (1968-1951), at Soledad (1870-1929)

7. Ano ang kalagayan ng Pilipinas nang isilang si Rizal?

Waring nabibilang na ang payapang pamamayani mga prayle sa Pilipinas. Ang


pahayagang El Eco Filipina na inilathala nina Padre Pedro Pelaez at Jose Burgos ay
masigasig sa kilusang isa Pilipino ang mga parokya ng kapuluan. Nagkaroon na ng
kasunduan ng kapayapaan ng Espanya at Inglatera at bunga nito'y pumasok sa
Pilipinas, hindi lamang ang mga produkto, kundi pati na kaisipang liberal ng ibang
bansa. Ang gulo sa Espanya na likha ng pakikidigma ng Pranses na si Napoleon ay
nakapagpamulat sa mga Pilipino ng kahinaan ng pamahalaang Kastila. Ang mga
Kastilang itinapon sa Pilipinas ng rehimen ni Ferdinand VII ay hayagang nanuligsa sa
mga ordern ng relihiyon. Si Gobernador Carlos Maria dela Torre, bilang kinatawan ng
pamahalaang Republikano ng Espanya noong 1869 ay nagpakita sa mga Pilipino sa
kawalang-simpatiya sa mga orden ng relihiyion sa hangaring ibigay sa mga katutubo
ang kanilang karapatan. Samakatuwid, ang impluwensiya ng kaunlaran sa kabuhayan at
kaisipan ay hindi na mapipigilan sa pagpasok sa Pilipinas.

8. Sino ang mga unang guro ni Rizal?

Ang kanyang ama’t ina na nagturo sa kaniyang ng Cutan at mga dasal: Ang
kaniyang yaya na nagkwento sa kaniya ng mga engkanto at kababalaghan: sina
maestro celistino, Don Leon Monroy at Lucas Padua na nagturo sa kaniya ng
panimulang Latin: Si maestro Justiniano Aquino Cruz na naging guro niya nang isa at
kalahating taon sa Binyang Laguna.

9. Anong halimbawa ng kalawang-katarungan ng mga Kastila ang unang naranasan ni


Rizal?

Nang masakot sa isang usapin ang kanyang Ina. Isinuplong si Donya Teodora
nakatulong sa pagtatangka ng kapatid nitong si Jose Alberto na lasunin ang asawa
naman nitong naging taksil samantalang si Jose Alberto ay nasa Europa. Dinakip si
Donya Teodora ng alperea, na minsan ay tinanggihang bigyan ni Don Francisco ng
pagkain sa kabayo dahi yaonay sapat lamang para sa mga alaga nito. Bilang ganti kay
Don Francisco, pinapaglakad ng alperea si Donya Teodora mula Kalamba hanggang sa
biangguan sa Sta. Cruz, Laguna. Bukod dito, dahi ang huwea noon ay siya pa ring
tagausig, tumagal nang tumagal ang kaso ni Donya Teodora, sapagka’t sa tuwing
mapawawalang-sala siya sa isang bilang, ay isa na namang sumbong ang ihaharap.
Marahil ay ito ang pinaghanguan ni Rizal ng nangyari kay Don Rafael Ibarra sa “Noli
Me Tangere”

10. Papaano nagkaroon agad ng impluwesiya sa isip ni Rizal ang pagkakabitay sa


tatlong pari ang Gomburza?

Nang bitayin ang tatlong pari (1872), si Paciano, ang kanyang kapatid ay
napilitang umuwi sa Kalamba upang makaligtas sa pag-uusig. Si Paciano ay nakatira
sa bahay ni Padre Burgos at katulong nito sa mga gawaing propaganda. Marahil ay

2
Republic of the Philippines
MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE
Shoe Ave. cor. Mayor Chanyungco St., Sta. Elena, Marikina City – 1800
SY 2020- 2021
GE-9 Works & Life or Rizal

isinalaysay na lahat ni Paciano kay Jose ang buhay ni Padre Burgos at ang
pagkakabitay rito at sa dalwang kasama.

11. Saang kolehiyo sa Maynila unang nag-aral si Rizal?

Kumuha siya ng pagsusulit noong Hunyo 10, 1872 upang matanggap sa


sekundarya ng Ateneo Municipal. Nakapasa siya, nguni’t hindi siya tinanggap sa
Ateneo ng Hesuwitang paring si Magin Fernando dahil, una, nahuli siya sa pagdating;
Ikalawa, payat at napakaliit niya sa kaniyang edad na labing-isa. Natanggap lamang
siya nang mamagitan si Dr. Manuel X. Burgos, pamangkin ng paring martir na si Jose
Burgos. Tinapos niya roon ang sekundarya ng may pinakamataas na karangalan at
noong Marso 14, 1877, wala pa siya labing-anim ay iginawad sa kanya ang tituong
Batailer de Artes (Bachelor of Arts, may pinakamataas ding karangalan.

