You are on page 1of 14

Si Carlos Polestico Garcia (4 Nobyembre 1896 – 14

Hunyo 1971) ay isang Pilipinong makata at politiko at ang ikawalong Pangulo


ng Republika ng Pilipinas (18 Marso 1957–30 Disyembre 1961). Naging
pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay si
Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si
Garcia sa kanyang pagpapatupad ng patakarang "Pilipino Muna" ("Filipino
First").

Isinilang si Garcia noong 4 Nobyembre 1896 sa bayan ng Talibon, Bohol. Ang


kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polestico.
Nag-aral siya sa Pamantasang Silliman sa Lungsod ng Dumaguete, at
kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School at
nakapasok sa bar noong 1923 sa Maynila.

Iniwan niya ang pagsasanay ng abugasya at naging guro ng highschool.

Kapulungan ng mga Kinatawan


Una niyang pinasok ang politika noong 1926 bilang kaanib sa Kapulungan ng
mga Kinatawan at naglingkod hanggang 1932.

Gobernador ng Bohol
Nagsilbi si Garcia bilang gobernador ng Bohol mula 1932 hanggang 1941.

Senado
Nahalal siya sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit hindi nakapaglingkod
dahil sa pananakop ng mga Hapones noong Disyembre 1941. Ipinagpatuloy
niya ang paglilingkod bilang Senador nang mapalaya ang Pilipinas sa
pananakop ng mga Hapones noong 1945. Siya ay nanungkulan mula 1945
hanggang 1953.

Panahong Hapones
Pagkatapos sumuko ang mga Amerikano sa mga Hapones noong Mayo 1942,
si Garcia ay pinahanap ng mga autoridad na Hapones upang hulihin dahil sa
kanyang pagtangging sumali sa pananakop ng mga Hapones. Siya ay sumali
sa puwersang gerilyang laban sa Hapon sa Bohol hanggang sa matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pangalawang Pangulo
Inaugurasyon nina Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia bilang Pangulo at
Ikalawang Pangulo noong 30 Disyembre 1953, Independence Grandstand
(ngayong Quirino Grandstand)
Noong Nobyembre 1953, si Garcia ay nahalal na Pangalawang Pangulo
kasama ni Ramon Magsaysay bilang Pangulo ng Pilipinas. Sa ilalim ni
Magsaysay, si Garcia ay naging Kalihim ng ugnayang pandayuhan.

Pangulo
Inaugurasyon ni Carlos P. Garcia bilang Pangulo ng Pilipinas sa kamatayan ni
Ramon Magsaysay.
Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si
Ramon Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano.

Nagwagi siya sa halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957. Upang


makuha ang pagkapanalo sa 1957 halalan, pinili niya si Diosdado Macapagal
mula sa oposisyong Partido Liberal na maging kasamang tatakbo bilang
pangalawang pangulo.

Ekonomiya
Bilang Pangulo, nagpanatili siya ng isang striktong programa ng paghihigpit
upang maalis ang korupsiyon. Sinikap niyang pigilan ang yumayabong na
itim na pamilihan at sinikap na pagsiglahin ang ekonomiya. Ang paglago ng
ekonomiya ng Pilipinas ay nasa 4.54 %. Kanyang ipinatupad ang patakarang
"Pilipino Muna" upang wakasan ang pananaig ng mga dayuhan sa
ekonomiya ng Pilipinas.

1961 halalan ng pagkapangulo


Noong 1961, sa gitna ng isang bumagal na ekonomiya at mga alegasyon ng
korupsiyon, si Garcia ay natalo sa halalan ng pagkapangulo sa kanyang
pangalawang pangulong si Diosdado Macapagal. Pagkatapos ng pagkatalo,
siya ay nagretiro na sa pultika ngunit noong 1971 ay hinikayat siya ni
Ferdinand Marcos na mamuno sa isang bagong kumbensiyong
konstitusyonal na lilikha ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973 ngunit
namatay siya bago pa makuha ang posisyon.

Kamatayan
Libingan ni Carlos P. Garcia sa Libingan ng mga Bayani
Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang politiko, si Garcia ay
kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Boholano. Namatay siya sa atake
sa puso noong 14 Hunyo 1971 sa edad na 74.

