You are on page 1of 4

Manuel Acua Roxas Ikatlong Pangulo ng Commonwealth (Third President of the Commonwealth)Unang Pangulo ng Ikatlong Republika (First President

of the Third Republic) Naging pangulo ng Republika noong Mayo 28, 1946 hanggang Abril 15, 1948. Nagtapos siya ng abogasya sa UP at naging topnotcher siya sa Bar Exam noong 1912.

Ramon del Fierro Magsaysay Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika Naging pangulo ng bansa mula Disyembre 30, 1953 hanggang Marso 17, 1957. Hinirang na "Tagapagligtas ng Demokrasya" sapagkat pinigilan niya ang paghihimagsik ng Huk. Nagpamahagi rin siya ng mga lupain sa mga magsasaka. Siya ay pumanaw nang bumagsak ang kanyang eroplano sa Cebu noong Marso 17, 1957 sa edad na 49.

Elpidio Rivera Quirino Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika Naging pangulo ng republika mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953. Pagkatapos ng digmaan, siya ay nahalal bilang bise presidente noong 1946 at nahirang na kapalit ng Pangulong Roxas matapos itong pumanaw noong 1948.

Carlos Polistico Garcia Ikaapat na Pangulo ng Ikatlong Republika Naging pangulo mula Marso 18, 1957 hanggang Disyembre 30, 1961. Humalili kay Pangulong Magsaysay matapos itong masawi. Siya ang nagpasimula ng katawagang "Pilipino Muna" upang itaguyod ang pagtangkilik sa mga produkto ng bansa.

Diosdado Pangan Macapagal Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika Naging pangulo mula Disyembre 30, 1961 hanggang Disyembre 30, 1965. Kilala bilang "poor boy from Lubao" dahil siya ay lumaki sa kahirapan. Siya ay naging tanyag dahil sa paglulunsad ng mga repormang pangsakahan.

Mara Corazn Cojuangco-Aquino Ikalawang Pangulo ng Ikaapat na Republika Unang Pangulo ng Ikalimang Republika Kauna-unahang babaeng presidente ng bansa mula Pebrero 25, 1986 hanggang June 30, 1992. Tinaguriang "Ina ng Demokrasya" dahil sa pagiging instrumento sa panunumbalik ng demokrasya sa bansa. Siya ay naluklok sa pamamagitan ng mapayapang "People Power Revolution".

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika Naging pangulo mula Disyembre 30, 1965 hanggang Pebrero 25, 1986.. Noong Setyembre 21, 1972, siya ay nagpatupad ng Batas Millitar sa bansa dahil sa kaguluhan tulad ng pambobomba sa Plaza Miranda at paninira sa ilang pribado at pampublikong ariarian. Pinakulong niya ang mga bumabatikos sa kaniyang pamamahala kasama na ang mahigpit na karibal sa pulitika na si Benigno 'Ninoy' Aquino Jr.

Fidel Valdez Ramos Ikalawang Pangulo ng Ikalimang Republika Naging pangulo noong Hunyo 30, 1992 hanggang Hunyo 30, 1998. Sa ilalim ng kaniyang panunungkulan, nagtamasa ng paglago ang ekonomiya dahil sa mga repormang ipinatupad at napabuti ang imahe ng Pilipinas sa internasyunal na larangan. Subalit hindi rin nagtagal ang pag-unlad matapos na makasama ang bansa sa pagbulusok matapos na madamay sa "krisis pampinansyal' ng mga karatig bansa sa Timog Silangang Asya noong 1997.

Joseph Ejercito Estrada Ikatlong Pangulo ng Ikalimang Republika Naging pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 30, 1998 hanggang Enero 20, 2001. Kilala din siya sa tawag na 'Erap', isang popular na aktor at pulitiko. Nagsimula ang kaniyang karera sa pulitika bilang alkalde ng San Juan sa Kalakhang Maynila. Noong Enero 2001, iniwan niya ang pwesto ng pagka-pangulo ng bansa dahil sa mga alegasyon ng korapsiyon.

Benigno Simeon Cojuangco Aquino III Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika Ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas at mas kilala sa tawag na "P-Noy" o Pangulong Noynoy. Nahalal noong Hunyo 30, 2010. Siya ay ang nag-iisang anak na lalaki nina dating Senador Benigno Aquino Jr. at Pangulong Corazon Aquino.

Gloria Macapagal Arroyo Ikalabing-apat na Pangulo ng Pilipinas Naging pangulo ng Pilipinas mula Enero 20, 2001 hanggang Hunyo 30, 2010. Siya ay anak ni Pangulong Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks at nanilbihan sa pamahalaan noong 1987 bilang pangalawang kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya nang italaga siya ni Pangulong Corazon Aquino. Siya ay naging senador (1992-1998) at pagkatapos ay naging Pangalawang Pangulo ng bansa. Naging Pangulo siya ng bansa matapos na iwanan ni Presidente Estrada ang pwesto noong 2001.

Emilio Aguinaldo y Famy Pangulo ng Unang Republika Naging pangulo ng bansa noong Enero 23, 1899 hanggang Abril 1, 1901. Isang tanyag na heneral na nagsusulong ng kasarinlan ng bansa at namuno ng maraming pagaalsa laban sa Espana kasama ang nabigong rebolusyong noong 1896.

Jos Paciano Laurel y Garca Pangulo ng Ikalawang Republika Naging pangulo ng bansa noong Oktubre 14, 1943 hanggang Agosto 17, 1945. Siya ay naging pangulo matapos italaga ng Hapones sa ilalim ng kanilang pananakop. Matapos ang digmaan, siya ay nahalal na Senador ng Ikatlong Republika

Manuel Luis Quezon y Molina Unang Presidente ng Commonwealth Naging ikalawang Pangulo ng Pilipinas noong Nobyembre 15, 1935 hanggang Agosto 1, 1944. Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas noong Agosto 19, 1878. Kapwa mga guro ang kaniyang mga magulang na sina Lucio Quezon at Ma. Dolores Molina. Nakiisa siya sa pakikibaka laban sa kastila noong siya ay binata pa.

Sergio Osmea y Suico Ikalawang Pangulo ng Commonwealth Naging pangulo noong Agosto 1, 1944 hanggang Mayo 28, 1946. Bago naging pangulo, siya ay nahirang na bise-presidente noong 1935. Kasama siya nang bumalik si Heneral MacArthur sa Pilipinas at nagsumikap na muling maibangon ang bansa sa pinsala ng digmaang nagdaan.

You might also like