You are on page 1of 1

Ramon Magsaysay

Si Ramon Magsaysay ay ang ikalimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Ipinanganak siya noong August 31,
1907, sa Iba, Zambales. Siya ay anak ng isang guro at nagsimulang mag-aral sa isang pampublikong paaralan sa
kanyang bayan. Nag-aral siya sa Institute of Commerce sa Maynila at kumuha ng kursong pang-ekonomiya.

Elpidio Quirino
Si Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 1890 – 29 Pebrero 1956) ay ang ika-6 na Pangulo ng Republika ng
Pilipinas (17 Abril 1948 – 30 Disyembre 1953). Isinilang si Elpidio Rivera Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong
Nobyembre 16, 1890. Ang kaniyang mga magulang ay sina Mariano Quirino at Gregoria Rivera.

Manuel L. Roxas
Si Manuel Acuña Roxas (Enero 1, 1892 – Abril 15, 1948) ay Pilipinong abogado at politiko na naglingkod bilang
ikalimang pangulo ng Pilipinas mula 1946 hanggang 1948. Makikita siya sa isandaang pisong papel na isyu ng
Bangko Sentral ng Pilipinas.

Carlos Garcia
Si Carlos Polestico Garcia (4 Nobyembre 1896 – 14 Hunyo 1971) ay isang Pilipinong makata at politiko at ang
ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (18 Marso 1957–30 Disyembre 1961). Naging pangalawang
pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia.

Ferdinand Marcos
Si Ferdinand Edralin Marcos ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 ng Disyembre 1965 hanggang ika-25 ng
Pebrero 1986. Siya ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Si Marcos ay nag-aral sa Maynila at nag-aral
ng abugasya noong mga huling taon ng 1930 sa Unibersidad ng Maynila. Nilitis siya para sa pagpatay sa kalaban sa pulitika ng
kanyang ama noong 1933 at napatunayang nagkasala noong Nobyembre 1939. Umapela siya sa Korte Suprema ng Pilipinas at
napawalang-sala pagkalipas ng isang taon.

You might also like