You are on page 1of 45

1

LEARNING MODULE
Araling
Panlipunan

Lalawiganat Rehiyon

AP 3 Prepared by: Joan Balbao/joan_agUMBay@yahoo.com/09974200160


2
Araling Panlipunan 3

PANIMULA

Isang masayang pagbati sa inyong lahat. Batid kong marami kayong natutuhan
sa unang kabanata na ating natalakay, at nais ko pa iyang dagdagan ng mas marami
pang kaalaman.
Gaano mo kakilala ang sarili mong lugar at karatig-lalawigan na iyong
kinabibilangan? Alam mo bang may mga kasaysayan ang bawat lugar patungkol sa
ngalan at maging sa pinagmulan nito?
Sa araling ito ay ating tatalakayin ang mga mahahalagang kasaysayan na
naganap sa ating lalawigan, at ang mga karating-lalawigan. Malalaman din natin ang
ilan sa mga makasaysayang pook at taong naging parte ng ating kultura, gayundin ang
mahahalagang sagisag at simbolo ng ating mahal na bayan.

SAKLAW NG ARALIN

Aralin 1 Mga Likas na Yaman mula sa Tubig (Linggo 1)


Aralin 2 Mga Panganib sa aking Rehiyon, Matutugunan kung Mapaghahandaan(Linggo2)
Aralin 3 Ang Kuwento ng Aking Lalawigan at Rehiyon (Linggo 3)
Aralin 4 Mga Makasaysayang Pook at mga Saksi ng Kasaysayan (Linggo 4)
Aralin 5 Mga Bayani sa Aking Lalawigan at Rehiyon (Linggo 5)
Aralin 6 Mga Sagisag at Simbolong Nagpapakilala sa Aking Lalawigan (Linggo 6)

Sa araling ito, inaasahang…

 Nauunawaan ang kasaysayan ng kinabibilangang rehiyon


 Natatalakay ang mga pagbabago at pagpapatuloy sa sariling lalawigan
at rehiyon
 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng mga makasaysayang lugar at mg saksi
nito sa pagkakakilanlang pangkultura
 Naipagmamalaki ang mg bayani ng sariling lalawigan at rehiyon
 Natatalakay ang kahulugan ng ilang simbolo at sagisag ng sariling lalawigan
at rehiyon

AP 3 Prepared by: Joan Balbao/joan_agUMBay@yahoo.com/09974200160


CONCEPT MAP NG ARALIN

Lalawigan at Rehiyon

Kasaysayan at Kahalagahan

Makasaysayang Pook Sagisag at Simbolo


Mga Bayani

INAASAHANG KASANAYAN

Upang maayos at matapos ang mga gawain sa araling ito, kailangan mong tandaan ang
mga sumusunod:

 Naipagmamalaki ang mahahalagang sagisag at simbolong kumakatawan


sa lalawigan at rehiyon bilang pagkakakilanlang ng sariling lugar
 Naipaliliwanag ang mga pagbabagong naganap sa lalawigang kinabibilangan at
nalalaman ang kahalagahan ng mga taong nagsakripisyo para sa
nakararaming mamamayan
PANIMULANG PAGTATAYA

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at itiman ang
bilog ng wastong titik. Isulat sa sagutang papel na inilaan ng guro sa kabilang pahina.

1. Ito ay kulay sa ating watawat na sumasagisag ng kalayaan at pagkakaisa.


A. Asul B. Puti C. Pula
2. Ang kulay naman na ito sa ating watawat ay sumasagisag ng katapangan.
A. Asul B. Puti C. Pula
3. Ang lalawigang ito ay tinawag na “Heart of the Philippines” o pinakapuso ng Pilipinas.
A. Iloilo B. Isabela C. Misamis
4. Ang pangalan ng lalawigang ito ay nagmula sa salitang misa.
A. Iloilo B. Isabela C. Misamis
5. Isinunod naman sa isang reyna na mula sa Espanyol ang pangalan ng lalawigang ito.
A. Iloilo B. Isabela C. Misamis
6. Siya ay kilalang bayani at isang dakilang alagad ng sining.
A. Andres Bonifacio B. Juan Luna C. Marcelo H. Del Pilar
7. Siya ang nagtatag at namuno sa samahang KKK na lumaban sa mga Espanyol.
A. Andres Bonifacio B. Juan Luna C. Marcelo H. Del Pilar
8. Sa lugar na ito ipinatapon si Dr. Jose Rizal.
A. Mactan Shrine B. Dapitan C. Luneta
9. Sa lugar na ito matatagpuan ang bantayog ni Lapulapu na hawak na isang gulok
at kalasag na gawa sa kahoy.
A. Mactan Shrine B. Dapitan C. Luneta
10. Itinayo ito bilang pag-alaala sa ginawang pagtulong ng mga Amerikano.
A. Edsa Shrine B. Corregidor C. MacArthur Park
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
S.Y. 2020 - 2021
PANIMULANG PAGTATAYA
ARALING PANLIPUNAN 4

SAGUTANG PAPEL

PANGALAN: PETSA:

BAITANG AT PANGKAT:

REMARKS:

Teacher Joan

Ipasa ang sagot sa takdang oras


ARALIN 1 MGA LIKAS NA YAMAN MULA SA TUBIG
(Linggo 1)

SIMULAN MO

Ano-anong yamang-tubig ang matatagpuan


sa aming lalawigan?

Bakit kaya mahalagang pangalagaan ang


mga katubigang pinagmumulan ng mga ito?

Gawain 1
Sagutin ang Anticipation-Reaction Guide ng dalawang beses. Una, bago ang aralin at
gawin ulit pagkatapos ng aralin.

Sagot bago ang Aralin Mga Katanungan Sagot pagkatapos ng


Aralin

Ano-anong yamang-
tubig ang
matatagpuan sa
aming lalawigan?

Bakit kaya
mahalagang
pangalagaan ang
mga katubigang
pinagmumulan ng
mga ito?
Napakahalaga ng tubig sa mga tao at sa lahat ng nabubuhay. Maaaring tumagal
hanggang isang buwan na wala tayong makakain subalit ikamamatay natin ang
mawalan ng tubig sa loob lamang ng limang araw hanggang isang linggo. Ito ay dahil
sa halos 60 hanggang 65% ng ating katawan ang binubuo ng tubig.

Ang tubig ay di lamang mahalaga


bilang inumin kundi mahalaga rin sa iba pang
bagay tulad ng paglilinis ng katawan, paliligo,
paghihilamos, at pagsesepilyo.

Mahalaga rin ang tubig sa


mga gawaing-bahay tulad ng
paglalaba, pagluluto, paghuhugas
ng pinggan, paghuhugas ng mga
sasakyan, at iba pa.

Hindi lamang sa tao mahalaga ang


tubig kundi pati sa mga hayop, halaman,
at mga puno. Kailangan ring uminom ng
hayop para mabuhay. Ang mga halaman ay
mabubuhay lamang kapag nadidiligan.
Kailangan rin ng mga puno ang tubig upang
lumago at mabuhay.
Hindi lamang sa bahay mahalaga ang tubig. Ito rin ay mahalaga sa mga pabrika
at pagawaan. Halos lahat ng produkto sa pabrika ay ginagamitan ng tubig.

Ang tubig ay
maaari ding pagmulan ng
enerhiya o kuryente. Ang
lakas na nagmumula sa
talon o naipong tubig mula sa mga dam ay nako-
convert sa mga hydroelectric plant upang
maging enerhiya.

Bilang isang kapuluan ay malaki din ang


nagagawa ng yamang-tubig natin sa
transportasyon. Ang tubig ay isang
napakahalagang daan para sa mas murang
paglalakbay sa pagitan ng mga pulo sa ating
bansa.

