You are on page 1of 8

PROYEKTO SA SIBIKA

(Oktubre 10, 2017)

Isinumite ni

G. Zildjian E. California
Baitang VI
RSLCI

Isinumite kay
G. Jeff Carlo A. Abaño
Guro
RSLCI

1
Sampung Bayani sa Panahon ng mga Kastila
1. Jose Rizal (Hunyo 19, 1861 – Disyembre 30, 1896 ). Noong Hunyo 18, 1892,
nagtatag siya ng samahan at tinawag itong “La Liga Filipina”. Ang layunin ng
samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng
komersyo, industriya, at agrikultuta. Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me
Tangere at El Felibusterismo” ay naglalahad ng pang-aabuso ng mga Prayle sa
mga Pilipino at mga katiwalian ng pamahalaang Kastila. Bago siya nahatulang
patayin, naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) na magmulat
sa susunod pang henerasyon na maging makabayan.

2. Andres Bonifacio (30 Nobyembre 1863-10 Mayo 1897) ang tagapagtatag ng


Katipunan at itinuturing na “Ama ng Himagsikang Filipino.” Tinatawag siyáng
“Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog” dahil naging pangulo ng
kapisanang mapanghimagsik.

3. Apolinario Dela Cruz (Hulyo 22, 1814-Nobyembre 4, 1841. Siya ay kilala rin
bilang Hermano Pule (“Kapatid na lalaking Pulle” o Puli na isang Pilipino na
namuno sa mga pangunahing himagsikan laban sa pamamalakad ng mga kastila
sa Pilipinas, na batay sa isang pakikibaka para sa kalayaang panrelihiyon at
kasarinlan.

4. Apolinario Mabini (Hulyo 23, 1864-Mayo 13, 1903). Siya ay bantog sa tawag
na “Dakilang Paralitiko” at Utak ng Rebolusyon.

5. Diego Silang Si Diego Silang (Disyembre 16, 1730-Mayo 28, 1763), bayani ng
Ilokos, ay ang pinuno ng isang matagumpay na pag-aalsa laban sa mga Espanyol
bago naganap ang Himagsikang Pilipino. Siya, at ang kanyang asawa na si
Gabriela Silang ang nanguna sa landas tungo sa paglaya ng mga Pilipino.

6. Gabriela Silang Si Maria Josefa Gabriela Cariño Silang o Gabriela Silang (Marso
19, 1731-Setyembre 29, 1763), ang tinaguriang “Joan d'Arc ng Ilocos”, ay isa sa
mga kababaihan na lumaban kasama ang iba pang Pilipino noong panahon ng
rebolusyon

7. Tamblot Siya (Agosto 30, 1850-1622) ay isang babaylan mula sa Bohol,


Pilipinas, na siyang nagtaguyod ng Tamblot Uprising mula 1621 hanggang
1622 noong panahon ng Kastila. Siya ay gumawa ng isang himala upang tutulan
ang kristiyanismo at maibalik ang tunay na paniniwala ng mga Pilipino.

8. Hermano Pule Si Apolinario de la Cruz (22 Hulyo 1814 – 4 Nobyembre 1841),


na nakikilala rin bilang si Hermano Pule ("Kapatid na Lalaking Pule") o Puli, ay
isang Pilipino na namuno ng isang pangunahing himagsikan laban sa
pamamalakad ng mga Kastila sa Pilipinas, na batay sa isang pakikibaka para sa
kalayaang panrelihiyon at kasarinlan.

9. Juan Ponce Sumuroy • isang Waray na namuno sa mga rebolusyonaryo sa


Silangan Visayas, noong (1649-1650). • Nagsimula ang pakikipaglaban ni
Sumuroy sa bayan ng Palapag na ngayon ay Hilagang Samar, na lumaganap sa

2
buong rehiyon. May nagsasabing ang pag-aaklas ni Sumuroy ay umabot sa
rehiyon Bicol at sa Mindanao. Ang nasabing pag-aaklas ay tinawag na “Rebelyon
ni Sumuroy”. • Ang pinag-ugatan ng pag-aaklas ni Sumuroy at kaniyang mga
kasama, nang sapilitang pagawain ng mga Espanyol ang mga tao sa Silangang
Visayas at karatig na rehiyon, sa pagawaan ng barko, na noon ay nasa Cavite.
Kahit naging kilala at malawakan ang aklasan nila Sumuroy, natalo sila ng mga
Espanyol.

