PAGKAKAPILI BILANG BAYANI JOBESAN YUSORES INSTRUCTOR Aralin 1: ANG BATAS REPUBLIKA BLG. 1425 KASAYSAYAN NG BATAS Ang Batas Republika Blg 1425 ay kilala sa tawag na Batas Rizal Pinagtibay noong Hunyo 12, 1956, ang nagbibigay ng mandato sa pagkuha ng kursong Rizal. Si Sen. Claro M. Recto ang orihinal na may akda at unang naghain ng tinatawag na Senate Bill No. 438 sa Senado. Si Rep. Jacobo Gonzales naman ang naghain ng House Bill No. 5561 sa House of Representatives. KASAYSAYAN NG BATAS Nahirapang makalusot ang mga panukala dahil sa mga pagtutol ng Simbahang Katoliko. Ang nilalaman daw ng mga nobela ay labag sa ilang doktrina ng Simbahan at maaaring magpariwara sa Katolikong mambabasa. Sa huli, nagkaroon ng isang kompromiso nang dumaan ito sa Lupon ng Edukasyon ng Senado na pinamumunuan ni Sen. Jose Laurel. Isina-alang- alang sa kompromiso na hindi maaalanganin at mapapariwara ang mga mag- aaral sa pananampalataya dahil sa sapilitang pagbasa ng mga nobela ni Rizal. KASAYSAYAN NG BATAS Nililiwanag sa puntong ito na ang tinutukoy sa probisyon ng batas ay paglaya sa sapilitang pagbasa ng mga nobela ni Rizal at hindi mula sa pagkuha ng kurso. Lahat pa rin ng mga mag-aaral, ano pa man ang relihiyon, ay kinakailangang kumuha ng kursong Rizal para makapagtapos sa kolehiyo. Ang Batas Rizal ay ipinatupad ng Pambansang Kapulungan ng Edukasyon noong Agosto 16, 1956. MANDATO NG BATAS Ang batas ay nagtatadhana ng pagsama sa kurikulum ng lahat ng paaralang pambayan at pansarili ng kursong nauukol sa buhay, mga ginawa at sinulat ni Jose Rizal lalo na ang kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. NILALAMAN NG BATAS 1. Pagpapabilang ng kursong Rizal. Pagpapabilang ng kursong Rizal na saklaw ang buhay, mga gawain at mga sinulat ni Rizal, lalo na ang mga nobela niyang Noli Me Tangere at El Filibisterismo sa kurikulum ng lahat ng mga paaralang pampubliko at pribadong saklaw ng batas ng Pilipinas. NILALAMAN NG BATAS 2. Pagbasa ng mga nobela ni Rizal. Pagpapabilang sa talaan ng mga aprubadong babasahin sa mga paaralan at ang paggamit nito sa mga programang pangkolehiyo sa anyong unexpurgated o orihinal at kumpletong bersyon ng mga nobela. NILALAMAN NG BATAS 3. Pagkakaroon ng kopya ng mga lathalain kaugnay kay Rizal. Paglalagay sa mga silidaklatan ng sapat na mga kopya ng mga nobela ni Rizal sa orihinal kabilang ang iba pang mga lathalain ng mga ginawa at talambuhay ni Rizal. NILALAMAN NG BATAS 4. Pagpapalimbag ng mga isinulat ni Rizal. Pagsalin sa Ingles, Filipino, ang mga pangunahing wika sa Pilipinas ng mga nobela at iba pang mga isinulat ni Rizal at mapalimbag ang mga ito nang mura at maipamahagi nang libre sa buong bansa. NILALAMAN NG BATAS 5. Pagtakda ng walang paglabag. Nililinaw na ang mga ipinag-uutos ng Batas Rizal ay hindi dapat ipakahulugang pagpapawalang-bisa sa Section 927 ng Administrative Code na nagbabawal sa pagtalakay ng mga doktrinang pang-relihiyon sa lahat ng pampublikong paaralan. LAYUNIN NG BATAS 1. Paggunita sa pabunyi sa mga bayani. Bagamat ang batas ay tumutuon sa pag-aaral kay Rizal, kabilang sa layunin ng batas ang pagpapabilang sa pagtalakay ng mga iniambag ng iba pang mga bayani. 