You are on page 1of 22

MGA MAKASAYSAYANG POOK AT PANGYAYARI SA NATIONAL CAPITAL REGION

(NCR)
 Ang mga makasaysayang lugar ay nakakatulong upang makilala natin ang ating
mga ninuno.
 Ito ay nakakatulong din para makilala natin ang ating pagkakakilanlan (identity)
bilang mamamayang Pilipino.
 May mga lugar o pook sa ating bansa na pinangangasiwaang (managed) ng
Mabuti ng ating pamahalaan dahil mahalaga ito sa ating pagkakakilanlan bilang
Pilipino.

Ang mga makasaysayang pook sa Lungsod or Munisipalidad ng NCR


Pangalan ng Pook Taon Kailan Naitatag at Paglalarawan
Saan Matatagpuan
Fort Santiago 1571 - Dito ipinakulong ng Espanyol si Dr. Jose
Intramuros, Rizal ang ang iba pang mga Pilipinong
Lungsod Manila nagtanggol sa karapatan at Kalayaan ng
mga Pilipino noon.
- Ito ay kinilala bilang Pambansang
Dambana ng Kalayaan noong Marso
1951. Ito ay bilang paggunita sa alaala
ni Dr. Jose Rizal at iba pang bayani na
nagbuwis ng kanilang buhay para sa
Inang Bayan ng Pilipinas.
Monumento ni Rizal 1913 - Pag-alala at parangal kay Dr. Jose Rizal
Luneta o Rizal sa kanyang pagiging bayani ng Pilipinas.
Park, Lungsod - Dito sa lugar na ito noong Disyembre
Manila 30, 1896 binaril sya ng mga Espanyol na
sumakop sa ating bansa.
- Taon-taon ito ay ipinagdidiwang at
tinatawag na Rizal Day.
- Nag-aalay din dito ng bulaklak ang
Pangulo ng Pilipinas tuwing Hunyo 12 sa
pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan o
Independence Day ng ating bansa.
Liwasang Bonifacio 1963 - Ang bantayog na ito ay inaalay ng
Plaza Lawton, Lungsod ng Maynila sa ika-100 taong
Lungsod Manila kapanganakan ni Bonifacio. Ito ang
nakalagay sa marker na nasa paanan ng
bantayog.

Andres Bonifacio:
- Isinilang sa Tondo Maynila noong 30
Nobyembre 1863.
- Ang Ama ng Katipunan, Dakilang
Karaniwang Mamamayan at Ama ng
Demokrasya sa Pilipinas.
- Sya ang nagtatag ng organisasyong
Katipunan, ang nagsimula ng
paghiimagsik laban sa pamahalaang
Espanyol noong 1896.
- Tinatawag din itong KKK o
Kataastaasang Kagalanggalangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
- Ang miyembro nito ay tinatawag na
Katipunero
- May-akda (author) ng “Ang Sampung
Aral ng Kataastaasang Kagalang-
galangang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan” o KKK.
- Siya ang kauna-unahang nagsalin sa
Tagalog ng “Mi Ultimo Adios” na sinulat
ni Dr. Jose Rizal.
- Namatay siya sa Maragondon, Cavite
noong Mayo 10, 1897.
Malacañan Palace 1750 - Opisyal na tinirahan ng Pangulo ng
Lungsod Maynila Pilipinas simula noong 1935 hanggang
ngayon. Ito ay sinimulan ni Pangulong
Manuel L. Quezon. Simula noon ay
naging tirahan ito ng mga pangulo ng
ating bansa.
- Ang salitang Malacañan ay nagmula sa
pahayag na “may lakan diyan”. Ito ay
tumutukoy sa isang mayamang
negosyanteng Espanyo na nagpatayo at
nanirahan sa gusaling ito noong 1700.
- Ang lakan ay tumutukoy sa mayamang
tao.
- Noong 1825, ito ay binili ng
pamahalaang Espanyol. Dito nanirahan
ang mga Espanyol na gobernador-
heneral.
- Tinirahan din ito ng Amerikanong
gobernador-heneral.
Apolinario Mabini Shrine Nasa Tulay ng - Ito ay dating tirahan ni Apolinario
Mabini o Tulay ng Mabini.
Nagtahan, - Kilala bilang Utak ng Rebolusyon at
Lungsod Maynila Dakilang Lumpo
- Siya ay isang lumpo ngunit hindi naging
hadlang upang magamit ang kanyang
kaalaman at kakayahan.
- Gumawa siya ng mga pagbabago sa mga
pmahalaang bayan at lalawigan ng
rehiyon bilang punong ministro ng
pamahalaan ng Pilipinas.
- Isa si Apolinario Mabini na
bumalangkas ng ating Saligang Batas sa
Malolos.
Bahay ng mga Nakpil at Quiapo, Lungsod - Dito nanirahan si Julio Nakpil, isang
Bautista Manila rebolusyonaryo ng Katipunan at asawa
na si Gregoria de Jesus na biyuda
(widow) ni Andres Bonifacio.
- Ang bahay na ito ay kasalukuyan ng
isang museo na pinupuntahan ng mga
turista.
Intramuros Lungsod Maynila - Ito ang pinakamatandang distrito at
pusod ng kasaysayan sa lungsod.
- Kilala ito bilang Ciudad Murada o
Walled City dahil ginawa itong fortress
o moog ng mga Espanyol noong
panahon nila.

