Professional Documents
Culture Documents
(2010 - 2016)
Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong Pebrero 8, 1960)
na mas kilala sa palayaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy ay ang ikalabing-
limang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 2010 hanggang kasulukuyan) .
Noong Hunyo 30, 2010, matagumpay siyang umakyat sa puwesto sa tulong ng kanyang
Transition Team. Siya ang nag-iisang anak na lalaki ng dating Senador Ninoy Aquino at
dating Pangulong Cory Aquino may mga kapatid rin siya na sina Maria Elena “Ballsy”
Aquino-Cruz, Aurora Corazon “Pinky” Aquino-Abellada, Victoria Eliza “Viel” Aquino-Dee
at Kristina Bernadette “Kris” Aquino. Siya rin ay dating Kongresista at Senador ng
Bansang Pilipinas. Habang pangulo, kilala sa sa katawagang "P-Noy" na
ngangahulugang "Pangulong Noynoy".
MGA PROYEKTO:
Bagong classroom, at ng sampung libong bagong teaching positions.
Libreng Edukasyon
Mapatatag ang National Health Insurance Program.
Dagdag Trabaho .
Paunlarin ang bansa Pagbaba ng presyo ng petrolyo
Naipatupad nya na ang K=12 program ng DepEd na sa tingin nila ay mas
makakabuti sa mga estudyanteng Pilipino at pati na rin sa ating bansa.
Gloria M. Arroyo
(2001-2004 at 2004 - 2010)
Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg
Macapagal noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas
(Enero 20, 2001 - Hunyo 30, 2010). Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng
dating pangulong si Diosdado Macapagal.
Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na
naglingkod bilang pangalawang kalihim at undersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan
at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos
maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang
Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang
partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon
niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at
Pagpapaunladat sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na
humarap sa paglilitis.
Mga Kontribusyon :
Pagpapagawa ng mga daan .
Pagtugon sa pangagailangan ng mamamayan .
Pagsugpo sa kahirapan .
Pagbaba ng Presyo ng Bilihin .
Paglikha ng milyong trabaho . Llivelihood program.
Sa pamumuno ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, umabot sa 4.5% ang average
economic growth ng bansa, mas mataas kaysa sa Administrasyong Cory Aquino,
Ramos at Estrada. Sa katunayan, napabilang ang Pilipinas sa mga kakaunting
ekonomiya sa timog-silangang Asya na hindi nagbago ang takbo sa kabila ng naganap
na global financial crisis noon taong 2008.
Sa Administrasyong Arroyo, naisa-batas ang kontrobersyal na Expanded Value Added
Tax Law na nagsilbing centerpiece ng kanyang Economic Reform Agenda.
Bukod sa iba pang mga nai-ambag ng Arroyo Administration sa paglago ng ekonomiya
ng bansa, natatandaan ito ng karamihan dahil sa polisiya ng pagpapatupad nito ng
holiday economics na naglalayong palakasin ang domestic tourism
Joseph Estrada
(1998-2001)
Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak Abril 19, 1937), na mas kilala bilang
Joseph Ejercito Estrada, o Erap, ay ang ikalabing-tatlong Pangulo ng Republika ng
Pilipinas (Hunyo 30, 1998 - Enero 20, 2001). Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila. Anak
siya nina Emilio Ejercito, Sr., na isang inhinyero, at ni Maria Marcelo. Si Jose Marcelo
Ejercito ay ipinanganak sa Tondo, ang isa sa mga mahihirap na bahagi ng Maynila.
Siya ay anak ni Emilio Ejército, Sr (1898-1977), isang maliit na sweldong pamahalaan
kontratista, at María Marcelo (1905-2009), isang maybahay. Siya ang ikawalo sa
sampung magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina Antonio Ejercito (1932-
2005), Emilio Ejercito, Jr (George Estregan) (1939-1988), Dr. Pilarica Ejercito, abogado
Paulino Ejercito, Petrocinia E. de Guzman, Marita , at Jesse Ejercito.