12. Anu-anong mahaagang aklat ang nabasa ni Rizal noong siya ay nasa Ateneo?

Ang Konde ng Montes Kristo ni Alexander Dumas-naantig siya ng paghihirap


ng taunhang si Edmond Dantes, na pagkaraang tumakas asa bilangguan ay nagbaik
upang ituwid ang mga pagkakamaing naging sanhi ng kanyang sinapit;ang The
Universal History ni Cesar Centuy Dios-isang set ng mga aklat sa kasaysayan, na
kaipala’y nakapagpalawak sa isip ni Rizal tungkol sa kasaysayan ng mga bansa sa
daigdig; ang Mga Pagalakbay sa Pilipinas ni Dr. Feodor Jagor na kaipala’y nakapag
pamithi kay Rizal na gumawa ng mga hakbang para sa ikabubuti ng Pilipinas, dahil sa
ang nilalaman ng nsabing aklat ay mga pagmamasid ng siyentipikong Aleman sa
kasiraan ng pamamahala ng mga Kastia sa mga kolonya nito.

13. Saan naging makata si Rizal?

Bagama’t nagiyahan siya ng kanyang ina sa pagsulat ng tua, na ang isa sa


naging bunga ay ang tulang “Sa Aking mga Kababata”(1869), ang pagkamakata ni Rizal
ay nilikha sa Ateneo Municipa. Hindi kukuangin sa labing-limang tula ang nasulat niya
sa Ateneo, kabilang na ang A Mi Puebo, A Farewell Dialogue of the Students, To the
Child Jesus at To the Virgin Mary. Ang kanyang mga tua bagama’t perpekto sa
pamamaraan ay hindi pa nakakaaabot sa tunay niyang pagka-henyo. Kabayanihan,
edukasyon at relihiyon ang karaniwang paksa ng mga tula.

14. Sino ang unang pag-ibig ni Rizal?

Si Segunda Katigbak, kolehiyalang taga-Lipa at kaiskuwela ng kanyang kapatid


na si Olimpia sa Colegio Concordia. May kasintahan na ito, batid ni Jose, nguni’t ito’y
malapit sakanya at “nagkaroon ako ng damdaming hindi ko panakikilala kailanman”.
Hindi siya nakapagtapat, maging nang abangan niya ito sa Kalamba sa paguwi sa Lipa.

15. Anu-anong kurso ang kinuha ni Rizal sa Unibersidad ng Sto. Tomas?

Medisina, na sinimuan niya noong 1878 at Pilosopia Y Letra, na sinimuan niya


noong 1879. Ipinasiya niya ang pag-aaral ng medisina dahi sa panlalabo ng paningin
ng kanyang ina, na nabatid niya noong umuwi siya ng Pasko ng 1877. Isa iyon sa
pinakamalungkot na Pasko sa kanyang buhay. Yaon din kaipala ang nagtulak sa kanya
upang magsumikap na makapagpatuloy ng pag-aaral ng medisina sa Europa.

16. Anong mahahalagang akda ang nasulat ni Riza noong siya ay nasa Unibersidad ng
Santo Tomas?

3
Republic of the Philippines
MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE
Shoe Ave. cor. Mayor Chanyungco St., Sta. Elena, Marikina City – 1800
SY 2020- 2021
GE-9 Works & Life or Rizal

Ang A La Juventud Filipina (Sa Kabataang Pilipino) 1879, na nagtamo ng unang


gantimpala. Ginantimpalaan ng isang pinilakang panulat, ang paksang-diwa ng tula ay
“sa mga Pilipino ang Pilipinas”, ayon kay Rafael Palma. Walang naghinala sa mga
hurado na ang tula’y lumuluwalhati sa Pilipinas. Noon, ang pagmamahal sa Espanya.
Hindi nila nasakyan ang ang panawagan ni Rizal na putulin na ang tanikalang
nakabidbid sa kaisipang-Pilipino. Isa pang akda ng bayani, ang aegoryang El Consejo
de os Dioses (Ang Sanggunian ng mga Diyos) ay nagtamo rin ng unang gantimpala sa
prosa, nguni’t nang matukasang ang may-akda ay Pilipino at hindi Kastila, sa
nangalawa, kay D. N. del Puzo, ibinigay ang unang gantimpala. Sumuat din siya ng
isang dula, ang Junto al Pasig (Sa Pampang ng Pasig) para sa taunang pagdiriwang
noong Disyempre 8, 1880. Kung ang El Consejode los Dios ay katunayan na nasapit na
ni Rizal ang kanyang pagiging makasining na manunulat, ang Junto al Pasig ay simula
naman ng litaw na pagbibigay-babala sa mga Kastia na binibilang na lamang ang araw
nila sa Pilipinas. Sa dula, pinapagsalita si Rizal si Satanas, na nagsabing sa Pilipinas ay
magkakaroon ng digmaan, pagsalakay, pagdanak ng dugo’t pag-agos ng mga luha,
bunga ng pagtingin ng tao sa kaniyang sarili, bago ang pagtingin sa bayan.

