You are on page 1of 6

PATEROS CATHOLIC SCHOOL

B. Morcilla St. Pateros, Metro Manila


PAASCU ACCREDITED LEVEL II

GRADE SCHOOL DEPARTMENT


2022 - 2023

ARALING PANLIPUNAN III

Module 11 Quarter 2:
Topic / Paksa: Mga Makasaysayang Pook at Pangyayari sa NCR

Gawain sa Pagkatuto:
Ang mga mahahalagang lugar o makasaysayang
lugar sa ating lungsod o munisipalidad ay
nakakatulong upang makilala natin ang ating
pagkakakinlanlan nilang mamamayang Pilipino.

May mga lugar o pook sa ating bansa na pinangangasiwaang mabuti


ng ating pamahalaan dahil sa Kahalagahan ng mga ito sa ating
pagkakakilanla bilang Pilipino.
Narito ang ilang mga makasaysayang pook sa mga lungsod o munisipalidad
ng NCR:

Lungsod ng Maynila
1. Monumento ni Rizal (Rizal Park)
Ipinatayo ang monumento ni Dr. Jose Rizal sa Luneta bilang pag –
alaala at parangal sa kanyang pagiging bayani ng Pilipinas. Sa lugar
na ito noong Disyembre 30, 1896 binaril siya ng mga Espanyol,
2. Fort Santiago – nakilala ito bilang “Shrine of Freedom”
Dito ipinakulong ng mga Espanyol si Dr. Jose Rizal at ang iba pang
Pilipinong nagtanggol sa karapatan at kalayaan ng mga Pilipino noon.
Ginawang pambansang dambana ng kalayaan noong Marso 1951
bilang pag gunita sa ala – ala ni Dr. Jose Rizal at iba pang bayaning
Pilipino na nagbuwis ng kanilang buhay para sa Inang Bayan.
3. Liwasang Bonifacio – nakilala bilang “Freedom Park”
Isa itong parke na inialay kay Andres Bonifacio.
4. Malacañan Palace
Ang opisyal na tahanan ng Pangulo ng Pilipinas simula noog 1935
hanggang ngayon. Ayon sa kuwento ang salitang ‘Malacañan” ay
nagmula sa pahayag na “may lakan diyan” na tumutukoy sa isang
mayamang negosyanteng Espanyol na nagpatayo at nanirahan sa
gusaling ito. Ang salitang “lakan” naman ay tumutukoy sa “mayamang
tao”.
5. Apolinario Mabini Shrine
Ito ang dating tirahan ni Apolinario Mabini. Si Apolinario Mabini ay
isang lumpo ngunit ang kapansanang ito ay hindi naging hadlang
upang magamit ang kanyang kaalaman at kakayahan. Kinilala siya
bilang “Utak ng Rebolusyon” at “Dakilang Lumpo”.
6. Bahay ng mga Nakpil at Bautista
Ang makasaysayang bahay na ito ay matatagpuan sa Quiapo Manila.
Dito nanirahan si Julio Nakpil, isang rebolusyonaryo ng Katipunan at
ang kanyang asawa na si Gregoria De Jesus na biyuda ni Andres
Bonifacio.
7. Intramuros
Isa sa pinakamatandang distrito at pusod ng kasaysayan sa lungsod.
Kilala ito bilang “Ciudad Murada” o “Walled City” dahil ginawang
fortress o moog ng mga Espanyol noong panahon nila.
8. Pambansang Museo ng Pilipinas o National Museum
Naglalaman ito ng mga exhibit ng sining at natural sciences. Marami
ritong makikitang yaman na antropolohikal at arkeolohikal.
9. City Hall of Manila
Isang tatak na nagpapakilala sa Maynila. Ito ay may mataas na tore
at may malaking orasan.
10. Minor Basilica ng San Sebastian
Naiiba at natatangi ang gusali ng simbahang ito dahil yari ito sa asero.
Itinanghal iot na World hertitage Site ng UNESCO.
11. Simbahan ng San Agustin
Itinanghal din ito World Heritage Site ng UNESCO.
12. University of Sto. Tomas
Ito ang pinakamatandang pamantasang katoliko sa Asya. Naiiba ang
disenyo ng mga gusali nito. Ito ang kauna – unahang gusali na
“earthquake resistant” o matibay kahit lumilindol.
Lungsod ng Quezon City
1. EDSA Shrine
Ang Dambana ng Our Lady of Peace o EDSA (Epifanio Delos Santos
Avenue) shrine ay gawa sa tanso. May maliit na simbahan dito.
Ipinatayo ang shrine bilang pag – alala sa naganap na People Power
Revolution noong Pebrero 22, 1986.
2. Monumento ng People Power
Ipinatayo ang monumentong itong bilang isang tanda sa naganap na
People Power Revolution noong 1986. Ito ay ginawa bilang parangal
sa mga taong nakilahok at nagpunyaging ibalik ang kalayaan at
demokrasya sa ating bansa.
3. Quezon Memorial Circle
Ito ay isang mataas na bantayog o monument at nasa ilalim nito ang
libingan ni Manuel L. Quezon at kanyang asawa na si Aurora Quezon.
Kilala si Manuel L. Quezon bilang “Ama ng wikang Pambansa”
4. Dambana ni Melchora Aquino
Tinawag na “Tandang Sora” ng mga katipunero dahil sa kanyang edad
noong sumiklab ang himagsikan.
5. La Mesa Eco Park
Ito ay isang pook ng sining at park ena inayos at pinaganda upang
mapanatili at mapangalagaan ang La Mesa Watershed. Isa ito sa mga
lugar na nagtataguyod ng pangangalaga ng ating kapaligiran.
6. Unibersidad ng Pilipinas (UP)
Ito ay kinilala bilang pangunahing pamantasan ng bansa.
Lungsod ng Makati
1. Museo ng Makati
Ito ang pambansang museo ng komunidad. Nakatago rito ang yaman,
artifact at relic o banal na ala – ala ng pinagdaanan ng lungsod.
2. Filipinas Heritage Library
Ito ay kasalukuyang aklatan na elektroniko. Mayroon itong digital na
mga proyekto, CD – ROM publishing at electronic data base.
3. Ayala Museum
Ito ay isang museo ng iba’t – ibang gawang sining at ng mga bagay na
bahagi ng kasaysayan. Makikitan rito ang tinatawag na ‘Gold of
Ancestors” na naglalarawan ng mga artifact noong unang panahon.
4. Mga Parke sa Makati
• Greenbelt Park
• Salcedo at Legazpi Park
• Ayala Triangle - nakawiwiling panoorin dito ang sumasayaw na
Christmas light.
Lungsod ng Caloocan
1. Sigaw sa Pugad Lawin
Naganap ang makasaysayang Sigaw sa Pugad Lawin noong ika – 23
ng Agosto, 1896 sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Dito pinunit ng
mga Katipunero ang kanilang sedula bilang tanda ng paglaban sa mga
Espanyol na sumakop sa ating bansa noon.
2. Monumento ni Andres Bonifacio (Andres Bonifacio Monument)
Ipinatayo bilang parangal kay Andres Bonifacio.
Lungsod ng Las Piñas
1. Simbahan ng St. Joseph Parish
Ang simbahang ito ang naging kampo ng mga bihag noong panahon
ng mga Hapones at nagsilbing pagamutan noong liberasyon.
Matatagpuan din dito ang “organong kawayan o bamboo organ” na
itinanghal na National Culture Treasure ng bansa. Ito ay ipinagawa ni
Padre Diego Cerra.
2. Zapote Bridge
Pinangyarihan ng labanan sa ilog noong panahon ng pananakop ng
mga Amerikano sa ating bansa. Nagpapaalala ito sa kagitingan ng
mga Pilipinong rebolusyonaryo na nakipaglaban sa mga Amerikano.
3. Sarao Jeepney Factory