Mga Kontribusyon:
Pagtugon ng Pangagailangan ng mahihirap
Paglikom ng pondo sa pamahalaan
Pagbaba ng presyo ng bilihin
Pagpapagawa ng mga silid aralan Palitan ng Piso Vs. Dolyar
Fidel Ramos
(1992-1998)
Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ay ang ikalabing-dalawang
Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya
noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina
Narciso Ramos at Angela Valdez. Nagtapos siya sa United States Military Academy sa
West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng masteral ng civil engineering sa University
of Illinois, Masters in Business Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at
nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special Forces/Pay
Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at
naging heavy weapon platoon leader ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin
siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang
pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan
sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal na natanggap niya bilang
sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit
Medal, ang United States Legion of Merit, ang French Legion of Honor at ang U.S.
Military Academy Distinguished Award.
Mga Kontribusyon :
Pagpapaunlad ng Bansa Makamit ang Pambansang Pagkakaisa
Paglutas ng Suliranin sa kalusugan
Ipinatupad ang Philippines 2000
Naghikayat ng mga foreign investors na mamuhunan o mag-karoon ng negosyo sa
Pilipinas .
Corazon Aquino
(1986-1992)
Si María Corazón Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón
Sumulong Cojuangco) (Enero 25, 1933—Agosto 1, 2009) na lalong mas kilala sa
palayaw na Cory ay ang ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-
unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992).
Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng
demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at
Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may
digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang
na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon
sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay
ina ng artistang si Kris Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Benigno
Aquino III. Pumanaw siya noong ika-1 ng Agosto 2009 at inlibing noong ika-5 ng
Agosto.
Mga kontribusyon :
Pagbabalik ng Demokrasya sa Bansa .
Pagbawi sa mga nakaw na yaman ng Marcos.
Libreng Edukasyon sa Elementarya at Sekondarya .
Pinatupad ni cory aquino ang Republic Act No. 6657 o mas kilalang CARP
(comprehensive agrarian reform program act).
Ferdinand Marcos
(1965-1986)
Mga Kontribusyon:
Programa sa Reporma sa Lupa .
Proyektong Imprastruktura .
Paglinang sa Kulturang Pilipino.
Ipinatayo si Marcos na mga ospital tulad ng Lung Center, Philippine Heart Center,
Kidney Center at Children's Medical Center.
Ang mga programang nagawa ni marcos ay ang Tenants Emancipation Decree kung
saan binibigyan ang mga magsaswaka ng limang ektarya ng lupa at tatlong ektarya
naman sa may patubig,ministry of human settlement na pinamunuan ni Imelda Marcos.
Inilipat ang mga iskwaters sa kamaynilaan sa ilang resettlemaent site na malapit sa
Metro Manila.
Diosdado Macapagal
(1961-1965)
Si Diosdado Pangan Macapagal (Setyembre 28, 1910 - Abril 21, 1997) ang
ikasiyam na pangulo ng Pilipinas (Disyembre 30, 1961 - Disyembre 30, 1965) at ay ang
ikasiyam na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1961-Disyembre 30,
1965).Ama siya ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin. Isinilang siya noong
Setyembre 28, 1910 sa San Nicolas, Lubao, Pampanga. Ang kanyang mga magulang
ay sina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Pangalawa siya sa apat na
magkakapatid. Ang kanyang ama ay isang manunulat ng mga salitang Kapampangan
at ang kanyang ina ay isang guro na nagturo ng katesismo. Nakapagtapos siya ng
elementarya sa Lubao Elementary School bilang valedictorian at bilang sekundarya sa
Pampanga High School bilang salutatorian.
Mga Kontribusyon:
Isa sa mga naging prorama ni Diosdado Macapagal ay ang " decontrol "kung saan nag-
iba ang palitan ng piso sa dolyar .
Kilala siya sa nationalization of Retail and Land Reform Bill.
Pagtulong sa mga magsasaka .