Pambansang Museo ng Pilipinas Ermita, Manila - Naglalaman ito ng mga exhibit ng sining
o National Museum at natural sciences.
- Maraming makikita ritong yaman ng
antropolohikal at arkeolohikal.
EDSA Shrine Ortigas Avenue, - Ang Dambana ng Our Lady of peace o
Quezon City EDSA Shrine (Epifanio de los Santos
Avenue) ay gawa sa tanso.
- Ipinatayo ito bilang pag-alala sa
naganap na People Power Revolution
noong Pebrero 22, 1986.
- Sa lugar na ito nagtipon tipon ang mga
tao sa paglaban sa naturang pang-
aaboso ng pamahalaan ni Pangulong
Ferdinand Marcos.
- Ang mapayapang rebolusyon ang
nagpahinto sa pamumuno ni Pang.
Marcos. Ang mga tao noon ay
sinalubong at hinarang ng tangke ng
sundalo. Ang mga pari at madre na
lumahoy ay may dalang bulaklak, rosary
at pagkain na ibinigay sa mga sundalo.

Monumento ng People Power Temple Hill Drive, - Ipinatayo ito bilang tanda ng
EDSA mapayapang rebolusyon, walang
namatay at tanda rin sa naganap na
People Power Revolution noong 1986.
- Dinisenyo at ginawa ito ng eskultor na si
Eduardo Castrillo noong 1993.

Quezon Memorial Circle Lungsod Quezon - Ito ay isang mataas na bantayog o


monument.
- Nasa ilalim nito ay ang libingan ni
Manuel L. Quezon at ng kanyang asawa
na si Aurora Quezon.
- Si Manuel L. Quezon ang pangalawang
pangulo ng Pilipinas.
- Kilala siya bilang Ama ng Wikang
Pambansa dahil siya ang naglunsad ng
programang ito.
Sigaw sa Pugad Lawin Lungsod Quezon - Dito naganap ang makasaysayang
“Sigaw sa Pugad Lawin” noong ika-23
ng Agosto 1896 sa pamumuno ni
Andres Bonifacio.
- Dito pinunit ng mga Katipunero ang
kanilang mga sedula bilang tanda ng
paglaban sa mga Espanyol na sumakop
sa bansa noon.
- Ito ang naging simula ng Rebolusyong
1896.

