You are on page 1of 4

ACTIVITY SHEET - MATHEMATICS 3

PAGLUTAS (SOLVING) NG SULIRANING ROUTINE AT NON- ROUTINE NA GINAGAMITAN NG PAGBABAWAS


(SUBTRACTION)

Pangalan : _________________________________________________ Petsa : _________ Iskor: _______

A. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na suliranin (word problem). Isulat ang tamang
sagot sa patlang.
1. Bumili ng limang balot ng suman ang aking nanay na nagkakahalaga ng PhP275.00.
Magkano ang magiging sukli niya kung nagbayad siya sa tindera ng PhP500.00?
Sagot: ___________________
2. Si Pia ay bumili ng birthday cake na nagkakahalaga ng PhP675.00 at kandila sa halagang
PhP105.00. Kung binigyan niya ng PhP1 000.00 ang kahera magkano ang magiging sukli niya?
Sagot: ___________________
3. Nakabenta ng 115 na piraso ng facemask si Anna ngayong araw ng Lunes. Kung ang isang
kahon ay naglalaman ng 250 na piraso ilan na lang ang natira? Sagot: ___________________

Competency: Solves routine and non-routine problems involving subtraction without or with addition
of whole numbers including money using appropriate problem solving strategies and
tools.
ACTIVITY SHEET - MATHEMATICS 3

PAGLUTAS (SOLVING) NG SULIRANING ROUTINE AT NON- ROUTINE NA GINAGAMITAN NG PAGBABAWAS


(SUBTRACTION)

4. Si Mang Robert ay bumili ng isang kaing mangga na may 350 na piraso. Binigyan niya ng
dalawang kumpare niya ng tig 75 na piraso. Ilan ang natirang mangga para sa kanyang
pamilya?
5. Gamit ang 3, 7, 5 na mga bilang, ayusin ito para makabuo ng bilang na may 3-digit na may
mataas ng value at bilang na may 3-digit na may maliit na value. Ano ang kinalabasan
(difference) ng dalawang bilang? Sagot: ___________________
6. Bumili si Jaimie ng dalawang dosenang rosas. Nilagay niya ang anim na piraso sa altar at ang
iba ay sa plorera. Ilang rosas ang nilagay niya sa plorera ? Sagot: ___________________
7. Si Jay ay sumahod ng PhP2 250.00 sa loob ng limang araw. Dumaan siya sa grocery at
nakapamili sa halagang Php1 050.00 at pamasahe pauwi sa kanila na PhP60.00. Magkano
kaya ang natira sa sahod niya? Sagot: ___________________
8. Ang pamilya ni Zander ay nagbigay ng 1 500 na piraso ng alcohol at 850 na piraso ng
facemask sa kanilang barangay. Ibinahagi naman ng punong barangay sa kanilang health

Competency: Solves routine and non-routine problems involving subtraction without or with addition
of whole numbers including money using appropriate problem solving strategies and
tools.
ACTIVITY SHEET - MATHEMATICS 3

PAGLUTAS (SOLVING) NG SULIRANING ROUTINE AT NON- ROUTINE NA GINAGAMITAN NG PAGBABAWAS


(SUBTRACTION)

center ang 1 250 na piraso ng alcohol at 650 na piraso ng facemask. Ilan na lang ang natira
para sa kaniyang mga tauhan sa barangay? Sagot: ___________________
9. Si Aling Gloria ay nakaipon ng halagang PhP1 575.00 sa buwan ng Marso at PhP2 735.00
naman sa buwan ng Abril mula sa kanyang suweldo. Kung ang kanyang anak ay
nangangailangan ng halagang PhP3 350.00 para sa gastusin sa kanyang pag-aaral,
magkano na lang ang matitira sa kanyang naipong pera? Sagot: ___________________
10. Si Arnold ay kumita ng PhP3 500.00 sa pagiging delivery boy sa loob ng dalawang araw.
Bumili siya ng gulong at iba pang kagamitan para sa kanyang motorsiklo na nagkakahalaga
ng PhP1 550.00. Magkano kaya ang natirang pera niya mula sa dalawang araw niyang
pagtratrabaho?

Competency: Solves routine and non-routine problems involving subtraction without or with addition
of whole numbers including money using appropriate problem solving strategies and
tools.
ACTIVITY SHEET - MATHEMATICS 3

PAGLUTAS (SOLVING) NG SULIRANING ROUTINE AT NON- ROUTINE NA GINAGAMITAN NG PAGBABAWAS


(SUBTRACTION)

SUSI SA PAGWAWASTO:

A. 1. PhP225.00
2. PhP220.00
3. 135
4. 200
5. 396
6. 18
7. PhP1 140.00
8. Alcohol 250, Facemask 200
9. PhP960.00
10. PhP1 950.00

Competency: Solves routine and non-routine problems involving subtraction without or with addition
of whole numbers including money using appropriate problem solving strategies and
tools.

You might also like