17. Papano naging kasintahan ni Rizal si Leonor Rivera?

Umuwi si Rizal sa bahay ng kanyang tinutuyang tiyo, si Antonio Rivera,


isanggabi na duguan ang ulo, Napaaway sila ng kanyang mga kasama laban sa mga
estudyanteng Kastia. Ginamot siya ni Leonor, ang kanyang pinsan na
lalabindalawahing taong gulang. Nnag sumunos na taon (1880), naging magkasintahan
sila. Estudyante sa La Concordia si Leonor at nagsusulatan sila na ang inilalagda ni
Leonor ay taimis. Labing-isang taon silang naging magkatipan ni Leonor (1880-1991)
at magkahiwaay lamang dahil sa pagtuto ng mga magulang ni Leonor. Napakasal si
Leonor kay Charles Henry Kiping, isang inhinyenrong Ingles.

18. Bakit ipinasiya ni Rizal na sa Europa na mag-aral?

Ayon kay Palma, kabiguan sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas ang


nakapagpasiya rito upang pasa-Espanya, bukod pa sa hangaring “makapaglakbay,
matuto at mapaghabing ang pamumuhay sa Pilipinas at sa ibang bansa; upang masuri
ang mga sanhi at pinagmulan ng kasamang nakapamamayani sa bayan at makatukas ng
lunas para noon”, Sinabi ni Guerrero na ang pagpapasa-Europa ni Rizal ay tulak ng
tagumpay ng bayani sa kanyang panunulat, kaya kaipala’y sinabi ni Dr. Trinidad Pardo
na hangad ni Rizal na “mapaging perpekto ang sarii, upang maging makabuluhan sa
kanyang mga kababayan”. Marahil ay natandaan pa ng bayani ang bilin sa kabataang
Piipino si Padre Burgos, na mag-aral sila sa Europa.

19. Ano ang bahagi ni Paciano Rizal sa pangingibang-bansa ng bayani?

Si Paciano, hindi ang kanyang ama o ina, ang higit na nakauunawa sa


damdamin ni Rizal. Si Paciano ang unang nakahalata sa hangarin nitong maglakbay. Ito
ang lumikom ng $356.00 para sa kapatid at nangakong padadalhan si Jose ng P35.00
buwan-buwan, bukod sa nakipag-ayos satiyo nilang si Antonio Rivera (ama ni Leonor)
na mangangalap ng salaping ipadadala kay Jose hanggang sa siya ay makatapos ng
pag-aaral. Maaaring si Paciano ay may hangarin ding mag-aral sa Europa, sapagka’t
ito’y nag-aaral at may radikal na pag-iisip, nguni’t nagpakasakit ito para sa kapatid.
Isa pa, kailangan si Paciano ni Don Francisco sa pag-aasikaso ng kanilang upain sa
kalamba.

20. Bakit lihim ang pag-ais ni Rizal?

4
Republic of the Philippines
MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE
Shoe Ave. cor. Mayor Chanyungco St., Sta. Elena, Marikina City – 1800
SY 2020- 2021
GE-9 Works & Life or Rizal

Ang pag-alis niya noong Mayo 3, 1882, sakay ng bapor Salvadora ay


ipinakalihim, sapagka’t sinusubaybayan na siya ng kanyang mga kaaway. Ang kanyang
mga akda ay putos ng nasyonalismo at patriotismo at ipinalalagay na siya ay isa pang
Jose Burgos. Maaaring pigilin ang kanyang pag-alis. Ang totoo, pagkaalis ni Rizal,
tinanong ang kanyang ama, na nagmaang-maangan sa kinaroroonan nbg anak at sa
layunin nito sa paglalakbay.

21. Saan unang tumigil si Rizal sa espanya?

Mula sa Manila, Singapore, saka Aden, Suez, Ehipto Napoles (Italya)


Maraeilles (Pransiya) at - Barcelona. Ang lalawigang ito ng mga Catalan ay senator ng
mga republikano at liberal. Kaiba sa mga kastilang nakatagpo ni Rizal ang mga
Catalan, sapagka't ang mga Ito'y may malayang pagkukuro, mapanuligsa as katiwalian
as panahalaan at malungay sa ano mang uri ng pagbabawal. Ipinalagay na isinaayos ni
Rizal ang kanyang pasaporte sa Barcelona, sa tunay na niyang pangalan.

22. Saan sinulat ni Rizal ang "El Amor Patrio"?

Sa Barcelona, ipinadala nila ang kulang ito sa Disriong Tagalog sa Maynila.


Pinuri iyon ng mga kaibigan at kamag- anak dahil sa lalaki na tapang sa paglalarawan
as Espanya na "Isang dayuhang bansa" para kay Rizal, hindi "Inang Lupa" Ipinalagay
naman ng mga kaaway ng kaunlaran sa Pilipinas na iyon at palatandaan ng pagtataksil
at paghihimagsik laban sa Espanya. Tulad sa Ala Juventud Filipina, pinalinaw na
naman sa tulang ito ni Rizal na ang Pilipinas ay isang banda, hindi na isang bayang
lamang!