Dambana ni Melchora Banlat, Lungsod - Si Melchora Aquino ay kilala bilang


“Tandang Sora Aquino” Quezon “Tandang Sora” ng mga Katipunero dahil
sa edad noong sumiklab ang himagsikan.
- Tinulungan ni Melchora ang mga
Katipunerong lumalaban sa mga
Espanyol sa pamamagitan ng
pagpapatira niya sa kanila sa kanyang
tahanan at pagbibigay ng pagkain, damit
at gamut para sa mga sugatan.
- Dahil dito inusig at pinarusahan siya ng
mga Espanyo.
- Dinakip siya at ikinulong.
Monumento sa Dulong Bagong Calzada St., - Itinayo ang monumentong ito bilang
Bayan Brgy. Martinez, parangal kina Guillermo Manalo, Eusebio
Pateros Hermosa at iba pang taga-Pateros na
lumahok sa Rebolusyong 1896.
- Isang pagdiriwang ang idinaraos sa
munisipalidad tuwing ika-19 ng Agosto.
Manggahan Shrine M. Almeda St., - Ang shrine na ito ay pinaghihiwalay ang
Sto. Rosario, Munisipalidad ng Pateros at Lungsod ng
Silangan, Pateros Pasig.
- Ito ay itinayo bilang parangal sa
dalawang bayani ng lugar na sina
Macario Almeda at Marcos Lozada.
- Sila ang nabaril at namatay habang
nakikipaglaban sa Espanyol.
- Ipinagdiriwang ang parangal na ito tuwing
ika-29 ng Agosto.
Andres Bonifacio Balintawak, - Ipinatayo ang bantayog na ito bilang
Monument Lungsod Caloocan parangal kay Andres Bonifacio na
tumira sa lugar kasama ng kanyang
pamilya at sa kanyang mga
kasamahang Katipunero.

Pinaglabanan Shrine Barrio Paraiso, - Ito ay nilikha bilang paggunita sa unang


Lungsod San Juan labanang naganap nang mag-alsa ang
mga Pilipino laban sa mga Espanyol
noong Agosto 1896.

Almacen de Polvora Lungsod San Juan - Ito ay dating bodega ng pulbura ng mga
o San Juan del Espanyol.
Monte - Sa pamumuno ni Andress Bonifacio
noong Agosto 1896 ay sinalagay ng mga
Katipunero ang Almacen de Polvora
upang manguha ng mga sandata.
- Ngunit nabigo ang Pilipino dahil wala
itong kasanayan sa pakikipagdigma.
- Kinalaunan, tinawag ang pook na ito na
“Pinaglabanan” sa San Juan.
Parola, Napindan Tipas, Lungsod - Ang parola o lighthouse na ito ay
Taguig ipinatayo ng mga Espanyol noong ika-17
siglo.
- Dito palihim na nagpupulong ang mga
Katipunero noon.
- Dito sila nagpaplano ng mga hakbangin
upang labanan ang mga Espanyol na
sumakop sa ating bansa.
- Ito ang pinili nilang tagpuan dahil sa
madali itong puntahan ng mga
Katipunero.
Libingan ng mga Bayani Fort Bonifacio, - Ito ang libingan ng mga sundalong
Lungsod Taguig Pilipino na namatay para sa kalayaan
ng bansa.
- Makikita ang maraming krus na
sumasagisag sa katapangan ng isang
sundalo na namatay sa pagtatanggol sa
ating bansa.
Simbahan ng St. Joseph Lungsod ng Las - Ito ay naging kampo ng mga bihag
Parish Pinas noong panahon ng mga Hapones at
nagsilbing pagamutan noong
liberasyon.
- Nandito ang organong kawayan o
bamboo organ na natatangi dahil sa
gawa ito sa kawayan. Itinanghal ito
bilang National Cultural Treasure ng
National Museum of the Philippines.
Zapote Bridge Bacoor, Lungsod - Pinangyarihan ito ng mga labanan sa
Cavite ilog ng Zapote noong panahon ng
pananakop ng mga Amerikano sa ating
bansa.
- Nagpapaalala ito sa kagitingan ng mga
Pilipinong rebolusyonaryo na
nakipaglaban sa Amerikano.
Dambana ng mga Alaala City Hall Complex, - Paggunita sa magigiting na mga anak ng
Lungsod Mandaluyong dahil sa kanilang
Mandaluyong katapangan at pagmamahal para sa
Kalayaan.

Plaza ng Tatlong Bayani Plaza sa Distrito 1, - Parangal ito sa tatlong bayani ng


Lungsod Rebolusyong 1896 na sina Andres
Mandaluyong Bonifacio, Laureano Gonzales at
Vicente Leyva.

