You are on page 1of 42

MGA LUNGSOD

KALAKHANG MAYNILA

Ang Kalakhang Maynila, tinatawag din bilang Pambansang Punong Rehiyon

(National Capital Region), ay isang kalakhang rehiyon na binubuo ng Maynila kasama

ang mga karatig lungsod ng Caloocan, Las Pinas, Makati, Malabon, Mandaluyong,

Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasay, Pasig, Lungsod ng Quezon, San Juan,

Taguig, at Valenzuela kasama ang bayan ng Pateros.

CALOOCAN

Ang Caloocan, binabaybay rin na Kalookan (pagbigkas: ka•lo•ó•kan) o ang

Makasaysayang Lungsod ng Caloocan, ay isa sa mga lungsod na bumubo sa Kalakhang

Maynila sa Pilipinas. Kanugnog ito ng Maynila sa hilaga. Ito ang ikatlong

pinakamalaking lungsod sa bansa na may populasyong umaabot sa 1,489,040, ayon sa

senso ng 2010.

Nahahati sa dalawang bahagi ang Caloocan mula nang ilipat mga barrio nito sa

noo'y itinatatag na Lungsod Quezon. Matatagpuan ang Katimogang Caloocan sa hilaga

ng Maynila at napapaligiran ng Lungsod ng Malabon at Lungsod ng Valenzuela sa

hilaga, Navotas sa kanluran, at Lungsod Quezon sa silangan. Pinakahilagang teritoryo ng

Kalakhang Maynila ang Hilagang Kalookan na nasa silangan ng Valenzuela, hilaga ng

Lungsod Quezon, at timog ng Lungsod ng San Jose del Monte sa lalawigan ng Bulacan.

22 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD

LAS PIÑAS

Ang Lungsod ng Las Piñas (populasyon: 528,011 Senso 2000) ay isang lungsod

sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Napapaligiran ito sa hilaga at hilagang-silangan ng

Lungsod ng Parañaque; sa silangan at timog-silangan ng Lungsod ng Muntinlupa; sa

timog ng Munisipalidad ng Imus, Cavite; sa timog-kanluran at kanluran ng Munisipalidad

ng Bacoor, Cavite; at sa timog-kanluran ng Look ng Maynila. Pamahayan (residential)

ang kalahati ng nasasakupan ng lupain samantalang pangkalakalan (commercial),

industriyal at institusyunal ang natitirang kalahati. Binubuo ang kasalukuyang

pisograpiya ng Las Piñas ng tatlong sona: Look ng Maynila, Coastal Margin at

Guadalupe Plateau.

MAKATI

23 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
Ang Makati, opisyal na Lungsod ng Makati, ay isang lungsod sa Pilipinas, at isa

sa labing-anim na mga lungsod na bumubuo sa Kalakhang Maynila. Ito ang sentro ng

kalakalan, pananalapi at negosyo sa Pilipinas. Dito matatagpuan ang karamihan ng mga

malalaking kompanyang banyaga pati na rin ang mga tanggapan ng mga malalaking lokal

na korporasyon ng bansa. Ang mga pangunahing mga bangko, korporasyon, pamilihan, at

mga embahada ay matatagpuan din sa lungsod. Ang pinakamalaking tanggapan ng

Philippine Stock Exchange ay matatagpuan sa Abenida Ayala. Kilala rin ang Makati

bilang isa sa mga pangunahing sentro ng kultura at libangan sa Kalakhang Maynila.

Sa bilang ng populasyon na 582,602, ika-17 pinakamalaking lungsod ang Makati

sa buong Pilipinas. Bagaman ang populasyon nito ay kalahating milyon lamang, ang

populasyon nito tuwing araw ay tinatayang higit pa sa isang milyon dahil sa dami ng

taong nagtutungo dito upang magtrabaho, mamili, o mangalakal.

MAIKLING KASAYSAYAN

Noong 1470, nasa ilalim ng pamumuno ni Lakan Tagkan at ng kanyang

maybahay na si Bouan ang lugar na sakop ngayon ng Makati. Nakita ni kongkistador

Miguel Lopez de Legaspi ang lugar noong 1571 at itinanong sa mga katutubo ang

pangalan ng lugar. Sumagot ang mga katutubo ng “Makati-na” sa pag-aakalang ang

itinatanong ay ang Ilog Pasig.

Noong 1578 hanggang 1670, napasailalim ang “visita”, isang distrito ng Sta. Ana

de Saya sa pamamahala ng mga paring Fransiscano. Tinawag ang lugar na San Pedro de

Macati, bilang pagkilala sa nagbigay ng lupa, si Don Pedro Brito. Tinawag ang lugar na

“Sampiro”, mula sa mabilisang pagbigkas ng "San Pedro".

24 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
Kumita ang San Pedro de Makati o Sampiro sa pagbebenta ng paso noong 1608.

Naging isang bayan ng Maynila ang San Pedro de Makati noong 1890. Nagkaroon ng

isang pangulong municipal ang Makati matapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano

noong 1900.

Noong 11 Hulyo 1901, sa pamamagitan ng Batas Komonwelt ng Pilipinas Blg.

137, isinama ang Makati sa lalawigan ng Rizal.

Noong 28 Pebrero 1914, itinakda ng Batas Lehislatura ng Pilipinas Blg. 2390 ang

pagpapalit ng pangalang San Pedro de Makati sa Makati, na naging opisyal na pangalan

nito. Noong 1937, itinatag ang unang paliparan sa Timog-Silangang Asya, ang Toreng

Neilson. Itinayo ang Makati Commercial Center noong 1956. Itinayo ang bagong gusali

ng pamahalaang lokal noong 1962.

Itinalaga ni Pangulong Corazon Aquino si Jejomar C. Binay bilang OIC ng

Makati. Nahalal siyang punong-bayan noong 1988. Muli siyang nahalal noong 1992,

1995, 2001 at 2004. Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Batas Republika Blg.

7854 noong 2 Enero 1995 na ginawang lungsod ang Makati. Pinagtibay ito ng mga

mamamayan sa isang plebisito noong 4 Pebrero 1995.

25 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD

MALABON

Ang Lungsod ng Malabon ay isa sa mga lungsod at munisipalidad na bumubuo ng

Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ayon sa senso noong 2010, tinatayang 353,337 ang

populasyon nito. Matatagpuan sa hilaga ng Maynila, ito ay maituturing na isang

pamayanan at industriyal na lungsod at isa ito sa may pinakamakapal na populasyon sa

Kamaynilaan. Mayroon itong kabuuang lawak na 15.714 na kilometro kwadrado.

Bahagi ang lungsod ng isang sub-rehiyon ng Kalakhang Maynila na tinaguriang

CAMANAVA. Binubuo ang CAMANAVA ng Lungsod ng CAloocan, MAlabon,

NAvotas, at Lungsod ng VAlenzuela. Napaliligiran ang Malabon ng Caloocan sa timog at

silangan, Navotas sa kanluran, at Valenzuela sa hilaga. Nasa hilagang-kanluran naman ng

hangganan nito ang Obando, isang bayan ng lalawigan ng Bulacan.

KASAYSAYAN

Ang salitang Malabon, ayon sa alamat, ay galing sa salitang maraming labong.

Unang tinawag na bayan ng Tambobong, binuo ang Malabon bilang Visita ng Tondo ng

mga Agustino noong May 21, 1559 at nanatili sa pamamahala ng Lalawigan ng Tondo

mula 1627 hanggang 1688.

26 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
Nagkaroon ng mahalagang papel ang Malabon sa ekonomiya sa huling bahagi ng

ika-19 dantaon, na pinagtibay ng pagkakatatag ng La Princesa Tabacalera noong 1851 at

ng Malabon Sugar Company noong 1878.

Ang pahayagang La Independencia ay unang inilimbag sa Asilo de Huérfanos,

kung saan dinala ang mga ulila ng magkaroon ng peste noong 1882.

Ganap na naging isang bayan ang Malabon nang mabuo ang bagong lalawigan ng

Rizal noong Hunyo 11,1901 sa bisa ng Philippine Commission Act No. 137. Nang

ipahayag ang ang Batas Blg. 942, pinagsama ang Malabon at Navotas sa ilalim ng iisang

pamahalaan. Noong ika-16 Enero 1906, ang Batas Blg. 1441 ay nagpahayag ng

paghihiwalay ng Malabon at Navotas upang maging dalawang bayan ng lalawigan ng

Rizal. Ang unang Punong lungsod ng Malabon ay si Don Agustin Salamante, isang

mestisong Kastila na tubong Kabite.

Naaging bayan ng lalawigan ng Rizal ang Malabon sa loob ng 70 taon, hanggang

noong Nobyembre 7, 1975, sa bisa ng Kautusan ng Pangulo Blg. 824, nang isama ang

Malabon sa Kalakhang Maynila o ang Pambansang Punong Rehiyon. Naging lungsod

ang Malabon noong Abril 21, 2001, sa ilaim ng Batas Republika Blg 9019, 407 taon

makalipas ang pagkakatag dito.

