You are on page 1of 3

1. Ano ang iba pang katawagan sa Batas Republika Blg. 1425?

- Batas Rizal
2. Kailan pinagtibay ang nasabing batas?
- Hunyo 12, 1956
3. Sino ang orihinal na may akda at unang naghain ng Senate Bill No. 438 sa Senado.
- Sen. Claro M. Recto
4. Sino ang sumunod na nagpanukala at ano ang bilang ng batas?
- Rep. Jacobo Gonzales,
- House Bill No. 5561
5. Bakit nahirapang maipasa ang batas
- Tutol ang Simbahang Katoliko
6. Ano ang pagbabanta na ginawa ng simbahan?
- Nagbanta ang simbahang magsasara ang mga Katolikong paaralan sa Pilipinas bilang
protesta kapag ipinilit ang panukalang batas.
7. Ano ang nakapaloob sa kompromiso upang maisakatuparan ang batas?
- Ang hindi paglagay sa alanganin at ang kapariwaraan ng mag-aaral sa pananampalataya
dahil sa sapilitang pagbasa ng mga nobela ni Rizal.
8. Sino at naglathala ng batas at kailan ito ipinatupad
- Senador Jose P. Laurel St.
- Agosto 16, 1956.
9. Ano ang itinatadhana ng batas?
- Ang pagsama sa kurikulum ng lahat ng paaralang pambayan at pansarili ng kursong
nauukol sa buhay, mga ginawa at sinulat ni Jose Rizal lalo na ang kanyang mga nobelang
Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
10. Ano ang iba pang nilalaman ng batas?
- Pagpapabilang ng kursong Rizal.
- Pagbasa ng mga nobela ni Rizal.
- Pagkakaroon ng kopya ng mga lathalain kaugnay kay Rizal.
- Pagpapalimbag ng mga isinulat ni Rizal.
- Pagtakda ng walang paglabag.
11. Ilahad ang mga layunin ng batas?
- Paggunita sa pabunyi sa mga bayani.
- Pagpapaigting sa nasyonalismo.
- Pagbuo ng pagkakakilanlan at katauhan.
- Ang kamalayang sibiko.
- Pagpapahalaga sa kalayaan.
- Paglinang sa pagkamamamayan.

12. Isulat ang mga epekto ng batas?


- Nangangahulugan na tagumpay ang liberalismo
- Naging simula ng puspusang pag-aaral sa buhay, gawa at sinulat ni Rizal
- Dumami ang bilang ng mga kapatiran at mga kasapi nito
- Dumami ang bilang ng mga manunulat tungkol kay Rizal.
13. Sino ang nagpasiya upang piliin si Dr. Jose Rizal na maging Pambansang Bayani?
- Ang Unang Komisyon ng Estados Unidos
14. Sino ang namuno sa nasabing komisyon? Sino ang kanyang kasamahan?
- William Howard Taft ang namuno ng komisyon
- Kasama si W. Morgan Shuster, Bernard Moses, Dean Warcester at Henry Clay Ide
15. 15.Sino ang iba pang Pilipino na kasapi sa komisyon.
- Trinidad Pardo de Tavera
- Gregorio Araneta
- Cayetano Arellano
- Jose Luzuriaga
16. Ilahad ang mga pamantayan sa pagpili ng Pambansang Bayani.
- Isang Pilipino
- May mahinahong damdamin
- May matayog na pagmamahal sa bayan
- Yumao na
17. Sino ang limang Pilipino na Pinagpilian?
- Jose Rizal
- Antonio Luna
- Emilio Jacinto
- Marcelo H. del Pilar
- Graciano Lopez Jaena
18. Bakit si Jose Rizal ang napili sa halip na si Marcelo H. del Pilar ayon kay Dr. H. Otley Beyer?
- Ang pagiging martir sa Bagumbayan ang naging pangunahing pamantayan upang hiranging
pambansang bayani si Dr. Jose Rizal.
19. Ilahad ang tatlong dahilan kung bakit siya ang napili.
- Siya ang kauna-unahang Pilipinong umakit upang ang buong bansa ay magkaisang
maghimagsik sa mga Kastila.
- Siya ay huwaran ng kapayapaan. Siya ay tunay na huwaran kahinahunan at kapayapaan
na malinaw niyang ipinamalas sa kanyang buhay.
- Ang mga Pilipino ay sentimental o maramdamin. Angkin niya ang lahat ng pagkilala,
papuri at respeto ng mga Pilipino hanggang ngayon.

20. Ilahad ang panahong kinamulatan ni Rizal.


- Sa taong 1870-1880 ay unti-unting namulat ang mga mata ng Pilipino. Ang kanilang
pinuno ay unti-unting nagising at nakadama ang kanilang kaapihan sa kamay ng mga
dayuhan.
- Ang mga Kastila ay hindi nabubuhay na kasalamuha ng mga Pilipino
- Ang mga Pilipino ay patuloy na nagbabayad ng mga buwis at hindi nila natatamo ang mga
karapatang ipinagkaloob sa mga Kastila
- Ang kabuhayan sa kapuluan ay umunlad dahil sa pagbukas ng bagong pamilihan para sa
mga produkto sa Silangang Asya at ang Maynila ang naging sentro ng kalakal sa Pilipinas
- Ang pagbubukas ng Kanal Suez, na pinamahalaan ni Ferdinand de Lessep ay isang bagay
na nakatulong upang makapasok sa Pilipinas ang mga bagay at diwang dayuhan.
- Ang mga Pilipino ay nakamalas ng bagong anyo ng buhay, nadama nila ang pagiging
Malaya
- Nagkaroon ng himagsikan sa Mehiko laban sa Pamahalaang kastila at ang paghihimagsik
na iyon ay nadama sa Pilipinas at dahil ditto ang kapangyarihang pandaigdig ng Espanya
ay unti-unting nabawasan at nabuwag

You might also like