Monumento ni Epifacio de Lungsod Malabon - Bantayog na matatagpuan sa loob ng


los Santos Epifanio de los Santos Elementary
School.
- Ito ay bilang paggunita kay Epifanio de
los Santos na isang mananalaysay,
abogado, manunulat at journalist.
Malaki ang kanyang kontribusyon sa
intelektuwal at makasining na pamana
sa ating bansa.

Ayala Museum Lungsod Makati - Museo ng iba’t ibang gawang sining at


ng mga bagay na bahagi ng ating
kasaysayan.
- Dito makikita ang tinatawag na Gold of
Ancestors na naglalarawan ng mga
artifact noong unang panahon.
Museo ng Makati J.P. Rizal St., Brgy - Dito makikita ang mga labi ng mga
Poblacion, Lungsod sinaunang hayop at a ng mga koleksiyon
Makati ng mga larawan, diorama at mural na
tungkol sa kasaysayan ng Lungsod
Makati.

MGA MAKASAYSAYANG PANGYAYARI SA METRO MANILA

TAON PANGYAYARI
1962 Naihayag bilang lungsod ang Caloocan.
1975 Nilikha ang Metropolitan Manila Commission. Naging
bahagi nito ang Malabon at bayan ng Pateros.
Ito ay itinatag ng noon ay Pangulong Ferdinand Marcos

1976 Naging sentro ang Metro Manila ng pamahalaan ng


Pilipinas at naibalik ang pagiging kapital ng bansa.

1995 Naitatag bilang mga lungsod ang Makati, Muntinlupa at


Pasig.
1996 - Naging lungsod ang Marikina.
- Binago ni Pangulong Corazon Aquino ang estruktura or
organisasyon. Ginawa itong Metropolitan Manila
Development Authority.
1997 Naging lungsod ang Las Pinas.
1998 Naitatag bilang lungsod ang Paranaque at Valenzuela.
2004 Naging lungsod ang Taguig.
2007 Naging lungsod ang Navotas.

ILANG MAKASAYSAYANG POOK AT PANGYAYARI SA NCR


TAON PANGYAYARI
1561 Itinayo ang Fort Santiago.
1913 Itinayo ang Monumento ni Rizal sa kinakatatayuan
nito ngayon.

1930 Itinayo ang Monumento sa Balintawak.

1935 Unang tumira si Pangulong Quezon sa palasyo ng


Malacanan.

1967 Naitatag ang Museo ng Ayala sa Lungsod Makati.

1975 Ibinalik at inayos sa dati ang organong kawayan.

ARALIN 10 - MGA SIMBOLO, SAGISAT AT BAYANI SA NCR

SIMBOLO ay kumakatawan sa isang bagay. Inilalahad at inilalarawan nito ang mga


mahalagang kahululugan ng mga bagay.
BANGUS (Milkfish) – pambansang isda ng Pilipinas. Isdang madalas ay kulay pilak.
Madalas itong makikita sa maalat na katubigan, maliit na lawa at tubig tabang. Ito
ay naging sagisag sa Pilipinas dahil ito ay mabagsik sa pagiging matinik.
SAGISAG O LOGO ay may pangalan ng lungsod o munisipalidad.
 Karaniwang hugis bilog ang mga ito.
 May mga larawan pa tto na may kahulugan.
BAGAY, LUGAR at Seal o Logo Kahulugan ng Simbolo
BANSANG PILIPINAS - 8 sinag ng araw sa watawat ay sumasagisag saw
along probinsiyang unang nag-alsa sa Kastila.

- Ang tatlong bituin ay ang tatlong pulo sa Pilipinas -


Luzon, Visayas at Mindanao
- Ang kulay asul at pula ay sumasagisag sa kulay ng
kalayaan at digmaan.
LUNGSOD QUEZON - Ito ang may kakaibang logo kumpara sa ibang
lungsod at munisipalidad sa NCR dahil ito ay hugis
tatsulok (triangle).
- May 3 bituin at may pangalan ng ating bansa.
- May larawan din ito ng Quezon Memorial
Monument.

