You are on page 1of 10

Ano ang bersyon ng panukalang batas Rizal sa Mataas na Kapulungan?

Sino ang
naghain ng panukalang batas Rizal sa Mababang Kapulungan? Sino ang
primaryang nagsulong ng panukalang batas Rizal sa Mataas na Kapulungan? Ano
ang bersyon ng panukalang batas Rizal sa Mababang Kapulungan? Sino ang
pangulo ng Pilipinas noong 1956?

🌻 Panukalang Batas Blg. 438 (Senate Bill No. 438)

Ika-3 ng Abril 1956 nang ihain nina Sen. Claro M. Recto at Sen. Jose P Laurel sa
Mataas na Kapulungan ang Senate Bill No. 438 (“An Act to Make Noli Me Tangere
and El Filibusterismo Compulsory Reading Matter In All Public and Private
Colleges and Universities and For Other Purposes”).

Hindi naging madali ang pagkapasa ng batas na ito sa Mataas na Kapulungan. May
mga di sang-ayon sa pag-aaral ng Noli at Fili sa lahat ng unibersidad at kolehiyo.
Kabilang sa mga sumasalungat sa panukalang batas na ito ay sina Decoroso
Rosales, kapatid ni Arsobispo Rosales; Mariano Cuenco, kapatid ni Arsobispo
Cuenco; at Francisco “Soc” Rodrigo, dating pangulo ng Catholic Action. Ayon sa
kanila, nilalabag ng naturang panukalang batas ang kalayaan sa pagpili at
pananampalataya. Mahigpit na tumutol ang mga Katolikong grupo sa pagpapasa
ng panukalang batas na ito.

BULACAN STATE UNIVERSITY

Panukalang Batas Blg. 5561 (House Bill No. 5561)

Ika-19 ng Abril 1956 nang ipinakula ni Kong. Jacobo Z. Gonzales ang House Bill No.
5561. Ang panukalang batas na ito sa Mababang Kapulungan ay nanganib na
maibasura noong ika-3 ng Mayo sa simula ng deliberasyon dahil walong boto
lamang ang naging lamang ng 45 na sumang-ayon sa 37 na tumutol, at may isang
nag-abstain. Ang deliberasyon sa Mababang Kapulungan ay naging maaksyon at
humatong pa sa suntukan.

Batas Republika Blg. 1425 Ika-12 ng Hunyo 1956 nang opisyal na nalagdaan ng
Pangulong Ramon Magsasaysay ang Batas Republika Blg. 1425 o Batas Rizal. Ang
batas na ito ay nag-aatas na isama sa umiiral na kurikulum ng bawat paaralan
maging pribado o pampubliko man, sa lahat ng antas ng pag-aaral (Elementarya,
Sekundarya, o Kolehiyo) ang pag-aaral sa buhay, ginawa at sinulat ni Dr. Jose
Rizal, lalo na ang kanyang dalawang nobelang Noli me Tangere At El
Filibusterismo, pagbibigay kapahintulutan sa paglilimbag at pamamahagi ng mga
nabanggit na aklat at sa iba pang kapakinabangan.

Ang mga probisyon sa batas na ito ay ang mga sumusunod:

1. Kailangan na masama sa kurikulum ng mga mag-aaral sa elementarya hanggang


kolehiyo ang Noli at ang El Fili ng walang anumang pagbabago.

2. Gumamit ng primaryang batayan.

3. Kailangang may sapat na bilang ng kopya ng El Filibusterismo at Noli Me


Tangere sa mga silid-aklatan ng bawat paaralan.

4. Dapat ay nakasalin ang mga ito sa Filipino, Ingles at mga wikang umiiral sa
Pilipinas.

5. Dapat maglimbag ng kopya nito sa murang halaga o di kaya'y nang walang


bayad.

6. Kailangan ay may kopya ang mga organisasyon o himpilan ng barangay.

Batas Republika Blg. 229

Isang kautusan na ipinagbabawal ang sabong, karera ng kabayo at Jai alai sa ika-
30 araw ng Disyembre kada taon at bumuo ng lupon para manguna sa tamang
pagdiriwang ng araw ni Rizal sa bawat bayan at lungsod sa tamang kadahilanan.
4|Page

BULACAN STATE UNIVERSITY

Nilikha ng Senado at ng Mababang Kapulungan sa Kongreso ng Pilipinas.