HEOGRAPIYA

Isa ang Malabon sa pinakamataong lungsod sa Pilipinas, at ang mababang lupain

nito ang nagdudulot ng madalas na pagbaha, lalo na kapag tag-ulan at kapag umapaw ang

27 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
mga ilog at tubig sa saplad. Ang apat na lungsod sa CAMANAVA ay madalas

maapektuhan ng mga magkakaugnay na ilog dito, isa na rito ang Ilog Tullahan.

Ang mga ilog dito ay dating nalalayagan at pangingisda ang dating pangunahing

ikinabubuhay ng mga mamamayan dito. Dating malawak, malalim, at may maayos na

katangian ang tubig ng ilog na madalas na pinagkukuhan ng iba't ibang uri ng mga isda,

na mahalagang bahagi pinagkukuhan ng pagkain ng mga tao dito. Ang mga puno, palay

at mga gulay ay dating tumutubo sa paligid ng ilog. Subalit, ang mga lupaing agrikultural

na ito ay napalitan ng bakuran ng mga industriya, at naging tahanan ng libu-libong mga

maralita na gumawa ng mga barong-barong ng walang pahintulot.

Sa mga nagdaang mga taon, lumala ang mga pagbaha, na nagiging madalas at

mataas. Pinakaapektado ay ang mga kabahayan sa mga pamayanan na nasa o malapit sa

dalampasigan. Naging makipot at maliit ang mga ilog sa paglipas ng mga taon, at ang

kakayahan nitong pigilan ang tubig ay nabawasan.

28 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
MANDALUYONG

Ang Mandaluyong ay isang lungsod ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas.

Pinalilibutan ito ng ilang lungsod tulad ng Maynila, ang kabisera ng bansa na nasa

kanluran, ang lungsod ng San Juan sa hilaga, ang lungsod Quezon at lungsod ng Pasig sa

silangan, at ang Lungsod ng Makati sa timog. Binansagan ang lungsod bilang "Sawang

lungsod ng Pilipinas", "Puso ng Kalakhang Manila", at ang "Isang Kabisera ng mga

matitinong Gobyernong di nagsasalubong sa Pilipinas".

Matatagpuan ang lungsod ng Mandaluyong sa puso ng kalakhang Maynila.

Kabilang sa maraming atraksiyon ng lungsod ang kalahating parte ng lundayang Ortigas,

isa sa mga pangunahing sentro ng negosyo at komersyo sa kalungsuran (nasa lungsod ng

Pasig ang natitirang hati). Matatagpuan sa lundayang Ortigas ang pangunahing punong-

tanggapan ng Asian Development Bank at ang punong tanggapan ng San Miguel

Corporation, ang pinakamalaking korporasyon ng bansa. Matatagpuan dito ang SM

Megamall, isa sa pinakamalaking shopping mall sa bansa pati na rin ang Shangri-la Plaza

Mall at Star Mall. Sa silangan ng Ortigas Center matatagpuan ang Wack-Wack Golf and

Country Club, sa hilaga nito matatagpuan ang La Salle Greenhills, isang tanyag na

mataas na paaralang panlalaki. Ang estasyong ng MRT sa bulebard ng Shaw na

itinuturing din isang mall, maliban na pagiging estayson, ay nagdurugtong ng tatlo pang

mga mall (Star Mall, Shangri-La Plaza, at ang EDSA Central).

Sa mga nakatira dito, ang lungsod ng Mandaluyong ay laging ginagamit sa mga

biro tungkol sa pag-iisip ng isang tao (halimbawa: ang isang tao na may kahinahinalang

katayuan ng pag-iisip ay mula sa Mandaluyong). Ito ay marahil ang National Center for

Mental Health (Pambansang Senter ng Kalusugan ng Pag-iisip) ay matatagpuan sa

29 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
lungsod. Matatagpuan din sa Mandaluyong ang "Welfareville", isang malaking pook

kung saan laganap ang kahirapan.

MARIKINA

Ang Lungsod ng Marikina, kilala bilang Sentro o Kabisera ng Sapatos sa

Pilipinas, ay isang lungsod at bayan na bumubuo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Dati

itong punong lalawigan ng Maynila noong ipinahayag ang Kalayaan ng Pilipinas.

Matatagpuan ito sa pulo ng Luzon, sa silangang hangganan ng Kalakhang Maynila,

napapaligaran ang Marikina ng Lungsod Quezon sa kanluran, Lungsod ng Pasig at

Cainta, Rizal sa timog, Lungsod ng Antipolo sa silangan, ang kabisera ng lalawigan ng

Rizal, at San Mateo sa hilaga na nasa Rizal din. Tinatayang 21 kilometro ang layo nito

mula sa Lungsod ng Maynila.

Ang Lungsod ng Marikina ay isa sa bumubuo sa Kalakhang Maynila, ang

Pambansang Punong Rehiyon sa Pilipinas, at nabibilang ito sa Silangang Distrito ng

Kalakhang Maynila. Bahagi rin ito ng Metro Luzon Urban Beltway (Daanang-sinturon ng

Mala-lungsod na Kalakhang Luzon). Ang Kalakhang Luzon naman ay binubuo ng

Gitnang Luzon, Timog Katagalugan o Calabarzon at ang Kalakhang Maynila. Ang

Kalakhang Luzon ay isa sa apat na Malalaking Rehiyon sa Pilipinas.

30 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
Tinanyagan ang Marikina bilang "Shoe Capital of the Philippines" o "Pambasang

Kapital ng Sapatos ng Pilipinas", dahil sa kanyang sikat na industriya ng sapatos. Ang

pinakamalaking pares ng sapatos na ginawa ng mga natatanging sapatero ng lungsod ay

naitala sa Guinness Book of Records at makikita sa Riverbanks Mall ng naturang

lungsod. Ang Museo ng Sapatos ay kilala din bilang tahanan ng tanyag na sapatos ng

dating Unang Ginang Imelda Marcos. Dumadaloy ang Ilog Marikina, isang sanga ng Ilog

Pasig sa gitna ng lungsod. Sa katunayan, sinasakop ng lungsod ang bahagi ng Lambak ng

Marikina at binabaha minsan kapag may mga bagyo (tulad ng nangyari noong Bagyong

Ondoy).

HEOGRAPIYA

Bahagi ng Lambak ng Marikina ang Lungsod ng Marikina. May 16 barangay ang

Marikina.

Barangka Marikina Heights

Calumpang Nangka

Concepcion Uno Parang

Concepcion Dos San Roque

Fortune Santa Elena (Pob.)

Industrial Valley Santo Niño

Jesus De La Peña Tañong

Malanday Tumana

31 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD

MUNTINLUPA

Ang Lungsod ng Muntinlupa na matatagpuan sa timog Kalakhang Maynila,

Pilipinas, mahigit-kumulang 20 km ang layo mula sa Maynila. Pumapaligid rito ang mga

lungsod ng Taguig, Parañaque at Las Piñas sa hilagang bahagi, ang mga bayan naman ng

Bacoor, Cavite at San Pedro, Laguna sa timog at ang Lawa ng Bay sa silangan. Hinahati

ng South Luzon Expressway (SLEx) ang lungsod sa mga bahaging kanluran at silangan.

Tanyag ang Muntinlupa bilang lungsod na kung saan matatagpuan ang National

Bilibid Prison, ang pambansang bilangguan na kung saan ikinukulong ang mga

mapapanganib na taong nakagawa ng sala ng bansa, kaya naman matagal rin na naging

singkahulugan ng Muntinlupa o Munti ang salitang bilangguan.

KASAYSAYAN

Nagsimula ang Muntinlupa bilang isang lupain na napasailalim sa pangangalaga

ng mga paring Agustino noong 1601. May tatlong panig ang pinagmulan ng pangalang

Muntinlupa bagama't walang nakakatiyak kung alin ang tama dahil sa kakulangan ng

talaan o kasulatan tungkol dito. May isang panig na inu-ugnay ang pangalan nito sa

32 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
manipis na luwad na matatagpuan sa pook. Mayroon namang iba na nanatiling may

kaugnayan ito sa hugis ng lupain kaya't ang salitang "Monte", bundok sa wikang Kastila,

ay isinalin sa Muntinlupa na ang ibig sabihin ay bulubunduking lupa. Mayroon din

nagsasabing nagsimula ang pangalan dahil "Monte Sa Lupa" ang sagot ng mga

naninirahan nang tanungin sila ng mga Kastila kung ano ang pangalan ng lugar sa

pagaakalang ang pangalan ng kanilang nilalaro ang siyang tinatanong.