BAGAY, LUGAR at Seal o Logo Kahulugan ng Simbolo


LUNGSOD NG MAYNILA - KALASAG (shield) – sumisimbolo sa kasaysayan ng
bansa bago dumating ang mga Espanyol
- Sea lion – sumisimbolo sa katatagan ng Pilipinas
- Kulay pula, asul at dilaw – kulay ng ating watawat
- Perlas – Pearl of the Orient
- Mga alon – sumisimbolo sa Ilog Pasig at Look
Maynila
LUNGSOD PASIG - Babae – Mutya ng Pasig. Ito ang ideyalismo ng
kagalingan sa laat ng aspekto. Sumasagisag sa
katapatan, mabuting pakikipagkapwa at
kagandahan ng lungsod.
- Anyong tubig sa gilid ng babae – sumasagisag sa
pag-uugnay ng Ilog Pasig sa Lawa ng Laguna at Look
Maynila.
- Immaculate Conception Cathedral – sumasagisag sa
isang lumang gusali ng lungsod. Isa itong sentro ng
Katolikong Romano.
- Pagawaan sa kanang bahagi – Ipinapahayag nito
ang kasaganaan at kaunlaran ng lungsod.
LUNGSOD NG MAKATI - Mga alon – sumisimbolo sa Ilog Pasig na
matatagpuan sa hilagang hangganan ng lungsod.
- Simbahan – sumisimbolo sa Simbahang Guadalupe
na pinakamatandang simbahan sa Makati. Ito ay
simbolo ng impluwensiya ng mga Espanyo sa
rehiyon.
- 33 sinag sa likod ng Skycraper – kumakatawan sa
mga barangay sa Makati.
LUNGSOD NG MARIKINA - 1630 – taon kung kailan naitatag ang lungsod
- 1996 – taon kung kailan nalagdaan at napagtibay
ang charter ng lungsod.
- Dalawang bundok – mga bulubundukin ng Sierra
Madre at Cordillera na nakapaligid sa lungsod at
nadaraanan ng Ilog Marikina.
- Sumisikat na araw – itinuturo nito ang silangang
lukasyon ng lungsod at ang bawat sinag ay
kumakatawan sa mga barangay nito.
- Kambiyo ng makina (gear) – sumisimbolo sa mga
industriya at pagawaan ng sapatos sa lungsod.
- Sulo o torch – sagisag ng matayog at dakilang
layunin ng lungsod na paglinangin ang yamang tao
tungo sa maayos na pamumuhay. Sagisag ng kultura
at tradisyong Espanyol.
- Kawayan at gulong – naglalarawan sa pagiging
mapagkumbaba at matibay na pag-uugali ng mga
tao.
- Mga dahon at sanga – sagisag ng kaayusan at
kapayapaan para sa lungsod.
BAYAN NG PATEROS - LARAWAN NG ITIK – Ito ay sumisimbolo sa
katanyagan ng bayan sa kanyang pag-aalaga ng itik
at ng itlog nitong ginagawang balot.

PAGHAHAMBING SA MGA SIMBOLO O SEAL


Ang mga simbolo o logo ng mga lungsod o munisipalidad sa NCR ay may pagkakatulad at
pagkakaiba sa hugis, anyo at ngalan ng mga ito.

Iba-iba ang kahulugan ng mga nakalarawan sa bawat seal ng mga lungsod at


munisipalidad.

1. Lahat ng mga ito ay nakatala ang pangalan ng lungsod o bayan paikot o patayo sa
hugis nito.
2. May ilang nakatala ang petsa ng pagkakatatag na nasa ibaba nito.
3. May ilang seal na may kalasag na nasa gitna at sa loob ng bilog.
4. May ilan na nakapaloob ang:
a. Pangunahing produkto ng lugar
b. Simbolo ng kasaysayan nila
5. Ang ibang seal naman ay:
a. Naglalarawan ng mga tanawin
b. Naglalahad ng kasaganahan at kaunlaran
c. Nglalarawan ng mga barangay at pook
6. May ilang seal din na gumagamit ng tatlong kulay, bituin at araw tulad ng makikita
sa watawat ng Pilipinas.
7. Naiiba ang hugis ng seal ng Lungsod Quezon dahil tatsulok ito .
HIMNO O AWIT