MAPHILINDO Pagpapalaganap ng wikang pilipino Pag angkin ng isla ng SABAH
Carlos P. Garcia
(1957-1961)
Carlos Polistico Doi Garcia (1896-1971), Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1957
hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa
Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. ang kaniyang mga magulang ay sina
Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman Institute,
sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law
School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926
bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of
Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol,
isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro ng
Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945),
lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa
Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging
puno siya ng minoriya sa Senado. Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang Bise
Pangulong na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang
politikong Pilipino na bumuo at namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop
ng mga Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay
naging bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas.
Mga Kontribusyon:
Inilunsad niya ang patakarang "Pilipino Muna " noong ika-21 ng Agosto 1958.
Ipinagpatuloy rin ni Garcia ang pakikipag-ugnayan sa mga karatig-bansa sa Asya .
Muling pagpapalakas ng demokrasya sa bansa sa pamamagitan ng paggalang sa mga
karapatang pantao .
Muling pagsasabuhay ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
gantimpala at parangal sa mahuhusay na Pilipino sa larangan ng sining , agham , at
panitikan (Republic Cultural Heritage Award) Paglikha ng Jose Rizal Centennial
Commission na namahala sa pagdiriwang ng First Centenary of the National Hero of the
Philippines noong ika-19 ng hunyo 1971.
Ramon Magsaysay
(1953-1957)
Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramón "Monching" Magsaysay (Agosto 31,
1907 – Marso 17, 1957) ay ang ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas
(Disyembre 30, 1953-Marso 17, 1957). Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales
noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa
Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College. Naglingkod siya bilang tagapamahala
ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya
ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at
Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng
Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang
panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan.
Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika.
Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.
Mga Kontribusyon:
Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa
mamamayan . Iniligtas niya ang demokrasya ng pilipinas Ibinalik niya ang tiwala ng
pamahalaan
Libreng Edukasyon .
Pag ayos ng Kalsada .
Barong Tagalog Publisher.
Ang bumukas ng Malakanyang Palace.
Elpidio Quirino
(1948-1953)
Si Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890—Pebrero 29, 1956) ay isang
pulitiko at ang ikaanim na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Abril 17, 1948-Disyembre
30, 1953). Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina
Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng
Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915. Nahalal sa Kongreso noong 1919.
Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi
ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas
noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril
17, 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng
kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk.
Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang
pagsasaka, at mga industriya. Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang
pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa
gulang na 66.
MGA KONTRIBUSYON:
Pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga .
Pilipino Pagsugpo sa Pagalaganap ng Komunismo .
Pagharap sa suliranin ng Huk .
Pinagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng
indutriyalisayon .
Pagpapagawa ng farm-to-market roads.
Pagtatag ng Central Bank of the Philippines.
Pagapapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law.
Manuel Roxas
(1946-1948)
Si Manuel Acuña Roxas (Enero 1, 1892 - Abril 15, 1948) ay isang pulitiko sa
Pilipinas. Siya ay ang ikalimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Mayo 28, 1946–
Abril 15, 1948). Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa
kanya nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina
Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng
abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines)noong 1912 at
naging topnatcher sa Bar. Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal panlalawigan.
Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L.
Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na
taon ay naging speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935),
naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938-1941) bilang Kalihim ng
Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng
Pilipinas.
Mga Kontribusyon:
Bell trade relations act o ang nagtakda ng 28 taon na kalakalan ng estados unidos at
Pilipinas .
Batas rehabilitasyon Parity Rights na pantay na paggamit ng mga amerikano at ng mga
pilipino ng ating mga likas-yaman .
Ang Pacsa o ang presidential action committee on social amelioration.
Pagunlad ng kabuhayan .
Paglutas ng suliranin ng Huk .
Paglinaw sa patakarang panlabas ng bansa kaugnay ang usaping parity rights .
