ANG BATAS RIZAL AT ANG PAGKAKAPILI KAY RIZAL BILANG PAMBANSANG
BAYANI
DISYEMBRE 29, 1897 – Nagdaos ng isang programa sa Hongkong si Emilio
Aguinaldo at iba pang pinuno bilang paggunita sa ika-isang taong kamatayan ng bayani.
SETYEMBRE 15, 1898 – Ginunita ni Emilio Aguinaldo ang alaala at makabayang
adhikain at gawa ng mga namayapang bayani ng Pilipinas tulad ni Rizal.
DISYEMBRE 20, 1898 – Idineklera ni Emilio Aginaldo na pangulo ng Pilipinas ang
isang opisyal na proklamasyon na nagtatakda sa Disyembre 30 taun-taon bilang “Araw ni Rizal“.
ANG BATAS RIZAL AT ANG PAGKAKAPILI KAY RIZAL BILANG PAMBANSANG
BAYANI
La Independencia at El Heraldo de la Revolucion – nagpalabas ng mga
nakalimbag na pahayag para sa alaala ni Rizal noon ding Disyembre ng taong nabanggit.
ANG BATAS RIZAL AT ANG PAGKAKAPILI KAY RIZAL BILANG PAMBANSANG
BAYANI
Ang pinaka matayog na papuri at pagkilala na naialay sa kanya ay ang
pagpapasa ng Kongreso ng Pilipinas at pagpapatibay ng yumaong Pangulong Ramon Magsaysay ng Batas Republika Blg. 1425 noong Hunyo 12,1956 kilala itong Batas Rizal o Rizal Law. Ipinatupad bilang Pambansang kapulungan ng Edukasyon noong Agosto 16 1956.
Isinasaad ng Batas Rizal ang pagtuturo ng kursong tatalakay sa buhay, mga
ginawa at mga isinulat ni Rizal. Sa kursong ito, bibigyan ng masinsing pag aaral ang dalawang nobela ni Rizal na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang lalong matutunan ng mga estudyante ang uri ng nasyonalsimo at patriyotismo na pinaniwalaan ni Rizal. Apat na nilalayon ng batas rizal
1. Maitalaga at maisabuhay na muli ng mga Pilipino ang mga simulain ng
kalayaan at nasyonalismo na siyang naging dahilan ng kamatayan ng ating pambansang bayani. 2. Upang parangalan ang ating mga bayani lalong lalo na si Rizal na magpapaalala sa ating ng kanilang katangi tanging pagmimithi at pagpapakasakit. Upang ang kanilang buhay at mga nagawa ay bumuo ng isang pamabansang identidad o katauhan. 3. Upang ang buhay at mga ginawa ni Rizal lalong lalo na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay magsilbing inspirasyon at pamuka siglang pinagbubuhatan ng pagibig. 4. Upang linangin sa bawat pag aaral ang mga katangiang ito, kagandahang asal, disiplinang pansarili, budhing sibiko at tungkuling pagkamamamayan.
Pagpili kay rizal bilang bayani
Ayon kay Dr. H. Otley Beyer dalubhasa sa antropolohiya at katulong na
tekniko ng komisyon, napagkasunduan ng lupon na ang magiging pamantayan sa pagpili ay ang mga sumusunod:
1. Isang Pilipino; 2. Yumao na 3. May matayog na pagmamahal sa bayan at 4. May mahinahong damdamin
Pagpili kay rizal bilang bayani
May limang bayaning pinagpilian upang maging pamabansang bayani ng
Pilipinas ito ay sina:
1. Marcelo H. Del Pilar
2. Graciano Lopez Jaena 3. Heneral Antonio Luna 4. Emilio Jacinto 5. Dr. Jose Rizal