You are on page 1of 3

GAWAIN 1. PAGHAHANAY. Isulat ang titik ng salita/mga salita na hindi kasama sa grupo o hanay.

A 1. Mga naging guro ni Rizal sa Calamba

a) Justiniano Aquino Cruz c. Lucas Padua


b) Leon Monroy d. Maestro Celestino

C 2. Natuntunan ni Rizal kay Tiyo Jose Alberto

a) pag-unawa sa mga tula c. pagpinta


b) masusing pagmamasid d. pagguhit

C 3. Mga tulang naisulat ni Rizal habang siya ay nasa Ateneo de Manila

a) Alianza Intima Entre la Religion y la Educacion c. Un Recuerdo A Mi Pueblo


b) Por la Educacion Recibe Lustre la Patria d. A la Juventud Filipina

D 4. Nais kunin na programa ni Rizal sa pamantasan

a) abugasya c. medisina
b) agrimensor d. panitikan

B 5. Mga librong kinaaliwang basahin ni Rizal noong siya ay nag-aaral pa sa Ateneo de Manila

a) The Count of Monte Cristo c. Uncle Tom’s Cabin


b) Travels in the Philippines d. Universal History

B 6. Mga kursong natapos ni Rizal

a) Batsilyer ng Agham c. Filosofia y Letras


b) Batsilyer ng Sining d. Medisina

C 7. Mga pangyayaring naganap sa pag-aaral ni Rizal sa Biňan

a. pakikipagsuntukan sa kaklaseng si Pedro

b. pakikipagbunong-braso kay Andres Salandanan

c. siya ay napabilang sa pangkat ng Imperyo ng Carthagena

d. pag-aaral ng pagpipinta kasama ang kamag-aral na si Jose Guevarra

A 8. Babaeng nagpahumaling kay Rizal

a. Juliet C. Segunda Katigbak


b. Leonor Valenzuela d. Seňorita L

D 9. Mga taong tumulong para malinang ang galing sa pagpipinta ni Rizal

a. Agustin Saez c. Juancho Carrera


b. Jose Alberto d. Romualdo Teodoro de Jesus

A 10. Mga dahilan bakit hindi naibigan ni Rizal ang atmospera ng edukasyon sa UST

a. sinauna at mapang-api ang sistema ng pagtuturo


b. mababa ang pagtingin sa mga estudyanteng Pilipino
c. marami sa kanyang mga kamag-aral ay Espanyol at mapagmataas
d. hindi maganda ang pagtingin sa kanya ng mga Dominikong propesor

GAWAIN 2. PAGTUTUKOY. Isulat ang salita o grupo ng mga salita na tinutukoy sa mga sumusunod.

1. Ang pamangkin ni Padre Jose Burgos na tumulong upang makapasok si Rizal sa Ateneo.
Manuel Xeres Burgos
2. Tutol na magpatuloy si Rizal ng pag-aaral sa mataas na edukasyon at bumalik sa Maynila upang
ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Ang kanyang Ina na si Teodora
3. Babaeng niligawan ni Rizal sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham na nakasulat sa tintang di
nakikita.
Leonor Valenzuela
4. Samahang panrelihiyon sa Ateneo na kasapi si Rizal.
Alianza Intima
5. Ang pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas.
University of Santo Thomas
6. Kinalulugdang guro ni Rizal at umakit sa kanya na mag-aral ng mabuti at sumulat ng tula.
Padre Francisco de Paula Sanchez
7. Isang samahan ng mga taong mahihilig sa panitikan at sining at ang patimpalak nila noong 1879–
1880 ay nilahukan ni Jose Rizal.
Liceo Artistico Literario
8. Ang unang tulang naisulat ni Rizal sa Ateneo at hinandog niya sa kaarawan ng ina.
Mi Primera Inspiracion (My First Inspiration)
9. Dahil sa kanyang kagustuhan nagpatala sa kursong Pilosopiya at Letras si Rizal.
Dahil sa kanyang Ama
10. Ano ang nilalaman ng tulang “A la Juventud Filipina” na sinulat ni Rizal na nagkamit ng unang
gantimpala.
 Pagbuo ng Pagkakakilanlan
 Kabataan ang Pag-asa ng Bayan
 Pilipinas ang Sariling Bayan
GAWAIN 3. PAGPAPALIWANAG. Talakayin sa pamamagitan ng sanaysay.

1. Talakayin ang mga magagandang halimbawa ng pagiging isang mabuting mag-aaral ni Dr. Jose
Rizal.
Sa murang edad nailahad na ni Rizal ang kanyang galing sa pag aaral. Masasabi natin na si
Rizal ay mabait, hindi pala imik na estudyante ngunit halimaw naman ito pag dating sa klase. Siya ay
nakikipag pagalanging na sa kanyang mga kakaklse. Makikitaan natin si Rizal ng matinding
pagmahal sa sining at pagbasa. Si Rizal ay tunay nga huwaran ng mga kabataan. Ang mga
katangian niya sa pag aaral ay kailangan ng mga estudyante ngayon. Pag pokus at motibasyon ang
pangunahing kailangan ng mga mag aaral sa panahon natin ngayon. Dahil sa tingin ko ay yun ang
mga dahilan kung bakit naging siyang isang tanyag na bayani.
2. Ilarawan ang pamamaraan ng pagtuturo sa Ateneo at Unibersidad ng Santo Tomas ayon kay
Rizal. 
Batay sa deskripsyon na nailahad ni Rizal tungkol sa Ateneo at Unibersidad ng Santo Tomas. Sa Ateneo
ay nagkamit siya ng maraming na mga awards ngunit dito ay naramdaman niya ang matinding
diskriminasyon dahil siya ay isang Pilipino. Siya rin at late nakapag enroll sa paaralan ng Ateneo kung
kaya’t hindi siya natuunan masyado ng pansin. Samantala sa Unibersidad ng Santo Tomas naman,
tumutol dito ang kanyang mga magulang dahil sa pagkakaroon niya ng maraming kaalaman na mag
reresulta sa pagiging delikado ng buhay ni Rizal.

GAWAIN 4. REPLEKSIYON. Sumulat ng isang maikling repleksiyon hinggil sa tinalakay na kabanata.

Para sa akin, hindi naging madali ang mga daan na tinahak ni Rizal upang ihirang siya bilang
isang bayani ng ating bansa. Masasabi ko na karapat dapat lang siya itanghal na bayani ng ating bansa
dahil sa mga hirap na dinanas niya sa buhay niya noon. Mayroon lang siyang tanging isang mithiin yun ay
makilala rin ang Pilipino na mahusay rin sa usapang sining. Si Rizal ay napakatalentadong tao, halos
lahat ng bagay ay magaling siya. Malaking salamat din sa kanyang mga pamilya dahil sa hindi ito
nawalan at nag sawa mag suporta sa ating tanyag na bayani. Talagang kailangan ng mga kabataan na
maalaman ang buhay ni Rizal dahil dito lang natin siya mabibigyan na parangal at pasasalamat pag
nalaman na ng mga tao ang kanyang daan na mga tinahak.

You might also like