Sergio Osmena
(1944-1946)
Si Sergio Osmeña y Suico (Setyembre 9, 1878 – Oktubre 19, 1961), higit na kilala
ngayon bilang Sergio Osmeña, Sr. ay ang ikaapat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas
(Agosto 1, 1944 – Mayo 28, 1946). Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo
nina Senador Sergio Osmeña III, John Osmena, dating Gobernador Lito Osmena ng Cebu at
Mayor Tomas Osmena. Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si
Osmeña ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng
sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San
Juan de Letran, kung saan nakilala niya si Manuel L. Quezon. Nang sumiklab ang rebolusyong
Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmeña. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu
para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala
at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia. Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng
abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong
1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Kataas-taasang Hukuman ng
Pilipinas na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si
Osmeña ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar.
MGA KONTRIBUSYON:
Nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas noong 1944 hanggang 1945.
Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Jose Laurel
(1943-1945)
Si José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay ang
ikatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Oktubre 14, 1943-Agosto 17, 1945) sa
ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945. Isinilang si Laurel sa Tanauan,
Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos
siya ng abogasya sa U.P. noong 1915. Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni
Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan
siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago
lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang
Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga
kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan
ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay
si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.
MGA KONTRIBUSYON :
Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon
.
Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon
.
Manuel L. Quezon
(1935-1944)
Si Manuel Luis Quezon y Molina (Agosto 19, 1878 – Agosto 1, 1944) ay ang
ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Nobyembre 15, 1935–Agosto 1, 1944).
Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na
ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi
kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal). Ipinanganak si Manuel
L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong
Agosto 19, 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon. Anak siya
nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-
aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893.[1]Bilang isang binata,
nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng
mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang
katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang
palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos.
MGA KONTRIBUSYON :
Pinahalagahan niya ang wikang pambansa .
Ipinatupad ni Quezon ang Eight-hour Labor Law dahil sa problema sa paggawa sa lupa .
Ipinatupad rin niya ang Minimum Wage Law .
Pinaunlad ni Quezon ang pambansang seguridad sa tulong ng National Defense Act.
Naipatupad rin ang Payne-Aldrich Law na nagpababa ng ating buwis .
Nagpatayo ng mga gusali .
N akakaboto ang mga kababaihan at nakakasali sa pulitika at; Libreng edukasyon
natugunan ng pansin ang industriya ng kabuhayan .
Emilio Aguinaldo
(1898-1901)
Mga KONTRIBUSYON:
G inampanan niya ang pamumuno sa KKK pagkatapos mahuli at ipapatay si Rizal.
I pinahayag niya ang kalayan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.
Pinamunuan niya ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay
mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston.
Binuksan ang pambansang pautang .
Pinabukas kaagad ang mga paaralang elementarya .
Naglabas ng dalawang dekrito , isa noong Hunyo 18 at isa naman sa ika-20 para ayusin
ang sistema ng gobyerno sa mga probinsya at bayan
Rodrigo Duterte (kasalukuyan)
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte[6] (ipinanganak noong Marso 28, 1945), kilalá rin sa kanyang bansag
na Digong, ay isang Pilipinong abogado at politiko na kasalakuyang naninilbihan bílang ika-16 na Pangulo ng
Pilipinas.[7][8][9] Siya ang unang naging pangulo na mula sa Mindanao.[10]
Si Duterte ay isa sa mga pinakamatagal na nanilbihang alkalde sa Pilipinas at naging alkalde ng Lungsod ng Davao,
isang highly-urbanized city sa kapuluan ng Mindanao nang pitóng termino o mahigit 22 taon. Nagsilbi rin siyang bise-
alkalde at kongresista ng lungsod.
Anim na buwan makalipas ang kanyang inagurasyon bilang ika-16 na Pangulo, nasaksihan ng ating bansa ang mga
radikal na pagbabago sa pamamalakad sa pamahalaan na ipinakikita sa pamamagitan ng matapang at may
malasakit na pamumuno at hindi nagbabagong pagtupad sa sinumpaang tungkulin.
Inilunsad ni Pangulong Duterte ang kakaibang laban kontra sa ilegal na droga na nagresulta sa pagsuko ng milyun-
milyong sugapa.
