You are on page 1of 1

Rizal Law History:

Higit limang taon na ang nakalipas mula ng ipinatupad ang Republic Act. 1425 o mas kilala bilang Rizal
Law o Batas Rizal na pinangunahan ni Jose P. Laurel. Inaprubahan ito noong ika-12 ng Hunyo 1956 noong
ito ay tinatawag pang House Bill No. 5561 na pinangungunahan ni Jacobo Gonzales at Senate Bill No. 438
na pinangunahan ni Sen. Claro M. Recto. Ilang hinerasyon na ang naaapektuhan sa pagpapatupad ng
mga leader ng gobyerno ng Batas Rizal na kanilang sinulong. Ang pagpapatupad nito ay hindi naging
madali para sa mga mambabatas. Mahabang proseso ang pinagdaanan ng panukalang batas na ito bago
ito naging isang batas. Mainit na debate ang naganap kung saan iba’t ibang opinyon at motibo ang
lumabas galing sa mga leader ng gobyerno sa kanilang adhikain na maitupad ang batas na ito.

Nong 1994, inutusan ni Fidel V. Ramos ang Department of Education, Culture and Sports na lubusang
iimplementa ang Batas Rizal matapos malaman na mayroon pa ring ibang paaralan ang hindi
ipinapatupad ang batas na ito. Nakasaad sa Batas Rizal na kailangang isama sa Curriculum ng lahat ng
paaralan, kolehiyo at unibersidad- pampubliko man o pribado- ang kurso sa pagaaral ng buhay, mga
ginawa, at isinulat ni Dr. Jose Rizal partikular na ang kanyang dalawang nobela na Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Bukod pa rito, nakasaad rin sa batas na ito na obligado ang bawat kolehiyo at unibersidad
na magkaroon at magtago sa kanilang mga silid aklatan ng sapat ng orihinal na sipi at makabagong
bersyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo pati na rin ang mga ibang sinulat ni Rizal, kabilang na rin
ang kanyang talambuhay. Isinusulong din ang pagsalin ng mga ito sa Inggles, tagalog, o iba pang
deyolekto at ang pag piprint sa mababang halaga at pamamahiga ng libre sa mga mamamayang nais
magbasa nito sa pamamagitan ng Purok Organizations at Barrio Councils.

You might also like