Naitala ni Padre Joaquin de Zuñiga, isang paring Katoliko, ang pangalan ng pook

bilang La Poblacion Que Sigue Se Llama Muntinlupa nuong kaagahan ng ika-19 na

dantaon. Ang barangay Poblacion lamang ang itinuturing na Muntinlupa nuong sinauna

ngunit upang mapamahalaang mabuti ng mga Kastila ang lupain ay ipinailalim rin nila

rito ang mga karatig na pook ng Alabang, Sucat, Tunasan at Cupang noong taong-1869.

Naging bahagi ng Morong, Rizal ang Muntinlupa noong 1901 at panandaliang

naging bahagi ng bayan ng Biñan, Laguna noong 1903. Nagsampa ng pagtutol ang mga

naninirahan kaya naman binalik muli ito sa lalawigan ng Rizal at naging bahagi ng

Taguig noong 1905. Naging ganap lamang ang kasarinlang bayan ng Muntinlupa noong

taong 1918 sa pamamagitan ng Executive Order 108 ni Gob. Harrison.

Taong 1975 nang hiniwalay ito mula sa lalawigan ng Rizal at naging bahagi ng

Kalakhang Maynila. Naging ganap na lungsod ang Muntinlupa at naging ika-65 na

lungsod ng Pilipinas noong ika-1 ng Marso, 1995 sa pamamagitan ng Republic Act No.

7926[1]. Simula 2001, idinidiwang na isang Special Working Holiday sa lungsod ang

ika-1 ng Marso Muntinlupa City Charter Day.

MGA MAKASAYSAYANG LUGAR

33 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
 Bureau of Corrections Administration Building (Gusaling Pangasiwaan ng

Kawanihan ng mga Bilangguan) - Ito ang harapang gusali ng bilangguan na

itinayo noong 1941 at nagsisilbi ngayong pangasiwaan ng tanggapan. Ito rin ang

nakilalang Bilibid sa 'telebisyon' at 'pelikula' bagama't sa kanlurang bahagi pa ng

gusaling ito matatagpuan ang pinaka-mahigpit na piitan na binubuo ng 12 gusali

na kung tawagin ay mga brigada.

 Lawa ng Jamboree - Ito ang pinaka-maliit na likas na lawa ng bansa. Hilig itong

tambayan ng mga taong nais magpalamig o magmasid sa kalikasan.

 Memorial Hill - Isa itong maliit na burol sa loob ng 'reserbasyong' Bilibid na kung

saan matatagpuan ang isang lumang 'kanyon' ng Pangalawang Digmaang

Pandaigdig. Dito rin sa burol na ito nakalibing ang tanyag na tagapangasiwa ng

Bilangguan noong 1937 hanggang 1949 na si Eriberto Misa.

 Director's Quarters (Tahanan ng Direktor) - Ito ang 'opisyal' na tahanan ng

tagapangasiwa ng Bilibid na itinayong kasabay ng gusaling pangasiwaan noong

1941. Mamamalas sa mahusay na pagkakagawa nito ang ambag ng 'arkitektura'

ng panahong bago mag-digmaan at siyang nagbibigay-katangian sa malaking

gusaling ito.

 Japanese Garden Cemetery (Himlayang Halamanan ng mga Hapon) - sa

halamanan na ito nakalibing si punong hukbo Tomoyuki Yamashita na naging

tanyag noong pananakop ng mga Hapon sa bansa.

34 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD

NAVOTAS

Ang Navotas ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Sinasakop ng

bayan ang isang makipot na mahabang lupa sa may silangang pampang ng Look ng

Maynila. Nasa diretsong hilaga ng Maynila ang Navotas, kanluran ng Lungsod ng

Malabon, at timog ng Obando, Bulacan. Isang mahalagang komunidad ng palaisdaan ang

Navotas. Nakasentro sa pagpapalaki ng isda ang karamihan sa mga kabuhayan ng mga

residente dito. Nanghuhuli din ng mga isda ang ilan sa Look ng Maynila.

Kabilang ang Navotas sa impormal na sub-rehiyon ng Kalakhang Maynila na

CAMANAVA. Maliban sa Navotas, kabilang dito ang mga lungsod ng Kalookan,

Malabon, at Valenzuela. Inaakalang laging binabaha ang lugar na ito ngunit sa

katotohanan dahil ito pagkati ng dagat, at ilan lamang mga barangay ang apektado hinggil

sa mga proyekto na inumpisahan ng parehong lokal at pambansang pamahalaan.

Polusyon at labis na populasyon ang ilan lamang sa mga suliranin na sinusubukang

lutasin ng pamahalaan. Kilala ang Navotas sa kanyang mga patis at bagoong at tinuturing

na "Kapital sa Pangingisda ng Pilipinas". Nasa Navotas ang pinakamalaki at

35 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
pinakamakabagong pwerto sa pangingisda sa Pilipinas, at marahil sa buong mundo.

Tinatag ang Navotas noong Enero 16, 1906 bilang isang nagsasariling bayan at naging

lungsod noong Hulyo 24, 2006 sa bisa ng isang plebisito Republic Act 9387, na

inaprubahan noong Marso 10, 2007 sa bisa ng Artikulo 6, Sek. 27.1 ng Saligang Batas ng

Pilipinas.

PARAÑAQUE

Ang Lungsod ng Parañaque, o mas kilala bilang Parañaque, ay isa sa mga bayan

at lungsod na bumubuo ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ay naliligiran sa hilaga ng

Lungsod ng Pasay, ng Lungsod ng Taguig sa hilagang-silangan, Lungsod ng Muntinlupa

sa timog-silangan, Lungsod ng Las Piñas sa timog-kanluran, at ng Look ng Maynila sa

kanluran.

KASAYSAYAN

Ang Parañaque ay itinatag noong 1572, sa kadahilanang ang lugar ay malapit sa

dagat, ang mga Paraqueños (Parañaquense) ay nakipagkalakalan sa mga Intsik, Indones,

Indians at Malayans. Noong panahong iyon ang pangunahing hanapbuhay ay ang

paggawa ng asin, pangingisda, pagtatanim ng bigas, paggawa ng sapatos, paggawa ng

tsinelas at paghahabi. Ang komunidad ay pinamumunuan ng cabeza de barangay, isang

kanluraning bersyon ng mga lokal na tagapamuno at ang mga principalia bilang mga

36 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
lokal na aristokrata, isang napaka-matibay na institusyon sa lipunan dahil sila ay ang mga

kalimitang gumaganap sa mga pampolitikang posisyon. Sila ay makatwiran at

tagapamagitan ng pangangailangan ng mga mga mananakop na Espanyol. Ang

edukasyon ay limitado para sa principalia lamang dahil sila lang ang may kakayahang

magbayad para rito. Ang naitalang simula ng Palanyag ay nagsimula noong 1580 nang si

Fr. Diego de Espinar, isang misyonerong Augustinian, ay hinirang na tagapamahala ng

kumbento o relihiyosong bahay ng bayan. Bilang residenteng pari, siya ay nagtatag ng

bahay ng misyon doon, na may hurisdiksiyon na umaabot hanggang sa Kawit sa

lalawigan ng Cavite. Ang Konseho ng Definitors (o konseho ng mga pinuno ng relihiyon

order) noong ika-11 Mayo 1580, ay tinanggap ng Palanyag bilang isang malayang bayan.

Ang larawan ng patrona ng Palanyag na si Nuestra Señora del Buensuceso, ay dinala sa

St. Andrew's Church sa La Huerta noong 1625.

Nasasaad sa ilang tala na dahil ang Palanyag ay matatagpuan sa sangang-daan ng

Maynila, at ng mga lalawigan ng Cavite at Batangas, naging daan ito para maging

importanteng bahagi nang kasaysayan ng Pilipinas ang mga taong-bayan nito. Sa

panahon ng pananakop ng mga Intsik na mandarambong na si Limahong noong 1574,

ang mga mamamayan ng Parañaque, lalo na yaong mula sa Barangay Dongalo, ay

matapang na pumigil sa pag-atake sa Maynila. Ito ay ang kinilala bilang ang "insedente

sa Red Sea" dahil sa mga dugo na dumaloy bilang resulta ng pagtatanggol na ginawa ng

tao mula sa baryo Sta. Monica, dating pangalan ng barangay. Nang sakupin ng mga

Briton ang Maynila noong 1762, ang mga taong-bayan ay muling naging tapat sa mga

mananakop na Espanyol, lalo na sa mga Augustinian. Ang pagsalakay gayunpaman ay

nagpakita na ang kapangyarihan ng mga Espanyol ay hindi masusupil at matapos ang

37 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
higit sa isang daang taon, ito ay mapatunayan na totoo. Pagkatapos ay dumating ang

Himagsikang Pilipino (mga huling bahagi ng ika-19 na siglo) at ang napagtanto ng mga

Espanyol na ang bayan ay isang praktikal na lagusan patungong Cavite, ang balwarte ng

mga rebolusyonaryo Katipunero. Gayundin naman para sa mga rebolusyonaryong

nakabase sa Cavite, nakita nila ang bayan bilang kanilang lagusan patungong Intramuros,

ang sentro ng pamahalaang Espanyol sa Maynila. Ang mga kilalang Paraqueños, tulad ni

Manuel Quiogue at ng sekular na pari na si Padre Pedro Dandan ay naging prominenteng

rebolusyonaryo. Nang nasakop na ito ng mga Amerikano, isa ang Parañaque sa mga

bayan na unang nagkaroon ng pamahalaan.