Hindi rin matatawaran ang nagagawa ng turismo sa ating bansa. Dinarayo tayo
ng mga turista upang pasyalan ang magaganda nating anyong-tubig. Nakatutulong sa
paglago ng ating ekonomiya ang pagdating ng mga turista upang mamasyal,
magrelaks, at lumangoy sa ating magagandang dalampasigan.
Mga Likas na Yaman mula sa Tubig

Ang mga isda ay isa sa


mahalagang yamang-tubig Paborito rin ng marami
sapagkat kasama na ito sa ang ilan pa sa mga yamang-
tubig tulad ng pusit, hipon, at
pang-araw-araw na pagkain
alimango.
ng tao. Ang mga isdang tulad
ng tilapia, bangus,
galunggong, tuna, at iba pa
ang madalas nating kinakain.

Ang mga seaweed ay


Sa yamang-tubig rin galing ang
nagmula rin sa yamang-tubig.
mga kabibe, tahong, at talaba. May
Kinakain ito ng mga tao at ang
ilang kabibe namang napagkukunan
iba naman ay pinapatuyo o
ng mga perlas na pwedeng gawing
pinoproseso para sa iba’t ibang
palamuti tulad ng singsing, kuwintas,
uri ng produktong gawa dito.
hikaw, at iba pa.

Mula sa mga isda at iba pang yamang-tubig ay


nakagagawa rin ng mga bagoong, patis, sardinas, daing,
tuyo, at iba pa.

Ang isa pang mahalagang produkto na mula sa


tubig partikular sa dagat ay ang asin.
Pangangalaga sa mga Katubigan at Likas na Yaman mula sa Tubig

Nalaman mo kung gaano kahalaga ang ating yamang-tubig. Walang mabubuhay


kapag nawala ang tubig, kaya naman dapat lamang nating pangalagaan at ingatan ang
ating mga katubigan. Kahit saang lalawigan o rehiyon ka man nakatira ay may
magagawa ka para pangalagaan ang ating katubigan. Narito ang ilang paraan:

 Ugaliing isara ang gripo kung hindi ginagamit.


 Gumamit ng baso kapag nagsesepilyo.
 Isara muna ang shower habang nagsasabon ka pa.
 Makabubuti ang paggamit ng timba at tabo sa pagligo.
 Isara ang gripo kapag puno na ang palanggana habang nagbabanlaw ng labada.
 I-recycle o gamitin muli ang tubig na pinagbanlawan.
 Gumamit ng timba kapag naglilinis ng sasakyan o nagdidilig ng halaman.
 Huwag hulihin at kainin ang mga hayop sa dagat na malapit ng maubos.
 Huwag gumamit ng dinamita, lason, o kuryente sa pangingisda.
 Gumamit ng lambat na may katamtamang laki lamang ang butas.
 Huwag magtapon ng basura sa mga daluyan ng tubig.
 Huwag sirain ang mga korales, bakawan, at mga halamang-dagat.
 Huwag magtapon ng plastik, langis, dumi ng hayop, at iba pang basura
sa katubigan.
 Isumbong sa mga samahang tulad ng “Bantay Kalikasan” ang mga
pabrikang nagtatapon ng nakalalasong kemikal sa katubigan.
Pangalan:
Petsa:
Baitang at Pangkat:
Asignatura:

GAWIN MO
Gawain 2
Pagdugtungin ng linya ang mga likas na yaman sa maaaring maging produkto nito.

1.

2.
3.

4.

5.

bang lalawigan at rehiyon sa ating bansa ay nagtataglay ng mga yamang-tubig tulad ng …


tubig na naiinom at nagagamit natin sa paliligo, paglalaba, paglilinis, nagagamit din sa mga pabrika o pagawaan, at gayundin sa paglikha n
uri ng isda at mga hayop sa dagat
kabibe, at tahong
es, bakawan, at iba pang halamang dagat
bang produktong nagmumula sa mga nabanggit na likas na yaman.
gaan, at ingatan ang mga yamang-tubig dahil napakahalaga ng mga ito sa tao at sa lahat ng nabubuhay.
NATUTUHAN KO
A. Hanapin at kulayan ang mga likas na yaman mula sa tubig ang makikita sa
kahon. Isulat sa ibaba ang mga tawag o pangalan ng mga kinulayan.

1. 4.

2. 5.

3. 6.

B. Magbigay ng mga paraan upang makatulong sa pangangalaga sa mga katubigan


at mga likas na yaman mula sa tubig.

1.
2.
3.
4.
5.
13

Pangalan: Bilang sa klase:

ARALIN 2 MGA PANGANIB SA AKING REHIYON,


(Linggo 2) MATUTUGUNA KUNG MAPAGHAHANDAAN

SIMULAN MO

Ano-anong mga panganib ang maaaring


maranasan ng aming lalawigan?

Paano kaya makakaiwas sa panganib na


dulot ng mga ito?

Gawain 1
Sagutin ang Anticipation-Reaction Guide ng dalawang beses. Una, bago ang aralin at
gawin ulit pagkatapos ng aralin.

Sagot bago ang Aralin Mga Katanungan Sagot pagkatapos ng Aralin

Ano-anong mga
panganib ang
maaaring
maranasan ng
aming lalawigan?

Paano kaya
makakaiwas sa
panganib na dulot
ng mga ito?

AP 3 Prepared by: Joan Balbao/joan_agUMBay@yahoo.com/09974200160


Lokasyon at Katangiang Pisikal ng Bansa na Maaaring Magdala ng Panganib

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-


Silangang Asya. Ito ay isang kapuluang binubuo
ng 7,641 malalaki at maliliit na isla. Ito’y
nakalatag sa daanan ng bagyo o typhoon belt
kaya naman, tinatayang nasa 20 hanggang 25
na bagyo ang dumaraan sa Pilipinas taon-taon.

Ang ulan at hanging dala ng mga


pumapasok na bagyo ay nagdadala ng mga
panganib tulad ng storm surge sa mga lalawigan at rehiyong nakaharap sa mga
dalampasigan, pagbaha sa mabababang lugar, at
pagguho ng lupa sa mga lugar na malalapit sa mga
anyong-lupa tulad ng bundok, bulkan, at buról.

Maliban dito, matatagpuan din ang Pilipinas sa


tinatawag na Pacific Ring of Fire kaya naman isa sa
mga panganib na kinakaharap natin ay ang pagsabog
ng mga bulkang nasa ating paligid at ang panganib na
dala ng lindol o paggalaw ng lupa.

Mga Sakunang Naranasan ng ilang Lalawigan at Rehiyon

Lindol sa Bohol at Karatig na Lalawigan

Noong Oktubre 15, 2013 ay isang


lindol na may magnitude 7.2 ang tumama sa
Bohol. Naramdaman din ito ng mga kalapit
na lalawigan at iba pang rehiyon.
Sa lakas ng lindol ay umabot sa
mahigit dalawandaang katao ang nasawi.
Bumagsak at nasira din ang mahigit 73,000
mga tahanan at gusali, kabilang ang mga
naggagandahang lumang simbahang
dinarayo ng mga turista.
15

Ang Bagyong Yolanda

Nobyembre 8, 2013, sinalanta ng


Bagyong Yolanda ang parte ng Visayas,
lalawigan ng Leyte gayundin ang iba pang
lalawigan sa Rehiyon 8 at maging sa mga
kalapit na rehiyon. Ang Yolanda ang
pinakamalakas na bagyong naitala sa
kasaysayan.
Ang bagyo ay nagdala ng
napakalakas na hangin at ulang naging
sanhi ng daluyong o storm surge na nagdulot ng mabilis at malawakang pagbaha.