Iba rin ang kanyang naging plano sa ating mga ugnayang panlabas kaugnay ng kanyang layunin na magkaroon tayo
ng malayang patakaran sa pakikipagrelasyon sa ibang bansa na nangangahulugan na mas mabilis tayong
makaaagapay sa pangrehiyong ekonomiya at integrasyon. Ang Pilipinas ay nagkaroon ngayon ng mas malalim na
ugnayan sa mga bansang kasapi sa ASEAN, at maging sa China, Japan at Russia.
Habang nilalandas ng Pangulo ang daan tungo sa kapayapaan, pinabilis naman niya ang paglago ng ating
ekonomiya—pinakamabilis sa mga sumusulpot na Asian economies at nabawasan ang bilang ng mga walang
hanapbuhay sa pinakamababang bahagdan sa nakalipas na mahigit isang dekada.
Naglaan din ang Duterte Administration ng pondo para isulong ang ating “golden age of infrastructure” at maihatid
ang pangako ng tunay na pagbabago sa ating bansa. Para maibalik ang tiwala sa pamahalaan, inatasan niya ang
burukrasya na epektibong ipatupad ang mga programang pakikinabangan ng mga kapuspalad.
Ang mga pangunahing serbisyo—na kung hindi palpak ay wala—ay gumagana na sa ngayon. Mas maraming
pasahero na ang naseserbisyuhan ng ating mga tren habang ang mga driver’s license ay puwedeng nang makuha.
Ang libreng edukasyon, libreng pagpapaospital at gamot, at libreng irigasyon ay abot-kamay na ng mga higit na
nangangailangan, ng mga kapuspalad at ng mga walang kakayahan.
Walang kapaguran ang Pangulo sa nakalipas na anim na buwan, at higit pa ang ating maaasahan mula sa kanya sa
mga susunod na buwan at taon. Hindi maitatatwa, ang puso ng Pangulo ay nasa tamang lugar, at ang kapakanan ng
mga Filipino at ng ating bayan ang sa tuwina ay nangunguna sa kanyang isipan
MGA BAYANI NG PILIPINAS
Lapu-lapu
Jose Rizal
Emilio Aguinaldo
Andres Bonifacio
Prologo
Nang magsimula ang Himagsikan, mahigit 200 taon nang pinamumunuan ng mga
Kastila ang Pilipinas. Noong panahong iyon, nasa kamay ng mga nangangasiwa sa
Intramuros at sa mga prayle ang kapangyarihan sa kolonya, kahit sa katotohanan, sa
prayle lang talaga ang kapangyarihan noon, dahil sa hawak nila sa mga karaniwang
tao. Pinahirapan ng mga Kastila ang mga katutubo (o sa termino ng mga Kastila, indio)
sa pamamagitan ng sobrang pagpapabubuwis at sapilitang pagpapagawa (polo). Dahil
dito, ilang pag-aalsa na ang naganap sa Pilipinas sa mahigit 4 na siglo, lahat di
nagtagumpay. Ito'y salamat sa patakaran ng mga Kastila ng divide et impera-hatiin at
sakupin. Halimbawa, magpapadala ang mga Kastila ng mga sundalo mula sa mga
lalawigang Tagalog para supilin ang isang pag-aalsa sa Ilocos, at isang pag-aalsa sa
Kabisayaan ang pinigil ng mga sundalo mula Pampanga. Ito ang nagpatindi ng hidwaan
sa pagitan ng mga Pilipino, hindi magkakaisa hanggang sa ika-19 na siglo.
Sanhi
Kung ano ba ang nagpalunsad sa Himagsikan ay mai-uugat sa mga panlabas at
panloob na mga sanhi. Ang panlabas na sanhi ay ang pagbukas ng Pilipinas sa
pandaigdigang kalakalan, dala ng pagbukas sa Kanal ng Suez noong 1869. Bukod sa
mga produkto galing sa ibayong dagat, mga kaisipan tulad ng kalayaan at kasarinlan ay
dumaan sa Suez at papunta sa Pilipinas-bagay na di lubos na nagustuhan ni ng mga
nangangasiwa kulunyal o ng praylokrasya. Ang mga taong binago ng mga kaisipang ito
ay siya ring nakinabang sa mapagkakakitaang kalakalang ito-ang mga ilustrado.
