You are on page 1of 18

3

Araling Panlipunan
Kwarter 1 – Modyul 3:
Populasyon sa Aking Pamayanan
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 3: Populasyon sa Aking Pamayanan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: MIGUELITO A. CORRE, Camarines Sur

Editor: MARIBEN D. BERJA, Camarines Sur

Tagasuri: ANA N. CALISURA, Camarines Sur

Tagaguhit: EVAN LEE P. LEONEM, Camarines Sur

Tagalapat: EDDA M. BRONDIAL, Camarines Sur


Modyul 3: Populasyon sa Aking Pamayanan

Magandang araw! Kumusta ka? Handa ka na ba sa ating


aralin? Tara! Sanayin at hasain pa natin ang ating isipan at
kakayahan.

Ang pag-alam sa dami o bilang ng tao sa isang pamayanan


ay isang mahalagang kasanayan upang mas higit na mapag-
aralan ang mga katangian at pagkakakilanlan nito.

Ngayong araw ay malalaman mo ang katangian at


kahalagahan ng pagsuri sa populasyon ng isang lugar.

Sa araling ito, inaasahang magagawa mo ito:

▪ Nasusuri ang katangian ng populasyon ng iba’t ibang


pamayanan sa sariling lalawigan batay sa edad,
kasarian, etnisidad, at relihiyon (AP3LAR-Id-5)
▪ Nakagagawa ng bar graph na naglalarawan sa
populasyon ng isang pook o pamayanan

1
Distrito – ito ay ang tumutukoy sa isang lugar sa loob ng
lalawigan o bansa na nagtataglay ng sariling katangian batay sa
pamahalaan, kultura, linggwahe, natatanging topograpiya at
heograpiya.

Pamayanan – ito ay tumutukoy sa grupo ng mga tao na


mayroong sarili at iisang pananaw, adhikain, kultura, wika, at
batas.

Populasyon – ito ay tumutukoy sa dami o bilang na tao na


naninirahan sa isang lugar o pamayanan.

Bago tayo magsimula sa ating aralin, subukang sagutan ang


sumusunod. Unawaing maigi ang bawat tanong. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa bilang ng tao na bumubuo sa isang lugar


o pamayanan?

a. kultura b. relihiyon
c. populasyon d. tradisyon

2. Ilang distrito o pamayanan ang bumubuo sa lalawigan ng


Camarines Sur?

a. lima b. apat c. tatlo d. dalawa

2
3. Aling pamayanan sa Camarines Sur ang may pinakamalaking
populasyon?

a. Naga City b. Goa


b. Libmanan d. Iriga City

4. Ano namang bayan ang mayroong pinakamaliit na


populasyon sa ating lalawigan?

a. Bayan ng Pili b. Bayan ng Gainza


c. Bayan ng Milaor d. Bayan ng Tinambac

5. Aling distrito ang may pinakamataas na populasyon


sa Probinsya ng Camarines Sur?

a. Unang Distrito b. Ikalawang Distrito


c. Ikatlong Distrito d. Ikaapat na Distrito

Ano-ano nga kaya ang katangian ng mga


pamayanan sa ating lalawigan batay sa kanilang
populasyon? Halika na at tuklasin natin.

Basahin at suriing maigi ang mga datos tungkol sa


populasyon ng mga pamayanan sa ating lalawigan sa
pamamagitan ng mga talahanayan at graph.

3
Populasyon ng Unang
Populasyon ng Mga Bayan sa Distrito ng Camarines Sur
Unang Distrito ng Camarines Sur

80,000
Bayan Populasyon
Cabusao 18,397
60,000
Del Gallego 25,397
40,000
Lupi 32,167
20,000
Ragay 58,214
0 Sipocot 64,855
Kabuuan 199,030
Populasyon
Pinagkunan: www.psa.gov.ph ; www.rsso05.psa.gov.ph

Mula sa talahanayan at bar graph na nasa itaas, ang Bayan


ng Sipocot ay may pinakamalaking populasyon sa Unang Distrito
ng lalawigan na mayroong 64,855 tao. Ang Cabusao ay may
pinakamaliit na populasyon sa limang bayan. Ang Unang Distrito
ay may pinakamaliit na populasyon sa limang distrito ng Camarines
Sur na umaabot lamang sa kabuuang 199,030 tao.