Malawakang Pagbaha dahil sa Bagyong Ondoy

Sa rehiyong NCR naman at mga


karatig na rehiyon rin ay nakaranas ng
malawakang pagbaha noong Setyembre
26, 2009. Dahil sa walang tigil na pag-ulan
dala ng bagyong Ondoy, umabot sa halos
limang milyong mamamayan ang
naapektuhan at naging dahilan ng
pagkamatay ng mahigit tatlong daang
katao.

Maagap at Wastong Pagtugon sa mga Panganib na Madalas Maranasan sa


Sariling Rehiyon
 Magmonitor sa kalagayan ng anyong-tubig sa inyong lugar.
 Makinig at sumunod sa mga paalala ng inyong mga pinunó.
 Sumunod sa mga babala upang makaiwas sa mga kapahamakan.
 Maging mapagmatyag o mag-obserba sa mga nangyayari sa kapaligiran.
 Iwasang lumabas ng bahay kapag masama ang panahon.
 Umiwas o lumikas muna kung may bulkang nagbabadyang pumutok sa
inyong lugar.
 Planuhing mabuti ang pagtatayo ng mga bahay.
 Alamin ang mga lugar sa sariling pamayanan, lalawigan, o rehiyong sensitibo
sa panganib.
 Magkaroon ng Emergency Drill at maghanda ng Go Bag o Emergency Kit.

AP 3 Prepared by: Joan Balbao/joan_agUMBay@yahoo.com/09974200160


Pangalan: Petsa:
Asignatura:
Baitang at Pangkat:

GAWIN MO

Gawain 2
Isulat sa linya ang Tama kung wasto a ng sinasabi ng pangungusap at Mali naman
kung hindi.

1.Sumunod sa mga babala ng pamahalaan upang makaiwas sa kapahamakan.


2.Ang mga bagyo ay maaaring magdulot ng malaking pinsala sa pamayanan.
3. Hindi nabibilang ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire.
4. Ugaliing makinig at manood ng mga balita tungkol sa bagyong paparating.
5. Huwag magtatapon ng basura kung saan-saan.

Gawain 3
Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Bilugan ang titik ng wastomng sagot.

1. Sa panahon ng bagyo, kinakailangan nating .


a. manatili sa loob ng bahay b. maligo sa ulan c. mamasyal sa labas
2. Dahil sa lakas ng ulan ay bumaha sa inyong lugar. Ano ang gagawin mo?
a. maglaro sa baha b. hayaan lamang c. sumunod agad sa mga panawagan
3. Kapag lumindol kailangang .
a. mataranta at sumigaw b. umiyak ng malakas c. magtago sa ilalim ng mesa
4. Napanood mo sa balita na may paparating na malakas na bagyo. Ano ang
dapat mong gawin?
a. maghanda ng emergency kit b. hayaan lamang c. matulog na lang
5. Mayroong Earthquake Drill na gagawin sa inyong paaralan. Ano ang dapat
mong gawin?
a. makikiisa sa drill b. matutulog na lang c. magpapasaway
 Ang lokasyon at topograpiya o ang mga anyong-tubig at anyong-lupang nakapaligid sa
lalawigan at rehiyon ay may kinalaman sa mga sakunang maaaring mangyari tulad ng …
 Madalas na pagpasok ng bagyo dahil sa typhoon belt o sa mga mismong daanan
ng bagyo ang lokasyon ng ating bansa.
 Pagputok ng bulkan at madalas na paglindol sanhi ng paggalaw ng lupa dahil
nasa Pacific Ring of Fire ang lokasyon ng Pilipinas.
 Pagguho ng lupa sa mga lugar na malalapit sa matataas na anyong-lupa.
 Pagkakaroon ng storm surge sa mga lugar na malalapit sa dagat.
 Madalas na pagbaha sa mabababang lugar.
 Makatutulong ang maagap at wastong pagtugon sa mga panganib na madalas
maranasan sa sariling lalawigan upang makaiwas sa kapahamakan. Maaaring gawin ang
mga sumusunod:
 Magmonitor sa kalagayan ng anyong-tubig sa inyong lugar.
 Makinig at sumunod sa mga paalala ng inyong mga pinunó.
 Sumunod sa mga babala upang makaiwas sa mga kapahamakan.
 Maging mapagmatyag o mag-obserba sa mga nangyayari sa kapaligiran.
 Iwasang lumabas ng bahay kapag masama ang panahon.
 Umiwas o lumikas muna kung may bulkang nagbabadyang pumutok sa inyong lugar.
 Planuhing mabuti ang pagtatayo ng mga bahay.
 Alamin ang mga lugar sa sariling pamayanan, lalawigan, o rehiyong sensitibo sa
panganib.
 Magkaroon ng Emergency Drill at maghanda ng Go Bag o Emergency Kit.

NATUTUHAN KO

A. Anong panganib ang posibleng dala ng lokasyon ng mga lugar sa bawat


sitwasyon. Piliin sa kahon ang wastong sagot.

a. Pagbaha d. Pagputok o pagsabog ng bulkan


b. Paglindol e. Daluyong o storm surge
c. Pagguho ng lupa o landslide
1. Malapit ang tirahan nila Ana sa isang bulkan. Anong panganib
ang kailangan nilang bantayan tungkol sa bulkan?
2. Nakatira sila Jun sa tabing-dagat. Anong panganib ang kailangan nilang
iwasan lalo na kapag may bagyo?
3. Nasa Pacific Ring of Fire ang lokasyon ng Pilipinas. Anong panganib
ang dapat paghandaan ng mga tao kaugnay sa paggalaw ng lupa?
4. Katabi lamang ng isang bundok ang bahay nila Tessa. Anong
panganib ang dapat nilang bantayan lalo na kung masama ang
panahon?
5. Mababa ang lugar ng tirahan nila Maya. Anong panganib ang
maaaring mangyari sa kanilang lugar lalo na kung tuloy-tuloy ang pag-
ulan.

B. Punan ang talahanayan ng ilang panganib na dala ng kalikasan ang maaaring


maranasan sa sariling lalawigan. Isulat rin ang maagap at wastong pagtugon sa
bawat panganib.

Mga Panganib na Dala ng Maagap at Wastong Pagtugon


Kalikasan

1.

2.

3.
TRANSFER ACTIVITY 1

Araling Panlipunan 3

Paksa: Ang klima at Panahon sa aking lalawigan

Layunin:
 Nabibigyan ng maikling paglalarawan ang nararanasang panahon sa sariling
lalawigan
 Naoobserbahan ang kalagayan ng temperatura sa sariling lugar

Kagamitan:
 mga larawan
 bond paper (2-3 pcs)
 gunting
 glue
Direksiyon:
 Gumawa ng isang linggong talaan ng kalagayan ng panahon o temperatura
sa inyong lugar tuwing 12:00 ng tanghali.
 Sumulat ng paglalarawan sa panahon na iyong nararanasan o nakikita
 Kunan ng larawan ang kalangian at idikit sa tsart

Halimbawa:
Lunes Martes Miyerkoles Huwebes Biyernes Sabado Linggo
Paglalarawan
sa kalagayan
ng panahon

Larawan

Pagmamarka:
 Kumpleto ang bilang 10 puntos
 May malinaw na paglalarawan sa bawat araw 10 puntos
 Malinis at maayos ang pagkakagawa 10 puntos
30 puntos
20
Pangalan: Bilang sa klase:

ARALIN 3 ANG KUWENTO NG AKING LALAWIGAN AT


(Linggo 3) REHIYON

SIMULAN MO

Bakit kaya mahalagang malaman ng batang


tulad ko ang kwenti n gaming lalawigan?

Makakatulong ba sa aming pamumuhay ang


mga kasaysayan ng aming lalawigan?

Gawain 1
Sagutin ang Anticipation-Reaction Guide ng dalawang beses. Una, bago ang aralin at
gawin ulit pagkatapos ng aralin.