23. Anong mga kurso ang kinuha ni Rizal sa Unibersidad Central de Madrid?

Ipinagpatuloy niya simula ng Nobyembre 3, 1882 ang hindi niya natapos sa


Unibersidad ng Santo Tomas. Bukod sa roon, nagliliksiyon sita sa eskultura, are, pag-
pipinta at lingguwahe. Natapos niya ang Licentiate sa Medisina noong Hunyo 21, 1884
ngunit sanhi as kakulangan ng salapi , ang diploma ay ibinigay sa kanya noon lamang
Hunyo 1, 1887. Nawala pa ang diploma at nakakuha siya ng duplikado noong Marso
11, 1892 nang siya ay nasa Hongkong. Nagdoktorado sa madisina si Rizal, subali't
dahil hindi siya sumulat ng tesis, siya ay may karapatan lamang na manggamot at hindi
dapat tawaging doctor, ayon kay Retana. Natapos naman ni Rizal ang kanyang
Pilosopiya Letras noong Hunyo 19, 1885.

24. Ano ang natuklasan ni Rizal tungkol sa mga Pilipino nang siya ay nasa Madrid na?

Walang pagkakaisa ang mga Pilipino sa hangaring mapaunlad ang kalagayan ng


Pilipinas. Mayroong Circulo Hispono- Pilipino ang mga Paterno, Ventura, Lopez Jaena,
Aguirre st Llorente. Mayroong ding isang magasing itinataguyod ni Don Juan Atayde,
komandanteng Kastila sa Pilipinas na retired na. Subali't pawang indibiduwal lists ang
mga Pilipinong ito, walang disiplina sa sarili at ang inilalathala pang magasin ng
Circulo ay panig sa monarkiya ng Espanya. Naging kasapi sa circulo si Rizal at
nakipagtulungan as paglalathala ng magasin. Tinutulan niya ng atensiya ng magasin,
na ikinapansin sa kanya ng mga kasama. Mula noon, iginalang ang kanyang kaisipan at
naging masugid siyang tagapagtangol ng interest ng mga Pilipino.

25. Kailan unang inulunsad ni Rizal ang pormal niyang tuligsa sa kaliluang nagaganap
sa Pilipinas?

5
Republic of the Philippines
MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE
Shoe Ave. cor. Mayor Chanyungco St., Sta. Elena, Marikina City – 1800
SY 2020- 2021
GE-9 Works & Life or Rizal

Sa isang bangkete as karangalan nina Juan, Luna at Felix Resorreccion


Hidalgo. Sa pagtatanghal (Exposition) as Madrid si Luna ay nagwagi ng ganitong
medalya dahil sa kanyang pinturang El Spolarium at si Hidalgo ay nagtamo naman ng
medalyang pilak. Nagtalumpati sa isang lipunan si Rizal at ipinahayag niyang ang
Espanya ay pinaniwala mg mga nasa kapangyarihan sa Pilipinas na ang kolonyang ito
ay maliga't nasisiyahan samantalang sa katotohanan, ang mga Pilipino'y biktima ng"
brutong lakas" at ang "katwiran at hangarin" ng mga Pilipino ay iginugupo ng
pagkamaliling, panasistismo at kawalang katarungan ", ang naging bunga nito'y ang
ikinasiya ni Rizal na pagkamulat ng mga Pilipino sa Madrid sa pulitika ng Pilipinas ,
mga Pilipinong nagsisulat ng artikulo sa mga magasin tungkol sa itinalumpati ni Rizal.

26. Ano ang mga naging insprirasyon ni Rizal upang similar niyang sultan ang Noli Me
Tangere?

Una, as pagbabagong tatag mg Circulo Hispuno-Fili- pino hinangad ni Rizal


na makasulat siya at ang mga kasama niya ng isang aklat tungkol sa iba't ibang mukha
ng buhay sa Pilipinas. Subalit halos ang gusto ng lahat ay tungkol sa mga Pilipinad,
Ikalawa, natunghayan ni Rizal ang Nandering Jew ni Eugene Sue at siya'y humanga sa
nobelang ito. Ikatlo, nabasa niya ang Uncle's Tom Cabin ni Herriet Beecher Stowe at
nadama niya ang dianna niyang pagkaalipin ng mga negro sa America. Ikaapat ayon sa
sulat niya kay blumentritt, ibig niyang makasulat ng isang aklat na sasagot sa lahat ng
tuligsa laban sa mga Pilipino.

27. Mason na ba si Rizal nang sinusulat nita ang Noli?

Maari ayon kay Palma, nagtungo si Rizal sa Paris noong 1883 at may isang
preserbado ngayong panayam ng bayani tungkol sa Mason. Isa pa, nawalan na siya ng
pananalig sa simbahan gaya ng isinulat niya sa kanyang ina sa " hindi na matutulong as
kanya ang mga panalangin sa simbahan.