Populasyon ng Ikalawang
Distrito ng Camarines Sur

Bayan Populasyon
Gainza 11,262
Libmanan 108,150
Milaor 31,150
Minalabac 52,390
Pamplona 36,390
Pasacao 49,035
San Fernando 35,258

Kabuuan 323,635

4
Populasyon ng Mga Bayan sa
Ikalawang Distrito ng Camarines
Sur

120,000
100,000
80,000
60,000
40,000
20,000
0

Populasyon

Pinagkunan: www.psa.gov.ph ; www.rsso05.psa.gov.ph


Ipinapakita buhat sa graph at talahanayan na sa pitong
pamayanan ng Ikalawang Distrito, ang Bayan ng Libmanan ang
may pinakamataas na populasyon na mayroong 108,150 tao at
pangatlo sa may pinakamalaking populasyon sa buong
Camarines Sur. Ang Pamayanan ng Gainza ay mayroong
pinakamaliit na bilang ng tao. Ito rin ang lugar o komunidad na
may pinakamaliit na populasyon sa buong lalawigan.

Populasyon ng Ikatlong
Distrito ng Camarines Sur

Bayan Populasyon
Bombon 16,512
Calabanga 83,033
Camaligan 24,109
Canaman 34,210
Magarao 25,694
Ocampo 45,934
Pili 89,545
Kabuuan 319,037
5
Populasyon ng mga Bayan sa
Ikatlong Distrito ng Camarines Sur

90,000
80,000
70,000
60,000
50,000
40,000
30,000
20,000
10,000
0

Populasyon

Pinagkunan: www.psa.gov.ph ; www.rsso05.psa.gov.ph

Mula sa impormasyong nasa taas, ang Bayan ng Pili ay may


pinakamalaking populasyon sa Ikatlong Distrito ng Camarines Sur.
Ang Pili ay nagsisilbing kabisera ng ating lalawigan. Ito ay pang-
apat sa may pinakamalaking populasyon sa buong lalawigan. Ang
bayan naman ng Calabanga ay pumapangalawa sa distrito. Ang
pamayanan ng Bombon ay may pinakamaliit na populasyon at
pangalawa sa buong probinsya.

Populasyon ng Ikaapat na
Distrito ng Camarines Sur

Bayan Populasyon
Caramoan 47,605
Garchitorena 27,010
Goa 63,308
Lagonoy 55,465
Presentacion 20,996

6
Populasyon ng mga Bayan sa Sañgay 34,546
Ikaapat na Distrito ng Camarines
Sur San Jose 40,623
70,000 Siruma 17,764
60,000 Tigaon 55,272
50,000
Tinambac 67,572
Kabuuan 430,161
40,000

30,000

20,000

10,000

0
Presentaci…
Garchitore…
Goa
Lagonoy

San Jose
Siruma
Tigaon
Tinambac
Sañgay
Caramoan

Populasyon

Pinagkunan: www.psa.gov.ph ; www.rsso05.psa.gov.ph

Mula sa datos, ipinapakita na ang Bayan ng Tinambac ay


may pinakamataas na populasyon sa Ikaapat na Distrito na
binubuo ng 67,572 tao. Ito ay pinapangalawahan ng Goa. Ang
may pinakamaliit na populasyon ay ang Siruma. Ang Ikaapat na
Distrito ay may pinakamalaking populasyon sa lahat ng distrito.

Populasyon ng mga Bayan sa Populasyon ng Ikalimang


Ikalimang Distrito ng Camarines Distrito ng Camarines Sur
Sur
90,000
80,000
Bayan Populasyon
70,000 Baao 58,849
60,000
50,000 Balatan 30,922
40,000
30,000 Bato 52,137
20,000
10,000
Buhi 77,143
0 Bula 69,430
Nabua 83,874
Populasyon Kabuuan 372,355
Pinagkunan: www.psa.gov.ph ; www.rsso05.psa.gov.ph

7
Ipinapakita mula sa ibinigay na datos na ang Pamayanan ng
Nabua ay siyang may pinakamalaking populasyon sa Ikalimang
Distrito na mayroong 83,874 tao. At ang Bayan ng Balatan ay may
pinakamaliit na bilang na binubuo lamang ng 30,922 tao.

