You are on page 1of 5

ABOUT

FERDINAND EMMANUEL
EDRALIN MARCOS

PERSONAL NA IMPORMASYON

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989) ay


isang politiko, abogado, diktador, at magnanakaw na naging ika-10 Pangulo ng
Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986.
PANSARILING DETALYE

Ipinanganak:
11 setyembre 1917
Sarrat, ilocos norte, Pilipinas

NAMATAY:
28 setyembre 1989 (edad 72)
Honolulu, Hawaii, Estadis
Unidos

PARTIDONG PAMPOLITIKA:
Partido Liberal
(1946-1965)
Partido Nacionalista
(1965-1978)
Kilusang baging lipunan
(1978-1987)

Asawa:
Imelda Romualdez

ANAK:
Imee Marcos
Ferdinand Marcos, Jr.
Irene Marcos

TRABAHO:
Tagapagtanggol Marcos noong 1982

PERSONAL

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos ay isang politiko, abogado, diktador, at magnanakaw na naging
ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986. Siya ay nagsilbing
kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng
Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong
termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko
kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela. Kanyang napanatili
ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong 1969 ay muling nahalal bilang pangulo para
sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman, ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa
kanyang ikalawang termino.
Talambuhay

Isinilang si Marcos noong eleven Setyembre 1917 sa Sarrat, Ilocos


Norte. Sina Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin ang
kaniyang mga magulang.Mayroon siyang tatlong kapatid, si Dr.
Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay naging
kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa
naman ay isang dating guro sa kanilang bayan. Limang taong
gulang lamang siya nang pumasok sa elementarya sa Sarrat relevant
school. Sa pamantasan ng Pilipinas siya kumuha ng Abogasya at
nagtapos bilang Cum Laude noong Marso 1939. Siya ay iskolar sa
buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas
at naging kilala siya sa campus dahil sa sinasabing kahusayan sa
debate at pagtatalumpati at maging sa larangan ng palakasan tulad
ng swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya. Nagsulat din
siya sa Philippines Collegian, ang opisyal na pahayagan ng
Pamantasan ng Pilipinas. Nagri- evaluate noon si Ferdinand para sa
bar assessments nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong
pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo ditong si Julio Nalundasan
ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang
napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang
nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong
pagkabilanggo. Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher
sa bar tests at nang maging ganap na abogado ay hiniling niya sa
Kataas-taasang Hukuman na payagan siyang ipagtanggol ang sarili
sa kasong ibinintang sa kanya at pinayagan siya ng Korte Suprema
at napawalang sala.
KARERA SA KONGRESO

Nang pagkalooban ng Estados Unidos ang Pilipinas ng kalayaan noong 4 Hulyo


1946, ang Kongreso ng Pilipinas ay itinatag. Pagkaraan ng digmaan at pagtatag ng
Republika ng Pilipinas noong 1948, hinirang ni Pangulong Manuel Roxas si Marcos
bilang special technical assistant. Sa parehong taon ay tumakbo si Marcos sa
kongreso at nahalal ng dalawang beses. Sa gitna ng kanyang ikatlong termino
bilang kinatawan, siya ay tumakbo sa Senado.

KINATAWAN

Si Marcos ay tumakbo at dalawang beses na nahalal bilang kinatawan ng ikalawang


distrito ng Ilocos Norte noong 1949 hanggang 1959 at nagsilbi bilang minority floor
leader sa isang punto at umasal na temporaryong Pangulo ng Partido Liberal noong
1957. Siya ay pinangalanang chairman ng House Committee on Commerce and
Industry and member of the Defense Committee na pinamunuan ni Ramon
Magsaysay. Sa ikatlong pagkakataon ay nahalal siyang kinatawan noong 1957.

SENADO

Noong 1959, si Marcos ay tumakbo sa Senado at nagkamit ng pinakamataas na


bilang ng mga boto. Siya ay isang kasapi ng Senado mula 1959 hanggang 1965 na
nagsilbing pangulo ng Senado mula 1959 hanggang 1965. Siya ang minority floor
leader ng partidong Liberal 1961–1964.
Ang Unang Pamilya
Mula sa kaliwa:Imee, Irene, Pangulong Marcos,ang Unang Ginang, at si Bongbong.

KAMATAYAN

Pagkalipas ng tatlong taon, namatay siya noong 28 Setyembre 1989 sa Honolulu,


Hawaii sa edad na 72 sa cardiac arrest matapos ng matagal na pakikipaglaban sa mga
karamdaman ng bato, baga at puso.

Ang bangkay ni Marcos ay inuwi sa Pilipinas noong 1993 at nakatanghal sa isang


mausoleo sa Batac, Ilocos Norte. Hiniling ng pamilya Marcos na ilibing si Marcos sa
Libingan ng mga Bayani ngunit ito ay sinalungat ng maraming mga politiko at mga
biktima ng mga karapatang pantao ni Marcos.

You might also like