You are on page 1of 7

BULACAN STATE UNIVERSITY

MODULE I
ANG BATAS RIZAL
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pambungad na Salita
Sa bisa ng Republic Act bilang 1425 (Batas Rizal), mahigit nang anim na pong
taon (60) nang kinukuha ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang kursong tumatalakay sa
buhay at mga akda ni Dr Jose Rizal.

Mahalagang balikan ang konteksto ng pagpanukala ng mga batas at ang mga naging
kaakibat na isyu sa pagsusulong nito.
Tatalakayin sa module na ito ang krisis panlipunan na kinahakaharap ng mga Pilipino
matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.

Mga Aralin:

I. Ang Pulitika sa likod ng Batas Rizal


II. Mga Layunin at itinadhana ng Batas Rizal
III. Pagpili ng Pambansang Bayani sa Panahon ng mga Amerikano
IV. Ang kabuluhan ng Kabayanihan ni Dr Jose Rizal sa kasalukuyang
panahon.
Sa pagtatapos ng module, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Nailalahad ang mga pangyayari na may kinalaman sa pagpapanukala at
pagpapatibay ng Batas Rizal.
2. Nakikilala ang mga taong nasa likod ng tunggalian ng interes bago pa ito
ganap na napagtibay bilang isang batas.
3. Nakapagbibigay ng sariling katwiran labag man o pagsang-ayon sa iba’t-
ibang naging argumento sa R.A 1425.
4. Naipapaliwanag ang mga tiyak na probisyon ng R.A 1425
5. Naipapaliwanang ang mga pangyayari na nagbigay daan sa pagkilala kay Dr.
Rizal bilang isang Pambansang Bayani.

Takdang Oras
Anim (6) na oras
BULACAN STATE UNIVERSITY

Aralin I
ANG PULITIKA SA LIKOD NG BATAS RIZAL
Talaan ng mga Resultang Nais Makamit:

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang magagawa ang mga sumusunod:


1. Nailalarawan ang kasaysayan ng Batas Rizal at mga kaugnay na batas nito.
2. Natatalakay ang mga isyung pulitikal na kinaharap ng Batas Rizal.
3. Nauunawaan ang halaga ng pag-aaral ng Kursong Rizal.
4. Naipapaliwanag ang ilan pang batas na nagpapahalaga kay Dr. Rizal.

Paunang Pagsusulit:
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

______________1 Ano ang bersyon ng panukalang batas Rizal sa Mataas na


. Kapulungan?
______________2 Sino ang naghain ng panukalang batas Rizal sa Mababang
. Kapulungan?
______________3 Sino ang primaryang nagsulong ng panukalang batas Rizal
. sa Mataas na Kapulungan?
______________4 Ano ang bersyon ng panukalang batas Rizal sa Mababang
. Kapulungan?
______________5
Sino ang pangulo ng Pilipinas noong 1956?
.

Panukalang Batas Blg. 438


(Senate Bill No. 438)
Ika-3 ng Abril 1956 nang ihain
nina Sen. Claro M. Recto at Sen.
Jose P Laurel sa Mataas na
Kapulungan ang Senate Bill No. 438
(“An Act to Make Noli Me Tangere
and El Filibusterismo Compulsory
BULACAN STATE UNIVERSITY

Reading Matter In All Public and Private Colleges and Universities and For Other
Purposes”).
Hindi naging madali ang pagkapasa ng batas na ito sa Mataas na Kapulungan.
May mga di sang-ayon sa pag-aaral ng Noli at Fili sa lahat ng unibersidad at kolehiyo.
Kabilang sa mga sumasalungat sa panukalang batas na ito ay sina Decoroso Rosales,
kapatid ni Arsobispo Rosales; Mariano Cuenco, kapatid ni Arsobispo Cuenco; at
Francisco “Soc” Rodrigo, dating pangulo ng Catholic Action. Ayon sa kanila, nilalabag
ng naturang panukalang batas ang kalayaan sa pagpili at pananampalataya. Mahigpit
na tumutol ang mga Katolikong grupo sa pagpapasa ng panukalang batas na ito.

Panukalang Batas Blg. 5561 (House Bill No. 5561)


Ika-19 ng Abril 1956 nang ipinakula ni Kong. Jacobo Z. Gonzales ang House Bill
No. 5561. Ang panukalang batas na ito sa Mababang Kapulungan ay nanganib na
maibasura noong ika-3 ng M

ayo sa simula ng deliberasyon dahil walong boto lamang ang naging lamang ng 45 na
sumang-ayon sa 37 na tumutol, at may isang nag-abstain. Ang deliberasyon sa
Mababang Kapulungan ay naging maaksyon at humatong pa sa suntukan.