2. Pagpapaigting sa nasyonalismo. Kalakip ng batas ang layuning payabungin at paigtingin ang diwa ng nasyonalismo para sa pagtataguyod at pagpapaunlad ng bayan. LAYUNIN NG BATAS 3. Pagbuo ng pagkakakilanlan at katauhan. Pagbuo ng tuwid na pamumuhay, disiplina, sa sarili, at kahusayan sa mga gawaing magbubunsod sa pagkakakilanlang Pilipino. 4. Pagbuo ng kamalayang sibiko. Magkaraoon ng kabatiran at pag- unawa sa mga paksaing pampulitika, panlipunan, at pang-ekonomiya at pag-ukol ng mga kaisipan at aral ni Rizal sa mga iyon. LAYUNIN NG BATAS 5. Pagpapahalaga sa kalayaan. Maipagtanggol at maitaguyod ang kalayaan sa pagpapalaya ng kaisipan, pagpapaunlad ng sarili, pagsasaliksik ng karunungan at pagsasagawa ng mga bagay na magdudulot ng pagbabago. 6. Paglinang sa pagkamamamayan. Linangin sa bawat tao ang mga tungkulin ng isang mamamayan at ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa, gayon din ang aktibong pagharap at positibong pagtugon sa mga suliranin sa lipunan. MGA EPEKTO NG BATAS RIZAL 1. Nangangahulugan na tagumpay ang liberalismo. 2. Naging simula ng puspusang pag-aaral sa buhay, gawa at sinulat ni Rizal. 3. Lubhang dumami ang bilang ng mga kapatiran at mga kasapi nito. 4. Lubhang dumami ang bilang ng mga manunulat tungkol kay Rizal MGA BATAS NA KAUGNAY KAY RIZAL Memorandum Order No. 247 Ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos noong ika-26 ng Disyembre 1994 na nag-uutos sa Kagawaran ng Edukasyon at Komisyon ng Mataas na Edukasyon na tiyaking tumatalima ang lahat ng mga paaralang saklaw ng R.A. 1425 at pagpapataw ng kaukulang parusa sa hindi pagsunod. MGA BATAS NA KAUGNAY KAY RIZAL Dekreto ni Aguinaldo Ipinag-utos ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang paggunita sa Araw ni Rizal tuwing ika-30 ng Disyembre - araw ng kanyang kamatayan. Araw din ito ng pagdadalamhati ng buong bansa; walang pasok sa mga opisina ng pamahalaan at itinataas ang watawat sa kalahatian ng poste sa tanghali isang araw bago ang Araw ni Rizal. MGA BATAS NA KAUGNAY KAY RIZAL Republic Act No. 229 Isang lumang batas na nilagdaan noong Hunyo 9, 1948 ni Pangulong Elpidio Quirino na may bisa pa rin ngayon. Ipinagbabawal ng batas ang sugal, gaya ng sabong, karera ng kabayo, at jai alai sa araw ng paggunita sa kamatayan ni Rizal. Kasama sa ipinag-uutos ng batas ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa kalahati ng poste sa lahat ng mga pampublikong gusali at mga sasakyang pandagat tuwing ika-30 ng Disyembre. MGA BATAS NA KAUGNAY KAY RIZAL Act No. 243 Isinabatas noong Setyembre 28, 1901, na nagtalaga sa paggamit sa pampublikong lupain ng Luneta sa Lungsod ng Maynila para tayuan ng bantayog ni Jose Rizal at paglagyan ng kanyang mga labi. Napili ang Luneta dahil sa kahalagahan sa kasaysayan ng lugar ng pagkamartir ni Rizal. Idineklara itong Pambansang Museo ng Pilipinas at isang “National Cultural Treasure” noong ika-30 ng Disyembre 2013. MGA BATAS NA KAUGNAY KAY RIZAL Act No. 137 Batas na nagpabisa at bumuo sa Lalawigan ng Rizal noong Hunyo 11, 1901 bilang pagkilala sa pambansang bayani. Nabuo