You are on page 1of 22

COURSE TITLE:

THE LIFE AND WORKS OF RIZAL

• Lecture: 3 Hours/week 54 hours/semester

Lecture: 3 Hours/week 54 hours/semester


Deskripyon ng Kurso
• Nakasaad sa Batas Rizal na kailangan isama sa
kurikulum ng lahat ng paaralan, kolehiyo at
unibersidad pampubliko man o pribado ang kurso
sa pag-aaral, pamumuhay, ginawa at sinulat ni Jose
Rizal. Partikular na ang kanyang nobela na Noli me
Tangere at El Filibusterismo.
Ang Noli me Tangere

• Ito ay isang pariralang Latin na hinango ni Rizal


sa ebanghelyo ni San Juan Bautista sa Bibliya na
ang ibig sabihin ay “Huwag mo akong salangin”
o mas kilala sa Ingles na ”Touch me not.” Ang
buong berso ay tumutukoy kay Hesukristo na
nagsasabing Touch me not;
• Hango ito sa nobelang nabasa ni Rizal na
pinamagatang Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beacher Stowe
na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa
ilalim ng panginoong puting Amerikano. Inihahambing ni
Rizal ang hinagpis na naranasan ng mga Negro sa
naranasan ng mga Pilipino sa ilalim ng mapang-aping
mga prayleng Kastila. Iminungkahi ni Rizal sa kaniyang
kaibigan sa Madrid noong 1884 na magtulungan sa
pagsulat ng nobela ukol sa Pilipinas. 
• Ang unang bahagi ng Noli ay sinimulang isulat noong
1884 sa Madrid habang nag-aaral pa lamang ng
medisina si Rizal. Nang makapagtapos, nagtungo
siya sa Paris at doon ay ipinagpatuloy niya ang
pagsusulat. Karamihan sa bahagi ng nobela ay dito
niya naisulat. Ang huling bahagi ng nobela ay
natapos sa Berlin. Si Victor Blasco Ibañez ang
nagsilbing tagapagbasa at tagapayo ni Rizal.
• Natapos ni Rizal ang nobela noong Disyembre
1886. Sa panahong ito, hindi sapat ang kaniyang
pera upang ipalimbag ito. Sa tulong ng kaniyang
kaibigang si Maximo Viola, naipalimbag ni Rizal
ang nobela. Nailathala ang nobela noong siya ay
26 taong gulang.
• 300- halaga ng perang ipinautang para
maipalimbag ang nobela
• 2,000- kopya ng nobela
• Elias at Salome – upang makatipid sa
pagpapalimbag tinanggal na lamang ang
bahaging ito
• Paciano- kapatid ni Rizal na hiningian din nya ng pinansyal
na tulong, agad itong nagbigay ng 200 ngunit hindi pa rin
sapat
• Ferdinand Blumentritt- isang propesor sa Ateneo, interesado
sa pag-aaral ng diyalekta ng Pilipinas. Namangha kay Rizal
sa angking talino kaya naging magkaibigan silang dalawa at
siya ang nabanggit patungkol kay Maximo Viola
Mga Taong Unang Pinadalhan ng Kopya ng Nobela
ni Rizal

• Ferdinand Blumentritt
• Dr. Antonio Ma. Regidor
• Graciano Lopez- Jaena
• Mariano Ponce
• Felix Resurrecion –Hidalgo
• Inihandog ni Rizal ang nobela para sa inang bayan
El Filibusterismo

•  (literal
na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng
Kasakiman n ay ang pangalawang nobelang isinulat
ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal,
na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring
martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza 
• Dumanas si Rizal ng hírap habang sinusulat
ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila.
Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng
1887 habang nagpapraktis ng medisina sa 
Calamba.
• Sa Londres, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa banghay at
pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang
pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid,
at Bruselas, at nakompleto niya ito noong 29 Marso 1891, sa Biarritz. Inilathala
ito sa taon ding iyon sa Gante. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa
niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at
mailathala ng maayos ang aklat noong 22 Setyembre 1891.[kailangan ng sanggunian]
• Ang nasabing nobela ay pampolitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at
nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na 
kalayaan at karapatan ng bayan
 Ang orihinal na manuskrito ng el Filibusterismo na
nasa sulat kamay ni rizal ay iniingatan sa Filipiniana
Division ng Bureau of Public Libraries sa
Maynila. Ito ay binili ng pamahalaang Pilipino
kay Valentin Ventura sa halagang P10,000.00. at
ito ay binubuo ng 279 na pahina ng mahabang
pirasong papel.
• Ang nasabing nobela ay pampolitika na
nagpapadama, nagpapahiwatig at
nagpapagising pang lalo sa maalab na
hangaring makapagtamo ng tunay na 
kalayaan at karapatan ng bayan
Introduksyon sa
Republic Act 1425
(WEEK 1-2/UNANG ARALIN)
Ano ang Batas Rizal?