10. Magat Salamat • (1550-1595) ay ang prinsipe ng Kaharian ng Tondo at ang


pangalawang anak ni Raha Lakandula. Ipinagpatuloy niya ang pag-aalsa na
sinimulan ni Raha Lakandula ang kanyang ama ang himagsikan laban sa mga
Kastila. Noong 1575 dumaong ang barko ni Martin de Goiti, isang mananakop
na Espanyol upang makipag-usap sa hari ng Maynila na si Rajah Lakandula.
Noong una ay nagkaroon ng maayos na negosasyon sa magkabilang panig nina
Lakandula at Martin de Goiti ngunit di nagtagal ay nagkaroon ng isang mainit
na labanan sa Bangkusay, Tondo. Sa pamumuno ni Martin de Goiti at mahigit
500 Espanyol natalo nila ang hukbo nina Raha Lakandula at Sulayman na may
100 Pilipino lamang. Muli silang nag organisa ng isang plano laban kay Martin
de Goiti pero sa pagkakataong ito ay katulong na nila si Panday Pira, isang
Pilipinong panday na gumagawa ng mga espada, kanyon at marami pang
kagamitan na may talim na nagbabalak magtayo ng mga kanyon sa bukana ng
Ilog de Maynila (Pasig River ngayon). Sa tulong ng mahigit 5000 Pilipinong
nakibahagi sa himagsikan 137 lamang ang nasawi sa labanan. Nanalo ang panig
nina Magat Salamat laban sa mga Espanyol. Namatay si Magat Salamat habang
siya ay nahimbing sa kanyang pagtulog noong taong 1595. Bilang pagpupugay
sa kanya isang mababang paaralan sa may Tondo ang ipinangalan sa kanya.

3
Sampung Bayani sa Panahon ng mga Amerikano
1. Sergio Osmeña (Setyembre 9, 1878 – Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon
bilang Sergio Osmeña, Sr. Siya ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng
Pilipinas (1 Agosto 1944 – 28 Mayo 1946). Siya ang ama ni dating
Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina Senador Sergio Osmeña III, John Osmena,
dating Gobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas Osmena. Noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L.
Quezon na tumungo sa Estados Unidos at doon itinatag ang Pamahalaang
Komonwelt ng Pilipinas kung siya nagsilbing pangalawang pangulo ni Quezon.
Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si Osmeña
ang humalili sa kanyang Pangulo. Kasama niya si Heneral Douglas MacArthur at
mga puwersang Amerikano gayundin ng Pilipinong Heneral na si Basilio J.
Valdes at si heneral Carlos P. Romulo na dumating sa Leyte noong Oktubre 20,
1944. Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa mga
Hapones, nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng
halalan noong Abril 23, 1946. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo
kay Manuel Roxas.

2. Manuel Acuña Roxas (1 Enero 1892 – 15 Abril 1948). Isinilang si Roxas noong
1 Enero 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang
lalawigang Capiz ngayon ay lalawigang Roxas. Sina Gerardo Roxas at Rosario
Acuña ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad
ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1912 at naging topnotcher sa
Bar Exams. Si Roxas ay tumakbo sa ilalim ng Partido Liberal na kanyang itinatag
pagkatapos humiwalay sa Partido Nacionalista. Si Roxas ay nagsilbing pangulo
ng Komonwelt ng Pilipinas mula Mayo 28,1946 hanggang Hulyo 4,1946 nang
makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Estados Unidos. Noong 21 Hunyo
1946, si Roxas ay humarap sa Kongreso ng Estados Unidos upang himukin ang
pagpasa ng dalawang batas na ipinasa ng Kongreso ng Estados Noong 30 Abril
1946: ang Batas Tydings–McDuffie at ang Bell Trade Act na parehong ipinasa ng
Kongreso ng Estados Unidos.

3. Antonio Luna de San Pedro y Novicio-Ancheta o higit na kilala bilang Antonio


Luna (29 Oktubre 1866 - 7 Hunyo 1899).Siya ay isang Pilipinong parmasiyotiko
at isang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya rin ang
nagtatag ng kauna-unahang akademyang militar sa Pilipinas, na naitatag
noong Unang Republika ng Pilipinas.Antonio Luna- isang heneral noong
Digmaang Pilipino-Amerikano; itinatag at pinamatnugutan ang
La Independencia; matindi na tinuro niya ang disiplina sa mga sundalo.