HIMNO O AWIT ay isang sagisag din na nagpapakilala ng isang lugar, lungsod o


bayan. `mihan sa mga lungsod at rehiyon ay may sariling opisyal na awitin.
 Karaniwan na sinusulat ito upang pukawin ang damdamin ng mga mamamayan
sa kagandahan ng kanilang lugar.
 Ang ibang awit ay nag-uudyok na mahalin nila ang knayang mga siyudad upang
mas lalo itong umunlad.
 Kagaya ng karaniwang awit sa radyo, ang mga opisyal na awit ay madaling
sabayan at maintindihan upang lagi itong matandaan ng lahat ng mga
mamamayan.
 Ngunit, hindi rin ito kagaya ng karaniwang awit dahil ginagamit lamang ito sa
pagdiriwang na kalalahukan ng buong lungsod o rehiyon o sa mga mahalagang
okasyon ng lugar.
 Mahalagang awitin ito nang may paggalang at pagpapahalaga.

Himno ng anung Bayan o Lungsod Inilalarawan


NCR Hymn - Inilalarawan nito ang ninanais nitong pag-unlad ng
rehiyon.
- Bagahi ng pag-unlad na ito ang pagsulong ng
karunungan at katarungan sa bansa.
- Inilalahad din nito na ang NCR ay dangal ng Pilipinas.

Awit ng Lungsod Quezon - Inilalahad sa awit ang pagbigay-pugay at pagsinta


ng mga tao sa kanilang lungsod.
- Inilalahad din sa awit ang kanilang pagmamalaki
rito.
Awit ng San Juan -

MAHALAGANG POOK NG SINING SA NCR


 Natatangi at maganda ang lungsod at munisipalidad o bayan sa Metro Manila.
 May mga parke, gusali at ipinintang larawan ang mga ito na nagpapakilala sa
lungsod o byayan.
 Ang iba ay may inukit na bantayog at libingan sa lugar na palatandaan ng
lungsod, bayan o lugar.
Pangalan ng Sining Saan makikita? Inilalarawan
LIWASANG BONIFACIO Lawton, Manila - Isa itong parke na inalay kay
Andres Bonifacio.
- Mayroon itong malaking fountain.

MINOR BASILICA NG SAN Pasaje del - Naiiba at natatangi ang gusali ng


SEBASTIAN Carmen St., simbahang ito dahil yari ito sa
Manila asero.
- Itinanghal itong World Heritage
Site ng UNESCO.

SIMBAHAN NG SAN AGUSTIN Intramuros, - Itinanghal din itong World


Manila Heritage Site ng UNESCO.

UNIVERSITY OF SANTO Sampaloc, - Ito ang pinakamatandang


TOMAS Manila Pamantasang Katoliko sa Asya.
- Naiiba ang disenyo ng gusaling
ito, ito ay kauna-unahang
earthquake resistant o matibay
kahit lumindol.
- Disenyo ito ng pari na may
estatwa sa pedestal ng ikaapat na
palapag. Simbolo ito ng
espiritwal at intelektuwal na
hangarin ng unibersidad.
FOLK ARTS THEATER CCP COMPLEX, - Kilala bilang “Tanghalang
Lungsod Pasay Francisco Balagtas.
- May maliit na teatro ito sa
pinagtatanghalan ng mga
konsiyerto, dula at iba pang
sining na palabas.
CITY HALL OF MANILA Lungsod Manila - Isang tatak na nagpapakilala sa
Maynila na may mataas na tore
at may malaking orasan.
-

QUEZON MEMORIAL CIRCLE Lungsod - Ito ay isang pambansang parke


Quezon at nagisilbing dambana ng
lungsod.
- May fountain din at mailaw lalo
sa gabi.
- Dito nakalibing ang labi ng
dating Pangulong Manuel L.
Quezon.
EDSA SHRINE Lungsod - Ito ay binubuo ng maliit na
Quezon simbahan at bantayog na itinayo
bilang paggunita sa People
Power Revolution.
-