Batas Republika Blg. 1425


Ika-12 ng Hunyo 1956 nang opisyal na nalagdaan ng Pangulong Ramon
Magsasaysay ang Batas Republika Blg. 1425 o Batas Rizal. Ang batas na ito ay nag-
aatas na isama sa umiiral na kurikulum ng bawat paaralan maging pribado o
pampubliko man, sa lahat ng antas ng pag-aaral (Elementarya, Sekundarya, o
Kolehiyo) ang pag-aaral sa buhay, ginawa at sinulat ni Dr. Jose Rizal, lalo na ang
kanyang dalawang nobelang Noli me Tangere At El Filibusterismo, pagbibigay
kapahintulutan sa paglilimbag at pamamahagi ng mga nabanggit na aklat at sa iba
pang kapakinabangan.

Ang mga probisyon sa batas na ito ay ang mga sumusunod:


BULACAN STATE UNIVERSITY

1. Kailangan na masama sa kurikulum ng mga mag-aaral sa


elementarya hanggang kolehiyo ang Noli at ang El Fili ng walang
anumang pagbabago.
2. Gumamit ng primaryang batayan.
3. Kailangang may sapat na bilang ng kopya ng El Filibusterismo at Noli
Me Tangere sa mga silid-aklatan ng bawat paaralan.
4. Dapat ay nakasalin ang mga ito sa Filipino, Ingles at mga wikang
umiiral sa Pilipinas.
5. Dapat maglimbag ng kopya nito sa murang halaga o di kaya'y nang
walang bayad.
6. Kailangan ay may kopya ang mga organisasyon o himpilan ng
barangay.
Batas Republika Blg. 229
Isang kautusan na ipinagbabawal ang sabong, karera ng kabayo at Jai alai sa
ika-30 araw ng Disyembre kada taon at bumuo ng lupon para manguna sa tamang
pagdiriwang ng araw ni Rizal sa bawat bayan at lungsod sa tamang kadahilanan.
Nilikha ng Senado at ng Mababang Kapulungan sa Kongreso ng Pilipinas.
SECTION 1. Ang batas at kautusang ito ay nagbabawal sa
pagsasabong,pagkakarera at jai alai sa ika-30 disyembre kada taon, ang araw
ng kagitingan ng ating dakilang
bayaning si Dr. Jose Rizal.
SECTION 2. Magiging
opisyal na gawain ng punong
bayan ng bawat municipalidad at
mga siyudad na gumawa ng
lupon na mangunguna sa tamang
pagdiriwang ng araw ni Rizal
kada taon, at kung saan ang
punong bayan, ang kanilang
pinuno at sa kooperasyon ng
mga ahensiya, departamento,
opisina, kawanihan ng gobyerno
at local na institusiyon. Ang ilan
sa mga seremonya ay ang
BULACAN STATE UNIVERSITY

paglagay sa kalahati ng hagdan ng pagtaas ng bandila sa lahat ng pampublikong


lugar.
SECTION 3. Ang sino mang sumuway sa kautusan ay pagbabayarin ng
karampatang multa na hindi hihigit sa dalawandaang piso o pagkakakulong na
hindi lalagpas sa anim na buwan o parehong parusa sa paghatol ng hukuman.
At kung ang nagkasala ay ang punong bayan karagdagang parusa na ipapataw
ay ang pagkasuspendi sa kanyang termino ng isang buwan. Kung may paglabag
ang isang korporasyon, ay mayroong pananagutang kriminal ang presidente nito,
direktor o ibang opisyales nito.
SECTION 4. Ang batas na ito ay epektibo matapos ito ay aprubahan.
Naaprubahan: Hunyo 9, 1948.

Ang Kautusan Blg. 247 s. 1994


Sa kautusan ito ng Malacañang ay inaatasan ang Kalihim ng Edukasyon,
Kultura, at Sports, at ang tagapangasiwa ng CHED na ipatupad ang Batas Republika
Blg. 1425 na nag-uutos na isama sa pag-aaral ng mga pampubliko at pribadong
paaralan, mga kolehiyo at unibersidad ang buhay, mga nagawa, at naisulat ni Jose
Rizal, lalo na ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, at ang paglimbag
at isa-publiko ang mga nasabing nobela.

Pagsasanay I
Sagutin ng buong husay ang bawat tanong.
a) Bakit ninais ng mga mambabatas na maisabatas ang pag-aaral sa buhay at mga
ginawa ni Dr. Jose Rizal?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

b) Ano-ano ang mga isyung politikal na kinaharap ng Batas Rizal ?


________________________________________________________________
BULACAN STATE UNIVERSITY

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

You might also like