You are on page 1of 4

Emilio Aguinaldo - Anim na araw matapos ang pagdedeklara ng

Philippine Independence, itinatag niya ang pamahalaang diktatoryal,


na matapos lamang ang limang araw ay kanyang pinalitan at tinawag
na isang rebolusyonaryong goberyno, kung saan siya ang tumatayong
Pangulo. 28 taon laman noon si Aguinaldo. Sa ilalim ng kanyang
pamumuno, pormal na naitatag ang Unang Republika ng Pilipinas sa
pagkakaproklama ng Malolos Constitution noong ika-21 ng Enero,
taong 1899.

Manuel L. Quezon

Unang Presidente ng Commonwealth


Naging ikalawang Pangulo ng Pilipinas noong Nobyembre 15, 1935
hanggang Agosto 1, 1944.
Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas
noong Agosto 19, 1878. Kapwa mga guro ang kaniyang mga
magulang na sina Lucio Quezon at Ma. Dolores Molina. Nakiisa siya
sa pakikibaka laban sa kastila noong siya ay binata pa.

Jos P. Laurel

Naging pangulo ng bansa noong Oktubre 14, 1943 hanggang Agosto


17, 1945. Siya ay naging pangulo matapos italaga ng Hapones sa
ilalim ng kanilang pananakop. Matapos ang digmaan, siya ay nahalal
na Senador ng Ikatlong Republika

Sergio Osmena
Naging pangulo noong Agosto 1, 1944 hanggang Mayo 28, 1946.
Bago naging pangulo, siya ay nahirang na bise-presidente noong
1935. Kasama siya nang bumalik si Heneral MacArthur sa Pilipinas at
nagsumikap na muling maibangon ang bansa sa pinsala ng
digmaang nagdaan.
Manuel Roxas- Naglingkod sa bayan noong taong 1946-1928.
Ang mga programan kanyang naipatupad ay ang Rehabilitation
Finance Corporation, Military Base Agreement at Bell Trade Act.

Elpidio Quirino - Siya ay naglingkod noong 1948-1953. Ang


kanyang mga programa ay Parity Rights Amendment at Import
Control Policy.

Ramon Magsaysay - Siya ay ang presidenteng nakilala dahil sa


kanyang pagiging maka-masa. Siay ay naglingkod ng taong 1953-
1957. Siya ay simple at marangal na presidente sa Pilipinas at
nasa National Defense siya noong panahon ni Quirino.At ginawa
niyang bukas ang Malacanang sa lahat ng mamamayang
Pilipino.Namatay siya noong Marso 17, 1957 sa Bundok
Manunggul sa Cebu dahil sa isang plane crash.

Carlos Garcia - Naging presidente ng taong 1957-1961. Ang


kilalang programa niya ay ang Filipino First Policy. Habang nasa
kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa
mga pinuno ng Estados Unidos upang mailipat sa kontrol ng
Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na base militar ng Amerika.
Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia
at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa
himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng
mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa halalan
noong 1961.
Diosdado Macapagal- Naglinkdo sa bayan ng taong 1961-1965.
Nagpatupad ng malayang kalakalan at Land Reform Act. Siya ang
presidenteng naki-isa sa MAPHILINDO o Malaysia, Philippines at
Indonesia.

Ferdinand Marcos- nanungkulan sa bansa ng taong 1965-1986.


Siya ang maituturing na pinakamatalinong preseidente ng ating
bansa. Nagpatupad sya ng mga programa na kung saan, ang mga
programang ito ay nakatulong ng marami sa ating bansa. Isa na
rito ang pagsasa-ayos ng mga imprastraktura (San Juanico
Bridge), ang Green Revolution, Miracle Rice (IRRI- International
Rice Research Institute). Ito ang pangalawang termino ni Marcos
sa pagiging presidente ng Pilipinas ng taong 1986-1972. At sa
taong rin ito, idineklara niya na ang Pilipinas ay nasa ilalalim ng
Martial Law. D

Corazon Aquino- Siya ay kilala sa palayaw na 'Cory', siya ang


unang babaeng presidente ng bansa ng taong 1986-1992.
Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon
noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik nya ang demokrasya sa bansa.

Fidel Ramos- Naging presidente ng taong 1992-1998. Bilang


isang pangulo, naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa
estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang
kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang
dayuhang pamumunuhan, lalo na sa turismo, na naging bahagi
ng kanyang programa para sa kaunlaran.
Joseph Ejercito Estrada

Naging pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 30, 1998 hanggang


Enero 20, 2001. Kilala din siya sa tawag na 'Erap', isang popular
na aktor at pulitiko. Nagsimula ang kaniyang karera sa pulitika
bilang alkalde ng San Juan sa Kalakhang Maynila. Noong Enero
2001, iniwan niya ang pwesto ng pagkapangulo ng bansa dahil sa
mga alegasyon ng korapsiyon.

Gloria Macapagal-Arroyo- Ang ikalawang pangulong babae ng


Pilipinas na namuno ng taong 2001-2010. Nagbigay sya ng
trabaho sa mga Pilipino at inayos nya rin ang imprastraktura ng
bansa.

Benigno Aquino III- Kasalukuyang presidente ng Pilipinas.


Naipatupad nya na ang K=12 program ng DepEd na sa tingin nila
ay mas makakabuti sa mga estudyanteng Pilipino at pati na rin sa
ating bansa.

You might also like