You are on page 1of 1

Si Emilió Aguinaldo y Famy (22 Marso 1869–6 Pebrero 1964) ay isang Pilipinong heneral,

politiko at pinúnò ng kalayaan, at ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (20 Enero
1899–1 Abril 1901). Isa siyang bayaning nakibáka para sa kasarinlan ng Pilipinas.
Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang
magapi ng Estados Unidosang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng
Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo1899.

Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo 1861–30 Disyembre
1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago
sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang
pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng
Lupon ng mga Pambansang Bayani. Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan
sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio
Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos.

Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864—Mayo 13, 1903), kilala bilang ang
"Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino teoretista na nagsulat
ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod bilang
ang kauna-unahang punong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa
Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at
Dionisia Maranan.

Si Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963) ay isang tanyag na manunulat
sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon.[1] Bukod
sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na Ama ng
Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas.

Si Manuel Luis Quezon y Molina (19 Agosto 1878 – 1 Agosto 1944) ay ang
ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (15 Nobyembre 1935 – 1 Agosto 1944). Siya
ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang
administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala
bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal).
Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na
ngayong Aurora) noong 19 Agosto 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M.
Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro.

You might also like