Populasyon ng Dalawang
Siyudad sa Camarines Sur

Siyudad Populasyon
Iriga City 111,757
Naga City 196,003
Kabuuan 307,760
Populasyon ng Dalawang Siyudad
Pinagkunan: www.psa.gov.ph ; www.rsso05.psa.gov.ph
sa Camarines Sur

200,000

100,000

0
Iriga City Naga City
Populasyon

Buhat sa impormasyong nasa taas, ang Naga City ay may


pinakamalaking populasyon. Ito rin ay tinaguriang pinakamataong
lugar sa buong lalawigan ng Camarines Sur. Ang Siyudad naman
ng Iriga ay ang ikalawa sa may pinakamataas na populasyon
buong lalawigan.

Edad at Kasarian ng mga Piling


Bayan sa Camarines Sur
8
Edad Kasarian
Bayan 19-Pababa 20 -29 30-Pataas Lalaki Babae
Ragay 27,994 8560 21,640 29,735 28,459
Pamplona 17,518 5250 13,610 18,773 17,605
Ocampo 22,591 6829 16,514 23,558 22,376
Tinambac 34,585 10,241 22,733 34,861 32,698
Pinagkunan: www.psa.gov.ph ; www.rsso05.psa.gov.ph

Makikita mula sa datos ng apat na piling bayan sa itaas na


mas marami ang bilang ng kabataan kaysa sa mga matanda. Sa
apat na pamayanang ito, ipinapakita na mas madami ang bilang
ng mga lalaki kaysa sa mga babae. Sa bawat 104 na lalaki ay
mayroong 100 na babae sa bayan ng Ragay. Sa Pamplona at
Tinambac ay may 107 na lalaki sa bawat 100 na babae.

Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, mas madami ang


bilang ng mga lalaki kaysa sa mga babae sa Camarines Sur. Sa
kanilang talaan, mayroong 104 na lalaki sa bawat 100 na babae
sa buong Camarines Sur.

Ayon pa sa PSA, ang Relihiyon sa Camarines Sur


pinakamalaking relihiyon sa Romano Katoliko
93.54%
Camarines Sur ay nabibilang
Iglesia ni Cristo 1.51%
sa Romano Katoliko o
Kristiyano na umaabot ng
National Council of
halos 94 bahagdan ng buong Churches in the
Philippines 0.90%
populasyon ng lalawigan. Ang Evangilicals (Philippine
Iglesi ni Cristo ay may halos 2 Council of Evangilical
Churches) 0.72%
bahagdan. Ang natitirang 6 Iba pang Protestante
0.72%
na porsyento ay nabibilang sa
Iba pang mga
ibang relihiyon. Relihiyon 2.61%

Pinagkunan: www.psa.gov.ph ; www.rsso05.psa.gov.ph

9
Ayon sa pagtatala ng PSA taong 2010, ang pinakamalaking
grupong-etniko na naninirahan sa Camarines Sur ay mga Bikolano
na umaabot sa 94 bahagdan.

Halika at subukang isulat sa patlang ang Tama kung angkop


ang kaisipan at Mali kung hindi angkop.

__________ 1. Ang siyudad ng Naga ay may pinakamataong


lugar sa buong Camarines Sur.

__________ 2. Mas madami ang populasyon ng babae kaysa sa


lalaki sa ating lalawigan.

__________ 3. Ang may pinakamaliit na populasyon sa buong


lalawigan ay ang Bayan ng Presentacion.

_________ 4. Ang Iriga City ay pangalawa sa may


pinakamalaking populasyon sa ating probinsya.

__________ 5. Ang mga naninirahan sa Camarines Sur ay mga


Bisaya.

Isulat ang mga bayan o siyudad sa ating lalawigan batay sa


taglay nilang populasyon. Isulat ang mga lugar na nasa kahon sa

10
hanay ng ‘Malaki ang Populasyon’ kung mataas ang populasyon
at sa ‘Maliit na Populasyon’ kung maliit.