PAGIGING LUNGSOD

Ang Lungsod ng Parañaque ay ang ika-11 na lungsod sa kalakhang Maynila

(sumunod sa Lungsod ng Las Pinas noong 1997), at hinirang bilang urbanisadong

lungsod ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 15 Pebrero 1998.

ANG LUNGSOD NG PARAÑAQUE NGAYON

Noong Mayo ng taong 2001, pormal na napasinayaan ang SM City Sucat (dating

SM Supercenter Sucat), at ito ang naging unang SM Mall Franchise sa lungsod ng

Parañaque.

Nobyembre 2000, ang ikalawang SM City mall sa lungsod ng Parañaque ay

naitayo, ang SM City Bicutan, na naging isa sa pinakakilalang mall sa lungsod ng

Parañaque sumunod sa Uniwide Coastal Mall, Uniwide Sucat sa Dr. A. Santos Ave.

Pebrero 2003, ipinagdiwang ng lungsod ang ikalimang taon ng pagiging lungsod

nito.

38 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
July 2007, naitayo ang unang strip mall na matatagpuan sa Sucat, lungsod ng

Parañaque, ang "Santana Grove". Matatagpuan dito ang Shopwise, Jollibee, Chowking,

Starbucks, Icebergs, Behrouz, Guernicas, Pan De Manila, Wi-Tribe, Bacolod Chk-n-Bbq,

Serye Restaurant, Mongkok, Tapa King, RCBC, MLM Dental Nook, Greenhills Christian

Fellowship, Human Heart Natures, South Support Printing at ang Teleperformance.

PASAY

Ang Pasay ay isa sa mga lungsod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.

Napapaligiran ito ng Maynila sa hilaga, Lungsod ng Makati sa hilagang-silangan,

Lungsod ng Taguig sa silangan at Lungsod ng Parañaque sa timog.

Sa Kasalukuyan, nasa lungsod ng Pasay ang gusali ng Senado, ang Paliparang

Pandaigdig ng Ninoy Aquino, at ang SM Mall of Asia.

Isa sa mga orihinal na apat na lungsod ng Kalakhang Maynila ang Pasay. Hinggil

sa pagiging malapit nito sa Maynila, naging mabilis na lugar na urbano noong Panahon

ng mga Amerikano sa Pilipinas.

39 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD

PASIG

Ang Lungsod ng Pasig ay isa sa mga lungsod. na bumubuo sa Kalakhang Maynila

sa Pilipinas. Ito ang dating kabisera ng lalawigan ng Rizal mabuo ang Kalakhang

Maynila. Matatagpuan sa silangang hangganan ng Kalakhang Maynila, ang Pasig ay

napapaligiran sa kanluran ng Lungsod ng Quezon at Lungsod ng Mandaluyong; sa hilaga

ng Lungsod ng Marikina; sa timog ng Lungsod ng Makati, bayan ng Pateros, at Lungsod

ng Taguig; at sa silangan ng Lungsod ng Antipolo, bayan ng Cainta at Taytay ng

lalawigan ng Rizal.

Ang Pasig ay isang lungsod panirahan at pang-industriya subalit unti-unti na itong

nagiging isang lumalagong pangkalakalan (commercial) na lugar. Dahil nga dating

kabisera ng Rizal, ang dating pamahalaang lalawigan ng Rizal ay makikita rito, sa dulo

ng Shaw Boulevard.

Sa loob ng bayan nito ay matatagpuan ang Katedral ng Immaculada Concepcion,

isa sa mga pinakalumang simbahan sa kalakhang Maynila. Ang lungsod ng Pasig ay isa

sa tatlong munisipalidad na itinalaga ng diyosesis ng Simbahang Katoliko Romano sa

Pilipinas (bilang Katoliko Romano diyosesis ng Pasig).

PINAGMULAN NG PASIG

40 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
Ang pangalan Pasig ay pinaniniwalaang galing sa salitang Sanskrit na "passis" o

buhangin na tumutukoy sa komunidad sa mabuhangin gilid ng ilog. Ang ilang

histoyardor naman ay sinasabing galing ang pangalan ng Pasig sa salitang Tagalog na

'mabagsik' na nangangahulugang marahas na pagkilos na maaaring maglarawan ng ilog

na kung saan ang agos ay nagdadala nang mga kahoy mula Montalban patungong Manila

Ito ay tinatawag ding "mapaksik" ng mga Intsik sa Binondo, Maynila. Ang

"Mapaksik" kalauna'y naging "Pasik" at pagkatapos ay "Pasig". Maari ding galing ito sa

"pasigan" na nangangahulugan tabi ng ilog.

Ayon kay Jose Villa Panganiban, dating direktor ng Institusyon ng Pambansang

Wika, ang "Pasig" ay lumang Sanskrit na tumutukoy sa "ilog na umaagos mula sa isang

katawan ng tubig patungo sa iba," at sa madaling sabi ay naglalarawan sa ilog dahil sa

pagdaloy mula sa Lawa ng Laguna patungong Manila Bay.

SAGISAG NG LUNGSOD

 Ang babae ay kumakatawan sa Mutya ng Pasig, ang idealismo ng pagkaperpekto

sa lahat ng aspeto na ehemplo ng katapatan, tapat na kalooban at kagandahan ng

Lungsod ng Pasig.

 Ang katawan ng tubig sa magkabilang panig ng babae ay mungkahi ng Ilog Pasig

na nagkokonekta sa dalawang anyong tubig, Lawa ng Laguna at Manila Bay

pareho inilalarawan sa pamamagitan ng alon. Ang Pasig ay nagmula sa isang

salitang Hindu na ang kahulugan ay isang anyong tubig na nagkokonekta ng

dalawang anyong tubig.

41 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
 Sa ibabang kaliwang bahagi ay ang Katedral ng Inmaculada Concepcion, isa sa

mga pinakalumang edipisyo sa lungsod. Ito rin ang kinaluluklukan ng mga

Diyosesis ng Pasig.

 Sa ibabang kanang bahagi ay ang nagpapahiwatig ng kasaganaan at pag-unlad ng

lungsod.

KASAYSAYAN

Noong 11 Hunyo 1901 ang mga lalawigan ng Rizal ay nilikha sa pamamagitan ng

Batas bilang 137 ng Komisyon ng Pilipinas. Ang Pasig ay isinama sa lalawigan ng Rizal,

at siya ang hinirang bilang kabisera ng bagong lalawigan.

Taong 1975, ang Pasig ay inalis sa lalawigan Rizal at naging bahagi ng

Kalakhang Maynila nang ang Komisyon ng Kalakhang Maynila (ang pinagmulan ng

Metro Manila Authority at sa katagala'y ang Metropolitan Manila Development

Authority) ay nilikha sa ni pangulong Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng Presidential

decree 824.

Hulyo 1994, ang Pasig ay na-convert sa isang mataas na urbanisadong lungsod sa

pamamagitan ng Batas Republika bilang 7829. At noong Disyembre ng taong 1994,

nilagdaan ito ni pangulong Fidel V. Ramos bilang isang batas, na sinang-ayunan naman

ng mga tao sa ginanap na plebisito noong 21 Enero 1995.

EKONOMIYA

Sa kanluran hangganan ng Pasig, at pinagtatalunang mas makabuluhang silangang

bahagi ng Lungsod ng Mandaluyong, ay matatagpuan ang Ortigas Center. Bilang isa sa

42 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
mga pangunahing distrito ng negosyo sa kalungsuran, iba't-ibang mataas na gusali ng

opisina, residential condominiums, gusaling pangkalakalan (commercial), mga paaralan

at mga malls ang matatagpuan dito. Ang Unibersidad ng Asya at ng Pasipiko (UA & P),

ang isa sa mga pinaka-eksklusibong unibersidad sa bansa, ay matatagpuan dito, pati na

rin ang punong tanggapan ng Integrated Bar ng Pilipinas. Nasa hilagang-kanlurang

bahagi ng Ortigas Center ang bakuran ng Meralco, tahanan at punong himpilan ng

Meralco (Manila Electric Company), ang pinakamalaking kompanya na namamahagi ng

dagitab sa Pilipinas. Ang punong himpilan ng Pamilihang Sapi ng Pilipinas, na tahanan

ng isa sa sahig kalakalan sa bansa, ay matatagpuan din dito. Ang punong-himpilan ng San

Miguel Corporation, may-ari ng pinakamalaking producer ng serbesa sa Pilipinas, ay

matatagpuan din dito. Dahil sa mga negosyo at mga pamumuhunan sa Ortigas Center,

ang barangay San Antonio ang may pinakamalaking kita para sa isang lokal na yunit ng

pamahalaan sa bansa.