ang lalawigan ng Rizal nang pagsamahin ang mga bayan ng Maynila at distrito ng Morong. Aralin 2: ANG PAMANTAYAN SA PAGPILI NG PAMBANSANG BAYANI PAMANTAYAN NG PAMBANSANG BAYANI Sa pamamagitan ng Executive Order No. 75, ipinag-utos ni dating Pangulong Fidel Ramos noong 1993 ang pagbuo ng Lupon para sa mga Pambansang Bayani. Ang layunin ng Lupon ay upang mag-aral, magsuri at magmungkahi ng mga hihiranging pambansang bayani. PAMANTAYAN NI DR. ONOFRE D. CORPUZ 1. Ang mga bayani ay iyong may konsepto ng bayan at mula rito’y naghahangad at nagpupunyagi para sa kalayaan ng bayan. 2. Ang mga bayani ay iyong nagbibigay-kahulugan at nag-aambag sa isang sistema pamumuhay nang may kalayaan at kaayusan. 3. Ang mga bayani ay iyong nag-aambag sa kalamidad ng kabuhayan at tadhana ng bayan. PAMANTAYAN NI DR. ALFREDO LAGMAY 1. Ang isang bayani ay bahagi ng ekspresyon ng mga tao. 2. Inaalala ng isang bayani ang kinabukasan, lalo na ng susunod na salinlahi. 3. Hindi lamang pagsasalaysay ng isang bahagi o mga pangyayari sa kasaysayan ang pagpili ng isang bayani, kundi ang kabuuang proseso na nagtuklas sa isang tao na maging bayani. Sa mga pamantayan nina Corpuz at Lagmay, siyam na pangalan ang iminungkahi ng Lupong Teknikal ng Lupon para sa mga Pambansang Bayani: 1. Jose Rizal 6. Sultan Dipatuan Kudarat 2. Andres Bonifacio 7. Juan Luna 3. Emilio Aguinaldo 8. Melchora Aquino 4. Apolinario Mabini 9. Gabriela Silang 5. Marcelo H. del Pilar Aralin 3: DAHILAN NG PAGKAKAHIRANG KAY RIZAL BILANG PAMBANSANG BAYANI AMERICAN-SPONSORED O SARILING ATIN Sinasabing ang mga Amerikano ang pumili at humirang kay Rizal bilang pambansang bayani ng mga Pilipino. Nangyari ito sa panahon ng Second Philippine Commission na kilala rin bilang Taft Commission na pinamumunuan ni William H. Taft noong 1901. Pamantayan ng Taft Commission sa Pagpili ng Pambansang Bayani: 1. Isang Pilipino 2. Pumanaw na 3. Maigting ang Pagkamakabayan 4. Mahinahon Pinagpilian ng Taft Commission: 1. Jose Rizal 2. Andres Bonifacio 3. Emilio Aguinaldo 4. Apolinario Mabini 5. Antonio Luna 6. Marcelo H. del Pilar. Tanggal na agad si Aguinaldo dahil buhay pa siya nang panahong iyon. Gusto ng mga Amerikano na pumanaw na ang isang hihirangin para wala nang maidulot na kasiraan sa kanyang pagkatao o pagkakataong magbago ang kanyang adhikain o di kaya ay kalabanin ang pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas. Si Del Pilar bagamat makabayan ay hindi raw kasing igting na gaya ni Rizal. Alanganin ding mapili sina Bonifacio, Luna at Mabini na pawang naging bahagi ng himagsikan. Iwas ang mga Amerikano sa pagpili sa mga rebolusyonaryo sapagkat ito ay mapanganib sa pananatili ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ang lahat ng pamantayan ng Komisyon ay nakita nila kay Rizal. Ang ginawa lamang ng mga Amerikano ay isang kumpirmasyon na si Rizal ang nakita nilang ipinagbubunyi ng mga Pilipino. Ang mga Pilipino pa rin ang unang kumilala kay Rizal. Pinagtibay pa lalo ito ng mga sumunod na salinlahi ng mga Pilipinong tumanggap kay Rizal bilang pambansang bayani nang kusang loob at hindi ipinilit ng mga Amerikano.