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11


Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989) ay isang politiko, abogado, naging
ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 – 25
Pebrero 1986. Siya ay nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng
Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula
1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa
apat na taong termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang
paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga
lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang
kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong 1969 ay muling
nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman,
ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang
termino.
Si Marcos ay isinilang noong 11 Setyembre 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Sina
Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin ang kaniyang
magulang.Mayroong siyang tatlong kapatid, si Dr. Pacifico, Elizabeth at
Fortuna. Ang kanyang ama ay naging kongresista ng Ilocos at gobernador ng
Davao. Si Donya Josefa naman ay isang dating guro sa kanilang bayan.
Limang taong gulang lamang siya nang pumasok sa elementarya sa Sarrat
Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas siya kumuha ng Abogasya at
nagtapos bilang Cum Laude noong Marso 1939. Siya ay iskolar sa buong
panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kilala
siya sa campus dahil sa sinasabing kahusayan sa debate at pagtatalumpati at
maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing, at wrestling ay
kinilala siya.

Bilang isang sundalo


Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Marcos na sumapi siya
sa United States Army Forces in the Far East bilang Intelligence Adviser
Officer o Meydor ng Ika-21 Dibisyon ng Hukbong Lakad. ni Marcos na siya ay
lumaban sa pagtatanggol ng Bataan laban sa biktima ngHapones at naging
isa sa mga biktima ng Martsa ng Kamatayan sa Bataan. niyang siya ay
kinulong at pinalaya ng mga Hapones sa Capas ngunit siya ay muling dinakip,
kinulong at pinahirapan sa Kuta Santiago sa Intramuros, Maynila.

Karera sa kongreso
Nang pagkalooban ng Estados Unidos ang Pilipinas ng kalayaan noong 4
Hulyo 1946, ang Kongreso ng Pilipinas ay itinatag. Pagkaraan ng digmaan at
pagtatag ng Republika ng Pilipinas noong 1948, hinirang ni Pangulong
Manuel Roxas si Marcos bilang special technical assistant. Sa parehong taon
ay tumakbo si Marcos sa kongreso at nahalal ng dalawang beses. Sa gitna ng
kanyang ikatlong termino bilang kinatawan, siya ay tumakbo sa Senado.

Kinatawan
Si Marcos ay tumakbo at dalawang beses na nahalal bilang kinatawan ng
ikalawang distrito ng Ilocos Norte noong 1949 hanggang 1959 at nagsilbi
bilang minority floor leader sa isang punto at umasal na temporaryong
Pangulo ng Partido Liberal noong 1957. Siya ay pinangalanang chairman ng
House Committee on Commerce and Industry and member of the Defense
Committee na pinamunuan ni Ramon Magsaysay. Sa ikatlong pagkakataon
ay nahalal siyang kinatawan noong 1957.

Senado
Noong 1959, si Marcos ay tumakbo sa Senado at nagkamit ng pinakamataas
na bilang ng mga boto. Siya ay isang kasapi ng Senado mula 1959 hanggang
1965 na nagsilbing pangulo ng Senado mula 1959 hanggang 1965. Siya ang
minority floor leader, 1960; ehekutibong bise-presidente, LP 1954–1961 at
presidente ng partidong Liberal 1961–1964.

Bilang Pangulo ng Pilipinas


Matagal na panahong naging kasapi si Marcos ng Partido Liberal . Hiningi
niya ang nominasyon ng partido bilang kandidato sa pagka-pangulo noong
1964, ngunit ang kasalukuyang pangulo na si Diosdado Macapagal ang pinili
ng partido. Tumiwalag si Marcos sa Partido Liberal at lumipat siya sa Partido
Nacionalista, kung saan nakuha niya ang kanilang nominasyon. Nanalo siya
halalan noong 19 Nobyembre 1965 na may 3,861,324 boto laban sa
3,187,752 boto ni Macapagal.

Unang termino (1965–1969)


30 Disyembre 1965- Panunumpa ni G. Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-
10 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Ang kanyang unang termino ay minarkahan ng papalaking industriyalisasyon
at paglikha ng mga imprastruktura sa buong bansa gaya ng North Luzon
Expressway at Maharlika Highway.