Kasama sa mga hindi malilimot sa Ortigas Avenue at E. Rodriguez Jr. Avenue

(C-5) ay ang Frontera Verde, isang bagong pribadong pagpapaunlad na lugar na

mayroong restoran, pet shop, mall, parke, village, gusaling tanggapan at isang maliit na

zoo. Ang El-Pueblo, ang isang may temang kolonyal na pangkalakalan (commercial) na

lugar sa Ortigas Center, ay nagbibigay ng mga bagong konsepto ng cafe's, mga restoran

at mga bar. Metrowalk (ang dating Payanig), isang pangkalakalan (commercial) na lugar

sa kahabaan ng Ortigas Avenue at Meralco Avenue, ay itinayo noong 2005 malapit sa

Ortigas Center na kung saan mayroong mga tindahan, warehouses, at mga mga restoran

at mga bar.

43 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
Ang Medical City, sa isang pribadong pagamutan na matatagpuan malapit sa

bakuran ng Meralco sa kahabaan ng Ortigas Avenue, ay nag-aalok ng ilang taong

karanasan sa pagpapatakbo at pamamahala na naglilingkod hindi lamang sa mamamayan

ng Pasig kundi pati na rin sa ibang mga bayan.\

EDUKASYON

Ang Rizal High School, isa sa itinuturing na pinakamalalaking sekundaryang

paaralan sa buong mundo ayon sa bilang ng mag-aaral, ay matatagpuan sa Pasig. Dating

itinanghal ng Mga Pandaigdigang Tala ng Guinness bilang pinakamalaking paaralan na

may may bilang ng mga mag-aaral, ito ay dinaig ng City of Montessori School (CMS) sa

Lucknow, India.

Ang Pamantasan ng Lungsod ng Pasig, ang isang unibersidad na pagmamay-ari

ng estado ay matatagpuan sa Kapasigan, nag-aalok ng mga kurso sa antas para sa

mahihirap ngunit matatalino at karapat-dapat na mga residente ng Pasig. Ito ay itinatag sa

ilalim ng paninilbihan ni Vicente C. Eusebio noong 1999.

Ang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod ng Pasig (PCSHS) ay ang

unang Mataas na Paaralang Pang-agham sa Pasig. Ito ay matatagpuan malapit sa

Rainforest, ang isang pampublikong resort na itinatanghal ang zoo, park, swimming pool

at iba pang mga pasilidad ng pagsasaya.

Ang PhilSports Complex o ang Philippine Institute of Sports Complex (dating

ULTRA) ay isang bantog na pambansang sports complex ng Pilipinas. Matatagpuan sa

Meralco Avenue, dito makikita ang tanggapan ng Philippine Sports Commission,

Philippine Olympic Committee at ang ilang mga National Sports Associations.

44 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD

LUNGSOD NG QUEZON

Ang Lungsod Quezon o Lungsod ng Quezon ay dating kabisera at ang

pinakamataong lungsod sa Pilipinas. Matatagpuan sa pulo ng Luzon, isa ang Lungsod

Quezon sa mga lungsod at munisipalidad na binubuo ng Kalakhang Maynila, ang

Pambansang Punong Rehiyon. Ipinangalan ang lungsod kay Manuel L. Quezon, ang

dating pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na siya rin nagtatag ng lungsod at isinulong

upang palitan ang Maynila bilang kabisera ng bansa.

Hindi ito matatagpuan at hindi rin dapat ipagkamali ang lungsod na ito sa

lalawigan ng Quezon, na ipinangalan din sa dating pangulo.

45 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
Bilang dating kapital, maraming opisina ng pamahalaan ang matatagpuan dito,

kabilang ang Batasang Pambansa, ang upuan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng

Pilipinas, na siyang mababang kapulungan sa Kongreso ng Pilipinas. Matatagpuan din

dito ang pangunahing kampus ng Unibersidad ng Pilipinas at ng Mataas na Paaralang

Pang-Agham ng Pilipinas sa Diliman. Paki-tingnan rin ang RSHS-NCR.

Makikita rin sa Lungsod Quezon ang maraming malalawak na liwasan,

nakahilerang puno sa mga daan, at maraming mga pook pang-komersyo na popular sa

mga mamimili sa buong kalakhan. Karamihang binubuo ng mga pamahayan (residential)

na bahagi at maliit lamang ang mga lugar pang-industriya sa malaking siyudad na ito.

KASAYSAYAN

Bago malikha ang Lungsod Quezon, ito ay binubuo ng mga maliliit na bayan,

tulad ng San Francisco del Monte, Novaliches, at Balintawak. Noong 23 Agosto 1896,

ang Katipunan na pinamumunuan ni Andres Bonifacio ay nagsimula ng himagsikan laban

sa Espanya sa tirahan ni Melchora Aquino sa Pugad Lawin (ngayon ay Bahay Toro at

Project 8). Noong unang kalahati ng ikadalawampung siglo, pinangarap ni Pangulong

Manuel L. Quezon na magkaroon ng isang bagong kapital ng bansa, papalitan nito ang

Maynila na siyang kasalukuyan noong panahong iyon, at tirahan sa maraming

manggagawa. Pinaniniwalaan na ang nauna niyang pagbisita sa bansang Mehiko ay ang

nag-impluwensiya sa pangarap na ito.

Noong 1938, nilikha ni Pangulong Quezon ang People's Homesite Corporation at

bumili ng 15.29 km2 lupa mula sa lupain ng pamilya Tuason. Ipinasa ng Pambansang

Asemblea ng Komonwelt ng Pilipinas ang Commonwealth Act 502 na kilala bilang

46 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
"Charter ng Lungsod Quezon" na noong una ay inimungkahing Lungsod ng Balintawak.

Matagumpay na namungkahi nina Narcisco Ramos at Ramon Mitra, Sr. na maipangalan

ang nasabing lungsod sa kasalukuyang pangulo ng panahong iyon. Pinahintulutan ni

Pangulong Quezon na maipasa ang nasabing bill upang maging batas ng wala ang

kanyang pirma noong 12 Oktubre 1939, at dito naitatag ang Lungsod Quezon.

Matapos ang digmaan, ang Republic Act No. 333 na kung saan naayos ang mga

hangganan ng Lungsod Quezon at Lungsod ng Kalookan ay pinirmahan ni Pangulong

Elpidio noong 17 Hulyo 1948. Isinasaad din nito na ang nasabing lungsod ang magiging

bagong kapital ng bansa at ang lawak nito ay 156.60 km2. Ang Baesa, Talipapa, San

Bartolome, Pasong Tamo, Novaliches Poblacion, Banlat, Kabuyao, Pugad Lawin,

Bagbag, at Pasong Putik na dating mga bahagi ng Novaliches ay may lawak na 8, 100

hektarya, ay kinuha mula sa Lungsod ng Kalookan at ibinigay sa Lungsod Quezon. Ito

ang dahilan kung bakit nahati ang Lungsod na Kalookan sa dalawa - ang katimugang hati

ay urbanisado at ang hilagang bahagi ay sub-rural. Noong 16 Hunyo 1950, binago ang

Charter ng Lungsod Quezon ng Republic Act 537, kung saan nabago ang lawak ng

siyudad sa 153.59 km2.

Eksaktong 6 na taon ang dumaan, noong 16 Hunyo 1956, marami pang binago sa

lawak ng siyudad, ang Republic Act No. 1575 na nagbago sa lawak ng siyudad sa 151.06

km2. Nakasaad sa website ng pamahalaan ng Lungsod Quezon na ang lawak ng lungsod

ay 161.12 km2. Noong 1 Oktubre 1975, idinaos sa Lungsod Quezon ang "Thrilla in

Manila" na laban nina Muhammad Ali at Joe Frazier.

Sa Presidential Decree No. 824 ni Pangulong Ferdinand Marcos, nalikha ang

Kalakhang Maynila (Metro Manila). Ang Lungsod Quezon ay naging isa sa 17 lungsod at

47 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
munisipalidad ng Kalakhang Maynila. Nang sumunod na taon, ibinalik sa Lungsod ng

Maynila ang pagiging kapital ng bansa mula sa Lungsod Quezon sa pamamagitan ng

Presidential Decree No. 940. Noong 31 Marso 1978, inutos ni Pangulong Ferdinand

Marcos na ilipat ang mga labi ni Pangulong Manuel L. Quezon mula sa Manila North

Cemetery papunta sa bagung-tayong Quezon Memorial Monument na napapalibutan ng

Elliptical Road, Manuel L. Quezon monument, at ang City Hall. Noong 22 Pebrero 1986,

ang bahagi ng Abenida Epifanio de los Santos (o EDSA) na nasa Lungsod Quezon ay ang

lugar kung saan naganap ang mapayapang People Power Revolution.