28. Saan saan sinulat Rizal ang Noli?

Ang kalahati ay sa Madrid sa pagitan ng 1884 at 1885: ang isang ikaapat na


bahagi'y sa Paris ( nang nagsimula magpakadalubhasa sa opotaimolohiya at ang huling
ikaapat ay sa Berlen. Sa tulong ni maximo Viola. 2000 kopya ng Noli ang naiimbag sa
halagang 300,00 peso.

29. Bakit kinaiangan ni Rizal na magtungo sa Alemanya?

Pagkapag-aral sa Madrid ng medisina, nagtungo siya sa Paris upang


magpadalubhasa sa ilalim ng kilalang okulista sa Europa, si Dr. L. de Wecker.
Nagugunita niyang lagi na kailangan nang matistis ang mga matang kanyang ina. Ito
ang dahilan kung bakit noong Pebrero 7, 1886, nagtungo siya sa Heidelberg at
namasukan sa klinika ng mga dalubhasang okulistang sina Dr. Otto Becker at Dr.
Xavier Galezowsky. Pagkaraan, nagtungo si Rizal sa Leipzig at naggamot sa mata.

30. Anu-ano ang pinag-aralan ni Rizal samantalang siya ay nasa Europa?

Nag-aral siya ng sining (pagpipinta at eskultura), etnolohiya, kasaysayan at ng


wika. Dalawampu’t dalawa ang nasasaitang wika ni Rizal: Tagalog, Ilokano, Bisaya at
Sebuwano, Kastila, Latin, Griyego, Pranses, Aleman, Ingles, Arabe, Malayan, Sankrito,
Ebreo, Sweko, Olamdes, Catalan, Italyano, Intsik, Portuges, Ruso at wikang Hapones.
Bukod rito, nanaliksik at na-ipon siyang mga kaalaman sa kasaysayan, kabuhayan,
kultura at pulitika ng iba’t ibang bansa. Sa ikalawang pagalakbay niya ay nagtungo
siya sa Londres at itinumpal ang kamalian sa sinulat na kasaysayan ng Pilipinas ni Dr.
Antonio de Morga.

6
Republic of the Philippines
MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE
Shoe Ave. cor. Mayor Chanyungco St., Sta. Elena, Marikina City – 1800
SY 2020- 2021
GE-9 Works & Life or Rizal

31. Bakit ipinasiya ni Rizal na magbaik sa Pilipnas gayongbinigyang-babala na siya


ngmga kamag-anak at kakilala sa kakaharapin niyang panganib sa tinubuang lupa?

Unang-una’y ibig na niyang matistis ang mga mata ng kanyang ina; ikalawa’y
inuusig ang kanyang pamilya at kailangang damayan niya ang mga ito; ikatlo’y hindi na
silanagkakabalitaan ni Leonor sapagka’t ang sulat ng dalawa’y ipinahaharang ng ina ng
babae na koreo sa Dagupan; ikaapat, kagustuhan niyang mabatid sa sarii kung ano ang
nagingbunga ng Noli Me Tangere sa kanyang mgakababayan at sa mga
nakapangyayaring mga Kastila sa Pilipinas.

32. Inaasahan ba ni Rizalna may kapahamakang idudulot sa kanya ang pagbabalik niya
sa Piipinas?

Noong Mayo 19, 1887 isinulat niya sa kaibigang propesor na Australyano, Dr.
Ferninand Blumentritt; “Marahi,ang magandang pamamaalam ko sa Europa ay
panimula ng malungkot na pagtanggap sa akin sa Pilipanas, Sapagka’t sa buhay ko, ang
kaligayahan ay aging sinusundan ng mga Kasiphayuan…”

33. Kailan dumating si Rizal sa Maynila?

Noong Agosto 6, 1887,pagkaraan ng imang taon sa Europa. Masaya ang


pagsalubong sa kanya ng mga kamag-anak, kaibigan at kakilala na sipi ng Noli.
Nguni’t sa panig ng mga maykapangyarihan ay waring hindi pinansin ang kanyang
pagdating. Ito’y palatandaang may mga lihim na binabalak ang mga kalaban ni Rizal.

34. Nagtagumpay ba si Rizal sa pagtistis sa mga matang kanyang ina?

Tagumpay ang pagtistis, sapagka’t pagkaraan ng dalawang araw, nakakitang


muli si Donya Teodora. Lamang, kinailangang uitinang pagtistis, nang si Rizal ay nasa
Hongkong at nang siya ay itapon sa Dapitan.

