You are on page 1of 18

Ang Batas Rizal (RA 1425)

Kwento ni Rizal bilang “Pambansang Bayani” at


Bulag na Pagdakila – isang kritisismo
Alam mo ba?
• Na HINDI si Rizal ang sumulad ng Sa Aking
mga Kabata?
• Ayon sa tanyag na historyador na si Xiao
Chua, ang tula ay gumamit ng salitang
“Kalayaan” sa unang dalawang saknong.
• Ngunit, sa sulat ni Rizal kay Paciano mula sa
Leipzig ay hindi daw niya alam ang salitang
Tagalog para sa salitang Freiheit o Liberty.
Siya’y 25 na noong sinulat niya ang liham na
ito noong ika-12 ng Oktubre, 1886.
Paksa
• Batas Rizal
• Sagutan ng dalawang panig
• Paano Pinili si Rizal bilang Pambansang Bayani
• Sa lente ni Renato Constantino sa kanyang gawang Veneration Without
Understanding (Bulag na Pagdakila)
Batas Rizal
• House Bill 5561 na pinangunahan
ni Jacobo Gonzales
• Senate Bill 438 na pinangunahan
ni Claro M. Recto
Nagtulungan si Jose
P. Laurel at si Claro
M. Recto sa pagsulat
ng bill matapos ang
eleksyon noong
1955.
Mga Nakasaad sa
Batas
• Kailangan isama sa kurikulum
ng lahat ng paaralan, kolehiyo
at unibersidad, pampubliko
man o pribado ang kurso sa
pag-aaral ng buhay, mga
ginawa at isinulat ni Jose Rizal,
partikular na ang kanyang
dalawang nobela na Noli Me
Tangere at El Filibusterismo.
• Obligado ang bawat kolehiyo at unibersidad na
magkaroon at magtago sa kanilang mga silid-
Mga Nakasaad aklatan ng sapat na orihinal na sipi at makabagong
sa Batas bersyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo,
pati na rin ang mga ibang isinulat ni Rizal, kabilang
na rito ang kanyang talambuhay.
Mga Nakasaad sa Batas
• Isinusulong din ang
pagsalin ng mga ito sa
Ingles, Tagalog o iba pang
diyalekto at ang
pagimprinta sa mababang
halaga at pamamahagi ng
libre sa mga mamamayang
nais magbasa nito sa
pamamagitan ng Purok
organizations at Barrio
Councils.
Layunin ng Batas Rizal
• Una, pagbuhay ang kalayaan at nasyonalismo na siyang pinag-alayan
ng mga buhay ng ating mga bayani. Magpaalala ang dugo’t pawis na
inalay para sa ating bayan bilang inspirasyon sa pagtulong para sa
isang matagumpay na Pilipinas.
• Pangalawa, bigyang parangal si Rizal sa pagpapaalala sa mga
mamamayan, lalo na sa kabataan, ang kanyang nagawa at
naipaglaban para sa Bayan.
• Pangatlo, magsilbing inspirasyon sa kabataang Pilipino habang nasa
lebel sila ng paglilinang ng mga kaisipan at ayon sa ating bayani.
Mga Pagkontra sa Batas
• Dahil ayon sa batas, dapat ipabasa sa mga bata ang walang putol na
bersyon ng Noli at Fili. Ito’y kinondena ng Simbahang Katolika dahil:
• Sa pagbasa ng bersyong ito, maaaring mawalan ng pananampalataya sa
simbahan dahil sa pagkontra ni Rizal sa mga prayle’t mga doktrina.
• Nagsuntukan sa mababang kapulungan si Emilio Cortez (Pampanga) at
si Ramon Durano (Cebu) dahil sa batas na ito. Nagbati naman sila –
hindi ko lang alam kung sino ang nanalo.
• Nag-walkout si Arsenio Lacson sa isang misa nang mabasa ang isang
pastoral letter mula sa Arsobispo na nanunuligsa sa panukalang batas.
• Nagbanta rin ng pagsasara ang mga paaralang Katoliko.
Mga Pagsulong sa Batas
• Ani ni Emilio Aguinaldo, ang kolonyalismo ay nasa kaparian pa rin ukol
sa batas na ito.
• Sinabihan naman ni Arsenio Lacson, dating alcalde ng Maynila, na ang
mga sumasalungat sa batas ay
“Enemies that threaten the very foundations of our
freedom”
Mga Pagbabago o Rebisyon
• Gumawa ng panukalang batas si Jose Laurel, kasama si Claro Recto na
naglalaman ng mga bagong probisyon na hindi lalabag sa saligang
batas.
• Pinayagan na ang pagbasa ng mga nobela sa makabagong bersyon at
hindi na mandato ang pagbasa sa orihinal na kopya.
• Isinama ang buhay ni Rizal, mga ginawa at isinulat sa kurikulum ng
mga paaralan, kolehiyo, at pamantasan ang orihinal na sipi ay ang
batayang babasahin.
• Ang kurso ay ituturo ng gurong higit na nakakaalam at ang pagbagsak
ay magiging hadlang sa pagtatapos ng anumang kurso.
Pagpapasa ng Batas
• Naipasa ang Batas Rizal noong
1956 ni Ramon Magsaysay, na
siyang ating sinusunod pa rin
magpasahanggang ngayon.
Pagpili kay Rizal
• Bumuo si Heneral W. H. Taft ng isang grupo na siyang pipili sa
magiging Pambansang Bayani ng Pilipinas na siyang kinabilangan nina:
• Trinidad Pardo de Tavera, Jose Ruiz de Luzuriaga, Cayetano Arellano,
at Gregorio Araneta – apat na Pilipino
• W. H. Taft, Morgan Shuster, Bernard Mases, Dean Worcester, at Henry
Ide – limang Amerikano
Pagpili kay Rizal
• Pamantayan sa Pagpili sa
Pambansang Bayani:
• Pilipino
• Namayapa
• May pagmamahal sa Bayan
• May mahinahong damdamin
– dinagdag kalaunan
Mga Pinagpilian

Si Rizal ang pinili dahil siya’y pasok sa lahat ng


pamantayan, at siya’y nakaranas ng
madamdaming pagkamatay sa Bagumbayan.
Alam mo ba?
• Na hindi si Rizal ang ating
pambansang bayani?
• Walang opisyal na
pambansang bayani ang ating
bansa, na siyang
nagpapaganda ng ating
pagkilala kay Rizal bilang
pambansang bayani dahil
walang kasulatan na pormal
na kumikilala sa kanya.
ISSAPRANK
Pag-usapan natin!
1. Sa inyong palagay, naging matagumpay ba ang Pilipinas sa layunin
nito na palawigin ang pagmamahal sa bansa? Ipaliwanag.
2. Paano kaya natin pagtitibayin nang lalong maging mabisa ang
pagpapatupad ngayong parang hindi na uso ang kabayanihan?
3. Matapos basahin ang Veneration Without Understanding o Bulag na
Pagdakila, marapat pa bang hirangin si Rizal bilang Pambansang
Bayani? Ipaliwanag.

You might also like