AT NAGPUGAY KAY RIZAL BAGO PA MAN SIYA HIRANGING PAMBANSANG BAYANI:
1. Disyembre 29, 1897-pinangunahan ni EMILIO
AGUINALDO at ilang pinuno ng pamahalaang rebolusyonaryo ang pagdaos ng isang programa sa Hongkong bilang paggunita sa ika-1 taong kamatayan ng bayani. 2. Setyembre 15, 1898- ginunita ni Emilio Aguinaldo sa kanyang pambungad na pananalita sa pagbubukas ng konggreso sa Malolos ang alaala at makabayang adhikain at gawa ng mga namayapang bayani tulad ni Rizal. 3. Disyembre 20, 1898 – idineklara ni Emilio Aguinaldo(pangulo ng kauna-unahang republika sa Pil) ang isang opisyal na proklamasyon na nagtatakda sa Disyembre 30 taon-taon bilang “ ARAW NI RIZAL” 4. Ang mga pahayagang LA INDEPENDENCIA at EL HERALDO DE LA REVOLUCION (Mga opisyal na tagapamansag ng pamahalaang rebolusyonaryo noon) – naglabas ng mga limbag na pahayag para sa alaala ni Rizal 5. 1898- sina FERNANDO MA. GUERRERO at CECILIO APOSTOL (2 pinagpipitaganang mahusay na manunulat sa Pilipino at Kastila) ay sumulat ng tulang parangal na kumikilala sa mga sakripisyo at adhikaing makabayan ni Rizal. 6. Mga kilala at iginagalang na mga iskolar at intelektwal sa mundo na nag-alay ng pakikiramay at pakikidalamhati sa di- inaasahang pagpanaw ng bayani: a. Ferdinand Blumentritt b. Wenceslao Retana c. Dr. Feodor Jagor d. Dr. Friedrich Ratzel e. Dr. W. Joest f. Dr. A.B. Meyer g. Dr. H. Kern ang pinakamakulay at makahulugang pakikiramay na idinaos sa ibang bansa bilang paggunita kay Rizal ay noong Nob. 20, 1897 sa BERLIN sa ilalim ng Anthropological Society of Berlin sa pangangasiwa ni Dr. Rudolph Virchow BATAS REPUBLIKA BLG. 1425 Pinagtibay ni Pangulong Magsaysay Batas Republika Bilang 1425 noong HUNYO 12, 1956 na higit na kilala na BATAS RIZAL O RIZAL LAW Ito ay inihanda ni Sen. Jose P. Laurel Sr. katulong si Claro M. Recto at ipinatupad ng Pambansang kapulungan ng Edukasyon noong Agosto 6, 1956 Isinasaad at itinatadhana ng Batas Rizal ang pagtuturo ng kursong tatalakay sa buhay, mga ginawa, at mga sinulat ni Rizal. Sa kursong ito bibigyan ng masinsinang pag-aaral ang 2 nobelang sinulat ng bayani: ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo Ipinag-uutos din ng batas na ang mga nabanggit ay isama at ipatupad sa kurikulum ng lahat ng paaralan, kolehiyo at pamantasan sa Pilipinas, pribado man o pampubliko Nagpapahintulot din ito sa pagpapalimbag at pamamahagi ng mga aklat tungkol dito at sa mga isinaling edisyon ng 2 nobela at iba pang akda ni Rizal. APAT NA NILALAYON NG BATAS RIZAL 1. Maitalaga at maisabuhay na muli ng mga Pilipino ang mga simulain ng kalayaan at nasyonalismo na siyang naging dahilan ng kamatayan ng ating pambansang bayani; APAT NA NILALAYON NG BATAS RIZAL 2.Upang parangalan ang ating mga bayani,lalong-lalo na si Dr. Jose Rizal, na nagpapaalala sa atin ng kanilang katangi-tanging pagmimithi at pagpapakasakit upang ang kanilang buhay at mga nagawa ay bumuo ng isang pambansang identidad o katauhan; APAT NA NILALAYON NG BATAS RIZAL 3. Upang ang buhay, mga sinulat at ginawa ni Dr. Jose Rizal, lalong-lalo na ang kanyang 2 nobelang Noli at Fili, na magsisilbing inspirasyon at pamukaw-siglang pinagbubuhatan ng pag-ibig sa baying kailangang maitanim sa murang isipan ng mga kabataan sa panahon ng kanilang pag-aaral; at APAT NA NILALAYON NG BATAS RIZAL 4. Upang linangin sa bawat mag-aaral ang mga katangiang: kagandahang-asal, disiplinang pansarili, budhing-sibiko at tungkulin ng pagkamamamayan. APAT NA NILALAYON NG BATAS RIZAL 4. Upang linangin sa bawat mag-aaral ang mga katangiang: kagandahang-asal, disiplinang