Pinadala ng mga ilustrado ang kanilang mga anak sa mga pamantasan sa Europa,
kung saan sinimulan ng marami sa kanila (sina Rizal,Lopez-Jaena, atbp) ang nagtatag
ng Kilusang Propaganda.
Ang panloob na sanhi ay ang walang-katarungang pagbitay sa GOMBURZA. Isang
paring Pilipino, si (Padre Pedro Pelaez) ang nagpasimuno ng isang kilusang
sikularisasyon noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Layon ng kilusang ito na ibigay sa
mga paring katutubo ang mga parokya na hawak pa noon ng mga Kastilang pari.
Pagkatapos na mamatay si Pelaez sa isang lindol, tinuloy ng tatlong pari-sina Padre
Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora. Nagustuhan ng mga
prayle ang bagay na ito at sila'y naghanap ng pwedeng maibintang sa tatlong pari.
Natupad ito nang isang rebelyon ng mga sundalo sa moog sa Kabite ang madaling
nasupil. Agad na isinisi ng mga prayle ang rebelyon (na pinamunuan ng isang
nagngangalang Sarhento LaMadrid) kina Padre Gomez, Padre Burgos, at Padre
Zamora (pagbawas sa suweldo ng mga sundalo ang sanhi ng rebelyon). Sa kabila ng
kakulangan ng patunay na nagdidiin sa kanila sa rebelyon, hinatulan ang tatlo-kinilala
pagkatapos bilang Gomburza-na garotihin noong 17 Pebrero 1872. Hindi pinayagan ng
arsobispo ng Maynila (na naniniwala sa kawalang-kasalanan ng tatlo) na sila'y alisan ng
sutana. Sa halip, inutos nito ang pagpapatunog ng mga kampana bilang tanda ng
pagdadalamhati.
Marami sa mga kakampi ng Gomburza ang tinapon papalabas o kusang umalis sa
Pilipinas. At marami sa mga Pilipinong piniling manatili ang nanghilakbot sa nangyari.
Ilang taong lumipas, isang ilustradong duktor na nagngangalang Jose Rizal ang
magpapatunay na ito ang nagbago sa kanyang buhay.
La Liga Filipina
Pagkatapos ang pagbalik ni Rizal sa "[Pilipinas]" noong 1892, itinatag niya ang La Liga
Filipina. ito ay isang samahang pilipino noong taong ding yaon. Layunin ng kilusang ito,
na kinabibilangan ng mga tulad nina Andres Bonifacio at Apolinario Mabini, na ituloy
ang programa ni Rizal na panloob na reporma sa Pilipinas. Hindi nagustuhan ng mga
Kastila ang pagtatag sa kilusang ito (ito'y marahil sa isa sa mga nakasaad sa kasulatan
ng Liga), na naghihikayat ng "pagtatanggol laban s isang batang paslit na pinatay na
wala lang at noong Hulyo 7 ay dinakip si Rizal at itinapon sa Dapitan sa lalawigan
ng Zamboanga.
Nahati ang samahan pagkatapos ng pangyayaring ito. Ang makagitnang pangkat ay
binuo muli ang sarili nito na Cuerpo de Compromisarios (Samahan ng mga
Kumprumisaryo) na may layuning magbigay ng pera sa La Solidaridad. Ang radikal na
pangkat, sa pamumuno ni Bonifacio, ay naging Katipunan.