35. Nadalaw ba ni Rizal si Leonor?

Hindi. Hindi siya pinahintulutan ng kanyang mga maguang, sapagka’t ayaw na


ayawkay Rizal ng ina ni Leonor . Ipinaagay ni Donya Sivestre Bauson de Rivera na
sapul nang ,alathala ang El Amor Patrio at ang Noli Me Tangere, si Rizal ay ipinalagay
nang mapanganib at higit sa lahat ay kalaban ng Simabahan. Hindi na nga sila nagkita
hanggang sa si Rizal ay muling bumalik sa Europa at si Leonor ay mapakasal kay
Charles Kipping.

36. Anong hakbang ang ginawa ng kanyang mga kaaway laban sa pagsulat niya ng
Noli?

Isang lupon ng mga tagsuri sa Unibersidad ng Santo Tomas, sa pamamagitan


ng Arsobispo Payo ng Maynila, ang nagrekomenda na ang aklat ay ipagbawal sa
Pilipinas. May isipang liberal, ipinasuri ito ng Gobernador-Heneral Emiio Terrero sa
Comision Permanente de Censura sa ilalim ni Padre Salvador Font. Inilathala ang ulat
dito nanagtatagubilin ding ipagbawal ang Noi. Hindi sinunod ni Terrero ang
rekomendasyon.

Bunga nito, ang tunggaian ay naganap sa mga pahayagan amang. Ikinalat ni


Padre Font ang kanyang ulat-tuligsa sa Noli, gayundin ang kritika ni Padre Jose
Rodriguez, punong monasteryo sa Guadalupe, sa paglalabasan ng tao sa simbahan
pagkaraan ng misa.May mga kababayan namang nagsipagtanggol sa nobela ni Rizal.

7
Republic of the Philippines
MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE
Shoe Ave. cor. Mayor Chanyungco St., Sta. Elena, Marikina City – 1800
SY 2020- 2021
GE-9 Works & Life or Rizal

37. Bakit nilisan ni Rizal ang Pilipinas gayong aanim na buwan lamang sioya rito?

Una, dahil sa gusot sa lupa sa Kalamba. Si Rizal ang sumulat ng petisyon sa


pamahalaan laban sa hakbang ng mga Dominikano na alisin ang mga magbubukid sa
asyenda sa dahilang may pagkakautang sa buwis po kaya’y tumututol sa mataas na
buwis. Si Rizal ay ipinalalagay na lider at samakatuwid, nanganganib na siya ay usugin.
Ikalawa, dahil sa kanyang mga sinulat, siya ay tinaguriang kaaway ng Simbahan,
espiya ng Alemnya, Protestante at mason. Hindi siya patatahimikin ng mga prayle.
Ikatlo, maari siyang paslangin nang pataksil. Iyon ang dahilan kung bakit binigyan siya
ni Gobernador Terrero ng guwardiya, si Don Jose Taviel de Andrade, na nagging
abugadong tagapagtanggol niya nang siya ay litisin noong 1896. Nang malaon, ipinayo
na rin niTerrero na umalis na siya sa Pilipinas. Ikaapat, ang kabiguan na rin ni Rizal sa
pagbibingi-bingihan ng pamahalaan sa kahilingan ng mamamayan na ipagtatanggol sila
laban sa mapagsamantalang mga prayle.

38. Saan-saan tumigil si Rizal pagkaalis sa Maynila?

Pagkaalis niya noong Pebrero2, 1888, tumigilaiy A Hongkong at pinag-aralan


niya roon ang kaugaliang Intsik at ang dulaan doon. Saka nagtuloy siya sa Yokohama
at nag-aral ng buhay-Hapones, jiu-jitsu at nagkagusto sa isang Haponesa si O-Sei-
San. Noong Abril 28,1888, nagtuloy siya sa San Francisco at New York, na nilisan
niya patungong Inglaterya noong Mayo 16, 1888.

39. Ano ang puna ni Rizal sa Amerika?

Bagama’t maunlad sa industriya at tanyag, bilang “lupain ng malalaya at


tahanan ng magigiting”, wala roong tunay na pagpapantay-pantay ang tao sapagka’t
ang isang Negro ay hindi makapag-aasawa sa isang Puti o isang Puti sa isang Negro.

40. Ano ang ginawa ni Rizal sa Londres?

Angpagtungo ni Rizal sa Inglaterya ay bahagi ng isang balak na tuklasin kung


bakit inaapi ng mga kastila sa Pilipinas ang mga Pilipino. Totoo nga kayang ang mga
Pilipino’y may mababang uri ng pagkalahi? Pinag-aralan niya at itinuwid ang
“Kasaysayan ng Pilipinas” ni Dr. Antonio de Morga; sinuri rin niya ang mga sinulat
tungkol sa Pilipinas nina Gasper de San Agustin, Colin, Chirino at Martin de Rada,
Ipinalimbag niya ang ikalawang edisyon ng Noli Me Tangere.

