You are on page 1of 2

ANG BATAS REPUBLIKA BILANG 1425

Ang Batas Republika Blg.1425 (H.NO.5561, S.No.


428) na kilala sa tawag na Batas Rizal ay pinagtibay
noong Hunyo 1956 at ipinatupad noong Agosto 16,
1956. Ayon sa batas na ito, ang kursong nauukol sa
buhay, mga ginawa at sinulat ni Dr. Jose Rizal lalo na
ang kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ay isasama sa lahat ng kurikulum ng
bawat paaralang pambayan at pansarili. Ang mga
tagapagtaguyod ay sina Jose P. Laurel, Claro M. Recto, Jose B. Laurel Jr., Jacobo
Gonzales, Lorenzo Tanada at marami pang iba

Ang Batas Republika 1425 na mas kilala sa tawag na Batas Rizal ay pinangunahan
ng dating pinuno ng Pambansang Kapulungan ng Edukasyon na si Sen. Jose P.
Laurel. Bago ito mapagtibay noong Hunyo 12, 1956, dumaan ang batas na ito sa
mga umaatikabong debate sa loob ng Senado at Kongreso. Tinawag itong House
Bill 5561 sa kongreso na pinangunahan ni Cong. Jacobo Gonzales at tinawag
naman itong Senate Bill 438 sa Senado na pinangunahan naman ni Sen. Claro M.
Recto. Hindi makakapagtaka na sila ang mga pinunong nagtaguyod sa batas na ito,
dahil kung babalikan ang kasaysayan, malinaw na may marubdob na pagmamahal
sa bayan ang dalawang ito. Si Gonzales ay nakipaglaban upang mapalaya ang
kanyang mga kababayang sakdalista at si Recto naman ay malinaw na ipinaglaban
ang soberanya ng Pilipinas labas sa Estados Unidos.

Ang pangunahing layunin ng mga mga nagtaguyod sa batas na ito ay muling pag-
alabin ang diwa ng nasyonalismo sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino
sa pamamagitan ng pagsama sa kurikulum ng lahat ng paaralan, pampubliko man o
pribado ang kurso sa pag-aaral ng buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal,
partikular na ang kanyang dalawang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Naniniwala sila na si Rizal ay maaaring magsilbing inspirasyon sa atin, lalo na sa
mga kabataan. Bukod dito, layunin din ng batas na ito na parangalan si Rizal at ang
iba pa nating mga bayani sa lahat ng kanilang mga ginawa para sa bayan.

You might also like