Noong 23 Pebrero 1998, pinirmahan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Republic

Act No. 8535. Isinasaad ng nasabing batas na magkakaroon ng isang Lungsod ng

Novaliches na binubuo ng 15 pinaka-hilagang mga barangay ng Lungsod Quezon. Ngunit

sa sumunod sa plebesito noong 23 Oktubre 1999, mayorya ng mga nakatira sa lungsod

ang tumutol sa paghiwalay sa Novaliches. Ang pamahalaan ng Lungsod Quezon ang

unang lokal na pamahalaan sa Pilipinas na may kompyuterisadong paraan sa pagsisiyasat

sa real estate at sa sistema ng pagbabayad nito. Nagdevelop ng sistemang database ang

pamahalaang siyudad na ngayon ay may nasa 400, 000 property units na may kakayahan

na itala ang mga bayad.

1939 MASTERPLAN

Noong 1938, itinulak ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga plano para sa

isang bagong lungsod kapital. Sumisikip na sa Maynila at ang mga tagapayong

pangmilitar ni Pangulong Quezon ay nagsasabi na ang Maynila, na nasa tabi ng isang

48 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
look, ay isang madaling target para bombahin ng barkong pandigma kung sakaling

atakihin at ang mga posibilidad ay mataas noong mga taon bago ay giyera.

Wala sa isip ng mga tagapayo ni Pangulong Quezon ang posibilidad ng mga atake

mula sa ere. Gayunman, itinulak pa rin ni Quezon ang ideyang magtayo ng kapital, 15 km

mula sa Look ng Maynila (malayo para sa mga baril pandagat). Kinontak niya si William

E. Parsons, isang Amerikanong arkitekto at planner, na siya ring konsultant na arkitekto

mula pa sa simula ng okupasyon ng mga Amerikano sa bansa. Sinimulan ni Parsons ang

plano at tumulong sa pagpili sa Diliman (Tuason) Estate bilang lugar para sa bagong

lungsod. Sa kasamaang-palad, namatay si Parsons nang sumunod na taon. Ang partner

niyang si Harry Frost ang nagtuloy ng plano. Nakipagtulungan si Frost kina Juan

Arellano, Engr. E. D. Williams, at Arkitektong Panlandscape at Planner na si Louis Croft

para gumawa ng isang grand master plan para sa bagong kabisera, ang Lungsod Quezon.

Inaprubahan ang plano ng mga Pilipinong awtoridad noong 1941. Sa kalagitnaan

ng siyudad ay isang 400-ektaryang parke, halos kasing-laki ng Central Park ng New York

at tinutukoy ng North, South (Timog), East, at West Avenues. Sa isang panulukan ng

inimungkahing Diliman Quadrangle ang pinlanong ilagay ang isang 25-ektaryang lote.

Dito ilalagay ang isang malaking gusaling kapitolyo parang sa Lehislaturang Pilipino at

mababang mga istruktura para sa mga tanggapan ng mga kongresista. Sa magkabilang

panulukan ay pinlanong itayo - ang bagong Palasyo ng Malacañan at ang gusali ng

Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Ang tatlong sangay ng pamahalaan ay sa wakas

mailalagay na sa tabi ng isa't isa.

TOPOGRAPIYA

49 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
Ang siyudad ay nakapwesto sa itaas ng Talampas ng Guadalupe na isang medyo

mataas na talampas sa hilagang-silangang bahagi ng siyudad - sa pagitan ng mga

mababang lupain ng Maynila sa timog-kanluran at sa Lambak ng Marikina sa silangan.

Sa katimugag bahagi matatagpuan ang makitid na Ilog San Juan at ang mga tributaryo

nito sa Ilog Pasig, habang sa hilaga naman ng siyudad matatagpuan ang makitid ring

Tullahan River.

Ang Lungsod Quezon ay hinahangganan ng Lungsod ng Maynila sa timog-

kanluran, mga Lungsod ng Kalookan at Valenzuela sa kanluran at hilagang-kanluran. Sa

timog naman ay ang mga Lungsod ng San Juan at Mandaluyong. Samantala, mga

Lungsod ng Marikina at Pasig ang humahanggan sa Lungsod Quezon sa timog-silangan.

Sa hilaga naman, sa kabila ng Ilog Marilao ay ang Lungsod ng San Jose del Monte sa

probinsiya ng Bulacan at sa silangan ay ang mga bayan ng Rodriguez at San Mateo,

parehong nasa probinsiya ng Rizal.

Nahahati ang siyudad sa ilang mga pook. Ang katimugang bahagi ng siyudad ay

nahahati sa Diliman, Commonwealth, ang mga Project, Cubao, Kamias, Kamuning, New

Manila, San Francisco del Monte, at Santa Mesa Heights. Ang hilagang bahagi ng

siyudad ay ang Fairview at Lagro, ngunit kadalasan ay tinatawag itong Novaliches.

Karamihan sa mga pook na ito ay walang nakatukoy na hangganan at sa kalikasan ay

pamahayan (residential).

EKONOMIYA

50 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
Malawak at Iba't iba ang pangunahing pinagkikitaan sa Lungsod Quezon. Subalit

pangunahing mapapangkat ito sa telekomunikasyon, edukasyon, pangpamahalaan,

komersyal, industrial, retail, at professional.

Dahil malawak ang lungsod Quezon, binubuo ito ng limang pangunahing hiwa

hiwalay na sentrong pangkalakalan. Ito ay ang mga sumusunod:

 Cubao – Ang pinakalumang sentrong pangkalakalan (commercial) ng lungsod

kung saan makikita ang Aurora Tower at mga shopping mall. Isang langkap na

panlibangang parke ang Fiesta Carnival na napalitan na ng isang sangay ng

Shopwise, isang lokal na pamilihan. Makikita rin dito ang Araneta Coliseum, na

isang kilalang lugar na pinagdadausan ng mga consyerto at laro.

 Eastwood – Una itong tinaguyod at pinaunlad ng Megaword Corporation bilang

isa sa natatanging sentro ng kalakalang Information Technology sa bansa. Sa

kasulukuyan ang Eastwood City ay ang pinakakilalang lugar na kumakanlong sa

negosyong IT. Mahigit sa 70,000 libong mangagawa, professional, at negosyante

ang nagpapaunlad at nagtratrabaho dito.

 Quezon City Central Business District – Matatagpuan sa Hilagang Tatsulok ng

gitnang lungsod Quezon. Ito aya ang pinakabagong tinataguyod na sentrong

pangkalakalan ng Lungsod. Binuo sa pamumuno ng dating alkalde na si Sonny

Belmonte at sa pakikipagtulungan sa Ayala Corporation. Inaasahang maging

sentro ito ng transportasyong pangmasa sa hilaga dahil na rin sa apat na

pangmasang riles na inaasahang magsasabang dito.

 Eton City at U.P. Ayala land techno hub – Tinaguyod bilang hub ng mga

kumpanya ng pananaliksik at pagunlad sa pagtutulungan ng Ayala Corporation at

51 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa kanlurang lupain na sakop ng

Unibersidad ng Pilipinas. Sa Quezon City rin matatagpuan ang punung-tanggapan

ng mga malalaking estasyon ng telebisyon, tulad ng TV 5, ABS-CBN, GMA

Network, GEM TV, UNTV, Net 25, PTV 4, RPN, at IBC 13. Ang mga abenida

ng Tomas Morato at Timog ay kilala sa pagkakaroon ng mga hile-hilera ng mga

restawran samantala ang Banawe Avenue ay kilala bilang "Autoparts Capital of

the Philippines" dahil dito matatagpuan ang malakas na konsentrasyon ng mga

tindahan ng mga bahagi at aksesoryas ng mga kotse at tirahan din sa mga kumpol

ng mga awtentikong restawrang Tsino bukod sa Binondo.

SAN JUAN

Ang Lungsod ng San Juan ay isa sa mga lungsod sa Kalakhang Maynila sa

Pilipinas. Dating kabilang ito sa lalawigan ng Rizal hanggang opisyal na naging kabilang

sa Kalakhang Maynila. Ang lungsod ang ikalawang pinakamaliit sa mga lungsod at

bayan sa Kalakhang Maynila. Mas maliit lamang ang Pateros. Ang opisyal na mahabang

52 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
pangalan ng San Juan ay Lungsod ng San Juan del Monte. Ito ang lugar ng unang labanan

sa pagitan ng Katipunan, isang Filipinong organisasyong rebolusyonaryo, at ng Kastila.