4. Gregorio del Pilar ( Nobyembre 14, 1875 – Disyembre 2, 1899). S del Pilar ay isa
sa pinakabatang heneral ng hukbong rebolusyonaryo at punong komandante ng
Bulacan na lumaban sa Pilipino-Amerikanong digmaan.

5. Emilió Aguinaldo y Famy (22 Marso 1869–6 Pebrero 1964) ay


isang Pilipinong heneral, politiko at pinúnò ng kalayaan, at ang unang Pangulo
ng Pilipinas. Isa siyang bayaning nakibáka para sa kasarinlan ng Pilipinas.
Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong1896.

4
Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag
niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng
Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang
baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang
hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos
hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899
hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang hulí ng mga Amerikano
noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon.
Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim
na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong
1946. Tumakbo siya bílang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan
ni Manuel Quezon. Sa mga hulíng panahon ng kaniyang búhay, nagsilbi siya sa
Konseho ng Estado ng Pilipinas. Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas

6. Miguel Malvar y Carpio (Setyembre 27, 1865 - Oktubre 13, 1911). Si Malvar
isang heneral ng hukbong rebolusyonaryo na determinadong lumaban sa mga
Amerikano; siya ang huling Pilipinong heneral na sumuko sa mga Amerikano.

7. Macario Sakay y de León (1870 – Setyembre 13, 1907). Siya ay


isang Pilipinong heneral na nakibahagi sa Himagsikang Pilipino noong 1896
laban sa Espanya at sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Pagkatapos ihayag ang
digmaan laban sa Estados Unidos noong 1902, ipinagpatuloy ni Sakay ang
paglaban at ang sumunod na taon ay naging Pangulo ng Republikang Tagalog.

8. Manuel Luis Quezon y Molina (19 Agosto 1878 – 1 Agosto 1944). Siya ay ang
ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (15 Nobyembre 1935 – 1 Agosto
1944). Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod
ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa
mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang
internasyunal). Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal
siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang
makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang
pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon
sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa
panahong ito naipasa ang Batas Jones ( Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa
Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng
pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang
muli siyang magbalik sa Pilipinas.

9. Jose Palma (Hunyo 6, 1876 - Pebrero 12, 1903). Siya ay isang makata at
sundalong Pilipino. Siya ay naging tanyag sa pagsulat niya ng Filipinas, na
naging titik ng pambansang awit ng Pilipinas. Sumama sa himagsikan noong
ito’y maging laban sa mga Amerikano. Nguni’t kahit taglay niya ang damdamin
at sigla ng paghihimagsik, ang mahina niyang katawan ay hindi mailaban sa
higpit at hirap ng buhay sundalo, kaya’t ginugol niya ang kaniyang panahon sa
panlilimbag sa mga kawal na manghihimagsik sa pamamagitan ng kaniyang
mga kundiman.

10. Julian Felipe (28 Enero 1861 - 2 Oktubre 1944). Siya ay kinikilala bilang may-
katha ng Lupang Hinirang ang pambansang awit ng Pilipinas na dating
tinatawag na "Marcha Nacional Magdalo”.

5
Sampung Bayani sa Panahon ng mga Hapones
1. Josefa Llanes Escoda (Setyembre 20, 1898-Enero 29, 1945). Siya ay
pinanganak sa Dingras, Ilocos Norte. Siya ang pinakamatanda sakanilang
pitong magkakapatid .Ang kanilang magulang ay sina Mercedes madamba at
si Gabriel Llanes . Siya ay nagging balidiktorian sa grade school at
salidiktorian sa high school sa ilocos norte. Pumunta siya sa Philippine
normal school sa Maynila .Gumraduate na may mga honor noong
1919.Nagtatrabaho.naipangaralan ng certificate galling sa University of the
Philippines noong 1992.Naging nurse sa American redcross.Nging scholar sa
America at kumuha ng sociology. Siya ay bumalik sa United states noong
1933 nagtatrain ng girls scouting pinapatnubayan ng Boys scout of the
Philippines.Pagkatapos noon bumalik siya sa pilipinas at tinuruan ang mga
batang kababaihan na maging girls scout leaders. At ginawa ang Girls Scout
of the Philippines,Noong Mayo 26,1940 pinirmahan ni pangulong manuel L.
quezon Para sa mga girls scout ng Pilipinas