Noong gabi ng 7 Hulyo 1892, itinatag nina Andres Bonifacio, kasama ang mga dating
kasapi ng La Liga Filipina na sina Ladislao Diwa, Deodato Arellano, Teodoro Plata,
at Valentin Diaz ang Kataastaasang Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan sa isang bahay sa Calle Azcarraga (ngayo'y Abenida Claro M. Recto). (Sa kabila
ng nilalaman ng karamihan, si Bonifacio ang ikatlong Pangulo).
sila ng mga pondo at sandata, sa abot ng kanilang makakaya. Humingi rin sila ng tulong
sa isang barkong pandigma ng Hapon na nakadaong sa Maynila na ang kasabay ang
lahat ng puwersa ng Imperyong Hapones na tumuloy agad ng puwersang panghimagsik
ng mga Pilipino at mga taguyod para sa mga Katipunan para sa huling makikipaglaban
sa mga sundalong Kastila - at nabigo.
Para maikalat ang kanilang panawagan ng isang mapagpalayang himagsikan, inilimbag
ng Katipunan, sa tulong ng isang palimbagan na binili ng dalawang katipunero na sina
Candido Iban at Franciso del Castillo (na parehong nagtatag ng Katipunan sa
Kabisayaan), ang pahayagang Kalayaan. Para di malaman ng mga Kastila ang
kinaroroonan ng palimbagan nito, ipinahayag nito si Marcelo H. del Pilar bilang "editor"
nito at sa Yokohama bilang lugar ng limbagan nito. Dalawang beses lang inilimbag ang
pahayagang ito; inilimbag na palihim ang ikalawang edisyon sa limbagan ng Diario de
Manila.
Hindi nagtagal at rumami ang mga kasapi ng Katipunan. Mula sa unang lukasyon nito
sa Tondo, nagtatag ang Katipunan ng mga sanggunian nito sa mga bayan ng San Juan
del Monte, Pasig, San Felipe Neri, Pateros, Marikina, Kalookan, Malabon, at di
kalauna'y sa ilang mga bayan sa mga lalawigan sa Kabisayaan. Nagkaroon din ng
sangay pangkababaihan ang Katipunan; umanib ang kauna-unahang babaeng kasapi
nito noong taong 1893. Sa kabuuan mula sa mahigit na 300, lumaki ang Katipunan sa
mahigit 30,000 na mga katipunero.
MAPA NG ASYA
MAPA NG PILIPINAS
Kolonisasyon at Kristiyanisasyon
Mga Layunin sa Pananakop ng mga Espanyol
Merkantilismo Ito ang kaisipang nagsusulong na anglakas at kapangyarihan ng isang
bansa aynakasalalay sa dami ng pilak at ginto nito.Nanguna ang mga bansang Portugal
atEspanyal sa paghahanap ng mga ito. Ang mgabansang mananakop (mother country)
angnakikinabang sa yaman ng lupaing sinakop(kolonya). Ang mga kolonya ang
nagingtagatustos ng mga hilaw na materyales naginagamit ng mga bansang Europeo.
.Sa pagsara ng pasilangang ruta patungong Asya dahil sa mga Turkong Muslim,
naghanap ang mga manlalakbay ng pakanlurang ruta. Sa pangunguna ng Espanya at
Portugal, nilakbay ng mga ito ang Karagatang Atlantiko. Isa sa mga layunin nito ay
upang mapuntahan ang isla ng mga rekado o spices --- Moluccas (Indonesia). Ilan sa
mga halimbawa ng panrekado ay paminta, bawang, luya, nutmeg, at cinnamon.
Mga Reaksiyon at Pagtutol ng mga Pilipino sa Pananakop Hindi pareho ang reaksiyon
ng mgaPilipino sa pananakop ng mga Espanyol. May mga nag-alsa o naglunsad ng
rebelyon ngunit mayroon ding sumang-ayon atnakipagsabwatan. May mga Pilipinong
tinanggap nangbuong-buo ang kulturang Espanyol(akulturasyon). May mga Pilipino ring
iniangkop ang bagong kultura sa katutubongkulta upang makabuo ng isang
panibagongkultura (asimilasyon).