Sinimulan ni Marcos ang pagpapatayo ng mga lansangan, tulay, paaralan, at


mga health center na sinasabing nagbigay ng mga benepisyong pork barrel
para sa kanyang mga kaibigan.[23] Ang produksiyon ng kanin ay nasa
kasagsagan nito na humantong sa pagiging sapat ng kanin sa bansa at
nagawang makapagluwas ng kanin na nagkakahalagang 7 milyong dolyar. Ito
ay nangyari dahil sa tulong ng mga pundasyong Rockefeller at Ford
Foundations na dinala ni Marcos ang Rebolusyong Berde sa Pilipinas.

Ikalawang termino (1969–1981)


Noong 1969, si Marcos ay muling naihalal bilang Pangulo ng Pilipinas para sa
isa pang apat na taong termino laban sa 11 mga kandidato. Ang halalang ito
ay nabahiran ng malaking karahasan, pagbili ng boto at pandaraya sa panig
ni Marcos

Ang ikalawang termino ni Marcos ay minarkhan ng kaguluhan sa ekonomiya


na dulot ng mga parehong panloob at panlabas na mga paktor.

Noong 1969, ang New People's Army ay nagsagawa ng mga pananalakay,


bumaling sa mga pagdukot at lumahok sa iba't ibang mga insidenteng
marahas na pumaslang sa 404 katao. Ang karahasan sa pamayanan sa
Mindanao ay humantong sa 100,000 refugee, pagsunog ng mga bahay at
kamatayan sa mga daan daang Kristiyano at Muslim sa Cotabato at Lanao.

Ang pagbomba sa Liwasang Miranda


Nagdaos ang oposisyong Partido Liberal ng rally ng pangangampanya sa
Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila noong 21 Agosto 1971 na dinaluhan ng
4,000 katao upang ipakilala ang mga kandidato ng Partido Liberal para sa
Senado at mga kandidato para sa Maynila mula Punong-Lungsod hanggang
sa mga konsehal.

Sinisi rin ni Marcos ang mga komunista sa balak na pagpapahina ng kanyang


pamahalaan at ilang oras pagkaraan ng pagpapasabog ay ipinalabas ng
Pangulong Marcos ang Proklamasyon Bilang 889 na sumususpindi sa
pribelihiyo ng writ of habeas corpus. Noong 7 Enero 1972 ganap na binawi ni
Pangulong Marcos ang kautusang nagsususpindi sa pribelehiyo ng writ of
habeas corpus.

Pagpataw ni Marcos ng Batas militar


Hindi naglaon pagkaraang bawiin ni Marcos ang pagsususpinde ng habeas
corpus, ang kapayapaan sa bansa ay lumubha ng lumubha. Nagkaroon ng
mga pagpapasabog sa mga iba't ibang lugar sa bansa kabilang sa Greater
Manila Terminal Food Market, Malacañang Palace, Joe's Department Store
sa may Kalye Carriedo sa Quiapo, MWSS pipelines sa San Juan, Cabugao sa
Ilocos Sur, mga gusaling Manila City Hall, Quezon City Hall, at Court of
Industrial Relations, embahada ng Estados Unidos, at iba pa. Ang mga
pambobomba ay sinisi ng administrasyon ni Marcos sa mga komunistang
grupo.

Dahil sa lumalalang suliranin sa kapayapaan at kaayusan sa bansa, isinailalim


ni Pangulong Marcos ang buong bansa sa Batas Militar (Martial Law) sa bisa
ng Proklamasyon Bilang 1081 noong 22 Setyembre 1972 na kanyang
nilagdaan noong 21 Setyembre 1972.

Ang Saligang Batas ng 1973


Pangunahing artikulo: Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973
Iminungkahi ang pagpapalit ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 sa
kadahilanang binuo ito habang ang Pilipinas ay kolonya pa ng Estados
Unidos at kaya ay gawa ng impluwensiyang Amerikano at hindi na
napapanahon ang mga tadhana nito sa paglutas ng mga suliranin at
pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. Pinagtibay ng
Kongreso noong 24 Agosto 1970 ang Batas Republika Bilang 6132 na
nanawagan para sa isang Kumbensiyong Konstitusyonal sa taong 1971 at
ginanap noong 10 Nobyembre 1970 ang halalan ng 320 delegado sa
Kumbensiyong Konstitusyonal.