2. Vicente Lim (Pebrero 24, 1888-Disyembre 31, 1944). Siya ang


unang Pilipinong nagtapos sa Akademyang West Point sa Estados Unidos.
Isinilang siya noong Pebrero 24, 1888 sa Calamba, Laguna. Nagtapos siya
sa Pamantasang Normal ng Pilipinas noong 1908. Pagkaraan ng dalawang
taon, nanguna siya sa pagsusulit para sa Akademyang Militar ng Estados
Unidos sa West Point. Nagtapos siya rito noong 1914. Pagbalik sa
bansang Pilipinas, naging pangalawang tenyente siya ng Philippine Scouts sa
Kuta ng San Pedro (Fort San Pedro) sa Iloilo. Naging guro rin siya sa
Akademyang Militar ng Pilipinas sa Lungsod ng Baguio. Nagtungo siya sa
Estados Unidos para muling mag-aral at naging unang Pilipinong nagtapos
sa Kolehiyo ng Hukbong Katihan (Army College) sa Washington noong 1929.
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay
naging brigadyer heneral ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Nang
bumagsak ang Bataan noong 1942, napiit siya sa Capas, Tarlac. Nang
makalaya, sumapi siya sa kilusang gerilya. Noong Hunyo 1944, dinakip siya
ng mga Hapones dahil sa kanyang pagkilos laban sa pamahalaang kolonyal.
Ikinulong siya sa Kuta ng Santiago at saka inilipat sa Bilibid Compound
sa Maynila. Binitay siya sa Libingang Intsik nang taong ding iyon.

3. Jose Abad Santos (19 Pebrero 1886-Mayo 1942). Sa mga huling yugto ng
pananakop ng Amerikano, nag-aral siya sa isang pampublikong paaralan na
itinatag ng mga Amerikano. Sa edad na 14 noong 1900, nabasa niya ang
librong The American Citizen, na nag-udyok sa kanya para maging isang
abogado. Sa taong 1904 ay naging isa siyang pensionado ng gobyerno.
Nakapag-aral siya sa Estados Unidos kasama ang 28 na iba pang pensionado.
Nag-aral siya sa Sta. Clara College ng ilang buwan. Itinuloy niya ang pag-
aaral sa Unibersidad ng Illinois noong 12 Hunyo 1905. Pagkatapos ng isang
taon ay lumipat siya sa Northwestern University kung saan nakuha niya ang
titulong Batsilyer sa mga Batas. Bumalik siya sa Pilipinas at naging kawani sa
Dibisyon ng Kagawaran ng Tagapagpaganap na may buwanang sahod na
80 piso. Itinaas ito sa 100 piso noong 1 Enero 1910, at naging 110 piso

6
matapos ang isang taon. Kumuha siya ng bar exam noong 1910 ngunit hindi
nakapasa dahil tinalakay ang tungkol sa batas ng Espanya na taliwas sa
kanyang natutunan sa batas Amerika. Nang kumuha siya muli noong 12
Oktubre 1911 ay nakapasa siya. Mula sa Kagawaran ng Tagapagpaganap, si
Santos ay lumipat sa Kagawaran ng Katarungan na may sahod na 110 piso.
Naging isa siyang taga-paliwanag ng banyagang wika noong 1912
pagkatapos ay naging taga-salin noong 16 Oktubre 1912. Makalipas ang
dalawang taon, naging katulong ng abogado na may sahod na 3,600 sa isang
taon at pinataas ito sa 4,000 piso noong 1917. Nagpakasal siya kay Amanda
Teopaco noong 13 Setyembre 1918. At muli siyang naging isang katulong ng
abogado noong 1919 na may sahod na 6,000 piso taun-taon. Kasama ang
kanyang pamilya ay nanirahan siya sa Kalye Mariposa, Lungsod
Quezon noong 1930. Naging Pangalawang-kalihim ng Katarungan noong
1922 at naging Kalihim ng Katarungan na may sahod na 12,000 piso taun-
taon. Siya rin ang namahala dito sa panahon ng Komonwelt at Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

4. Jose Calugas ((Disyembre 29, 1907 - Enero 18, 1998). Siya ay isinalang sa
Barrio Tagsing, Iloilo noong Disyembre 29, 1907.Pumasok siya sa “United
States Army” at naging isa pang “artillery man”. Nadistino siya sa 24 th
Regiment Artillery sa Pampanga at namuno siya bilang Sarhento n gang
Estados Unidos at ang Philippine Commonwealth ay nagdeklarang ng gyera
laban sa mga hapones noong 1941. Ang kanyang unit ay buong pwersang
kumilos at pinadala sa Batan noong Disyembre 1941.