Naga City Siruma Gainza Pili

Presentacion Nabua Bombon

Cabusao Iriga City Libmanan

Malaki ang Populasyon Maliit ang Populasyon


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Tara! Magsanay pa tayo. Mula sa datos o impormasyon na


ibinigay sa ibaba, gumawa ng bar graph na maglalarawan sa
populasyon ng iba’t-ibang bayan o pamayanan. At lagyan ito ng
pamagat na “Populasyon ng mga Piling Bayan sa Limang Distrito
ng Camarines Sur.” Gawin ito sa loob ng kahon.

Pamayanan Populasyon
Sipocot 64,855
Pamplona 36,390
Ocampo 45,934
Caramoan 47,605
Balatan 30,922

11
Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na
tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Aling Distrito sa Camarines Sur ang may pinakamaliit na


populasyon?

a. Ikaapat na Distrito b. Ikatlong Distrito


c. Ikalawang Distrito d. Unang Distrito

2. Ito ay may pinakamalaking populasyon buong lalawigan.

a. Iriga City b. Libmanan c. Pili d. Naga City

3. Anong relihiyon at simbahan ang pinakatanyag sa buong


probinsya?

a. Iglesia ni Cristo b. Aglipay


c. Romano Katoliko d. Protestante

4. Alin ang may pinakamaraming bilang ng grupo ng tao sa


buong lalawigan batay sa edad?

a. kabataan b. matatanda
c. babae d. lalaki

12
5. Anong kasarian ang mas marami ang bilang sa ating
probinsya?

a. babae b. matanda
c. lalaki d. mga bata

6. Mas marami ang bilang ng mga babae kaysa sa mga lalaki


sa Bayan ng Ragay.

a. Tama b. Mali c. Oo d. Wala

7. Aling grupong-etniko ang naninirahan sa Camarines Sur?

a. Ilokano b. Bikolano c. Waray d. Aeta

8. Aling pamayanan ang may pinakamaliit na dami ng tao sa


buong probinsya?

a. Gainza b. Lagonoy c. Ragay d. Buhi

9. Ito ay pang-apat sa may pinakamataong lugar at


tinaguriang kabisera o capital ng Camarines Sur.

a. Bula b. Garchitorena c. Goa d. Pili

10. Bakit kailangang tukuyin at suriin ang populasyon ng isang


pamayanan?

a. Upang ang isang lugar ay lubos na mapag-aralan at


nang sa gayon ay makatulong sa pagpapaunlad at
paglutas ng mga suliranin nito.
b. Para hindi na maging pasaway ang mga tao.
c. Upang madagdagan ang problema ng ating bansa.
d. Para makatulong sa mga dinaanan ng kalamidad.

13
Magbasa o magsaliksik sa internet (website: psa.gov.ph)
ng populasyon ng mga karatig lalawigan ng Camarines Sur
(Catanduanes, Albay, Masbate, Camarines Norte at
Sorsogon). Magtala ng lahat na nakalap o nakuhang
impormasyon. At tukuyin kung anong probinsya sa Rehiyong
Bikol ang may pinakamalaki at may pinakamaliit na
populasyon.

Humahanga ako sa iyo sapagkat natapos mo ang


aralin nang may kasipagan. Binabati kitang muli!

Panimulang Pagsubok Pagsasanay 1


1. c 1. Tama
2. a 2. Mali
3. a 3. Mali
4. b 4. Tama
5. d 5. Mali

Pagsasanay 2

Malaki ang Populasyon Maliit ang Populasyon


1. Naga City 1. Siruma
2. Pili 2. Gainza
3. Nabua 3. Presentacion
4. Iriga City 4. Bombon
5. Libmanan 5. Cabusao

14
Pagsasanay 3

Populasyon ng mga Piling Bayan


sa Limang Distrito ng Camarines Sur
100,000

50,000
Populasyon

0
Sipocot Pamplona Ocampo Caramoan Balatan

Pangwakas na Pagsubok
1. d 6. b
2. d 7. b
3. c 8. a
4. a 9. d
5. c 10. a

Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral Bikol. Unang Edisyon


2015. DepEd

Prototype and Contextualized Lesson Plans in Araling Panlipunan 3 First


Quarter. Camarines Sur. Region V DepEd

www.bagong.pagasa.dost.gov.ph

www.psa.gov.ph

www.rsso05.psa.gov.ph

15
For inquiries or comments, please contact:

16

You might also like