Lungsod ng Taguig
1. Parola
Ang parola o lighthouse ay ipinatayo ng mga Espanyol. Dito palihim
na nagpupulong ang mga katipunero noo. Dito sila nagpaplano ng
mga hakbangin upang labanan ang mga Espanyol. Pinili nila itong
tagpuan dahil madali itong puntahan ng mga katipunero.
2. Libingan ng mga Bayani
Ito ang libingan ng mga sundalong Pilipino na namatay para sa
kalayaan ng bansa. Makikita rito ang maraming krus. Bawat krus ay
sumasagisag sa katapangan ng isang sundalo na namatay sa
pagtatanggol ng ating bansa.
3. St. Anne Parish Church
Ipinatayo ito ng mga paring Agustino na kilala rin bilang Simbahan ng
Santa Ana. Kinilala ito bilang isa sa pinakamatandang simbahan sa
Pilipinas.
4. Mind Museum
Lungsod ng San Juan
1. Pinaglabanan Shrine
Ang bantayog sa Dambana ng Pinaglabanan ay nilikha bilang
paggunita sa unang labanang naganap nang mag – alsa ang mga
Pilipino laban sa mga Espanyol.
2. Almacen de Polvora
Ito ang bodega ng mga pulbura ng mga Espanyol. Sa pamumuno ni
Andres Bonifacio at Emilio Jacinto sinalakay nila ang bodega ngunit
sila ay nabigo.
3. Santuario del Santo Cristo
Simbahang ipinitayo ng mga paring dominikano. Ito ay nagsilbing
kanlungan ng mga rebolusyonaryong Pilipino noong panahon ng mga
Amerikano.

Lungsod ng Mandaluyong
1. Plasa ng Tatlong Bayani
Parangal ito sa tatlong bayani ng Rebolusyong 1896. Sina Andres
Bonifacio, Laureano Gonzales at Vicente Leyva.
2. Dambana ng mga Alaala
Isang paggunita ito sa magigiting na mga anak ng Mandaluyong dahil
sa kanilang katapangan at pagmamahal para sa kalayaan.

Lungsod ng Marikina
1. Gusali ni Kapitan Moy
Ito ay tahanan ng itinuturing na ama ng industriya ng pagsasapatos sa
lungsod – si Don Laureano “Kapitan Moy” Guevarra.
2. Jesus dela Peña Chapel
Kilala ito sa tawag na San Isidro Labrador Parish
3. Shoe Museum, Doll Museum

Munisipalidad ng Pateros
1. Monumento sa Dulong Bayan
Itinayo ang monumentong ito bilang parangal kina Guillermo Manalo,
Eusebio Hermosa at iba pang mga taga – Pateros na lumahok sa
Rebolusyong 1896.
2. Manggahan Shrine
Pinaghihiwalay ng shrine na ito ang munisipalidad ng Pateros at
lungsod ng Pasig. Itinayo ito bilang parangal sa dalawang bayani ng
Pateros na sina Macario Almeda at Marcos Lozada.
Lungsod ng Pasig
• Bahay na Tisa, Concepcion Museum, Tanghalang Pasigueño, at
Immaculate Conception Cathedral
Lungsod ng Pasay
• Folk Arts Theater - Tinawag din ito bilang “Tanghalang Francisco
Balagtas”. May maliit na teatro ito na pinagtatanghalan ng mga
konsiyerto, dula at iba pang sining na palabas.
• Philippine National School for the Blind, Sta. Clara de Montefalco
Parish , Museo ng Pasay, Coconut Palace – naging opisyal na
tahanan ng Ikalawang Pangulo ng Pilipinas

You might also like