Dito rin niya isinulat ang “Liham sa mga babae sa Malolos” ang “Ang
katamaran ng mga Pilipino”at ang “Ang Pilipinas sa loob ng Siglo”

41. Ano ang ginawa ni Rizal sa Paris?

Tapos na ang kanyang gawain sa Londres. Sa Paris, ipinalathala niya ang


binagong kasaysayan ng Pilipinas ni Morga. Kung ang Noli ay kasaysayan ng Pilipinas
sa kasalukuyan, ang Sucesos ni Morga ay kasaysayan ng Piipinas bago dumating ang
mga Kastila. Itinatag niya noong Agosto,1889 ang Pandaigdig na Samahan ng mga
Pilipinista, na ang layunin ay magpasigla sa pananaliksik sa wika, kaugalian, pulitika at
iba pang kaalaman tungkol sa Pilipinas. Umalis lamang siya sa Paris dahil sa gusot
tungkol kay Nellie Bousted, ang niligawan niyang kasintahan ni Antonio Luna.

42. Sa pagbabalik sa Madrid, bakit naging abalang-abala si Rizal?

Inasikaso niya ang kaso sa pagkakapalayas sa kanyang pamilya sa Kalamba


( sa Los Banos lumipat ang mga Mercado. ) Nilapitan niya si G. Fabie, ministro ng mga

8
Republic of the Philippines
MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE
Shoe Ave. cor. Mayor Chanyungco St., Sta. Elena, Marikina City – 1800
SY 2020- 2021
GE-9 Works & Life or Rizal

kolonya, gayundin si Pi y Margail, isang republikano, at si Zorilla, nguni’t dahil ang


mga monarkista ang nasa kapangyarihan, walang nangyari sa kanyang kahiingang
mabalik sa dating lupain ang kanyang pamilya.

Sumulat din siya sa La Solidaridad, na naging opisyal na tagapamanang ng


muling itinatag na Asociation Hispano-Filipino.Tinapos na rin niya ang El
Filibusterismo.

43. Saan nalathala ang El Filibusterismo?

Sa Ghent, Belhika noong 1801. Tulad ng Noli, salapi rin ang suliranin. Paunti-
unti ang paglilimbag at naisulat ni Rizal kay Basa na nasa Hongkongna ibig na niyang
sunugin ang manuskrito nguni’t hindi iyon natuloy. Noong Setyembre, 1891, ipinadala
sa kanya ni Ventura ang salaping kailangan pa niya upang matapos ang paglilimbag ng
nobela.

44. Bakit nilisan ni Rizal ang Madrid?

Una, upang mapanitili ang pagkakaisa ng mga propagandista sa Espanya.


Nagkahidwaan sila ni del Pilar tungkol sa pamumuno sa kanilang samahan. Ikalawa,
Ibig niyang maipasok sa Pilipinas ang mga sipi ng El Filibusterismo, Ikatlo, hangad
niyang magbalik sa kanyang Pamilya, ikaapat, dahil sa pagtutol ng kanyang mga
magulang na umuwi siya dahil manganganib ang kanyang buhay, nangako ang mga ito
na kakatagpuin siya sa Hongkong, kaya’t ipinasiya niyang manggamot duon, gaya ng
matagal na niyang balak.

45. Anu-ano ang ginawa ni Rizal sa Hongkong?

Una, tinistis niyang muli ang mga mata ng kanyang ina, na dumating nang
makadalawang linggo na siya sa Hongkong, Ikalawa, binalak niyang magtayo ng
kolonya ng mga Pilipino sa Borneo, kaya’t sumaglit siya roon at nakahingi ng
pahintulot sa gobernador na Ingles. Sinulatan niya si Gobernador Espujol sa Pilipinas
upang payagan sila sa kanilang proyekto. Tumanggi ang liberal na gobernador
sapagka’t yaon ay “hindi makabayan” Ikatlo, nanggamot siya.

46. Bakit ipinasiya ni Rizal na magbalik sa Pilipinas?

Una, ibig niyang matulungan ang malapit nang ipatapong sina Paciano Rizal at
Manuel Hidalgo, ang kanyang bayaw, Ikalawa, ibig niyang isaayos “ang ilang bagay na
pansarili”, Sa huli’y ipinalalagay na ang tinutukoy niya ay ang hangarin niyang
magtayo ng kolonya sa Borneo, at ang pagtatatag ng La Liga Filipina.

47. Bakit inutos ni Gobernador Despujol na ipatapon sa Dapitan si Rizal?

Gayong nahikayat ni Rizal si Despujol na huwag nang ipatapon ang kanyang


kapatid at bayaw, siya ay ipinadakip nito dahil:

1. Naglathala siya ng mga aklat at polyeto laban sa Katolisismo;


2. Nagtungo siya sa mga lalawigan upang mang-akit ng mga kasapi sa itatatag
niyang samahan;
3. Inihandog niya sa Gomburza ang El Filibusterismo;
4. Nahulihan siya ng mga polyeto, ang Pohrea Frailes na tumutungkol sa
pagsasamantaa ng mga prayle sa kagandahang-loob ng mga Pilipino.

