You are on page 1of 19

Ang Batas Rizal

(RA 1425)
Kwento ni Rizal bilang “Pambansang Bayani” at
Bulag na Pagdakila – isang kritisismo

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY


• Batas Rizal
• Sagutan ng dalawang panig

Paksa
• Paano Pinili si Rizal bilang Pambansang
Bayani
• Sa lente ni Renato Constantino sa
kanyang gawang Veneration Without
Understanding (Bulag na Pagdakila)
Batas Rizal
• House Bill 5561 na pinangunahan
ni Jacobo Gonzales
• Senate Bill 438 na pinangunahan
ni Claro M. Recto
Nagtulungan si Jose
P. Laurel at si Claro
M. Recto sa pagsulat
ng bill matapos ang
eleksyon noong
1955.
Mga Nakasaad sa
Batas
• Kailangan isama sa kurikulum
ng lahat ng paaralan, kolehiyo
at unibersidad, pampubliko
man o pribado ang kurso sa
pag-aaral ng buhay, mga
ginawa at isinulat ni Jose Rizal,
partikular na ang kanyang
dalawang nobela na Noli Me
Tangere at El Filibusterismo.
• Obligado ang bawat kolehiyo at unibersidad na
magkaroon at magtago sa kanilang mga silid-
Mga Nakasaad aklatan ng sapat na orihinal na sipi at makabagong
sa Batas bersyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo,
pati na rin ang mga ibang isinulat ni Rizal, kabilang
na rito ang kanyang talambuhay.
Mga Nakasaad sa Batas
• Isinusulong din ang
pagsalin ng mga ito sa
Ingles, Tagalog o iba pang
diyalekto at ang
pagimprinta sa mababang
halaga at pamamahagi ng
libre sa mga mamamayang
nais magbasa nito sa
pamamagitan ng Purok
organizations at Barrio
Councils.
Layunin ng Batas Rizal
• Una, pagbuhay ang kalayaan at nasyonalismo na siyang pinag-alayan
ng mga buhay ng ating mga bayani. Magpaalala ang dugo’t pawis na
inalay para sa ating bayan bilang inspirasyon sa pagtulong para sa
isang matagumpay na Pilipinas.
• Pangalawa, bigyang parangal si Rizal sa pagpapaalala sa mga
mamamayan, lalo na sa kabataan, ang kanyang nagawa at
naipaglaban para sa Bayan.
• Pangatlo, magsilbing inspirasyon sa kabataang Pilipino habang nasa
lebel sila ng paglilinang ng mga kaisipan at ayon sa ating bayani.
Mga Pagkontra sa Batas
• Dahil ayon sa batas, dapat ipabasa sa mga bata ang walang putol na
bersyon ng Noli at Fili. Ito’y kinondena ng Simbahang Katolika dahil:
• Sa pagbasa ng bersyong ito, maaaring mawalan ng pananampalataya sa
simbahan dahil sa pagkontra ni Rizal sa mga prayle’t mga doktrina.
• Nagsuntukan sa mababang kapulungan si Emilio Cortez (Pampanga) at
si Ramon Durano (Cebu) dahil sa batas na ito. Nagbati naman sila –
hindi ko lang alam kung sino ang nanalo.
• Nag-walkout si Arsenio Lacson sa isang misa nang mabasa ang isang
pastoral letter mula sa Arsobispo na nanunuligsa sa panukalang batas.
• Nagbanta rin ng pagsasara ang mga paaralang Katoliko.
Mga Pagsulong sa Batas
• Ani ni Emilio Aguinaldo, ang kolonyalismo ay nasa kaparian pa rin ukol
sa batas na ito.
• Sinabihan naman ni Arsenio Lacson, dating alcalde ng Maynila, na ang
mga sumasalungat sa batas ay
“Enemies that threaten the very foundations of our
freedom”
Mga Pagbabago o Rebisyon
• Gumawa ng panukalang batas si Jose Laurel, kasama si Claro Recto na
naglalaman ng mga bagong probisyon na hindi lalabag sa saligang
batas.
• Pinayagan na ang pagbasa ng mga nobela sa makabagong bersyon at
hindi na mandato ang pagbasa sa orihinal na kopya.
• Isinama ang buhay ni Rizal, mga ginawa at isinulat sa kurikulum ng
mga paaralan, kolehiyo, at pamantasan ang orihinal na sipi ay ang
batayang babasahin.
• Ang kurso ay ituturo ng gurong higit na nakakaalam at ang pagbagsak
ay magiging hadlang sa pagtatapos ng anumang kurso.
Pagpapasa ng Batas
• Naipasa ang Batas Rizal noong
1956 ni Ramon Magsaysay, na
siyang ating sinusunod pa rin
magpasahanggang ngayon.
Naging epektibo nga ba ang Batas Rizal?
Pagpili kay Rizal
Bumuo si Heneral W. H. Taft ng isang grupo na siyang pipili sa
magiging Pambansang Bayani ng Pilipinas na siyang kinabilangan
nina:
Trinidad Pardo de Tavera, Jose Ruiz de Luzuriaga, Cayetano
Arellano, at Gregorio Araneta – apat na Pilipino

W. H. Taft, Morgan Shuster, Bernard Mases, Dean Worcester, at


Henry Ide – limang Amerikano
Pagpili kay Rizal
• Pamantayan sa Pagpili sa
Pambansang Bayani:
• Pilipino
• Namayapa
• May pagmamahal sa Bayan
• May mahinahong damdamin
– dinagdag kalaunan
Mga Pinagpilian

Si Rizal ang pinili dahil siya’y pasok sa lahat ng


pamantayan, at siya’y nakaranas ng
madamdaming pagkamatay sa Bagumbayan.
Bayaning pinili nga ba ng
Amerikano si Rizal?

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC-ND


Mga puntong maaaring maging kuhanan
• Pagtutol niya sa rebolusyon dahil sa kakulangan ng kakayahan
• Maaaring minaliit ni Rizal ang lakas at katalinuhan ng masa
• Pinaniniwalaang hindi sang-ayon si Rizal sa tunay na kalayaan at ito ay
dapat patunayan na karapatdapat ang bansa para dito sa pamamagitan ng
karunungan at kakayahan.
• Siya ay pinili ng imperyalismo na hindi na niya kayang tutulan
• Siya ay hiwalay sa masa sa kanyang pagiging ilustrado
• Ninais ni Rizal magsilbi sa ilalim ng Espanya bilang doktor sa krisis
sa Cuba
Mga puntong sumusuporta sa kabayanihan
• Isang tanyag na propagandista upang tutulan ang kolonyalismo
• Hinahangaan na ng mga indio at Filipino noong siya ay buhay pa
• Ginawa siyang honorary president ng KKK ANB at maging ang isa sa
kanilang lihim na sensyas o password ay Rizal
• Mariing tinutulan ni Rizal ang maling pagtrato ng mga Kastila;
tinawag siyang subersibo at traydor kaya’t siya’y hinatulan ng
kamatayan.
• Tinatag ni Rizal ang La Liga Filipina, na naging daan sa
pagkakatatag ng KKK ANB (at ng Cuerpo de Compromisarios)

You might also like