pansarili, budhing-sibiko at tungkulin ng pagkamamamayan. KAHALAGAHAN NG BATAS RIZAL 1. Sa ganitong paraan, naipamamalas ng lahing Pilipino ang kanilang malaking pagpapahalaga at pagkilala sa dakilang bayani ng bayan na siyang nanguna sa paglikha ng isang pambansang katauhan at kaluluwa; KAHALAGAHAN NG BATAS RIZAL 2. Naipakikita ng sambayanang Pilipino ang kanilang matayog na papuri sa taong nagsilbing bantayog-huwaran ng lahi sa pag- ibig sa bayan, nagpakasakit at nagpunyagi tungo sa kalayaan ng Inang-bayan; KAHALAGAHAN NG BATAS RIZAL 3. Nagsisilbi itong larawan ng gawaing makademokrasya na siyang kumakatawan sa mga adhikaing Pilipino: marangal,makabayan at makatarungan. PAGKAKAPILI KAY RIZAL BILANG BAYANI PANAHON NG AMERIKANO NANG ISAGAWA ANG PAGPILI NG PAMBANSANG BAYANI
Sapangunguna ni WILLIAM HOWARD
TAFT, isang komisyon o lupon ang binuo upang mangasiwa sa pagpili Ang lupon ay binubuo ng ss: Tagapangulo- WILLIAM HOWARD TAFT Mga Kasaping Pilipino: TRINIDAD PARDO DE TAVERA GREGORIO ARANETA CAYETANO ARELLANO JOSE LUZURIAGA Ang lupon ay binubuo ng ss: MgaKasaping Amerikano: W. MORGAN SHUSTER BERNARD MOSES DEAN WORSESTER HENRY CLAY IDE ANG NAGING PAMANTAYAN SA PAGPILI NG PAMBANSANG BAYANI Ayon kay Dr. H. Otley Beyer, dalubhasa sa Antropolohiya at katulong na tekniko ng komisyon, napagkasunduan ng lupon ang sumusunod na pamantayan ANG NAGING PAMANTAYAN SA PAGPILI NG PAMBANSANG BAYANI 1. Isang Pilipino; 2. Yumao na; 3. May matayog na pagmamahal sa bayan; at 4. May mahinahong damdamin. LIMANG (5) BAYANI ANG PINAGPILIAN:
1. MARCELO H. DEL PILAR
2. GRACIANO LOPEZ-JAENA 3. HENERAL ANTONIO LUNA 4. EMILIO JACINTO 5. DR. JOSE RIZAL Sinabi sa mga tala na matagal at masidhi ang mga usapan sa bawat pagpupulong ng lupon. Madamdamin at mapagsiwalat ang bawat argumentong binitawan ng bawat kasapi para idepensa ang kani-kanilang punto Sa bandang huli ay napagkaisahang piliin si Rizal bilang karapat-dapat na pambansang bayani ng lahi. DAHILAN NG PAGKAKAPILI KAY RIZAL:
1. Siya ang kauna-unahang Pilipinong
nanghikayat at nag-udyok upang ang buong bansa ay magtulungan bilang isang nagkakaisang lahi at maghimagsik laban sa mga Kastila DAHILAN NG PAGKAKAPILI KAY RIZAL:
2. Siya ay tunay na huwaran ng kahinahunan at
kapayapaan na malinaw niyang ipinamalas sa kanyang buhay 3. Angkin niya ang lahat ng pagkilala, papuri at respeto ng mga Pilipino hanggang ngayon ANG PANAHONG KINAMULATAN NI RIZAL ANG SITWASYONG NG DAIGDIG INGLATERA- tinaguriang panguhaning imperyalista sa buong daigdig noong panahon ni Rizal. =ito ay nasa ilalim ng pamumuno ni REYNA VICTORIA(1837-1901). = ang dahilan nito ay sunod-sunod na napanalunan nila ang digmaang ANG SITWASYONG NG DAIGDIG laban sa Imperyong Tsina at sa pagkakagapi nito sa Imperyong Mogul. =napasalilaim din ng Inglatera ang mga bansa sa Asya gaya ng: Hongkong, India, Burma, Ceylon, Malaya, Singapore, Aden at ehipto. =nasakop din nito ang Australia, New Zealand ANG SITWASYONG NG DAIGDIG =kasunod nito ang iba pang mga imperyalista sa daigdig na sinimulang sakupin ang mga mahihinang bansa. = Nang matuklasan ng Espanya ang Carolinas at Palau, naging kritikal na ang ugnayan ng Alemanya at Espanya ANG SITWASYONG NG DAIGDIG = sa panahong ito ng imperyalismo, unti-unting nanghina ang mga pwersa ng imperyalistang kastila. Ang mga dating bansang sakop nito ay nagkamit na ng sariling kasarinlan. =tanging Pilipinas, Puerto Rico at Cuba na lamang ang natitirang kolonya ng Kastila. Naging malupit at di-makatarungan ang naging pamamahala ng Espanya sa mga kolonyang nasasakupan nito.