Punong Ministro
Noong 7 Abril 1978, idinaos ang unang halalan para sa Batasang Pambansa
kung saan nakuha ng partido ni Marcos ang 152 ng 165 upuan nito na
gumawa kay Ferdinand Marcos na Punong Ministro ng Pilipinas mula 1978
hanggang 1981. Inakusahan ng oposisyon si Marcos ng pandaraya sa
pagbilang ng mga balota.[30]

Bagong Lipunan
Mga ilang buwan bago ipahayag ang Batas Militar, tinunton ng Pangulo ang
sakit ng bayan sa pagkakaroon ng isang "lipunang may karamdaman." Ang
bagay na ito'y kanyang ibinibintang sa mga pangkating makapangyarihan na
kanyang tinaguriang oligarkiya (kapangyarihan sa pamahalaang nasa kamay
ng iilang tao) at mga maka-Maoistang Komunistang naghahangad ba ibagsak
ang pamahalaan sa pamamagitan ng subersiyon at paggamit ng karahasan.

● Upang mabago ang di umano'y mga di kanais-nais na naging dahilan


ng mga paghihirap, paghihikaos at kriminalidad sa bansa, isinulong ni
Marcos ang pagtatag ng isang bagong uri ng pamumuhay na kapaki-
pakinabang hindi lamang sa mga taumbayan kundi sa bansa at sa
buong mundo. Ito ang simula ng Bagong Lipunan - isang lipunan na
binubuo ng mga bagong Pilipino.

● Itinatag ni Marcos ang "kapitalismong crony" kung saan malaking


nakinabang ang kanyang mga crony ni Marcos na naging bagong
oligarkiya. Sa ilalim ng Martial Law, ginawang pambansa o pag-aari ng
pamahalaan ni Marcos ang mga pribadong malalaking korporasyon
gaya ng PLDT, PAL (Philippine Airlines), Meralco, Fortune Tobacco, San
Miguel Corporation at iba pa na naging mga pag-aari ng mga
pamilyang Marcos at Romualdez.

● Ang mga monopolyo sa mga mahahalagang industriya ay itinatag ni


Marcos gaya ng buko, tabako, saging, pagmamanupaktura, asukal at
iba pa.

● Napapaloob ang mga programa ng reporma ng pamahalaan sa salitang


"PLEDGES" na ang ibig sabihin ay: P-eace and Order (Kapayapaan at
Kaayusan); Land Reform (Reporma sa Lupa); Economic Development
(Kaunlaran sa Kabuhayan);D development of moral values
Government Reforms (Mga Pagbabago sa Pamahalaan); Educational
Reforms (Mga Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon); Social Services
(Serbisyong Panlipunan).

● Kabilang sa mga palatuntunang ipinatupad ng administrasyon ni


Marcos ang Masagana 99 na naglalayong maging masagana ang ani ng
mga magsasaka ng kanin at makaani ng 99 na kabang palay o higit pa
sa bawat ektaryang taniman.

● programa ng Biyayang Dagat ang pananaliksik at pinalawak na


paglilingkod, pagbibinhi at pagpapaunlad ng palaisdaan, pagsasalata at
paglalagay ng mga tinggalan ng huling isda at pagpapalawak ng
pamilihan.

● Kabilang rin sa mga palatuntunan ng pamahalaan ang pagdaragdag ng


produksiyon ng mga pananim na nailuluwas at naipagbibili sa loob ng
bansa. Pinarami rin ang produksiyon ng mga sumusunod na pang-
komersiyong produktong ramie, goma, abaka at bulak. Isa sa
pinakamalaking pinanggagalingan ng kuwartang pumapasok noon sa
bansa ang pagmimina ng tanso, ginto, nickel, carbon at iba pa at unti-
unti ring umunlad ang industriyang pang-elektroniks sa Pilipinas.

● Noong mga maagang 1980, ipinakilala ni Marcos ang golden kuhol sa


Pilipinas upang dagdagan ang protina ng populasyon ngunit kalaunang
naging mga peste para sa magsasaka sa mga taniman ng kanin.

