You are on page 1of 4

Mga

Bahagi
ng Aklat John Eric R. Balba

1. Pabalat – Ito ang takip o cover ng aklat.


Karaniwan itong may matingkad na larawan
upang makatawag pansin sa mambabasa.
2. Bakanteng Dahon – ito nagsisilbing
proteksiyon ng susunod na pahina kung
ang pabalat ng libro ay masira. Ang pahinang
ito ay maaring sulatang ng personal na
didekasyon o kaya ay pangalan ng mayari ng
aklat.

3. Pahina ng Pamagat – Nakasaad dito ang


pamagat ng aklat at pangalan ng may-akda nito.

4. Pahina ng Karapatang-ari – Makikita sa


bahaging ito kung sino ang nagpalimbag ng
aklat at kung kailan ito ipinalimbag.

5. Pag-aalay o Pasasalamat– Binabanggit ng may


akda ang mga pangalan ng taong tumulong
upang pasasalamatan at hahandugan ng aklat
na kanyang natapos.
6. Paunang Salita – Nakasaad dito ang dahilan o
rason kung bakit isinulat ng may-akda ang aklat
kasama ang paliwanag sa paggamit nito.

7. Talaan ng Nilalaman – Makikita rito ang pahina


ng bawat paksang tinatalakay sa aklat.

8. Katawan ng Aklat – Ito ang pinakamalaki sa


mga bahagi ng aklat dahil nakikita rito ang mga
paksa at araling nilalaman ng aklat.

9. Glosari – Nakatala sa bahaging ito ng aklat ang


mga kahulugan ng mahihirap na mga salitang
ginamit sa aklat. Para itong diksiyunaryo, ngunit
ang mga salitang may kahulugan na nakapaloob
dito ay ang mga salitang makikita mo lang sa
aklat na mahirap intindihin.
10. Bibliograpi – Nakatala rito ang pangalan
ng manunulat at aklat na pinagkunan ng may-
akda ng ilang mahahalagang impormasyon.

11. Indeks – Isa ito sa mga bahagi ng aklat kung


saan nakasulat dito ang pangalan, mga paksa na
nakaayos nang paalpabeto, at ang pahina kung
saan ito matatagpuan sa aklat.

You might also like