• Higit na limampung taon na ang nakalipas mula nang


ipinatupad and Republic Act. 1425 o mas kilala bilang
Rizal Law o Batas Rizal na pinangunahan ni Jose P.
Laurel. Inaprubahan ito noong ika-12 ng Hunyo 1956
noong ito’y tinatawag pang House Bill No. 5561 na
pinangungunahan ni Jacobo Gonzales at Senate Bill No.
438 na pinangungunahan ni Sen. Claro M. Recto.
Ano ang Batas Rizal?

• Ilang henerasyon na ang naapektuhan sa pagpapatupad


ng mga lider ng gobyerno ng Batas Rizal na kanilang
isinulong. Ang pagpapatupad nito ay hindi naging
madali para sa mga mambabatas. Mahabang proseso ang
pinagdaanan ng panukalang batas na ito bago ito naging
isang batas. Mainit na debate ang naganap kung saan
iba’t-ibang opinyon at motibo ang lumabas galing sa mga
lider ng gobyerno sa kanilang adhikain na maitupad ang
Batas Rizal.
 Mga Layunin ng Pagpapatupad ng Batas Rizal

• Ilang mga layunin ang isinaad upang higit na maunawaan ang


kahalagahan ng paglilikha ng Batas Rizal. Isa dito ay dahil
kailangan na muling buhayin ang kalayaan at nasyonalismo kung
para saan ang ating mga bayani’y nabuhay at nag-alay ng kanilang
mga buhay. Sa tulong ng batas na ito, mapapaalala sa bawat
mamamayang Pilipino ang mga dugo’t pawis na inialay ng ating
mga bayani na maaaring maging ispirasyon sa bawat isa sa
pagtulong sa pagpapatayo ng isang bansang matagumpay.
 Mga Layunin ng Pagpapatupad ng Batas Rizal

• Pangalawa, ito ay upang bigyang parangal ang ating pambansang


bayani na si Dr. Jose P. Rizal at ipaalala sa mga mamamayang
Pilipino ang kanyang mga nagawa at naipaglaban para sa kalayaan
ng sariling bayan. Ito ang magsisilbing paalala narin ng ating mga
responsibilidad bilang isang Pilipino, lalong lalo na sa mga
kabataan. Pangatlo, ito ay upang magsilbing inspirasyon sa
kabataang Pilipino kung saan sila’y nasa lebel pa lamang ng
paglilinang ng kanilang mga isipan at ayon sa ating bayani, ang
pag-asa ng bayan.
BATAS RIZAL: SA NAKARAANG 50 TAON

• Limang dekada na ang nakalipas mula ng


maipatupad ang Batas Rizal. Ngunit nakatulong
nga ba ang pag-aaral ng buhay, mga ginawa at
isinulat ni Jose Rizal upang makamit ang mga
adhikain ng mga nagtaguyod sa batas na ito?
• Sa mababaw na pagtingin, masasabi nating naging
matagumpay ito, dahil sa halos lahat ng plaza sa ating
bansa ay may bantayog si Rizal. Kilala siya ng lahat ng
mga Pilipino bilang ating pambansang bayani. Madalas
din nating gamitin ang mga salitang iniwan niya, katulad
ng walang-kamatayang “ang kabataan ang pag-asa ng
bayan.”
• Ngunit sa mas malalim na pagtasa, masasabi nating naging
matagumpay lamang ang batas na ito na gawing pambansang
simbolo si Rizal, na halos walang pinagkaiba sa kalabaw at
sampaguita. Ngunit sa puso ng maraming Pilipino, diwang
busabos pa rin ang naghahari. Sa katunayan wikang banyaga pa
nga ang karaniwang gamit natin sa pagkuha ng kursong ito dahil
ito ang nakasaad sa batas. Hindi ko nauunawaan ang lohika sa
likod nito (para kaya hindi ito lubusang maunawaan ng karaniwan
tao?). Nasaan ang nasyonalismo doon?

You might also like