You are on page 1of 3

Batas Rizal

0
Mga Layunin
1. Maipahayag at mapalitaw ang mga naging motibo ng mga mambabatas sa
pagpapatupad ng Batas Rizal
2. Ilahad ang mga pangyayari noong ipinasa at ipinagdebatihan upang tunay na
maunawaan ang kahalagahan ng pagpapasa ng Batas Rizal
3. Tulungan ang mga mag-aaral na maunawaan ang kahalagahan ng pagpapatupad ng
batas.
4. Patunayan na makatwiran ang pagpapatupad ng Batas Rizal
1. i. Ano ang Batas Rizal?
Higit na limampung taon na ang nakalipas mula nang ipinatupad and Republic Act.
1425 o mas kilala bilang Rizal Law o Batas Rizal na pinangunahan ni Jose P. Laurel.
Inaprubahan ito noong ika-12 ng Hunyo 1956 noong itoy tinatawag pang House Bill
No. 5561 na pinangungunahan ni Jacobo Gonzales at Senate Bill No. 438 na
pinangungunahan ni Sen. Claro M. Recto. Ilang henerasyon na ang naapektuhan sa
pagpapatupad ng mga lider ng gobyerno ng Batas Rizal na kanilang isinulong. Ang
pagpapatupad nito ay hindi naging madali para sa mga mambabatas. Mahabang
proseso ang pinagdaanan ng panukalang batas na ito bago ito naging isang batas.
Mainit na debate ang naganap kung saan ibat-ibang opinyon at motibo ang lumabas
galing sa mga lider ng gobyerno sa kanilang adhikain na maitupad ang Batas Rizal.
Nakasaad sa Batas Rizal na kailangan isama sa kurikulum ng lahat ng paaralan,
kolehiyo at unibersidad, pampubliko man o pribado ang kurso sa pag-aaral ng buhay,
mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal, partikular na ang kanyang dalawang nobela na
Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Bukod pa dito, nakasaad din batas na ito na
obligado ang bawat kolehiyo at unibersidad na magkaroon at magtago sa kanilang
mga silid-aklatan ng sapat na orihinal na sipi at makabagong bersyon ng Noli Me
Tangere at El Filibusterismo, pati na rin ang mga ibang isinulat ni Rizal, kabilang na
rito ang kanyang talambuhay. Isinusulong din ang pagsalin ng mga ito sa Ingles,
Tagalog o iba pang diyalekto at ang pagimprinta sa mababang halaga at pamamahagi
ng libre sa mga mamamayang nais magbasa nito sa pamamagitan ng Purok
organizations at Barrio Councils.

ii. Mga Layunin ng Pagpapatupad ng Batas Rizal


Ilang mga layunin ang isinaad upang higit na maunawaan ang kahalagahan ng
paglilikha ng Batas Rizal. Isa dito ay dahil kailangan na muling buhayin ang kalayaan
at nasyonalismo kung para saan ang ating mga bayaniy nabuhay at nag-alay ng
kanilang mga buhay. Sa tulong ng batas na ito, mapapaalala sa bawat mamamayang
Pilipino ang mga dugot pawis na inialay ng ating mga bayani na maaaring maging
ispirasyon sa bawat isa sa pagtulong sa pagpapatayo ng isang bansang matagumpay.
Pangalawa, ito ay upang bigyang parangal ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose
P. Rizal at ipaalala sa mga mamamayang Pilipino ang kanyang mga nagawa at
naipaglaban para sa kalayaan ng sariling bayan. Ito ang magsisilbing paalala narin ng
ating mga responsibilidad bilang isang Pilipino, lalong lalo na sa mga kabataan.
Pangatlo, ito ay upang magsilbing inspirasyon sa kabataang Pilipino kung saan silay
nasa lebel pa lamang ng paglilinang ng kanilang mga isipan at ayon sa ating bayani,
ang pag-asa ng bayan.
Panig ng mga Sumasang-ayon sa Pagpapatupad ng Batas
* Enemies that threaten the very foundations of our freedom ang tawag ni Mayor
Arsenio H. Lacson sa sinumang sumalungat sa Rizal Bill.
* Ipinaalala ni Hen. Emilio Aguinaldo kung paano pinigilan ang mga Pilipino basahin
ang mga isinulat ni Rizal. Aniya, ang impluwensiya ng mga Espanyol ay nabubuhay
pa rin sa mga pari ngayon.
* ang pagkabayani ni Rizal ay nakikita sa dalawang nobelang isinulat ni Rizal. Kung
kaya, ang sinumang sumalungat sa Batas Rizal ay para naring inaalis si Rizal sa
kanilang isipan.
Panig ng Sumasalungat sa Pagpapatupad ng Batas
* ang mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay
naglalaman ng mga pahayag na subersibo o laban sa simbahan. Ayon sa simbahan,
ang sinumang makabasa nito ay maaaring mag-iba ang paniniwala o sumalungat sa
mga itinuturo ng simbahan.
* mistulang may monopoly ng patriyotismo ang grupo ni Recto, gayung noong
panahon ng digmaan, ang ilang mga nagsulong ng Batas Rizal ay nagsilbing
collaborator ng Hapon.
* Our objection then to the Bill proposed is not an objection against our national hero
nor against the imparting of patriotic education to our Children We believe that to

compel Catholic students to read a book which contain passages contradicting their
faith constitutes a violation of a Philippine constitutional provision. (The Statement
of the Philippine Heirarchy)
Mga rebisyon sa Pagpapatupad ng Batas
* gumawa ng bagong panukalang batas Si Sen. Laurel na naglalaman ng mga bagong
probisyon na hindi lalabag sa konstitusyon.
* pinayagan ang pagbabasa ng mga nobela sa makabagong bersyon at hindi na
ginawang compulsory ang pagbabasa ng dalawang nobela sa kanilang orihinal na
kopya.
* isama ang buhay, mga ginawa at isinulat ni Rizal sa kurikulum ng mga paaralan sa
kolehiyo at unibersidad at ang orihinal na sipi ang kailangan gamitin upang basehan
ng pagbabasa.
* ito ay magiging bahagi ng kurikulum ng paaralan kung saan itoy itinuturo ng isang
gurong higit na may nakakaalam sa kurso. Ang mga mag-aaral ay mamarkahan sa
pag-aaral nito at anumang pagbagsak dito ang siyang magiging hadlang sa kanyang
pagtatapos ng anumang kurso.

You might also like