LA MESA ECO PARK Lungsod - Isang pook ng sining at parke na


Quezon inayos at pinaganda upang
mapanatili at mapangalagaan
ang La Mesa Watershed.
- May kagubatan na pwedeng
pasyalan.
- Isang lugar na nagtataguyod ng
pangangalaga ng kapaligiran.
MUSEO NG MAKATI JP Rizal, - Ito ang pambansang museo ng
Lungsod Makati komunidad.
- Nakatago ditto ang yaman,
artifact at relic o banal na alaala
ng pinagdaanan ng lungsod.
-

FILIPINAS HERITAGE LIBRARY Ayala Triangle, - Ito ay kasalukuyang aklatan ng


Lungsod Makati elektroniko.
- Mayroon itong digital na mga
proyekto, publishing at electronic
database.

Iba pang Museo gaya ng Lungsod Makati


AYALA MUSEUM at
YUCHENGCO MUSEUM
Mga Parke sa Makati gaya ng Lungsod Makati
Greenbelt Park, Ayala
Triangle Gardens
Mga kilalang bantayot at Iba’t ibang - Ito ay nagpapakita ng mga
landmark sa NCR lugar sa NCR kilalang monument at mga nililok
na rebulto o bantayog sa NCR.

Halimbawa nito ay:


- Nine Muses sa UP
- Neptune at Aphrodite sa La
Mesa Ecopark
- Bantayog ni Lapu-lapu sa Rizal
Park

MGA BAYAING IPINAGMAMALAKI NG NCR


 Nakikilala ang isang lungsod, bayan o komunidad sa mga mamamayan nito,
kagaya ng mga bayani.

Bayani Taga-saan Paglalarawan


ANDRES BONIFACIO Tondo, Manila - Ama ng Rebolusyon. Isa siyang
rebolusyonaryo.
- Itinatatag niya ang Katipunan at
kalaunan naging Supremo nito.
- Ang Katipunan ay isang samahang
nagpunyagi upang makamit ang
ating Kalayaan sa pananakop ng
mga Espanyol.

EMILIO JACINTO Lungsod Manila - Utak ng Katipunan. Tulad ni


Bonifacio, siya rin ay isang
rebolusyonaryo.
- Makikita ang kanyang bantayog
sa Mehan Garden sa Maynila.

GENERAL ANTONIO LUNA Lungsod Manila - Nakipaglaban siya sa Digmaang


Pilipino-Amerikano para
makamtan ang Kalayaan ng
Pilipinas.
- Itinatag niya ang isang paaralan
– Philippine Military Academy
noong 1898. Itinatag ito dahil sa
pangangailangan para sa isang
akademya military upang
maayos na sayanin ang mga
tropang Pilipino.

RAHA LAKANDULA Tondo, Manila - Ang Dakilang Raha ng Tondo.


- Lumaban siya sa mga Espanyol
dahil sa hindi pagtupad sa
kanilang kasunduan.

MELCHORA AQUINO Lungsod - Tandang Sora


Caloocan - Naging inspirasyon at hinangaan
ng mga Katipunero. Siya ang
nag-alaga sa mga ito.

GREGORIA DE JESUS Lungsod - Lakambini ng Katipunan at


Caloocan Himagsikan.
- Siya ang tagapag-ingat ng
mahahalagang kasulatan sa
Katipunan.

DR. PIO VALENZUELA Lungsod - Ipinangalan sa kanya ang


Valenzuela Lungsod Valenzuela dahil sa
ugyan sa Katipunan.
- Siya ang nagbigay ng pangalan sa
kanilang pahayagan, KALAYAAN.

EPIFANIO DE LOS SANTOS Lungsod - Isang mamamahayag,


Malabon mananalaysay at manunulat.
- Sa kanya ipinangalan ang EDSA
na pangunahing daan sa Metro
Manila.
- Naipangalan din sa kanya an ilan
pang daan, paaralan, kolehiyo,
pagamutan at isang awditoryo sa
ating Pambansang Aklatan ng
Pilipinas.
PAGMAMALAKI SA ATING MGA BAYANI
Ilang mga gawain upang maipagmalaki ang ating mga bayani:
1. Magbasa ng mga aklat tungkol sa kanila.
2. Magkuwento ng mga anekdota at katangian nila.
3. Lumahok sa mga palatuntunan tungkol sa kanila.
4. Sumulat ng kuwento o tula tungkol sa kanilang mga kagalingan at katangian.
5. Magtungo sa kanlang bantayog o parke.
6. Gumuhit at ipaskil ang mga larawan nila.