Sagot bago ang Aralin Mga Katanungan Sagot pagkatapos ng


Aralin

Bakit kaya
mahalagang
malaman ng batang
tulad ko ang kwento
ng aming lalawigan?

Makakatulong ba sa
aming pamumuhay
ang mga
kasaysayan ng
aming lalawigan?

AP 3 Prepared by: Joan Balbao/joan_agUMBay@yahoo.com/09974200160


21

Ang Kuwento ng isang Lalawigan sa Luzon


Ang lalawigan ng Isabela ay
isa sa limang lalawigan sa Rehiyon 2
na tinatawag ding Lambak ng
Cagayan. Ang lokasyon n gaming
Rehiyon ay nasa hilagang-silangan
bahagi ng Luzon. Ito ang
pangalawang pinkamalawak na
lalawigan sa buong bansa.
Noong una’y bahagi lamang ng
Cagayan at Nueva Vizcaya ang lsabela. Ngunit nabago ito alinsunod sa isang Royal
Decree, ang lalawigang Isabela ay naging ganap ng lalawigan. Ang pangalang Isabela
ay nagmula sa pangalan ni Reyna Isabela II ng Espanya. Isinunod ang pangalan na ito
sa kanya bilang pagpaparangal, at ito ay nangyari sa pamumuno noon ng isang
Gobernador-Heneral ng Pilipinas noon.

Ilang Pagbabago at Pagpapatuloy ng Lalawigan


Sa panahon ng mga Amerikano ay nakapagpatayo ng maraming paaralan.
Bumuti rin ang lagay ng mga kalsada at iba pang empraestruktura. At nagkaroon ng
maramig pagbabago sa sistemang politikal. Subalit hanggang sa ngayon ay nanatiling
may kinalaman sa agrikultura ang pangunahing hanapbuhay sa lalawigan ng Isabela.

Ang Kuwento ng isang Lalawigan sa Visayas


Ang lalawigan ng Iloilo ay tinatawag na
“Heart of the Philippines” o pinakapuso ng
Pilipinas. Sa mapa kase ay nasa gitnang
bahagi ito at ang isla ng Panay, kung saan ito
matatagpuan ay may hugis puso. Ang Iloilo ay
isa sa anim na lalawigan ng Rehiyon 6 o
Kanlurang Visayas.
Ang Ilo-ilo ay nagmula sa salitang
Irong-Irong dahil raw sa hugis nitong tila
isang ilong. Sa katagalan ang pangalang ito ay naging Iloilo.
Noon pa man ay naging bahagi na ng kalakalang pandaigdig ang Iloilo kaya’t
naging maunlad ang ekonomiya nito.

AP 3 Prepared by: Joan Balbao/joan_agUMBay@yahoo.com/09974200160


Mga Pagsubok na Hinarap ng Lalawigan ng Iloilo
Patuloy na naging maunlad ang ekonomiya ng Iloilo hanggang sa dumating ang
ikalawang Digmaang Pandaigdig na bumago sa lahat. Nagkaroon ng malaking sunog
na tumupok sa maraming negosyo, at unti-unting umalis ang mayayamang
mamamayan na namumuhunan, kaya’t bumagsak ang napakarami ding negosyo sa
kanila. Subalit hindi nagpatalo ang mamamayan nito sa mga pagsubok at muling
bumangon. Sa kasalukuyan ay isa ang Iloilo sa maunlad at nangungunang lalawigan sa
ating bansa.

Ang Kuwento ng isang Lalawigan sa Mindanao


Ang Misamis Oriental ay isa sa limang lalawigan sa Rehiyon 10 o Hilagang
Mindanao. Ang pangalang Misamis ay nagmula sa salitang misa. Noon daw kasi na
bago pa lamang ang Kristiyanismo sa bansa,
sa tuwing umiikot ang mga pari ay nakikita nila
ang mga mamamayan na sumisigaw ng “Misa!
Misa!” Sa katagalan ay tinawang ng mga
misyonaryong Espanyol ang lalawigan bilang
Misamis. Sa kasalukuyan ang Misamis ay isa
sa lalawigan ng Mindanao na nangunguna sa
kalakalan at pag-unlad dahil na din sa
pagtutulungan ng mga mamamayan.
Mayaman sa lupain at katubigan ang
lalawigan ito.

Ang Kuwento ng Marikina at Mga Pagsubok na Pinagdaanan nito


Ayon sa kasaysayan, isa ang
Marikina sa mga lugar na napupuntahan o
nadadaanan noon ng ilang mga bayani,
tulad ni Andres Bonifacio.
Panahon ng mga Amerikano ay
naging parte ng Rizal Province ang
Marikina. Noong dumating ang mga
Hapon ay sinakop nila ang Maynila at
kasama ang Marikina, ngunit hindi
pumayag ang mga Amerikano kaya’t
nagkaroon ng digmaan na naging sanhi
sa pagkasira ng maraming impaestruktura
sa
Marikina. At dahil rin sa digmaan ay napakaraming sibilyan ang namatay noon, ngunit
nagtagumpay ang sanib pwersa ng mga Amerikano at Pilipino noon kaya napalaya ang
Maynila.
Unang tinawag na “Mariquina” ang lugar ng Marikina ng mga paring Espanyol
na hango sa pangalan din ng kanilang lugar sa Espanya, at naglaon ay naging
Marikina.
Nakilala ang Marikina sa paggawa ng magaganda at matitibay na sapatos dahil
kay Don Laureano “Kapitan Moy” Guevara. Siya ay isang mayamang manlalakbay
simula pa noon, at nagpasimula sa paggawa ng mga sapatos. Sa kasalukuyan ay ang
Marikina pa rin ang itinuturing na “Shoe Capital of the Philippuines”

Pangalan: Petsa:
Asignatura:
Baitang at Pangkat:

GAWIN MO
Gawain 2
Basahin at unawain ang pahayag. Isulat ang Tama kung wasto ang sinasabi ng
pangungusap at Mali naman kung hindi.

1. Humina ang ekonomiya sa lalawigan ng Iloilo dahil sa naganap na


ikalawang Digmaang Pandaigdig na tumupok ng maraming
hanapbuhay.
2. Si Don Laureano Guevara ay isang simpleng magsasaka na mula
sa lalawigan ng Isabela.
3. Nakapagpatayo ng maraming paaralan at gumanda ang mga
kalsada sa lalawigan ng Misamis noong panahon ng mga Amerikano.
4. Naging parte ng Rizal Province ang Marikina noong panahong sakop
tayo ng mga Amerikano.
5. Ang Ilo-Ilo ay mula sa salitang Irong-Irong na ang ibig sabihin ay
hugis ilong.

Gawain 3
Tukuyin kung anong lalawigan ang tinutukoy ng pahayag. Isulat sa linya kung ito ba ay
Isabela, Iloilo, Misamis, at Marikina.

1. Tinaguriang “Shoe Capital of the Pilippines” ang bayan na ito.


2. Nagmula ang pangalan nito sa sigaw ng mga taong “Misa!”.
3. Ang pangalan naman ng lalawigan na ito ay nagmula sa ngalan ng
isang Reyna.
4. Ang lalawigang ito ay tinatawag na “Heart of the Philippines” o
pinakapuso ng Pilipinas.
5. Nagmula sa mga paring Espanyol ang pangalan ng lugar na ito
na hinango sa kanilang pinanggaling bansa
Ang iba’t ibang lalawigan sa ating bansa ay mga kasaysayan nagpapakita ng pagpapatuloy, pagbabago, at paglago. M
-pagbabago ng pangalan o pagkakahati ng lugar na nagdudulot ng panibagong pangalan
-pagbabago ng mga hanapbuhay at mga uri ng pamumuhay ng mga tao
-at iba pa.

