You are on page 1of 16

Aralin 3.

2 : Mga
Pangkat ng mga Tao
sa Rehiyon na
Kinabibilangan Ko
Balik-aral:
Saang bayan sa Rizal
ginaganap ang Higantes Festival?
Ano ang ibig sabihin ng
HAMAKAH Festival ng Antipolo
City?
ANO ANG PANGKAT ETNIKO?
Ang ating bansa ay binubuo ng pangkat ng mga taong
naninirahan sa ibat ibang panig nito. Nakikilala ang bawat
pangkat sa kanilang mga pagkakalilanlan.
Ang grupo o pangkat ng mga taong sama-samang
naninirahan sa isang lugar na may sariling wika, kultura,
tradisyon at paraan ng pamumuhay ay tinatawag na
Pangkat Etniko.
Mayroon silang mga katangian na kakaiba sa ibang
pangkat. Sila at ang kanilang natatanging pagkakakilanlan ay
itinuturing na mahalagang bahagi sa kabuuan ng
Kulturang Pilipino.
MGA TAONG BUMUBUO SA MGA LALAWIGANG TAGALOG

TAGALOG
Ang mga Tagalog ay isang malaking
pangkat ng mga tao na naninirahan sa
apat na region sa bansa- ang
Pambansang PunongRehiyon (NCR), ang
buong Rehiyon-IV CALABARZON at
MIMAROPA at ilang bahagi ng Rehiyon III.
Ang Tagalog ay nagmula sa
salitang taga-ilog na ang ibig
sabihin ay nakatira sa baybaying
ilog. Sila ay isa sa pinakamalaking
pangkat etniko sa bansa. Sila ang
tinatayang may pinakamalawak na
bilang sa bansa.
MGA KATUTUBO O
PANGKAT ETNIKO NA
MATATAGPUAN SA MGA
LALAWIGAN SA SARILING
REHIYON
Ang mga Aeta ang
AETA tinatayang kauna-una-
hang mga taong nani-
rahan sa Pilipinas. May
katangian ng pagiging
maitim ang balat, maka-
pal na labi, pandak, at
kulot na buhok.
Maraming Aeta ang metatag
puan sa ibat ibang bahagi ng
Luzon lalo na sa Hilaga at Silangan.
Maraming tawag sa kanila; Aeta,
Agta, Ita, at Negrita. Sa mga
lalawigan ng Quezon at Rizal sila
ay tinatawag na Dumagat.
Ang pangunahing
hanapbuhay ng mga Negrito
ay pagsasaka at pangangaso.
Matatagpuan sila sa kabun-
dukan at hindi gaanong naka-
kaangat sa kabuhayan dahil
sa layo nila sa kabihasnan.
IBANG PANGKAT NG MGA TAO
SA REHIYON IV-A
Ayon sa Philippine Census 2010, may ilang
pangkat ng mga dayuhan ang naninirahan sa
mga lalawigan sa ating rehiyon. Ilan sa
kanilang pangkat ng mga Chinese o
tinatawag na Tsino. Halos lahat sa kanila ay
mga negosyante. Meron ding tinatawag na
Indian na nanggaling sa bansang India.
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na salita/mga salita na
ipinapahiwatig sa pahayag/tanong sa bawat bilang. Isulat
ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ang pangunahing wika


na ginagamit ng mga taong
naninirahan sa buong rehiyon
ng CALABARZON?.
__________________
2. Ang salitang ito ay nagmula sa
salitang taga-ilog na ang ibig sabihin
ay nakatira sa baybay ilog. __________
3. Ano ang pangkat ng tao na
ang karamihan (majority) ay
matatagpuan sa Rehiyon IV-A?
_______________________
4-5. Ito ang pangunahing pangkabuhayan ng
katutubong pangkat sa Rehiyon IV- A
CALABARZON.
______________,_____________________
6-9. Ang Tagalog ay hinahangaan ng
ibang pangkat dahil sila ay
_________________,_________________,
_________________ at _______________.
10. Ito ang ibang pangkat
ng tao na nanggaling sa
China at ang hilig nila ay
magnegosyo. ________________
Takdang aralin:
Magdala ng mga larawan ng mga
pangkat-etniko sa Pilipinas at larawan
ng mga iba pang pangkat tulad ng
Hapones, Tsino, Amerikano, Espanyol
at Indian o Bombay.
Maraming Salamat!!!!!!!!
Pelita F. Julian
Teacher I
Exodus Elem. School

You might also like