SECTION 1. Ang batas at kautusang ito ay nagbabawal sa


pagsasabong,pagkakarera at jai alai sa ika-30 disyembre kada taon, ang araw ng
kagitingan ng ating dakilang bayaning si Dr. Jose Rizal.

SECTION 2. Magiging opisyal na gawain ng punong bayan ng bawat municipalidad


at mga siyudad na gumawa ng lupon na mangunguna sa tamang pagdiriwang ng
araw ni Rizal kada taon, at kung saan ang punong bayan, ang kanilang pinuno at
sa kooperasyon ng mga ahensiya, departamento, opisina, kawanihan ng gobyerno
at local na institusiyon. Ang ilan sa mga seremonya ay ang paglagay sa kalahati ng
hagdan ng pagtaas ng bandila sa lahat ng pampublikong lugar.

SECTION 3. Ang sino mang sumuway sa kautusan ay pagbabayarin ng


karampatang multa na hindi hihigit sa dalawandaang piso o pagkakakulong na
hindi lalagpas sa anim na buwan o parehong parusa sa paghatol ng hukuman. At
kung ang nagkasala ay ang punong bayan karagdagang parusa na ipapataw ay ang
pagkasuspendi sa kanyang termino ng isang buwan. Kung may paglabag ang isang
korporasyon, ay mayroong pananagutang kriminal ang presidente nito, direktor o
ibang opisyales nito.

SECTION 4. Ang batas na ito ay epektibo matapos ito ay aprubahan.


Naaprubahan: Hunyo 9, 1948. Ang Kautusan Blg. 247 s. 1994 Sa kautusan ito ng
Malacañang ay inaatasan ang Kalihim ng Edukasyon, Kultura, at Sports, at ang
tagapangasiwa ng CHED na ipatupad ang Batas Republika Blg. 1425 na nag-uutos
na isama sa pag-aaral ng mga pampubliko at pribadong paaralan, mga kolehiyo at
unibersidad ang buhay, mga nagawa, at naisulat ni Jose Rizal, lalo na ang mga
nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, at ang paglimbag at isa-publiko
ang mga nasabing nobela.

Pagsasanay I Sagutin ng buong husay ang bawat tanong. a) Bakit ninais ng mga
mambabatas na maisabatas ang pag-aaral sa buhay at mga ginawa ni Dr. Jose
Rizal?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5|Page

BULACAN STATE UNIVERSITY

________________________________________________________________

b) Ano-ano ang mga isyung politikal na kinaharap ng Batas Rizal ?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
MGA LAYUNIN AT ITINADHANA NG BATAS RIZAL

Talaan ng mga Resultang Nais Makamit: Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan


malinang ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Natatalakay ang tiyak na
probisyon ng batas Rizal alinsunod sa mga mithiin at layunin ng batas na ito. 2.
Nakapaghahanda ang mga kabataan sa mga mithiing pangkalayaan at
nasyonalismo, na siyang naging daan ng buhay at ikinamatay ng ating bayani. 3.
Nakapagbibigay parangal sa ating pambansang bayani sa pag-aalay niya ng
kanyang buhay at mga akda para sa paghubog ng katauhan Pilipino.

Paunang Pagsusulit Ano-ano’ng mga ideya o konsepto ang maaring iugnay sa


salitang “nasyonalismo”? Isulat ang mga ito sa paligid ng salitang nasyonalismo sa
loob ng kahon.