NATUTUHAN KO

A. Basahin at unawain. Magbigay ng maikling paliwanag sa bawat katanungan.

1. Bilang isang mag-aaral o mamamayang Pilipino, dapat nyo bang ipagmalaki


ang lalawigang kinabibilangan nyo? Bakit?

2. Paano ninyo mailalarawan ang inyong kinabibilangang lungsod ngayon?


25
Pangalan: Bilang sa klase:

ARALIN 4 MGA MAKASAYSAYANG POOK AT MGA


(Linggo 4) SAKSI NG KASAYSAYAN

SIMULAN MO
Bakit mahalaga ang mga makasaysayang
pook o pangyayari sa ating pamumuhay?

Bakit mahalagang alam ng batang tulad mo


ang mga makasaysayang pook sa Pilipinas
gayundin ang mga pangyayari sa likod ng
mga lugar na ito?

Gawain 1
Sagutin ang Anticipation-Reaction Guide ng dalawang beses. Una, bago ang aralin at
gawin ulit pagkatapos ng aralin.

Sagot bago ang Aralin Mga Katanungan Sagot pagkatapos ng Aralin

Bakit mahalaga ang


mga
makasaysayang
pook o pangyayari
sa ating
pamumuhay?

Bakit mahalagang
alam ng batang
tulad mo ang mga
makasaysayang
pook sa Pilipinas
gayundin ang mga
pangyayari sa likod
ng mga lugar na
ito?

AP 3 Prepared by: Joan Balbao/joan_agUMBay@yahoo.com/09974200160


26

Pagbabago at Pagpapatuloy ng Sariling Lalawigan sa Kinabibilangang Rehiyon

Tulad ng isang batang lumalaki, nagbabago, at lumalago sa pagdaan ng mga


taon, ang ating mga bayan at lalawigan man ay patuloy ring nagbabago sa pagdaan ng
panahon. Maaaring magkaroon ng bagong gusali, kalsada, tulay, parke, at iba pang
estruktura ang naipatayo. Subalit sa kabila ng mga pagbabago at pagpapatuloy na ito,
pinapahalagahan parin ng bawat lalawigan ang bawat pangyayaring naging
mahalagang bahagi na ng kanilang kasaysayan.

Mga Makasaysayang Pook

Krus ni Magellan
Si Magellan ay isang Portuges na naglakbay sa
sa ngalan ng Espanya sa paghahanap ng Spice
Islands. Gayunpaman, siya at ang kanyang mga
kasamahan ay napadpad sa isla ng Homonhon sa
lalawigan ng Samar noong Marso 16, 1521. Dito nila
itinayo ang isang kahoy na Krus at nagdaos ng kauna-
unahang misa sa Pilipinas.
Pagkalipas ng ilang araw ay naglakbay papunta
sa Cebu sila Magellan at nagtayo din ng kahoy na krus
bilang tanda ng pagpapalaganap ng Katolisismo sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ito ay
nasa isang kapilya sa tabi ng Basilica Minore ng Santo Niño sa Cebu.

Mactan Shrine
Nalaman ni Datu Lapu-lapu, isang datu ng Mactan,
ang pagdating ng mga Espanyol. Tumanggi sila na
magpasakop sa mga ito kay nilusob sila ng pangkat ni
Magellan. Mas maraming mandirigma noon kaya
nagwagi ang pangkat ni Lapu-lapu na ang tanging gamit
lamang ay gulok, panang may lason, at kahoy na
kalasag laban sa mga baril nila Magellan. Napatay si
Magellan sa Mactan, at itinanghal na kauna-unahang
bayani si Lapu- lapu ng Pilipinas. Kapwa nasa Mactan
ang bantayog ni Magellan at ang bantayog ni Lapu-lapu
na nakatindig ng
matipuno habang hawak ang isang mahabang gulok at kalasag na kahoy.

AP 3 Prepared by: Joan Balbao/joan_agUMBay@yahoo.com/09974200160


27

Dapitan
Ipinatapon sa Dapitan, na matatagpuan sa
lalawigan ng Zamboanga del Norte ang ating itinuturing
na pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal noong
Hulyo 1892 upang maipatigil ang tumitinding
paghihimagsaik ng mga Pilipino laban sa
pamahalaan.Dito ay nagamit ni Rizal ang kayang
kakayahang manggamot. Naging pasyente niya ang
mga mahihirap na walang pambayad at mayayamang
sinisingil niya ng mahal.
Maraming nagawa si Rizal habang nasa Dapitan.
Nagturo sa mga bata, tumulong sa mga magsasaka ng makabagong paraan ng
pagsasaka. Pinasimulan ang patubig upang magkaroon ng malinis na tubig at mga
tahanan, at marami pang iba.

Fort Santiago

Ang Fort Santiago ay nasa Intramuros, Maynila.


Ipinagawa ito ni Miguel Lopez de Legazpi upang
kanyang maging tirahan at tirahan din ng iba pang
Espanyol. Naging kuta ito noong panahon ng mga
Espanyol. Sa mga kulungan nito ay kinukulong at
pinahihirapan ang mga Pilipinong lumalaban noon sa
mga Espanyol. Dito rin ikinulong si Dr. Jose Rizal bago
siya binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na
Luneta o Rizal Park.

Rizal Park o Luneta


Ito ay naging makasaysayan dahil sa
dalawang pangyayaring nagkaroon ng epekto sa
kasaysayan ng ating bansa. Ang una ay ang
pagbitay sa tatlong paring martir na sina Padre Jose
Burgos, Padre Mariano Gomez, at Padre Jacinto
Zamora o GomBurZa noong Pebrero 17, 1872.
Masaki tang pangyayari na ito, ngunit lalong nag-
alab ang mga Pilipino sa damdaming makabayan.
Inalay nila para sa tatlong pari ang nobela ni Rizal na
El Filibusterismo. Subalit dahil sa pagsulat nya nito
at ng kanyang nobela na Noli Me Tangere, kinasuhan at ikinulong siya. Nahatulan ng
kamatayan si Rizal at binaril sa Luneta noong Disyembre 30, 1896.

AP 3 Prepared by: Joan Balbao/joan_agUMBay@yahoo.com/09974200160


Biak- na- Bato

Sa tagong kuweba ng Biak-na-Bato sa Bulacan,


lihim na nagtitipin-tipon ang mjga katipunero sa
pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo sa kanilang
gagawing rebolusyon. Layunin nila ang
Rebolusyonaryong Pamahalaan na naglalayong ihiwalay
ang Pilipinas sa kaharian ng Espanya at itatag ang isang
bansang nagsasarili. Nagyari naman ito noong
Nobyembre 1897.

Kawit, Cavite
Sa balkonahe ng tahanan ni Emilio Aguinaldo
inihayag ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanyol
nong Hunyo 12, 1898. Iwinagayway ang watawat ng
Pilipinas na ginawa nina Marcella Agoncillo, Lorenza
Agoncillo, at Delfina Herbosa sa Hong Kong, Kasabay
ng pagtugtog ng “Marcha Filipina Magdalo” Na nilikha
ni Juan Felipe. Ito ay kilala ngayong “Lupang Hinirang”
o Pambansang Awit ng Pilipinas.