Ikatlong termino (1981–1986)


Noong 16 Hunyo 1981 anim na buwan pagkatapos na alisin ang martial law,
ang unang halalan sa pagkapangulo ay idinaos para sa isang anim na taong
termino.
Mga akusasyon ng korupsiyon at pagtatangkang impeachment kay Marcos
Si Ferdinand Marcos at ang kanyang asawang si Imelda Marcos at mga crony
ay inakusahan ng korupsiyon at pagnanakaw ng mga bilyong bilyong dolyar
mula sa kabang yaman ng Pilipinas.

Kabilang sa mga kaso ng korupsiyon na inakusa kay Ferdinand Marcos ang:


pagnanakaw o paglihis nito ng 800,000 troy ounces ng ginto mula sa mga
reserba ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa sariling paggamit, pagtanggap
ng mga kickback ng higit 53 milyong US dolyar sa mga kontrata mula sa mga
7 kompanyang Hapones, pagkomberte ng 27 milyong dolyar mula sa PNB
para sa sariling paggamit, at pagbili ng higit sa 52 milyong pisong halaga ng
mga bagay sa mga Duty Free Shop sa Pilipinas upang makaiwas sa
pagbabayad ng buwis.

Pagpapatalsik sa kapangyarihan
(Pagpaslang kay Ninoy Aquino)
Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino noong 1983 ang kalaunang naging
katalista na humantong sa pagpapatalsik kay Marcos. Ang partidong
oposisyon ay sumisi kay Marcos ngunit ang iba ay sumisi sa militar at kay
Imelda. Noong 21 Agosto 1983 pagkatapos ng isang tatlong taong
pagkakatapon sa Estados Unidos, si Ninoy ay pinaslang habang bumababa sa
isang pangkalakalan (commercial) na paglipad sa Manila International
Airport na kalaunang pinangalanang Ninoy Aquino International Airport
bilang pagpaparangal kay Ninoy. Ang kanyang asasinasyon ay nagpagulat at
nagpagalit sa maraming mga Pilipino na nawalan ng pagtitiwala sa
administrasyon ni Marcos.

Snap Election
Simula 1983 pagkatapos ng pagpaslang kay Ninoy, ang mga opisyal ng
pamahalaan ng Estados Unidos ay hindi na sumuporta sa rehime ni Marcos
at naghanap sila ng mga paraan upang mapatalsik na si Marcos sa
kapangyarihan. Sa mukha ng papalalang kawalang kasiyahan ng mga
mamamayang Pilipino, pinatawag ni Marcos ang isang Snap election noong
3 Nobyembre 1985 na may natitira pang higit sa isang taon sa kanyang
termino. Ang snap election ay tinawag para sa 17 Enero 1986 at pagkatapos
ay nilipat sa 7 Pebrero 1986.

Himagsikang People power


Dahil sa mga iregularidad sa halalan, ang Reform the Armed Forces
Movement ay naglunsad ng isang pagtatangkang coup d'eta laban kay
Marcos. Ang simulang plano ay salakayin ang Malacanang Palace at dakpin si
Marcos.

Dalawang inaugurasyon ng pangulo


Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon
ng saguypaan sa pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May
mga sniper na bumabaril sa mga rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na
sinugod ng mga rebeldeng sundalo ang estasyon ng Channel 9, na nasa hindi
kalayuan ng Channel 4.

● nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa


isang seremonya sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro mula sa
Kampo Crame. Pinasumpa si Aquino ni Senior Associate Justice Claudio
Teehankee, at pinasumpa naman si Laurel bilang Pangalawang
Pangulo ni Justice Abad Santos. Hawak ni Aurora Aquino, nanay ni
Ninoy Aquino, ang bibliang ginamit sa panunumpa ni Aquino.
● nanumpa naman si Marcos sa Malacanang Palace. Nandoon ang ilan
sa kanyang mga taga-suporta na sumisigaw ng "Marcos! Marcos!
Marcos pa rin!"