6|Page

BULACAN STATE UNIVERSITY

NASYONALISMO

Batas Republika Blg. 1425

Section 1. Ang mga kurso ukol sa buhay, gawa at mga akda ni Jose Rizal, partiKular
na ang kanyang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay dapat ibilan sa
lahat ng kurikulum ng lahat ng paaralan, kolehiyo at unibersidad pambuliko man o
pribado. Sa kondisyong, sa mga kurson pangkolehiyo, ang orihinal at hindi
binagong edisyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo o ang kanilang mga salin
sa Ingles ay dapat gamitin bilang pangunahing aklat. Ang Board of National
Education sa pamamagitan nito ay binigyan kapangyarihan at inatasang tnaggapin
ang kagyat at maingat na pagpapatupad ng mga probisyon ng seksyon na ito.
Kasama na rin ang pagsulat at pag-imprenta ng mga aklat para sa bata,
babasahing aklat at aklat-pampaaralan. Ang kapulungan ay marapat na ipakalat
ang mga tuntunin at patakaran ng batas na ito sa loob ng 60 araw bago ito
tuluyang magkabisa. Inaatasan din ang mga mayroong kapangyarihan na ipatupad
ang mga probisyon ng batas na ito. Ang kapulungan aay inaasahan gumawa ng
mga tuntunin at patakaran na mag papawalang saklaw ng batas na ito sa mga
mag-aaral na magkaroon ng problimang may kinalaman sa paniniwalang
pangrelihiyon na nakasulat sa isang pahayag ng pagsumpa, mula sa kautusan ng
probisyong ito na nakapaloob s ikalawang bahagi unang talata ng sekyon na ito;
ngunit hindi sa pagkuha ng kursong (asignatura) kinakailangan sa unang parte ng
nasabing talata. Ang mga nasabing talata. Ang mga nasabing batas at alintunin ay
nagkabisa sa loob ng 30 araw matapos ang pagkalathala ng mga ito sa Official
Gazette.

Section 2. Ito ay marapat gawing obligasyon sa lahat ng paaralan, kolehiyo at


unibersidad na maghanda sa kanilang mga silid-aklatan ng sapat na bilang ng
kopya ng original at walang binagong edisyon ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. O ang mga salin nito sa Ingles gayundin ang iba pang mga akda ni
Rizal, na kinakailangan maisama sa mga aprobadong aklat na marapat basahin sa
lahat ng pambubliko at pribadong paaralan, kolehiyo at unibersidad. Ang Board of
National Education ay siyang magtatakda ng kasapatan ng bilang ng mga aklat,
depende sa bilang ng mag-aaral ng paaralan, kolehiyo at unibersidad. 7|Page

BULACAN STATE UNIVERSITY

Section 3. Ang Board of National Education ay dapat magdulot na ang salin ng Noli
Me Tangere at El Filibusterismo. Gayundin ang mga iba pang sulat ni Jose Rizal ay
maisalin sa Ingles, Tagalog at iba pang mga pangunahing dayalekto o wika; ipag-
utos ang pagpapa-imprenta ng mga ito ng mura at bilang mga tanyag na edisyon;
ipag-utos ang pagpapakalat ng mga ito ng walang bayad sa mga taong
nagnanasang bashain ang mga ito sa pamamagitan ng mga organisasyon s amga
Purok at konsehong pambarangay sa buong bansa.

Section 4. Wala alinman sa batas na ito ang marapat na ibilang o ipakahulugan na


pagbago o pagpapawalang bisa sa seksyon 927 ng Administrative Code, na
nagbabawal sa pagtalakay ng mga pambublikong guro at iba pang mga tao na may
kinalaman o kabilang sa alinmang pambulikong paaralan sa mga doktrinang
pangrelihiyon.

Section 5. Ang kabuuang halagang tatlong daang libong piso ay binigyang


awtorisasyon na ialis sa bilang ng alin mang pondo maliban lamang na apropyado
ng National Treasury na isagawa ang layunin ng batas na ito.

Section 6. Ang batas na ito ay magkakaroon ng bisa matapus itong maaprobahan.

Ang batas na ito ay nagbibigay ng pangunahing katwiran kung bakit ang batas na
ito ay kailangan isagawa at ipatupad matapos itong maaprobahan. Ang paglilinaw
ay kalakip ang mga sumusonod na probisyon:

Una, ito ay napatunayan na higit pa sa kahit anong pagkakataon sa ating


kasaysayan ay kinakailangang italagang muli ang mga mithiing pangkalayaan at
nasyonalismo na siyang nagging daan ng buhay at ikinamatay ng ating mga
bayani. Malinaw na ang batas na ito ay itinatalaga sa lahat ng mga Pilipino at para
sa mga susunod na henerasyon upang ang mga sakripisyo, luha, dugo’t pawis ng
ating mga ninuno at mga bayani tulad ni Rizal tungo sa pagkakamit ng kalayaan at
nasyonalismo ay mabigyan kasiguruhan, gagawin itong isang pangangailangan sa
pamamagitan ng pormal na proseso ng edukasyon. Ang kalayaan at nasyonalismo
ay dalawang importanteng katawagan na totoong nasa puso ng ating
pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal at lahat ng mga rebolusyonaryong bayani.
Ang mga Pilipino sa ilalim ng pananakop ng mga dayuhan ay patuloy na nagnasa
ng kalayaan, kawalan ng pamimilit, paniniil at limitasyon sa pagpili o pagkilos at
kalayaan mula sa pagkaalipin sa ilalim ng kapangyarihan ng iba. Ang kasarinlan ay
maiuugnay sa kalayaan sa kaparaanan ang sambayanan Pilipino ay nagnanais ng
sariling pagkakakilanlan at gobyerno na pinamumunuan ng mga Pilipino tungo sa
pambansang kasarinlan at kapangyarihan. Ang lahat ng pagpupunyaging ito ay
nakahilig tungo sa katapatan at pagmamahal sa bayan. Mga bayaning Pilipino
Pilipino sa pangkalahatan ay ipinagbubunyi ang bansa higit sa lahat at binigyan
pagpapahalaga ang pagtaguyod, pagtatanggol at pangangalaga ng kultura at
kapakanan nito. Ang mga ito ay naglalarawan ng totoong diwa ng nasyonalismo sa
mga Pilipino.

Pangalawa, napatunayan na sa pagpaparangal sa kanila (mga bayani), particular


na sa ating pambansang bayani at makabayang si Jose Rizal, tayo ay umaalalang
may giliw at pagmamahal. Ang kanilang buhay at mga gawa ay humobog sa
karakter ng ating bansa. Ang batas na ito ay magsisilbing haligi na siyang
magbibigay kasiguruhan sa mga Pilipino at sa mga susunod na henerasyon na
pangangalagaan ang pinagsikapang kalayaan at dalisay na diwa ng
nasyonalismong inialay ng ating mga bayani. Tayo ang mga ganap na
tagapagmana ng lahat ng mga bungang ito at marapat lamang na sila ay ating
parangalan na ang kanilang buhay at mga gawa ay hindi mailagay sa kahihiyan at
kawalang kabuluhan.

Pangatlo, napatunayan na ang buhay, gawa at mga akda ni Jose Rizal particular na
ang kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ay parehong
matatag at nakapagpapaalab na bukal ng pagkamakabayan kung saan ang
kaisipan ng mga kabataan lao na sa yugto ng kanilang pagsibol at pagkatuto sa
paaralan na dapat hustong mapunan.
Pang-apat, napatunayan na ang lahat ng mga paaralan sa ilalim at sakop ng ating
estado ay hinihikayat na makiisa sa paghubog ng katauhang moral, disiplina sa
sarili, konsensyang panlungsod (komunidad) at magtuturong tungkulin ng isang
mamamayan. Ang pangangasiwa ay isang importanteng sangkap ng pamumuno.
Ito ay lubhang mahalaga dahil isa itong paraan upang mabantayan ang isang
particular na proseso. Ang proseso ng pangangasiwa ang siyang nagpapatakbo at
nagpapanatili ng malusog na operasyon ng mga institution alinsunod sa mga
mithiin at layunin kung kaya sa ganitong paraan ang hangarin at layunin ng RA
1425 mas kilala bilang The Rizal Law ay nabibigyang katiyakan na naipapatupad at
naisagawa sa pinakamataas na antas.

Pagsasanay II Sagutin ang mga susunod na tanong a) Ano ang kahalagaan ng pag-
aaral sa buhay at isinulat ni Rizal?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________ b)
Paano naapektuhan ang buhay ng mga mag-aaral ng asignaturang Rizal?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________ c)
Ano ang kahalagaan at gampanin ng asignaturang Rizal sa pagkakaroon ng
kalayaan at demokrasya sa bansa?
________________________________________________________________

9|Page
BULACAN STATE UNIVERSITY

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________ d)
Anong mungkahi ang maibibigay mo sa pamahalaan kaugnay ng pagkilala at
pagpahalaga kay Rizal upang patuloy na maalala ng bawat Pilipino

You might also like