You are on page 1of 15

ARALIN 1

SALIGANG PANGKASAYSAYAN AT
KONTEKSTO NG RA 1425
PAKSA 1: INTRODUKSYON SA KURSO: BATAS
PAMBANSA 1425

• Sa unang aralin sa kurso sa Buhay at Gawa ni Jose


Rizal, ang araling ito ay nagbibigay ng talakayan
tungkol sa makasaysayang konteksto at nilalaman
ng Batas Rizal at sinusuri ang mga kalagayang
panlipunan, pampulitika at pang-ekonomiya sa
Pilipinas noong ika-19 na siglo.
PAKSA 1: INTRODUKSYON SA KURSO: BATAS
PAMBANSA 1425

• Ang pag-aaral sa konteksto ng kasaysayan ng Batas


Rizal ay nagbibigay-daan sa amin upang mas
maunawaan ang mga nilalaman, makatwiran at
kahalagahan ng batas. Katulad nito, ang pag-aaral
sa ika-19 na daigdig ay nakatutulong sa pag-aaral
ng buhay, mga gawa at ideya ni Dr. Jose Rizal dahil
inilalagay ito sa kanya ng naaangkop na konteksto.
MGA LAYUNIN NG PAGPAPATUPAD NG BATAS
RIZAL
• Ilang mga layunin ang isinaad upang higit na
maunawaan ang kahalagahan ng paglilikha ng Batas
Rizal. Isa dito ay dahil kailangan na muling buhayin
ang kalayaan at nasyonalismo kung para saan ang
ating mga bayaning nag-alay ng kanilang mga buhay.
Sa tulong ng batas na ito, nagpapaalala sa bawat
Pilipino ang mga dugo’t pawis na inalay ng ating mga
bayani na maaaring maging inspirasyon sa bawat isa
sa pagtulong sa pagpapatayo ng isang bansang
matagumpay.
PANIG NG MGA SUMASANG-AYON SA
PAGPAPATUPAD NG BATAS

• Ipinaalala ni Hen. Emilio Aguinaldo kung paano


pinigilang basahin ang mga sinulat ni Rizal aniya,
“Ang impluwensya ng mga Espanyol ay nabubuhay
pa rin sa mga pari ngayon.”
• Ang pagkabayani ni Rizal ay nakikita sa dalawang
nobelang isinulat ni Rizal.Kung kaya, ang sinumang
sumalungat sa batas ni Rizal ay para naring inaalis si
Rizal sa kanilang isipan.
PANIG NG MGA SUMASANG-AYON SA
PAGPAPATUPAD NG BATAS

• Ang BATAS REPUBLIKA 1425 na mas kilala sa


tawag na “BATAS RIZAL” ay pinangunahan ng dating
pinuno ng Pambansang Kapulungan ng Edukasyon
na si Sen. Jose P. Laurel. Bago ito napagtibayan
noong Hunyo 12, 1956, dumaan ng batas na ito sa
mga umaatikabong debate sa loob ng senado at
kongreso.
ANO NGA BA ANG BATAS RIZAL?

• Ang mga nobela ni Jose Rizal na NOLI ME TANGERE at


EL FILIBUSTERISMO ay naglalaman ng mga pahayag
sa subersibo o laban sa simbahan. Ayon sa simbahan,
ang sinaunang makabasa nito ay maaring mag-iba ang
paniniwala o sumalungat sa mga tinuturo ng simbahan.
• Mistulang may monopolyo ng patriyotismo ang grupo ni
Recto, gayung noong panahon ng digmaan, ang ilang
mga nagsulong ng Batas Rizal ay nagsilbing kasabwat
ng hapon.
ANO NGA BA ANG BATAS RIZAL?

• Tinawag itong House Bill 5561 sa Kongreso na


pinangungunahan ni Cong. Jacobo Gonzales at
tinawag naman itong Senate Bill 438 sa senado na
pinangunahan naman ni Sen. Claro M. Recto. Hindi
nakakapagtaka na sila ang mga pinunong
nagtaguyod sa batas na ito, dahil kung babalikan ang
kasaysayan, malinaw na may marubdob na
pagmamahal sa bayan ang dalawang ito.
ANO NGA BA ANG BATAS RIZAL?

• Ang pagpapatupad nito ay hindi naging madali


para sa mga mambabatas. Mahabang proseso
ang pinagdaan ng panukalang batas na ito
bago ito naging isang batas.
ANO ANG REPUBLIC ACT 1425?
• Ang Republic Act 1425 o ang tinatawag na
Rizal Law ay ang batas na nagdidikta sa lahat
ng mga paaralan sa buong Pilipinas na
magbigay ng mga asignatura at kurso
tungkolsa buhay at mga gawa ni Jose Rizal.
ANO ANG REPUBLIC ACT 1425?
• Ang buong titulo ng batas na ito ay An Act to
Include in the Curriculum of All Public and
Private Schools, Colleges and Universities
Courses On the Life, Works and Writing of Jose
Rizal, Particularly His Novel Noli Me Tangere
and El Filibusterismo, Authorizing the Printing
and Distribution Thereof, and for Other
Purposes.
ANO ANG REPUBLIC ACT 1425?
• Hunyo 12, 1956 – Pinagtibay ang Batas
Republika Blg. 1425 at tinawag itong Batas
Rizal.
• Ayon sa batas, dapat maging bahagi ng
kurikulum lahat ng pamantasan maging
pampubliko at pambribadong paaralan ang
kursong nauukol sa buhay, mga ginawa at
naisulat ni Jose Rizal.
BATAS RIZAL: SA NAKARAANG 50
TAON

• Limang dekada na ang nakalipas mula ng


maipatupad ang Batas Rizal. Ngunit
nakatulong nga ba ang pag-aaral ng
buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal
upang makamit ang mga adhikain ng mga
nagtaguyod sa batas na ito?
BATAS RIZAL: SA NAKARAANG 50
TAON
• Sa mababaw na pagtingin, masasabi nating naging
matagumpay ito, dahil sa halos lahat ng plaza sa
ating bansa ay may bantayog ni Rizal. Kilala siya sa
lahat ng mga Pilipino bilang pambansang bayani.
Madalas din natin gamitin ang mga salitang iniwan
niya, katulad ng walang kamatayang “ANG
KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN”.

• Mga Karagdagang Babasahin:
• GAWAIN: Lektura gamit ang Google Meet sa Saligang
pangkasaysayan at konteksto ng RA 1425; Bakit
dapat pag-aralan ang búhay at mga akda ni Rizal?

Basahin ang “Batas Rizal” (RA 1425)
https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/1956/06j
un/19560612-RA-1425-RM.pdf

You might also like