Dambana ng Kagitingan
Ang isa sa madidilim na bahagi ng ating kasaysayan
ay ang pagsakop sa atin ng Hapon noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Maraming Pilipilno noon ang
pinahirapan at pinatay ng mga hapones. Noong Abril 9,
1942 ay pinalakad ng mga Hapones ang mga sumukong
sundalong Amerikano at Pilipino mula Bataan hanggang
San Fernanado, Pampanga. At pinalakad muli mula
Capas Tarlac hanggang Camp O’Donnel Tarlac.
Tinawag itong “Death March” o Martsa ng Kamatayan
dahil sa dami ng sundalong namatay dahil sa sobrang
uhaw, gutom, pagod, at sakit. Itinayo ang Dambana ng Kagitingan sa Bundok Samat sa
Bataan bilang paggunita at pagpaparangal sa kanilang kabayanihan.
Leyte Landing Memorial
Nabuhayan ang mga Pilipino nang dumating si
Heneral Douglas MacArthur kasama ang mga pinalakas
na pwersa ng mga Amerikanong sundalo noong
Ikalawang Digmaan Pangdaigdig. Tinupad niya ang
pangako niyang “I shall return”. Sa pagkakataong ito ay
natalo na ang mga Hapones, at nakuha uli ng mga
Pilipino ang kalayaan sa tulong ng mga Amerikano
noong Oktubre 20, 1944. Bilang pasasalamat ay itinayo
ang Leyte Landing Memorial o MacArthur Park sa Palo,
Leyte.

EDSA Shrine

Naging Malaya ang Pilipinas sa pananakop ng


mga dayuhan at nagsarili pagkatapos ng mahabang
panahon. Subalit muling nakaramdam ang mga
Pilipino ng hirap ng ideklara ni dating Pangulong
Ferdinand Marcos ang Martial Law noong 1972.
Nawalan ng kakayahan ang mga mamamayang
magsalita ng kanilang nasa isip at nasa puso. May
mga lumaban ngunit naipakulong, naparusahan, o
nawala na walang due process.
Isa sa mga nakulong ay ang nangungunang kritriko ni Marcos na si Senador
Benigno Aquino Jr.. Pinayagan siyang makapagpagamot at mamuhay ng tahimik sa
Amerika dahil sa sakit sa puso. Gayunpaman ay nagpasya siyang bumalik sa bansa
kahit pinayuhan na siyang huwag na, subalit nanindigan siya at naniniwalang “The
Filipino is worth dying for.”
Ngunit sa Manila International Airport na ngayon ay Ninoy Aquino International
Airport ay binaril at napatay si Ninoy noong Agosto 21, 1983. Nagalit ang napakaraming
mamamayan at nagkaroon ng naparaming rally upang maipahayag ang galit nilang
damdamin. Tumakbo bilang pangulo ang biyuda nitong asawa na si Corazon Aquino,
subalit nagkaroon ng dayaan sa eleksyon. Bumuhos ang suporta ng halos dalawang
milyong mamamayan sa EDSA noong Pebrero 22 hanggang 25, 1986. Isang
mapayapang pag-aalsa na tinawag ding “EDSA People Power Revolution” ang
nagpatalsik sa 21 taong pamumuno ni dating Pangulong Marcos. Bilang pagpaparangal
sa lakas ng mamamayang nagpatalsik sa isang pinuno na walang dumanak na dugo ay
itinayo ang EDSA Shrine, isang simbahang Katoliko sa kanto ng Ortigas Avenue noong
1989.
Pangalan: Petsa:
Asignatura:
Baitang at Pangkat:

GAWIN MO

Gawain 2
Lagyan ng tsek () ang bilog kung wasto ang sinasabi ng pahayag at ekis ()
naman kung hindi. Gawing basehan ang mga may guhit na salita.

1. Ipinatapon si Dr. Jose Rizal sa Luneta, at doon ay nagamit niya ang


kanyang kakayahang manggamot.

2. Naging lihim na kitaan ng mga katipunero sa pamumuno ni Emilio


Aguinaldo ang Biak-na-Bato sa Bulacan.

3. Naging kulungan at lugar ng pagpapahirap ang Fort Santiago noon para sa


maraming Pilipino sa kamay ng mga Espanyol.

4. Ang mapayapang pag-aalsa o “EDSA People Power Revolution” laban sa


dating Pangulong Marcos ay naganap sa EDSA noong 1986.
.
5. Itinayo ang Dambana ng Kagitingan bilang pag-alaala sa tulong ng mga
Amerikano noon na mabawi ang kalayaan ng Pilipinas laban sa mga
Hapones.

Tukuyin ang mga panahon/taon na hinahanap sa bawat bilang. Piliin ang sagot
mula sa kahon.

Gawain 3
Tukuyin ang panahon/taon na hinahanap sa bawat bilang. Piliin ang sagot mula sa
kahon.

Abril 9, 1942 Hunyo 12, 1898


Oktubre 20, 1944. Pebrero 17, 1872.
Disyembre 30, 1896.
1. Panahon na tinupad ni Heneral Douglas MacArthur ang kanyang
pangakong “I shall return” at nakamit muli ang kalayaan laban
sa mga Hapones.
2. Ito ang panahon kung saan naganap ang pagbitay sa tatlong
paring martir o mas kilala natin bilang GomBurZa sa Luneta.
3. Sa taon na ito naganap ang “Death March” o parusang
pagpapalakad ng sobrang haba at tagal sa mga
sumukong sundalong Pilipino at Amerikano.
4. Taon kung kailan nahatulan at binaril si Dr. Jose Rizal sa
salang ipinataw sa kanya, dahil sa pagsulat ng mga nobelang
EL Filibusterismo at Noli Me tangere.
5. Ito ang taon kung saan iwinagayway sa kauna-unahang
pagkakataon ang watawat ng Pilipinas sa balkonahe ng bahay ni
Emilio Aguinaldo.

. Mahalagang alam mo ang bawat kuwento sa likod nito para magbigay aral sa ioyo at maibahagi mo din sa iba. Masasalamin sa mga pook

nod pa na henerasyon ang naging sakrispisyo ng nakararami, makamit lamang an gating kalayaan.
32

NATUTUHAN KO

Kilalanin ang
bawat makasaysayang pook. Isulat ang tamang sagot sa linya.

1. 6.

2. 7.

3. 8.

9.
4.

5.
10.

AP 3 Prepared by: Joan Balbao/joan_agUMBay@yahoo.com/09974200160


33
Pangalan: Bilang sa klase:

ARALIN 5 MGA BAYANI SA AKING LALAWIGAN AT


(Linggo 5) REHIYON

SIMULAN MO

Gaano kahalaga na alam natin at kilala ang


mga bayani ng ating lalawigan?

Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga


at pasasalamat sa ating mga bayani para sa
mga nagawa nila sa kapwa at sa bayan?

Gawain 1
Sagutin ang Anticipation-Reaction Guide ng dalawang beses. Una, bago ang aralin at
gawin ulit pagkatapos ng aralin.

Sagot bago Mga Katanungan Sagot pagkatapos ng


ang Aralin Aralin

Gaano kahalaga na
alam natin at kilala ang
mga bayani ng ating
lalawigan?

Paano mo maipapakita
ang pagpapahalaga at
pasasalamat sa ating
mga bayani para sa
mga nagawa nila sa
kapwa at sa bayan?

AP 3 Prepared by: Joan Balbao/joan_agUMBay@yahoo.com/09974200160


34

Ang Pagiging isang Bayani


Marami sa mga taong itinuturing nating bayani ay nakipaglaban para sa bayan.
Ang iba sa kanila ay nagbuwis ng buhay para lamang makamit ang kalayaan. Sila ay
ang mga bayaning tulad ni Jose Rizal, Andres Binifacio, at marami pang iba.
Subalit sa pagdaan ng panahon ay lumawak na rin ang kahulugan ng salitang
bayani. Hindi na lamang ang mga taong nagbubuwis ng buhay para sa bansa kundi pati
ang mga taong nakagagawa ng hindi pangkaraniwang kabutihan sa kapwa at sa bayan.

ILANG BAYANING NAGMULA SA LUZON

Ilang Bayani Mula sa NCR o National Capital Region

Andres Bonifacio- Tondo, Maynila. Siya ang nagtatag at namuno


ng Kataas-taasang, kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak
ng Bayan o KKK, isang lihim na samahan na lumaban sa mga
Espanyol para mapalaya ang bayan.