9
Republic of the Philippines
MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE
Shoe Ave. cor. Mayor Chanyungco St., Sta. Elena, Marikina City – 1800
SY 2020- 2021
GE-9 Works & Life or Rizal

48. Ano ang ipinasiya ni Rizal nang siya ay nasa Dapitan na?

Manahimik, magsaka at manggamot, Tinupad niya ito sa pamamagitan ng


pagpapaagos ng kuryente ( mula sa $500 na ibinayad ng isang pasyenteng may
katarata ), at sa pagbubungkal ng lupa sa Talisay. May dalawampung batang tinuruan
niya sa pagbasa at pagsulat ng aritmetika, Ingles at Kastila.

49. Anong mahalagang bagay ang dumating sa kanyang buhay sa Dapitan?

Si Josephine Bracken, Kasama ito ng ama-amahang si G. Taufer, isang


inhinyerong Amerikano na may katarata. Dahil sa araw-araw na pagkikita, sapagka’t
kinailangang tumigil doon si G. Taufer pagkatistis sa mga nito, nagkaibigan sina Rizal
at Josephine pagkaraan ng isang buwan, Walang nagawa ang pagtutol ng ama-amahan
ni Josephine.

50. Ikinasal ba sina Josephine Bracken at Rizal?

Hindi, ayaw baguhin ni Rizal ang paniniwala niya sa relihiyon. Ayaw silang
ikasal ng mga Hesuwita. Mahigpit silang naggagapan ng kanilang palad at ipinalagay
nilang yaon ay pagkakasal na. Nagkaanak sila, nguni’t namatay yaon nang isilang na
kulang sa buwan.

51. Bakit dinalaw ni Pia Valenzuela si Rizal sa Dapitan?

Upang ipabatid sa bayani na natatag na ang Katipunan at tuloy hilingin ang


tulong nitong moral. Hindi naniniwala sa hindi handang paghihimagsik si Rizal. Kaya
nabigo si Valenzuela.

52. Bakit nilisan ni Rizal ang Dapitan?

Bagama’t nananahimik, may mga petisyon na ipinadala si Rizal sa mga


gobernador ( Despujol at Blanco ) na siya ay palayain, Walang nangyari roon, kaya’t
nang imungkahi ni Blumentritt na maaari si Rizal na magboluntaryo bilang
manggagamot sa Cuba ( may digmaan doon ) nakakita ng pagkakataon ang bayani.
Sinulatan niya si Gobernador Blanco tungkol dito at pinayagan siya sa sulat nitong
natanggap niya noong Hulyo 30, 1896. Kasama nina Josephine, Narcisa ( kapatid
niya ) at ilang pamangkin at mga estudyante, nilisan ni Rizal noong Hulyo 31, 1896 ang
Dapitan, pagkaraan ng apat na taong pagkakapatapon.

53. Bakit hindi na naarating sa Cuba si Rizal?

Siya’y ipinadakip. Nasa bapor Castilla si Rizal nang mabunyag ang Katipunan.
Nagsimula ang himagsikan noong Agosto 26, 1896, at kaipala’y ipinaglagay na
kaugnay siya roon. Sa may Mediteranyo na siya ipinadakip, nang tanggapin ng kapitan
ng bapor ang isang telegrama mula sa Maynia. Ibinilanggo siya pagdating sa Barcelona
noong Nobyembre 3, 1896, si Riza ay naibalik na sa Maynila.

54. Anu-ano ang bintang kay Rizal?

Basahin: Pride of the Malay Race ni Rafael Palma (sain ni Hukom Ramon
Ozaeta) pp. 266-275; Rizal ni Jose M. Hernandez, pp. 204-206; First Fiipino ni Leon
Ma. Guerrero, pp.416-422.

10
Republic of the Philippines
MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE
Shoe Ave. cor. Mayor Chanyungco St., Sta. Elena, Marikina City – 1800
SY 2020- 2021
GE-9 Works & Life or Rizal

55. Kailan pinagtibay ang hatol na kamatayan kay Rizal?

Disyembre 28, 1896 pinagtibay ni Gobernor Polsvieja, ang humalili ay


Gobernador Blanco, ang hatol na kamatayan kay Dr. Rizal.

56. Ikinasal ba si Josephine ay Rizal bago binari ang huli?

Ang tanong na ito ay masasagot batay sa paniniwala sa “retraction” o pagbawi


ni Rizal sa mga sinasabi niya laban sa simbahan. Kung binawi ni Rizal ang kanyang
mga sinabi, ikinasal sila ni Josephine. Kung hindi binawi, hindi sila maaaring
mapakasal sapagka’t hindi papayag ang sino mang pari noon.

57. Anong oras binaril si Rizal?

Sa ganapna ika-7:30 ng umaga ng Disymebre 30, 1896, Miyerkoles. Namatay


siya sa gulang na 35 taon limang buwan at labing isang araw.

11

You might also like