You are on page 1of 17

Batas Rizal

Republic Act. 1425


Batas Rizal
Republic Act. 1425
Mga Layunin

1. Maipahayag at mapalitaw ang mga naging motibo ng mga


mambabatas sa pagpapatupad ng Batas Rizal.

2. Ilahad ang mga pangyayari noong ipinasa at pinagdebatihan upang


tunay na maunawaan ang kahalagahan ng pagpapasa ng Batas Rizal.
Batas Rizal
Republic Act. 1425
Mga Layunin

3. Tulungan ang mga mag-aaral na maunawaan ang kahalagahan ng


pagpapatupad ng batas.

4. Patunayan na makatwiran ang pagpapatupad ng Batas Rizal


Ano ang Batas Rizal?

Higit na limampung taon na ang nakalipas mula nang ipinatupad


and Republic Act. 1425 o mas kilala bilang Rizal Law o Batas Rizal
na pinangunahan ni Jose P. Laurel. Inaprubahan ito noong ika-12 ng
Hunyo 1956 noong itoy tinatawag pang House Bill No. 5561 na
pinangungunahan ni Jacobo Gonzales at Senate Bill No. 438 na
pinangungunahan ni Sen. Claro M. Recto.
Ano ang Batas Rizal?
Ilang henerasyon na ang naapektuhan sa pagpapatupad ng mga
lider ng gobyerno ng Batas Rizal na kanilang isinulong. Ang
pagpapatupad nito ay hindi naging madali para sa mga mambabatas.
Mahabang proseso ang pinagdaanan ng panukalang batas na ito bago
ito naging isang batas. Mainit na debate ang naganap kung saan ibat-
ibang opinyon at motibo ang lumabas galing sa mga lider ng gobyerno
sa kanilang adhikain na maitupad ang Batas Rizal.
Ano ang Batas Rizal?

Nakasaad sa Batas Rizal na kailangan isama sa kurikulum ng


lahat ng paaralan, kolehiyo at unibersidad, pampubliko man o pribado
ang kurso sa pag-aaral ng buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal,
partikular na ang kanyang dalawang nobela na Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Bukod pa dito, nakasaad din batas na ito na obligado
ang bawat kolehiyo at unibersidad na magkaroon at magtago sa
kanilang mga silid-aklatan ng sapat na orihinal na sipi at
Ano ang Batas Rizal?

makabagong bersyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo,


pati na rin ang mga ibang isinulat ni Rizal, kabilang na rito ang
kanyang talambuhay. Isinusulong din ang pagsalin ng mga ito sa
Ingles, Tagalog o iba pang diyalekto at ang pagimprinta sa mababang
halaga at pamamahaging libre sa mga mamamayang nais magbasa nito
sa pamamagitan ng Purok organizations at Barrio Councils.
Mga Layunin ng Pagpapatupad ng Batas Rizal

Ilang mga layunin ang isinaad upang higit na maunawaan ang


kahalagahan ng paglilikha ng Batas Rizal. Isa dito ay dahil kailangan
na muling buhayin ang kalayaan at nasyonalismo kung para saan ang
ating mga bayaniy nabuhay at nag-alay ng kanilang mga buhay. Sa
tulong ng batas na ito, mapapaalala sa bawat mamamayang Pilipino
ang mga dugot pawis na inialay ng ating mga bayani na maaaring
maging ispirasyon sa bawat isa sa pagtulong sa pagpapatayo ng isang
bansang matagumpay.
Mga Layunin ng Pagpapatupad ng Batas Rizal

Pangalawa, ito ay upang bigyang parangal ang ating


pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal at ipaalala sa mga
mamamayang Pilipino ang kanyang mga nagawa at naipaglaban para
sa kalayaan ng sariling bayan. Ito ang magsisilbing paalala narin ng
ating mga responsibilidad bilang isang Pilipino, lalong lalo na sa mga
kabataan. Pangatlo, ito ay upang magsilbing inspirasyon sa kabataang
Pilipino kung saan silay nasa lebel pa lamang ng paglilinang ng
kanilang mga isipan at ayon sa ating bayani, ang pag-asa ng bayan.
Panig ng mga Sumasang-ayon sa Pagpapatupad ng Batas

* Enemies that threaten the very foundations of our freedom ang


tawag ni Mayor Arsenio H. Lacson sa sinumang sumalungat sa Rizal
Bill.
Panig ng mga Sumasang-ayon sa Pagpapatupad ng Batas

* Ipinaalala ni Hen. Emilio Aguinaldo kung paano pinigilan ang mga


Pilipino basahin ang mga isinulat ni Rizal. Aniya, ang impluwensiya ng
mga Espanyol ay nabubuhay pa rin sa mga pari ngayon.
Panig ng mga Sumasang-ayon sa Pagpapatupad ng Batas

* ang pagkabayani ni Rizal ay nakikita sa dalawang nobelang isinulat


ni Rizal. Kung kaya, ang sinumang sumalungat sa Batas Rizal ay para
naring inaalis si Rizal sa kanilang isipan.
Panig ng Sumasalungat sa Pagpapatupad ng Batas

* ang mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo


ay naglalaman ng mga pahayag na subersibo o laban sa simbahan.
Ayon sa simbahan, ang sinumang makabasa nito ay maaaring mag-iba
ang paniniwala o sumalungat sa mga itinuturo ng simbahan.
Panig ng Sumasalungat sa Pagpapatupad ng Batas

* mistulang may monopoly ng patriyotismo ang grupo ni Recto, gayung


noong panahon ng digmaan, ang ilang mga nagsulong ng Batas Rizal ay
nagsilbing collaborator ng Hapon.
Panig ng Sumasalungat sa Pagpapatupad ng Batas

* Our objection then to the Bill proposed is not an objection against


our national hero nor against the imparting of patriotic education to
our Children We believe that to compel Catholic students to read a
book which contain passages contradicting their faith constitutes a
violation of a Philippine constitutional provision. (The Statement of
the Philippine Heirarchy)
Mga Rebisyon sa Pagpapatupad ng Batas

* gumawa ng bagong panukalang batas Si Sen. Laurel na naglalaman ng


mga bagong probisyon na hindi lalabag sa konstitusyon.

* pinayagan ang pagbabasa ng mga nobela sa makabagong bersyon at


hindi na ginawang compulsory ang pagbabasa ng dalawang nobela sa
kanilang orihinal na kopya.
Mga Rebisyon sa Pagpapatupad ng Batas

* isama ang buhay, mga ginawa at isinulat ni Rizal sa kurikulum ng mga


paaralan sa kolehiyo at unibersidad at ang orihinal na sipi ang kailangan
gamitin upang basehan ng pagbabasa.

* ito ay magiging bahagi ng kurikulum ng paaralan kung saan itoy


itinuturo ng isang gurong higit na may nakakaalam sa kurso. Ang mga
mag-aaral ay mamarkahan sa pag-aaral nito at anumang pagbagsak dito
ang siyang magiging hadlang sa kanyang pagtatapos ng anumang kurso.

You might also like