Gregoria de Jesus- Lungsod ng Caloocan. Tinawag siyang


“Lakambini ng Katipunan” dahil siya ang asawa ni Andres
Bonifacio. Naging bahagi din siya ng himagsikan at kasamang
nagsulong sa pag-aalsa para sa pambansang kalayaan.

Emilio Jacinto- Lungsod ng Maynila. Sa edad na 20 ay sumanib


siya sa katipunan at naging malapit na tagapayo at kalihim ni
Andres Bonifacio.

Melchora “Tandang Sora” Aquino- Lungsod ng Caloocan.


Matanda na nang sumiklad ang himagsikan pero naglingkod pa rin
siya sa pamamgitan ng pag-aalaga sa mga sugatan at may sakit na
Katipunero.

AP 3 Prepared by: Joan Balbao/joan_agUMBay@yahoo.com/09974200160


Ilang Bayani Nagmula sa Rehiyon 1

Diego Silang- Nagmula sa La Union subalit nanirahan sa


lalawigan ng Ilocos Sur. Namuno siya sa kilusang
rebolusyon laban sa Espanyol subalit siya’y pataksil na
pinatay ng sarili niyang mga kaibigan noong siya’y 33 taong
gulang pa lamang.

Gabriela Silang- Ilocos Sur. Kilala siyang “Joan of Arc” ng Ilocos. Nang
mapatay ang asawa na si Diego Silang ay ipinagpatuloy niya ang
pamumuno sa mga Pilipinong rebolusyonaryo ng Ilocos.

Juan Luna- Badoc, Ilocos Norte. Kilala bilang isa sa pinakadakilang


Pilipinong alagad ng sining dahil sa kanyang mga obra maestra lalo
na ang Spolarium. Naging bahagi din ng mga kilusang lumaban sa
Espanyol.

Antonio Luna- Siya ay si Heneral Antonio Luna na matapang na


namuno at lumaban sa puwersang Amerikano kaya naging
mahirap para sa mga ito ang pagsakop sa lalawigang nasa
hilagang Maynila.

Ilang Bayani Nagmula sa Rehiyon 3

Marcelo H. Del Pilar – Kupang, Bulacan. Siya ang nagtatag ng


makabayang pahayagan Diariong Tagalog. Naging Editor din ng
La Solidaridad at isa sa mga nanguna sa kilusang propaganda,
isang samahan ng mga Pilipinong aktibong nangampanya para sa
pagbabago.

Isodoro Torres- Malolos, Bulacan. Kilala siya sa tawag na


“Matanglawin”. Matapang siyang nakipaglaban ng maraming beses
sa mga Espanyol at maging sa mga Amerikano.
Gregorio Del Pilar- Bulacan, Bulacan. Kilala bilang “Batang Heneral”
dahil siya ang pinakabatang heneral na lumaban sa digmaang
Pilipino-Amerikano.

Ilang Bayani Nagmula sa Rehiyon 4-A

Jose Rizal- Calamba, Laguna. Hindi siya gumamit ng baril at gulok


sa kanyang pakikipaglaban para sa ating kalayaan sa halip ay
ginamit niya ang kanyang panulat at gumawa ng dalawang aklat:
ang Noli Me Tangere at EL Filibusterismo na nagbukas ng mga
mata ng mamamayang Pilipino sa pagmamalabis ng mga Espanyol.

Emilio Aguinaldo- Kawit, Cavite. Ipinahayag niya ang kalayaan ng


ating bansa mula sa balkonahe ng kanyang tahanan. Siya ay heneral
ng rebolusyon at kinikilalang unang pangulo ng Pilipinas.

Apolinario Mabini- Tanuan, Batangas. Kilala siyang “Dakilang


Lumpo” at “Utak ng Himagsikan”. Napatunayan niyang hindi hadlang
ang kapansanan sa pagsisilbi sa kapwa at sa bayan.

ILANG BAYANING NAGMULA SA VISAYAS

Graciano Lopez Jaena- Jaro, Iloilo. Isa siyang mamamahayag,


rebolusyonaryo at propagandista. Siya ang naging unang patnugot ng
La Solidaridad, ang pahayagang inilathala ng mga Pilipinog nag-aral sa
Espanya na nagparating sa mga hindi magandang kalagayan ng mga
Pilipino sa kamay ng mga Espanyol.

Lapulapu- Mactan, Cebu. Siya ang kilalang kauna-unahang


bayaning Pilipino dahil hindi siya pumayag na magpasakop sa mga
Espanyol. Namuno siya sa labanang nagyari sa Mactan, kung saan
napatay si Ferdinand Magellan.
ILANG BAYANING NAGMULA SA MINDANAO
 Muhammad Dipatuan Kudarat- Maguindanao. Kilala siya sa tawag na
Sultan Kudarat. Siya ay isang mahusay, matalino at matapang na sultan. Sa
ilalim ng kanyang pamumuno ay napagkaisa niya ang mga pinuno sa
Mindanao kaya’t hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na sakupin ng
lubusan ang kanilang teritoryo.

 Amai Pakpak- Marawi, Lanao del Sur. Kilala bilang si Datu Akadir, isang
matapang na mandirigmang Mëranao. Buong tapang niyang pinamunuan ang
pagtatanggol sa Kota Marahui (Marawi) na kilala na ngayong bilang Camp Amai
Pakpak.

ILANG BAYANI SA KASALUKUYANG PANAHON


 Efren Peñaflorida- Cavite. Pinarangalan bilang CNN Hero of the Year noong
2009 dahil ginawa niyang pagtulong sa pagtuturo sa mga batang kalye sa
pamamagitan ng kanyang “Kariton Klasrum”.

 Sajid Bulig- Bocaue, Bulacan. Siya’y 13 taong gulang na batang nakapagligtas


ng mga taong naluluod sa lumubog na pagoda sa Pista ng Bocaue, Bulacan.
Sa huli’y siya naman ay nalunod at namatay.

 Rona Mahilum- Sagay, Negros Occidental. Sampung taong gulang siya ng


iligtas niya ang kanyang limang kapatid mula sa nasusunog nilang bahay. Kahit
nasusunog na ang kanyang buhok at likod ay nagawa pa rin niyang iligtas ang
mga ito.

 Chrisanta Seboc- Jordan, Guimaras. Siya ay apat na taong batang babae


na nagligtas sa kanyang mga kapatid mula sa nasusunog nilang bahay.

IBA PANG ITINUTURING NA MGA BAYANI


 Mga OFW o Overseas Filipino Workers
 Magigiting at Tapat na mga Sundalo at Pulis
 Ang bawat Pilipino, bata man o matanda na gumagawa ng kani-kanilang
tungkulin at nagpapakita ng pagmamahal, pangangalaga, at pagmamalasik
sa kapwa at sa bayan
Pangalan: Petsa:
Asignatura:
Baitang at Pangkat:

GAWIN MO
Gawain 2
Basahin at unawain ang pahayag. Kulayan ng Asul ang bituin kung wasto ang sinasabi
ng pahayag at Pula naman kung hindi.

1. Si Efren Peñaflorida ay naging guro sa mga batang kalye sa


pamamagitan ng “Kariton Klasrum”.
2. Ang mga Overseas Filipino Workers o OFW ay maituturing nating
isang bayani.
3. Si Lapulapu na mula sa Mactan, Cebu ay ang itinuturing na kauna-unahang
bayaning Pilipino.
4. Ang pagsunod sa tungkulin at pagmamalasakit sa kapwa ay hindi
maituturing na kabayanihan.
5. Si Dr. Jose Rizal ay bayaning hindi gumamit ng baril at gulok
sa pakikipaglaban.

