You are on page 1of 2

ALAMAT NG SAMPALOK

Noong unang panahon ay may isang matandang babae na


naninirahan sa tabi ng ilog. Wala siyang ginagawa kundi ang
maglinis ng kanyang bakuran at diligin ang kanyang mga
pananim.
Isang araw, may nanghingi ng kanyang ilang pananim. Ang
matanda ay nagalit at pinalayas ang bata.
Madamot ang matanda tuwing may pupunta sa kanyang tahanan
upang humingi ng tulong, agad niyang pinalalayas ang mga ito.
Minsan ay isang diwata ang nagpanggap na isang babaeng
madungis. Humingi siya ng makakain. Nagalit ang matanda at
pinalayas ang babaeng madungis. Nagalit ang diwata sa ginawa
ng madamot na matanda.
Dahil sa iyong pagiging labis na madamot, kahit na marami ka
namang pananim na maaring ibahagi sa iyong kapwa, ikaw ay
aking paparusahan.
Sa ilang saglit ang matandang babae ay naglaho at ang lugar na
dating kinatitirikan ng kanyang bahay ay naging lawa.
Sa katagalan ng panahon ang lawa ay natuyo at may tumubong
isang puno. Ang lahat ng taong napapadaan sa nasabing puno’y
napapahinto dahil sa dami ng bungang nakasabit sa mga sanga.
Ngunit natatakot silang pumitas dahil hindi nila alam kung
maaring kainin ito.
Isang binata ang napadaan at tinangkang kumain ng bunga
ng puno. Itinapon nito agad ang nasabing bunga pagkatikim
dahil sa sobrang asim. Nasabi ng binata na ang bunga ay katulad
ng matandang madamot na dating nakatira sa lugar na iyon.
Punung-puno ng bunga ang puno, ngunit sobrang asim naman
ng laman.
May tatlong prinsipe noong araw na pawang masasama ang
ugali. Sila ay sina Prinsipe Sam, Prinsipe Pal at Prinsipe Lok.
Dahil magkakaibigan, madalas silang nagkikita at
nagkakasama sa pamamasyal. Tuwing magkasama naman
ang tatlo ay tiyak na may mangyayaring hindi maganda. Ang
mga may kulang sa isip at mangmang ay kanilang
pinaglalaruan, pinaparatangan at ipanakukulong. Lubha
silang mapang-api, mapangmata at malupit sa mga dukhang
mamamayan. Kahit matatanda ay hindi nila iginagalang.
Mabait lamang sila sa mayayaman at kauri nilang mga
dugong-bughaw.
Minsan sa pamamasyal ng tatlong prinsipe ay napadaan sila
sa isang sapa. Saglit silang huminto at pinanood ang mga
naliligong dalaga. Kasiya-siyang tingnan ang mga hugis ng
katawang naaaninag sa manipis na tapis kaya sila ay
nagtatawanan na para bagang nambabastos.

“Kamahalan, huwag po sana ninyo kaming panoorin at


pagtawanan.”

Galit na bumaba ng kabayo si Prisipe Sam at walang salitang


sinampal ang dalagang nakiusap. Uulitin pa sana ng prinsipe
ang pagsampal subalit isang matandang babae ang
namagitan. Palibhasa’y walang iginagalang ang mga prinsipe,
basta’t mahirap, kaya pinagtulungan nilang saktan ang
matanda.

You might also like