5. José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959). Siya ay


ang ikatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Oktubre 14, 1943-Agosto
17, 1945) sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945.
Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng
mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan
ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre
6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.

6. Alejandro Abadilla (Marso 10, 1906 – Agostot 26, 1969). Si Abadilla, na


tinawag ni Pedro Ricarte na “ama ng makabagong tulang Tagalog,” ay
sinalungat ang labis na romantisismo sa panitikang Tagalog at de-kahong
paggamit ng tugma at sukat sa tula. Tumulong siya sa pagpupundar ng
Kapisanang Panitikan, upang isulong ang simulaing labanan ang di-
lumalagong panitikang Tagalog.

7. Krisanto Evangelista. Nang pumasok ang mga Hapon nuong Deciembre


1941, namundok ang maliit na pangkat ng mga komunista, pinamunuan
ni Crisanto Evangelista ng PKP o Partido Komunista ng Pilipinas, at
nanawagan sa mga tao na tulungan silang sugpuin ang mga dayuhan. Sa
bundok ng Arayat at putikan [swamp] ng katabing Candaba, bumuo sila ng
mga guerilla mula sa mga namundok ding mamamayan. Upang
magkasandata, ninakawan nila ang mga munisipyo at mga hacienda,
tinambangan nila ang mga pulis at PC [Philippine Constabulary], pati maliliit
na pangkat ng mga sumusugod na sundalong Hapon. Nabantog ang
mga komunista at tiningala ng mga tao bilang kaisa-isang tagapagtanggol

7
laban sa mga Hapon, dahil ang hukbong Amerkano at Pilipino ay napako
nuon sa Bataan at Corregidor. Ngunit pagkaraan lamang ng isang buwan,
nuong Enero 1942, nahuli si Evangelista ng mga Hapon at, nang tumangging
maging collaborator, pinatay siya.

8. Ricardo Paras (Pebrero 17, 1891 – Nobyembre 25, 1984). Siya ang
pangwalong PunongMahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas.
Natalaga siyang hurado noong taong 1924 at di naglaon ay naitalaga as
Hukuman ng Apelado noong 1936. Naging katulong na hurado siya noong
1941, at naging kasapi ng hukuman noong panahon ng giyera sa panahon
ng pananakop ng mga Hapones.

9. HUKBALAHAP (Hukbo Laban ng Hapones) sila ang mga Pilipinong tunay na


nagbuwis ng buhay. Matatawag din nating mga bayani ang mga kasapi ditto.

10. Makasaysayang Death March o “Martsa ng Kamatayan”. Noong Abril 9,


1942, sinimulan ng Hapon ang karumaldumal na death march. Pinalakad
nang 90 kilometro mula sa Mariveles, Bataan, ang 70,000 sumukong Pilipino
at Amerkano hanggang San Fernando, Pampanga. Duon sila isinakay sa tren
hanggang Capas, Tarlac, tapos naglakad muli nang 13 kilometro
hanggang Camp O’Donnell, kung saan sila ipiniit. Sa tanang lakbay, hindi
sila pinakain. Pinaggugulpi, ninakawan, ang mga humandusay at hindi na
nakalakad, binayoneta at binaril, kaya 54,000 lamang ang nakarating
sa Camp O’Donnell, - may 10,000 ang napatay, at bandang 4,000 lamang
ang nakapuslit, sa tulong ng mga taga-nayon na nadaanan, at nagtago sa
mga gubat at bundok. Maraming sundalo, Pilipino at Amerkano, ang
tumangging sumuko sa mga Hapon at nag-guerrilla, nakipagtira-at-taguan
sa Kempetai, ang pulis militar ng Hapon, at sa Makapili, mga Pilipinong
kumampi sa mga Hapon, nag-ispiya at nakipaglaban sa mga guerrilla sa
bundok at gubat sa buong Pilipinas. Sa Manila at ibang mga lungsod, marami
ring Pilipino ang nakipag-ayos sa mga mananakop; may ilan-ilan pang
yumaman nuong panahon ng Hapon.

________________
Pinagmulan: Wikipedia

You might also like