ARALIN 11 – MGA IMPUWENSIYA SA KULTURA NG NCR

KULTURA – tumutukoy sa kabuoan ng paraan ng pamumuhay ng mga tao bilang


kasapi ng komunidad o lipunan. Ito ay nakikita sa iba’t ibang aspekto.

MGA ASPEKTO NG KULTURA


Aspekto ng Kultura Paglalarawan Halimbawa
TRADISYON - Ito ay may kaugnayan sa paniniwala ng - Mahal na Araw
pangkat na tao na naipapasa sa bawat - Harana
henerasyon. - Simbang Gabi
- Flores de Mayo o Santa
Cruzan
- Piyesta
KAUGALIAN - Tumutukoy sa mga inaasahan at tiyak - pagmamano
na pag-uugali ng mga pangkat ng tao. - pagsasabi ng po at opo
- Ito ang inaasahang kilos at gawi na
dapat sundin.
PANINIWALA - Ito ay mga ideye, pananaw at saloobin - Katolisismo
(beliefs) ng pangkat ng tao tungkol sa lipunan. - Albularyo o faith healers
- Ang mga ito ay makikita sa loob ng
mensaheng nakapaloob sa mga pabula,
salawikain at alamat.
- Ito ay nakabatay sa karanasan ng
kanilang pangkat o lipunan.
PAGPAPAHALAGA - Tumutukoy sa mga pamantayan ng - Katapangan, katapatan
(values) lipunan tungko sa tama o maling gawi.
WIKA - Ito ay ang pananalitang ginagamit ng - Filipino, Ingles, Ilocano
mga tao sa pakikipag-ugnayan o
komunikasyon.
BATAS - Tumutukoy sa alituntunin, regulasyon - Bawal magnakaw
at patakaran na ipinatutupad sa ating
lipunan.
- Ang mga gawaing labag sa batas ay
itinuturing na krimen at tinatawag
silang kriminal.
- Ang paglabag sa batay tulad ng
pagpatay sa kapwa, pananakit, pang-
aabuso at pagnanakaw ay may
kaparusahan.

DALAWANG URI NG KULTURA


Uri Paglalarawan Halimbawa
MATERYAL - Tumutukoy sa mga pisikal na bagay, mga - teknolohiya, gaya ng computer
mapagkukunan at ginagamit ng mga tao - kagamitan sa pagkuha ng
sa pamumuhay. pagkain gaya ng pana at
- Nakakatulong ang mga ito para tukuyin palaso na ginagamit ng mga
ang mga pag-uugali at pananaw ng mga aeta.
miyembro ng isang komunidad. - tirahan
- pagkain
- simbahan, moske, templo
- opisina
- pabrika
- kasangkapan
- produkto
- monumento
- sasakyan
- kasuotan
- palamuti sa katawan
- kagamitang pang-musika
DI- - tumutukoy sa mga ideya tao tungkol sa - paniniwala, pamahiin
MATERYAL kanilang kultura, kasama na ditto ang - relihiyon
paniniwala, panuntunan, kaugalian, wika, - kaugalian, asal
organisasyon at institusyon. - edukasyon
- sining, siyensya
- agham
- pananalita, wika
- pamahalaan
- tradisyon
- batas, tuntunin, babala

Mahalaga ang kultura, materyal man o di-materyal dahil ito ang naglalarawan at
kabuuan ng pamumuhay ng mga tao.

MGA TUNGKULIN NG BATANG PILIPINO:


1. Panatilihing malinis, maayos, maganda at mapayapa ang kapaligiran
2. Pagtulong sa kapwa sa oras ng pangangailangan.
3. Pangangalaga sa kalusugang pansarili.
4. Paggalang sa karapatan ng iba.

You might also like