Gawain 3
Kilalanin at isulat sa linya kung sinong bayani ang tinutukoy ng bawat bilang. Piliin ang
sagot na mula sa kahon.

Gabriela Silang Gregorio Del Pilar Juan Luna


Apolinario Mabini Gregoria de Jesus
Emilio Jacinto

1. - Dakilang Lumpo

2. - Batang Heneral

3. - Dakilang Alagad ng Sining

4. - Joan of Arc

5. - Lakambini ng Katipunan
Bayani ang tawag sa mga taong nakipaglaban para sa kalayaan ng bayan. Marami sa kanila ang namatay o nagbuwis ng bu
Bayani rin ang turing sa mga taong nakagagawa ng mga hindi pangkaraniwang bagay para sa kapwa at sa bayan.
Itinuturing ding bayani ang mga OFW, sundalo at pulis na may malaking kontribusyon sa paglago n gating ekonomiya at sa
Ang bawat mamamayang Pilipino, bata man o matanda ayn may kakayahang maging bayani sa pamamagitan ng buong pu

NATUTUHAN KO

A. Pumili ng isa o dalawang bayani mula sa ating aralin (maaring gumupit ng


larawan o isulat ang pangalan). Ibigay o isulat ang mga katangian na nakita mo sa
bayaning iyong napili. Bilang batá, ano ang mga katangiang nais mong gayahin sa
mga bayaning iyong napili. Ipaliwanag ang iyong sagot.


40
Pangalan: Bilang sa klase:

ARALIN 6 MGA SAGISAG AT SIMBOLONG NAGPAPAKILALA


(Linggo 6) SA AKING LALAWIGAN AT REHIYON

SIMULAN MO

Ano-anong sagisag ang nagpapakilala sa


ating bansa?

Bakit mahalagang makilala ng bawat


mamamayan ang mahahalagang sagisag na ito?

Gawain 1
Sagutin ang Anticipation-Reaction Guide ng dalawang beses. Una, bago ang aralin at
gawin ulit pagkatapos ng aralin.

Sagot bago ang Aralin Mga Katanungan Sagot pagkatapos ng Aralin

Ano-anong sagisag
ang nagpapakilala
sa ating bansa?

Bakit mahalagang
makilala ng bawat
mamamayan ang
mahahalagang
sagisag na ito?

AP 3 Prepared by: Joan Balbao/joan_agUMBay@yahoo.com/09974200160


41

Ang Kahalagahan ng mga Simbolo at Sagisag

Mahalaga ang bawat bagay at maging ang bawat kulay na ginagamit sa bawat
sagisag. Ipinapakilala kase nito ang bawat katangian ng isang lugar at bawat
pagpapahalaga ng mga mamamayan dito.

Simbolo o Sagisag ng bansang Pilipinas.


 Ang tatlong bituin ay sumasagisag sa tatlong kapuluan
sa Pilipinas: ang Luzon, Visayas, at ang Mindanao.
 Ang kulay puti ay sagisag ng kalinisan. Ipinapakita nitong
hindi lamang tayo malinis sa sarili at kapaligiran kundi
higit na malinis ang ating kalooban.
 Ang kulay asul ay sagisag ng kalayaan at pagkakaisa.
Ipinapakita nitong mapagmahal tayo sa kalayaan at
pagkakaisa.
 Ang kulay pula ay sagisag ng katapangan. Ipinapakita nitong ang mga Pilipino
ay handang lumaban at mamatay kung kinakailangan upang maipagtanggol
ang ating bayan.
 Ang walong sinag ng araw ay sumasagisag saw along lalawigang
unang lumaban sa mga Espanyol para sa kalayaan ng ating bansa.
 Ang mga salitang Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa ay
mga katangiang taglay ng mga Pilipino at maaari nating maipagmalaki sa iba.

Ilang Simbolo o Sagisag sa NCR o National Capital Region

AP 3 Prepared by: Joan Balbao/joan_agUMBay@yahoo.com/09974200160


42

Iba Pang Bagay na Nagpapakilala sa Lalawigan

MARIKINA HYMN
Ang Opisyal na Himno o Awit ng Lalawigan
Marikina, aking hirang
Ang opisyan na himno o awit ay isa sa mahahalagang Bayan naming minamahal
pagkakakilanlan ng mga lalawiagan. Maraming impormasyon ng Sa ‘yong puso ay may buhay
Ang paglaya’t angking dangal
mga lalawigan ang malalaman rito. Karaniwang inaawit ito sa
mga opisyal na pagdiriwang.
Marikina, ika’y dakila
Hiyas na tangi nitong bansa
Mga Sining na Nagpapakilala sa Lalawigan Marikina idadambana
Ang giting mo’y di mawawala
Maliban sa mga opisyal na himno at awitin, may iba pang
bagay na nagpapakilala sa mga lalawigan tulad ng mga sining
na makikita sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan. Marami ding impormasyon ang
masasalamin sa mga ito.

Arko sa pagpasok sa Lalawigan ng Higanteng durian sa Davao


Nueva Ecija Higanteng pinya sa Bukidnon
Pangalan:

AP 3 Prepared by: Joan Balbao/joan_agUMBay@yahoo.com/09974200160


43
GAWIN MO Petsa:
Asignatura:

Gawain 2
Pagmasdan ang ilang sagisag na mula sa mga lugar sa NCR. Isulat ang hinihinging
sagot ng bawat bilang sa linya.

1. Base sa larawang ito ng Lungsod ng Makati, kailan ito naging isang


lungsod?

2. Anong ibon ang makikita sa sagisag ng Lungsod ng Muntinlupa na


kumakatawan din sa ating pambansang ibon?

3. Anong likas na yamang nagmula sa tubig ang makikita sa sagisag ng


Navotas?

4. Base sa larawan, kaninong bantayog ang nasa sagisag ng Lungsog ng


Caloocan?

5. Anong pangunahing produkto ang makikita sa larawang ito kung saan


kilala ang Lungsod ng Marikina?

Gawain 3
Subukang awitin muna ang Himno ng Marikina. Punan ng wastong salita ang bawat
linya upang mabuo ang awitin na sumisimbolo rin sa Lungsod ng Marikina.

Marikina Hymn

, aking hirang Marikina, ika’y


Bayan naming Hiyas ng tangi nitong bansa
Sa ’yong puso ay may buhay Marikina idadambana
Ang paglaya’t angking , Ang mo’y di mawawala

AP 3 Prepared by: Joan Balbao/joan_agUMBay@yahoo.com/09974200160


44

Ang iba’t ibang lalawigan at rehiyon sa ating bansa ay may mahahalagang pagkakakilanlan tulad ng mga sumusunog:
Sagisag o simbolo na nagpapakita ng mahahalagang bagay at katangian ng bawat lalawigan.
Opisyal na himno o awit na kakikitaan ng katangian ng lalawigan at m ga mamamayan.
Mga likhang sining na nasa mahahalagang bahagi ng lalawigan.

NATUTUHAN KO

Hanapin at bilugan ang mga salita na may kinalaman sa ating aralin. Gawing
gabay ang nasa loob ng kahon.

WATAWAT MAKATAO PULA HIMNO


SIMBOLO DANGAL BITUIN SAGISAG
PUTI PILIPINO ASUL KATANGIAN

D G U V W W B S A G I S A G U H
A K A T A N G I A N A Y M O O I
N S Q H T F Y M W P U L A B Q M
G D A H A A J B R I O W K F T N
A G V L W F L O D L W P A H N O
L U B L A N B L G A A Q T J H Z
D P J S T T E O S A S F A Y O R
B I T U I N U I A U U J O G I K
K M K P U T I W P I L I P I N O

AP 3 Prepared by: Joan Balbao/joan_agUMBay@yahoo.com/09974200160

You might also like