Matatagpuan ang San Juan sa gitna ng Kalakhang Maynila. Napapaligiran ito ng

Lungsod Quezon sa hilaga at silangan, Lungsod ng Mandaluyong sa timog, at lungsod ng

Maynila sa kanluran.

Ilang lamang sa mga interesadong lugar sa San Juan ang Dambana ng

Pinaglabanan, na tinatakda ang unang labanan ng Katipunan, ang Greenhills Shopping

Center, ang isa sa mga tanyag na pamilihan sa Kalakhang Maynila, lalo na ang mga

elektronikang kagamitan, at ang Xavier School, isang tanyag na panay-lalaking hayskul

sa Kalakhang Maynila. Matatagpuan din dito ang prestiyosong panay-babaeng Filipino-

Intsik na paaralan ang Immaculate Conception Academy-Greenhills.

Sikat ang San Juan sa Pilipinas sa pagdiriwang ng kapistahan ng kanilang patron,

si San Juan Bautista. Nagdidiwang ang mga taga doon sa pamamagitan ng pagbabasa ng

tubig kahit sino sa lansangan (katulad ng ginagawa sa pag-bautismo).

Dating nagsilbi si dating Pangulo Joseph Estrada bilang punong bayan sa San

Juan, na sinasabing ng ilan na siya ang malawakang nagpasulong ng bayan.

Noong Hunyo 16, 2007, niratipika ang pagpapalit ng bayan na sa pagiging mataas

na urbanisadong lungsod, ayonsa sa Republic Act. Bilang 9388 (Isang Act na nagpapalit

bayan ng San Juan na maging Mataas na Urbanisadong Lungsod upang kilalanin bilang

Lungsod ng San Juan.).

53 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD

TAGUIG

Ang Taguig (Tagíg, pronounced [taˈɡiɡ]) ay isang lungsod na sakop ng

Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Dating komunidad ng palaisdaan sa pampang ng Laguna

de Bay ngunit ngayon, isa na itong mahalagang pamahayan (residential) at industriyal na

arabal ng Maynila. Lalong umunlad ang lungsod pagkatapos ng pagtatayo ng lansangang

C-5 at pagkuha ng Bonifacio Global City.

Matatagpuan ang Taguig sa kanlurang pampang ng Laguna de Bay at

pinapaligiran ng Muntinlupa sa timog, Parañaque sa timog-kanluran, Pasay sa kanluran,

hilaga-silangang naman ang Taytay, Rizal, at sa hilaga naman ang Makati, Pateros at

Pasig.

KASAYSAYAN

Bago dumating ang mga Espanyol, Ang Taguig ay isang bahagi ng Kaharian ng

Tondo na pinamumunuan ni Rajah Soliman. Mayroong din mga ebidensiya na ang mga

Intsik ay namalagi sa lugar na yaon na nasiwalat kamakailan-lamang sa pagkakahukay sa

54 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
mga iba't-ibang mga artifacts tulad ng baso, tasa, mga plato at iba pang mga kagamitan,

na mayroong mga karakter na Intsik. Ito ay pinaniniwalaang nagmula sa dinastiyang

Ming sa Tsina.

Ang Taguig ang isa sa mga pinakaunang kilalang teritoryo kung saan lumaganap

ang kristiyanismo nang masupil nang mga Espanyol ang isla ng Luzon sa pamamagitan

ng paglalayag ni Legazpi noong 1571. Sa pagitan ng mga taon ng 1582 at 1583, ang

Taguig ay isang encomienda ng Tondo na pinamamahalaan ng isang Alcalde Mayor,

Captain Vergara. Taong 1587 nang ang Taguig ay itinatag bilang isang hiwalay na

"pueblo" (bayan) ng dating lalawigan ng Maynila. Si Juan Basi ang Kapitan mula 1587

hanggang 1588. Ayon sa mga tala, ang Taguig ay dating may siyam (9) na mga baryo;

Bagumbayan, Bambang, Hagonoy, Palingon, Sta. Ana, Tipas, Tuktukan, Ususan, at

Wawa. Nakita sa tala na ang Tipas ay naghain na nang pagnanais na maging isang

independyenteng bayan ngunit ay tinanggihan ng pamahalaang Espanyol.

Noong panahong iyon, ang Taguig ay mapupuntahan sa pamamagitan ng Ilog

Pasig, na kung saan ay konektado sa dalawang malalaking katawan ng tubig, ang Manila

Bay at Lawa ng Laguna. Ang populasyon noon ay tinatayang 800 na tributes. Ang bayan

ay napagkukunan ng sapat na bigas para sa kanilang pagkonsumo subalit may kakaunting

mga tubo para dalhin sa kiskisan. Ang mga tao ay nabubuhay sa pamamagitan ng

pangingisda habang ang mga kababaihan ay naghahabi ng telang koton at "sawali" mula

sa mga piraso ng kawayan.

Ang mga tao ng Taguig ay kilala sa paglaban sa parehong pamamahalang

kolonyal ng mga Espanyol at Amerikano. Noong mga unang bahagi ng pananakop ng

mga Espanyol, sinubukan ni Don Juan Basi, "Kapitan" ng Taguig noong 1587 hanggang

55 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
1588, na pabagsakin ang pamahalaang Espanyol subalit siya'y nabigo, at ipinatapon nang

dalawang taon bilang kaparusahan. Nang bago pa lang ang Katipunan maraming mula sa

Taguig ang naging mga tagasunod at di-naglaon ay sumali sa pag-aalsa. Ang mga tao ng

Taguig ay sumali rin rebolusyonaryong pamahalaan ni Heneral Emilio Aguinaldo noong

6 Agosto 1898.

Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, sila ay nakibaka laban sa pwersa ni

Heneral Wheaton sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Pio del Pilar. Nasa tala rin na noong

6 Pebrero 1889, ang mga pwersa ng Pilipino kasama ang mga "revolutionarios" ang

nagpalayas sa isang kampo ng mga Amerikano sa burol ng Taguig, na ngayon ay bahagi

ng Pateros at Fort Bonifacio. Subalit natalo sila sa mga Amerikano sa higit nitong

kahusayan sa pagsasanay at magagandang kagamitan. Tuluyang napasailalim ang Taguig

sa First Washington Volunteer Infantry na pinamumunuan ni Col. Wholly.

Ang pagkatalo ng mga Pilipino matapos ang dalawang taon ng pakikibaka laban

sa mga pwersang Amerikano ang nagpasailalim sa Pilipinas sa ibang sistema ng

pamamahala. Noong 14 Agosto 1898, inukopa ng Estados Unidos ang isla at nagtatag ng

pamahalaang militar kung saan si Heneral Wesley Meritt ang itinalagang Unang

Gobernador-Militar. Ginampanan niya ang kapangyarihan lehislatibong hanggang 1

Setyembre 1900.

Sa simula ng rehimeng Amerikano, ang Taguig ay hinirang bilang isang

independyenteng bayan sa pagpapatupad ng General Order blg. 4 noong 29 Marso 1900.

Ang bayan ay isinama sa kagagawang lalawigan ng Rizal nang ipinatupad ng Komisyon

ng Pilipinas ang Act. Blg. 137 sa 11 Hunyo 1901. Noong 12 Oktubre 1903, Ang Taguig,

Muntinlupa at Pateros ay ipinagsama sa bisa ng Act. blg. 942 kung saan ang Pateros

56 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
naghost ng pamahalaang-bayan. Ang pagsama-sama ay hindi tumagal ng dahil makalipas

ang isang buwan ang Muntinlupa ay inihiwalay at ginawang bahagi ng Biñan nang ang

Act. blg. 1008 ay ipinatupad noong 25 Nobyembre 1903. Gayunpaman, ito ay ibinalik sa

Taguig noong 22 Marso 1905 sa pagpapatupad ng Act. blg. 1308. Noong 29 Pebrero

1908, ang Taguig ay ipinahayag muli bilang isang malayang munisipalidad sa bisa

Executive Order Blg. 20. Kalaunan, ang Pateros ay nahiwalay mula sa Taguig at

parehong naging malayang bayan ng lalawigan ng Rizal noong 1 Enero 1918.

Sa simula ng rehimeng Amerikano, ang Taguig ay hinirang bilang isang

independyenteng bayan sa pagpapatupad ng General Order blg. 4 noong 29 Marso 1900.

Ang bayan ay isinama sa kagagawang lalawigan ng Rizal nang ipinatupad ng Komisyon

ng Pilipinas ang Act. Blg. 137 sa 11 Hunyo 1901. Noong 12 Oktubre 1903, Ang Taguig,

Muntinlupa at Pateros ay ipinagsama sa bisa ng Act. blg. 942 kung saan ang Pateros

naghost ng pamahalaang-bayan. Ang pagsama-sama ay hindi huling hanggang sa isang

buwan mamaya Muntinlupa ay segregated mula sa mga ito at ginawang bahagi ng Biñan

kapag Act. No 1,008 ay enacted sa 25 Nobyembre 1903. Gayunpaman, ito ay ibabalik sa

Makati sa 22 Marso 1905 sa pagpoproklama Act. No 1,308. Sa 29 Pebrero 1908, Makati

ay ipinahayag na muli ng isang malayang munisipalidad sa pamamagitan ng Executive

Order No 20. Sa kalaunan, Pateros separated mula sa Makati at sa parehong naging

malayang munisipyo ng Rizal lalawigan sa 1 Enero 1918.

