You are on page 1of 1

Ano ang R.A. 1425?

Ayon sa Chan Robles Virtual Law Library, ang RA 1425 ay: An Act to include in the curricula of all public and private schools, colleges and universities courses on the life, works and writings of Jose Rizal, particularly his novels Noli Me Tangere and El Filibusterismo, authorizing the printing and distribution thereof, and for other purposes.

Ang Republic Act 1425 (House Bill 5561, Senate Bill 438), o mas kilala bilang Rizal Law, ay nilagdaan at ipinasa ni Pang. Ramon Magsaysay noong Hunyo 12, 1956, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Ang batas na ito ay inakda ni Sen. Claro M. Recto ngunit ang naging daan sa pagkakakilanlan nito ay si Sen. Jose P. Laurel na siyang Senate Education Committee Chair sa administrasyong iyon. Layunin ng batas na ito na maging bahagi ng curriculum ng lahat ng mag-aaral ang buhay at mga ni gawa ni Jose Rizal---na siyang pinili upang maging Pambansang Bayani ng Taft Commission noong 1901. Noong 1950s, ang Pilipinas ay nakararanas ng matitinding mga problema at isyung panlipunan, politikal, ekonomiko o kultural man, dulot ng katatapos lamang na digmaan. Bilang isang eksperto kay Rizal, naisip ni Sen. CM Recto na ang pag-aaral ng buhay at mga gawa ni Rizal ang magiging solusyon sa mga problema at isyung ito. Nais ng batas na kanyang isinulat na magsilbing halimbawa ng pagiging makabayan si Jose Rizal upang ang lahat ng mag-aaral na Pilipino ay magkaroon ng mas maigting na pagsasabuhay ng nasyonalismo. Ayon nga sa kanya, the reading of Rizals novels would strengthen the Filipinism of the youth and foster patriotism. Mahigit 50 taon na ang nakalipas mula nang maipatupad ang batas na ito na hanggang ngayon ay nagsisilbi pa ring simbolo ng pagkilala sa kadakilaan ng isang bayani at pinaniniwalaang gabay ng nasyonalismo na siyang dapat ihubog sa pag-iisip ng mga kabataang Pilipino.

You might also like