Professional Documents
Culture Documents
Idineklara ni Manuel Quezon ang Tagalog bilang Pambansang Wika ng Pilipinas noong
Disyembre 1939.
Nang maglaon, ang Wikang Filipino ay itinalaga bilang opisyal na wikang pambansa ng
Pilipinas. Iniutos din ni Manuel Quezon na ituro ito bilang asignatura sa mga paaralan
sa buong bansa noong Hunyo 1940.
Emilio Aguinaldo
Si Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869 – Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong
heneral, estadista, at manghihimagsik na kinikilala bilang unang pangulo ng Pilipinas,
kung saan siya namahala mula 1899 hanggang 1901. Pinangunahan niya ang mga
puwersang Pilipino laban sa Espanya noong Himagsikang Pilipino at Digmaang
Espanyol–Amerikano, at sa Estados Unidos noong Digmaang Pilipino–Amerikano.
Ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Pinamunuan niya
ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong 1901 ni
US General Frederick Funston. Nagdisenyo sa bandila ng Pilipinas na siyang
iwinagayway sa Kawit, Cavite noong Hulyo 12, 1898.
Jose P. Laurel
Si José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891 – Nobyembre 6, 1959) ay Pilipinong
politiko, abogado, at hukom na itinatagurian bilang ikatlong pangulo ng Pilipinas.
Pinamahalaan niya ang ikalawang republika ng bansa, isang estadong papet
ng Imperyong Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mula 1943 hanggang
1945.
Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong 9 Marso 1891 anak nina Sotera Laurel
at Jacob Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915.
Kanyang inisponsoran ang mga probisyon ng Panukalang Batas ng mga Karapatan.
Pagkatapos ng pagpapatibay ng Saligan Batas ng Pilipinas ng 1935 at pagkakatatag ng
Komonwelt ng Pilipinas, si Laurel ay nahirang na kasamang mahistrado ng Korte
Suprema ng Pilipinas noong 29 Pebrero 1936.
Sergio Osmeña
Si Sergio Osmeña (9 Setyembre 1878 – 19 Oktubre 1961), higit na kilala ngayon bilang Sergio
Osmeña, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (1 Agosto 1944 – 28 Mayo
1946) na makikita sa limampung pisong papel na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Siya ang
ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina Senador Sergio Osmeña III, John
Osmeña, dating Gobernador Lito Osmeña ng Cebu at Mayor Tomas Osmeña.
Isinilang siya noong 9 Setyembre 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay nanguna sa mga
nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San
Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan
nakilala niya si Manuel L. Quezon.
Nang muling naitatag ang Commonwealth Government, unang binigyang-tuon ni Osmeña ang
pagbangon ng Pilipinas mula sa sinapit nitong pagkasira dahil sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Muli nyang isinaayos ang mga sangay ng gobyerno. Binuo niya ang kanyang
gabinete at binuhay ang kapangyarihan ng Kataas-taasang Hukuman. Muli niyang pinanumbalik
ang papel ng Lehislatura sa pamahalaan kung saan naihalal si Manuel Roxas bilang Senate
President at si Jose Zulueta naman bilang House Speaker. Sa utos ni Osmeña, ang kauna-
unahan panukalang batas na tinutukan ng kongresong ay ang rehabilitasyon ng Philippine
National Bank. Naaayon ang panukala sa layunin ni Pangulong Osmeña na maka-angat muli
ang ekonomiya ng bansa. May mga ginawang hakbang din si Osmeña kaugnay ng mga
polisiyang may kinalaman sa ating ugnayan sa ibang bansa. Nagpadala siya ng delegasyon sa
Estados Unidos upang makiisa sa pagbuo ng United Nations Charter. Kabilang ang Pilipinas sa
51 bansang pumirma rito. Sa ilalim ng pamahalaang Osmeña, naging miyembro tayo ng
International Monetary Fund at International Bank for Reconstruction and Development. Itinulak
din ni Osmeña sa US Congress ang pagpapasa ng Bell Trade Act. Nang maaprubahan ng
kongreso ng Estados Unidos, nakatulong ito ng malaki sa ating ekonomiya. Sa pamamagitan ng
Bell Trade Act, nabigyan ng pagkakataon ang bansa na makapagluwas ng ating mga
pangunahing produkto sa Amerika ng walang kinakailangang bayarang buwis. Maayos at tapat
ang kaniyang pamamalakad sa gobyerno