You are on page 1of 1

NATATANGING BAYANI NG AKING REHIYON

Si Apolinario Mabini ang tinaguriang “dakilang


paralitiko” na nagmula sa lalawigan ng Batangas.
Bata palang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan.
Sa kabila ng kanyang kapansanan at dahil sa pag-
ibig sa bayan, ginamit niya ang angking talino
upang gisingin ang damdamin ng mga Pilipino na
lumaban sa mga dayuhan.

Si Julian Felipe ipinanganak sa lalawigan ng


Cavite. Ang kanyang taglay na galing sa larangan
ng musika ay nagbigay daan naman sa
pagbubuklod ng damdamin ng mga Pilipino. Ito ay
sa pamamagitan ng kanyang mga komposisyon na
punong puno ng pag-ibig sa bayan. Isang
halimbawa ay ang kanyang komposisyon na
“Marcha Nacional Filipina” o ang “Lupang
Hinirang”, ang Pambansang Awit ng Pilipinas.

Si Heneral Vicente Lim mula sa Laguna. Siya ay


nagbuwis ng buhay dahil sa kanyang matibay na
paninindigan sa kanyang tungkulin at
pagkamakabansa. Sa panahon ng kanyang
panunungkulan ay tinanggap niya ang lahat ng
pagpapakasakit alang-alang sa bayan.

Kilalanin mo si Eulogio “Amang” Rodriguez, tubong


Rizal, na sumunod kay Pangulong Manuel Luis M.
Quezon bilang may pinakamahabang panahon ng
panunungkulan sa pagiging pangulo ng senado.
Lagi niyang sinusuportahan ang mga panukalang
batas para sa pag-angat at ikabubuti ng mga
pangkaraniwang mamamayan. Isinunod sa
kanyang pangalan ang isang paaralan sa Maynila,
ang Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science
and Technology (EARIST).

Ang pambansang Bayani ng Pilipinas, DR. JOSE


P. RIZAL. Tubong Calamba, Laguna na
ipinaglaban ang kalayaan ng bansa sa
pamamagitan ng pagsusulat ng Noli Me Tangere
at El Felibusterismo.

You might also like