Sa panahon din ng Kolonya ng Amerika nabili ng pamahalaan ng Estados Unidos

ang 25.78 kilometro-kwadradong ari-arian ng Taguig para sa layuning militar. Ang

malaking piraso ng lupa na may TCT petsang 1902, ay ginawang isang kampo at

pagkatapos ay pinangalanang Fort McKinley (pinangalanan alinsunod sa ika-25 na

57 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
pangulo ng Estados Unidos William McKinley). Nang inukopa ng mga Hapones ang

Pilipinas noong 1942, sinakop ng Japanese Imperial Army ang Fort McKinley. Inukopa

nila ang kampo ng militar hanggang sa katapusan ng digmaan noong 1945.

Pagkatapos maging malaya nang Pilipinas mula sa Estados Unidos noong 4 Hulyo

1946, ibiniigay ng Estados Unidos sa Republika ng Pilipinas ang lahat ng karapatan ng

pagmamay-ari, kapangyarihan, pangangasiwa at kontrol sa teritoryo ng Pilipinas maliban

sa paggamit ng mga base militar. Noong 14 Mayo 1949, ang Fort McKinley ay inilipat sa

Pamahalaan ng Pilipinas sa bisa ng US embassy Note Blg. 0570.

FORT BONIFACIO

Ang Fort McKinley ay ginawang permanenteng punong-himpilan ng Hukbong

Katihan ng Pilipinas noong 1957 at di kalauna'y pinalitan ng pangalan patungong Fort

Bonifacio alinsunod sa ng Ama ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya, si Andres

Bonifacio.

Ang pampolitikang pagkakahati ng bayan ay pinalitan nang barangay alinsunod sa

pagpapatupad ng Integrated Reorganization Plan (IRP) sa bansa noong 1970 nang ang

bansa ay nasa ilalim ng Batas Militar. Dahil sa IRP nadagdagan ang pagkakahati nito sa

18 mga barangay; Bagong Tanyag, Bagumbayan, Bambang, Calzada, Hagonoy, Ibayo-

Tipas, Ligid-Tipas, Lower Bicutan, Maharlika, Napindan, Palingon, Signal Village, Sta.

Ana, Tuktukan, Upper Bicutan, Ususan, Wawa, at Western Bicutan. Di kalauna'y

naidagdag sa kanyang nasasakupan ang Barangay Fort Bonifacio. Noong 7 Nobyembre

1975, ang Taguig ay kinuha mula sa lalawigan ng Rizal sa para mabuo ang Kalakhang

58 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
Maynila sa pamamagitan ng Presidential decree blg. 824. Sa ngayon ang Taguig ay isa pa

rin sa labingpitong (17) mga lungsod at bayan na bumubuo sa Kalakhang Maynila.

Taong 1998, isang batas ang ipinasa Kongreso na nagsusulong sa pagiging

lungsod ng Taguig. Ang resulta nang plebisito noong Abril ay nagpakita na ang mga

mamamayan ay ayaw sa pagiging lungsod nit. Isang petisyon ang inihain sa Kataas-

taasang Hukuman ng Pilipinas na muling bilangin ang naganap na plebisito at noong 19

Pebrero 2004 inatasan ng Kataas-taasang Hukuman sa Komisyon sa Halalan na

magbilang ulit. Ayon sa muling pagbibilang marami sa mga mamamayan ang may gusto

na maging isang lungsod ang Taguig (21,105 ang 'oo' at 19,460 'hindi'). Noong 8

Disyembre 2004 ang Taguig ay ganap nang naging lungsod.

EDUKASYON

Ang Lungsod ng Taguig ay mayroong ilang prestihiyosong paaralang

internasyonal tulad nang British School Manila, International School Manila, at Manila

Japanese School na lahat ay matatagpuan sa University Parkway nang Bonifacio Global

City. Ang Chinese International School Manila, Enderun Colleges, at Korean

International School Philippines ay matatagpuan naman sa kalapit na lugar nang

McKinley Hill.

Ang iba pang mga paaralan sa Fort Bonifacio ay ang STI College Global City,

Global City Innovative College, Everest Academy Manila (isang paaralang internasyunal

na pinamamahalaan ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas), Victory Leadership Institute, at

MGC-New Life Christian Academy.

59 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
Dalawa sa mga pangunahing Pamantasan din ang nasa Lungsod ng Taguig—ang

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, at ang Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas.

Parehong matatagpuan sa Bicutan, Lungsod ng Taguig.

Ang Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan

(TESDA) ay naitatag sa pagpapatupad ng "Batas ng Pangasiwaan sa Edukasyong

Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan nang 1994", na nilagdaan bilang batas ni dating

Pangulong Fidel V. Ramos. Nilalayon ng batas na ito ang buong pakikiisa at gamitin ang

industriya, paggawa, lokal na pamahalaan, at institusyong teknikal-bokasyonal sa

paglinang nang kasanayan nang mga yamang-tao ng bansa. Ang TESDA complex at mga

pasilidad ay matatagpuan sa East Service Road nang South Luzon Expressway sa

Lungsod ng Taguig.

Ang Dalubhasaan ng Pampublikong Kaligtasan ng Pilipinas sa Fort Bonifacio ay

isang institusyong nag-aalok nang programang undergraduate at graduate para sa

pagsasanay, pagpapaunlad ng yamang-tao, at patuloy na pag-aaral ng mga pulis,

bumbero, at tauhan ng bilangguan.

Ang Lungsod ng Taguig ay may dalawang Islamikong institusyon ng edukasyon

na matatagpuan sa Maharlika Village—ang Maharlika Bandara-Inged Integrated School

at ang Maharlika Village Islamic Madrasa.

Ilan pang paaralan sa Lungsod ng Taguig ay ang pinamamahalaan ng lungsod na

Taguig Science High School sa Hagonoy, ang pag-aari ng Simbahang Katoliko na

Colegio de Sta. Ana (dating Sta. Ana Parochial School), The Fisher Valley College, isang

Kristiyanong paaralan sa Hagonoy, at Saint Francis of Assisi College System, paaralang

katoliko sa Bagumbayan.

60 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
Ang Pamantasan ng Lungsod ng Taguig (University of Taguig City) ay nagbukas

noong Nobyembre 2006 na mayroong panggabing klase sa dalawang Mataas na Paaralan

sa lungsod. Ang konstruksiyon ng isang bagong gusaling pampaaralan ay pasisinayaan sa

loteng malapit sa Hall of Justice ng Lungsod ng Taguig sa Lower Bicutan. Ang isang

ganap na kampus ay target sa 2009.

VALENZUELA

Ang lungsod ng Valenzuela ay isa 17 na mga lungsod at munisipalidad na

binubuo ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. May tinatayang halos mga 500,000 mga

61 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
residente ang lungsod at pangunahing industriyal at pamahayan (residential) na suburb ng

Lungsod ng Maynila. Dumadaan ang North Luzon Expressway sa lungsod at palabas ng

Kalakhang Maynila patungong lalawigan ng Bulacan.

May lawak na 46 kilometro kuadrado ang Lungsod ng Valenzuela. Napapaligiran

ito ng Lungsod Quezon at hilagang Lungsod ng Kalookan sa silangan, Lungsod ng

Malabonkatimugang Lungsod ng Kalookan sa timog, Obando sa Bulacan sa kanluran, at

Meycauayan, sa Bulacan din, sa hilaga.

PATEROS

Ang Pateros ay isang unang klase at urbanisadong bayan sa Kalakhang Maynila

sa Pilipinas. Kilala ang bayan na ito sa industriya ng pagpapalaki ng mga bibe at lalo na

62 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e
MGA LUNGSOD
ang paggawa ng balut, isa Filipinong pagkain na pinakuluang itlog ng bibe.

Napapaligiran ang Pateros ng Lungsod ng Pasig sa hilaga, Lungsod ng Makati sa

kanluran, at Lungsod ng Taguig sa timog.

Pinakamaliit na bayan ang Pateros sa mga lungsod at munisipalidad ng Kalakhang

Maynila pareho sa populasyon at lawak ng lupain, ngunit ito ang ikalawang makapal ang

popuplasyon na mayroong mga 27 katao sa bawat kilometro kuadrado pagkatapos ng

Maynila. Ito rin ang nag-iisang bayan sa buong Kalakhang Maynila.

63 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e

You might also like