Paglisan ng pamilya Marcos mula Pilipinas tungo sa Hawaii


Ang Pangulong Ronald Reagan ay naglabas ng isang pagsusumamo kay
Marcos na magbitiw na: Ang mga pagtatangka na patagalin ang buhay ng
kasalukuyang rehime sa pamamagitan ng dahas ay walang kabuluhan. Ang
lunas sa krisis na ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng isang
mapayapang paglipat sa isang bagong pamahalaan."

Kamatayan
Pagkalipas ng tatlong taon, namatay siya noong 28 Setyembre 1989 sa
Honolulu, Hawaii sa edad na 72 sa cardiac arrest matapos ng matagal na
pakikipaglaban sa mga karamdaman ng bato, baga at puso.

Marcos legacy - history will be the final judge

● ang mga plano para sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, kabilang ang


isang agresibong programa sa imprastraktura na sumasaklaw sa buong
bansa na network ng mga kalsada at tulay, dam at power plant, ospital
at institusyon, bukod sa iba pa - imprastraktura na nananatili pa rin
hanggang ngayon.
● Kabilang dito ang Maharlika Highway na nag-uugnay sa Luzon sa
Visayas at Mindanao, North Luzon Expressway, South Luzon
Expressway at Circumferential Roads 1-10,
● ang mga institusyong medikal, tulad ng Philippine Heart Center,
National Kidney and Transplant Institute at Lung Center of the
Philippines ;
● mga kolehiyo at unibersidad ng estado, tulad ng Don Mariano Marcos
Memorial State University, Bicol University at Cagayan State
University;
● San Juanico Bridge, Mactan-Mandaue Bridge, Tiwi Geothermal Power
Plant, Pantabangan Hydro Electric Power Plant at ang BLISS housing
projects.
● Itinaguyod din ng administrasyong Marcos ang kulturang Pilipino at
naglagay ng mga site na nagpapakita ng mayamang pamana ng
Pilipino
● ang Masagana 99 na naglalayong maging masagana ang ani ng mga
magsasaka
● Idineklara ni Marcos ang batas militar noong 1972 upang pigilan ang
lumalagong paghihimagsik ng mga komunista at upang simulan ang
isang "Bagong Lipunan" na itinatag sa kanyang pananaw sa isang
bagong kaayusang panlipunan na minarkahan ng mga repormang
pang-ekonomiya, pampulitika at panlipunan. Sa kanyang aklat, Mga
Tala sa Bagong Lipunan, tinukoy niya ito bilang isang kilusan na
naglalayong palayain ang mamamayang Pilipino mula sa kahirapan.

Si Diosdado Pangan Macapagal (28 Setyembre


1910 – 21 Abril 1997) ay ang ika-9 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30
Disyembre 1961-30 Disyembre 1965) na makikita sa dalawandaang piso na
isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Siya ay ama ni Gloria Macapagal-Arroyo
na naging pangulo rin sa Pilipinas. Inilunsad niya agad ang programa sa
dekontrol.Ibig sabihin, wala nang limitasyon sa importasyon at palitan ng
piso sa dolyar.

Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao"


sapagkat anak siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San
Nicolas, Lubao, Pampanga noong 28 Setyembre 1910 kina Urbano
Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan at pumailalim
sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-
Doktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at
pumasok sa politika.

Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito,
naging pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria
Macapagal-Arroyo, ang sumunod na Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo
Macapagal Salgado, Arturo Macapagal , at Diosdado Macapagal, Jr.

Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng


sekondarya mula sa Mataas na Paaralan ng Pampanga. Nagtapos siya ng
kolehiyo mula sama University of Sto.Tomas. Nagkamit siya ng degri sa
larangan ng Abogasya. Nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil
at Doktor ng Ekonomiya.

Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano.


Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-
akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa
Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law).

Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng


Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty).
Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo
noong 1961.

Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong


Liberal at naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal
katulad ni Macapagal. Subalit nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at
Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang
kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965.
Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon. Humalili siya bilang pangulo
ng Kumbensiyong Konstitusyonal noong 1971.

Kamatayan
Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa
Sentrong Pangkalusugan ng Makati (Makati Medical Center) sa Lungsod ng
Makati, noong 21 Abril 1997, sa edad na 86. Inilibing siya sa Libingan ng mga
Bayani sa Taguig, Maynila.

You might also like