Mga Pag-aalsa Bilang Pagtutol sa Pananakop Iba-iba ang mga pag-aalsang naganap
sabansa dahil sa pananakop ng mga dayuhan. Pinamunuan ni Lakan Dula atSulayman
ang pag-aalsa sa Maynila (1574)para hilingin sa mga Espanyol na malibre sila
pagbabayad ng buwis. Isang panrelihiyongpag-aalsa naman ang ginawa ni Tamblot
saBohol (1621) para ibalika ng kanilang mataas na katayuan sa lipunan. At si Bankaw
naman ay sinubukang ibalik ang katutubong relihiyon sa Limasawa (1622).
Si Apolinario de la Cruz o Hermano Pule naman ay nag-alsa sa Tayabas (1841) dahilsa
diskriminasyon ng mga prayle sa mga Pilipino sa pagpapatupad ng Kristiyanismo. Hindi
tinanggap ngmga prayle si De la Cruz bilang pari. Dahil dito,itinatag niya ang kapatiran
na Cofradia de SanJose na nakapaghikayat ng mga miyembro. Ang pinakamahabang
pag-aalsa naman ay pinangunahan ni Francisco Dagohoy ng Bohol.Ito ay dahil
tinanggihan ng prayleng bigyan ngKristiyanong libing ang kapatid ni Dagohoy
nanamatay sa duwelo. Naganap ang rebelyon noong1744-1829 at tumaggal ng 85
taon.
Pagtutol ng mga Muslim sa Pananakop Ang higit na organisadong pamahalaang
sultanato ng Muslim ang tumakot sa mga Espanyolpara hindi agad sakupin ang
Mindanao. Hindi rinnaging priyoridad ng mga Espanyol na sakupin angmga katutubong
nakatira sa kabundukan. Tinawag ng mga Espanyol ang mga Muslimnilang moro o
moors. Sinimulan nila ang pagsakop saSulu (1578) at sinunod naman nila ang
Maguindanao(1579). Nang matalo ang pinuno ng mga Muslim(Datu Dimacasnay at
Buisan) ay napilitan silang makipagkasundo sa mga Espanyol.
Kawalan ng Diwang Makabansa: Sanhi ng Kabiguan Higit sa 300 pag-aalsa ang
nagawa ng mgaPilipino sa bansa. Kawalan ng pambansang pagkakaisa ang sanhi ng
pagkabigo ng mgaPilipino. Hindi pa nagigising ang damdamin ngnasyonalismong
Pilipino. Karaniwang pansarili,pangrelihiyon, at pamprobinsiya lang ang dahilanng mga
pag-aalsa. Bunga nito, maituturinglamang na patriotismo o pagmamahal sapartikular na
lugar ang nagbuklod sa pag-aalsa athindi pa matatawag na makabansa o nationalist.
Ang ilan sa mga patriot ay sina Dagohoy, Diego Silang, at Lapu-lapu.
Ngunit, hindi tumagal ang inglatera sa ating bansa.Bumalik ang mga espanyol upang
tayo ay salakayin, kaya
napilitang umalis ang mga inglatera sa pilipinas.Dahil dito, nagkaroon ng paghihimagsik
ang mga pilipino.
GomBurZa
Ang KKK
Ito ang isang lihim na kilusan na naitatag sa Tondo,Maynila noong Hulyo 7,1892. Ito ay
pinamumunuan ni Andres Bonifacio. Ito ang isang himagsikan na kilalang kilala na
ginawa ng ating mga kababayang pilipino.
Ang KKK ay may layuning palayain ang bansa sa ilalim ng mananakop na
Espanyol.Naitatag ang katipunan noong hulyo 7,1892 matapos mahuli ang
pangunahing miyembro ng La LigaFilifina,na itinatag ni Dr.Jose Rizal.
Ang pakikibaka ng katipunan ay nagsimula noong Agosto 1896 pag katapos natuklasan
ng otoridad ang katipunan. si Rizal ang sinisi ng mga espanyol,na itinuturing ng
katipunan bilang pangulong pandangal,at hinatulan si Rizal ng kamatayan at binaril ito
noong Disyembre 1896.