You are on page 1of 33

MGA PANGULO NG

PILIPINAS AT ANG
KANILANG MGA
PROGRAMA
Emilio Aguinaldo
Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Hunyo 12, 1898 - Marso 23, 1901

Mga Personal na Tala sa Buhay


Araw ng pagkasilang: Marso 26, 1869
Lugar na sinilangan: Kawit, Cavite
Ama: Carlos Aguinaldo
Ina: Trinidad Famy
Unang maybahay: Hilaria del Rosario
Ikalawang maybahay: Maria Agoncillo
Araw ng kamatayan: Pebrero 6, 1964
Lugar kung saan namatay: Quezon City
Sanhi ng kamatayan: Atake sa puso
Edad nang mamatay: 95
Edukasyon
• Elementarya at Mataas na Paaralan
Pambayang Paaralan ng Kawit
• Kolehiyo
Ikatlong taon, Colegio de San Juan de Letran
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

• Itinanghal na “Cabeza de Barangay” sa gulang na 17.


• Sa edad na 26 ay nahalal bilang “Capitan Municipal” na ang katumbas
ng posisyon ay Gobyernadorcillo.
• Sumapi sa samahang Masonry (na kinabibilangan rin ni Jose Rizal,
Apolinario Mabini, Juan Luna, Marcelo del Pilar at Graciano Lopez
Jaena) sa layuning mapabuti ang kalagayan ng bayan.
• Siya ang kusang nagsadya kay Andres Bonifacio upang sumanib sa
Katipunan.
• Pinuno ng pangkat Magdalo ng Katipunan sa Cavite.
• Pinangunahan ang kanyang mga lawal sa pagkakapanalo sa mga
labanan ng Kawit, Imus at Binakayan sa Cavite.
• Pangulo ng Pamahalaang rebolusyonaryo, Kapulungang Tejeros.
• Sumang-ayon sa kasunduan sa “pact of Biak-na-Bato” na nilagdaan nya
noong Disyembre 14, 1897 dahil sa paniwalang hindi na
mapagtatagumpayan ang digmaan.
• Nagtatag ng Asociacion de los Veteranos de la Revolucion, isang
samahan ng mga lumalaban sa mga Kastila at mga Amerikano upang
magkamit ng benepisyo.
Manuel L. Quezon
Unang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas
Nobyembre 15, 1935 - Agosto 1, 1944

Mga Personal na Tala sa Buhay


Araw ng pagkasilang: Agosto 19, 1878
Lugar na sinilangan: Baler, Tayabas
Ama: Lucio Quezon
Ina: Maria Dolores Molina
Maybahay: Aurora Aragon
Mga anak: Maria Aurora, Zenaida at Manuel, Jr.
Araw ng kamatayan: Agosto 1, 1944
Lugar kung saan namatay: Saranac Lake, New
York, U.S.A.
Sanhi ng kamatayan: Tuberkulosis
Edad nang mamatay: 66
Edukasyon
Elementarya at Mataas na Paaralan Colegio de San
Juan de Letran (1894)
Kolehiyo
Batsilyer ng Sining, Colegio de San Juan de Letran
(1894) Batsilyer ng Abogasya, University of Santo
Tomas
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

• Binansagang “Ama ng Wikang Pambansa” dahil sa pagsusulong sa Wikang


Filipino bilang pambansang wika
• Namasukan bilang katulong ni Rev. Father Teodoro Fernandez, sa
simbahan sa Intramuros.
• Nagtapos ng Batsilyer ng Sining sa Colegio de San Juan de Letran sa edad
na 16.
• Nagsimula siyang magpraktis ng batas noong 1903.
• Nahalal na gobernador ng Tayabas (Quezon ngayon) noong 1905
• Hindi siya minsan man nakalasap ng pagkatalo sa pulitika.
• Naging miyembro ng kauna-unahang Philippine Assembly noong 1906.
• Bilang resident commissioner sa U.S. Congress (1909-1916) ay mahigpit
niyang ipinaglaban ang kasarinlan ng Pilipinas.
• Nagkaroon ng designasyong tenyente, kapitan at major sa hukbo noong
Rebolusyon ng Pilipinas at Digmaang Pilipino-Amerikano.
• Naglingkod siya sa ilalim ng pamumuno ni Hen. Emilio Aguinaldo at Hen.
Tomas Mascardo.
• Kumatawan sa Pilipinas sa International Congress of Navigation sa St.
Petersburg, Russia noong 1908.
• Pinuno ng Mayorya ng Kapulungan, Unang Asembleya ng Pilipinas.
Jose P. Laurel

Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas Oktubre 14, 1943 - Agosto 15, 1945
Araw ng pagkasilang: Marso 9, 1891 Lugar na sinilangan: Tanauan, Batangas
Ama: Sotero Laurel Ina: Jacoba Garcia Maybahay: Prudencia Hidalgo
Mga anak: Jose II, Jose III, Sotero Laurel, Natividad, Rosenda, Potenciana, Mariano, Salvador at
Arsenio
Araw ng kamatayan: Nobyembre 6, 1959
Edukasyon
Elementarya at Mataas na Paaralan: Mataas na Paaralan ng Tanauan
Colegio de San Juan de Letran
Manila High School
Kolehiyo: Batsilyer ng Abogasya, Pamantasan ng Pilipinas (1915)
Dalubhasa ng Abogasya, Escueta de Derecho (1919)
Doktor ng Abogasyang Sibil, Yale University, United States (1920)
Doktor ng Pilosopya, University of Santo Tomas (1936)
Doktor ng Abogasya, Tokyo Imperial University, Tokyo, Japan (1930)
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

• Sa kabila ng pagiging ilustrado at kakayahang lumikas noong Panahon ng


Hapon, pinili niyang harapin ang pagsubok na dumating sa bansa.
• Inatasan ni Pangulong Manuel L. Quezon na makipagkasundo sa mga
Hapones sa layuning mailigtas ang mga kababayan.
• Pinaratangang collaborator, taksil sa bayan at maka-Hapon.
• Manananggol ng kanyang amang si Sotero Laurel at naging kagawad rin ng
Kongreso sa Malolos sa panahon ng himagsikan.
• Nagtamo ng pangalawang pinakamataas na marka sa Philippine Bar nang
kumuha ng pagsusulit.
• Naging propesor nya sa kursong abogasya si U.S. Supreme Court Chief Justice
at naging pangulo ng U.S. Howard Taft.
• May-akda ng aklat tungkol sa batas, ang Constitutional Law of the Philippines.
• Naging pansamantalang Chairman ng Constitutional Convention bago nahalal
ang naging pangulo nito na si Claro M. Recto.
• Naging Pangulo ng Japanese Sponsored Philippine Republic noong panahon
ng pananakop ng Hapon.
• Nagtatag ng Lyceum ng Pilipinas sa Intramuros at ng Philippine Banking
Corporation.
Sergio Osmeña

Pangalawang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas Agosto 1, 1944 - Mayo 8, 1946


Araw ng pagkasilang: Setyembre 9, 1878 Lugar na sinilangan: Cebu City
Ina: Juana Suico
Lugar kung saan namatay: Veteran’s Memorial Hospital, Quezon City
Edad nang mamatay: 83

Edukasyon

Elementarya at Mataas na Paaralan


Pribadong Paaralan ni Manuel Logarta.
Semenaryo ng San Carlos.

Kolehiyo

Batsilyer ng Sining, Colegio de San Juan de Letran (1894)


Batsilyer ng Abogasya, University of Santo Tomas (1903)
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

 Nagtatag at namatnugot, katulong sina Jaime de Veyra at Rafael Palma ng


isang pahayagang makabayan.
 Nagsilbing Acting Governor ng Cebu (1903) sa edad na 25 kahalili ni Juan
Climaco.
 Hinirang na Panlalawigang piskal ng Cebu.
 Nanalo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu sa Unang Asembleya
ng Pilipinas noong 1907 kung saan nahalal siyang ispiker na hinawakan niya sa
loob ng 15 taon.
 Isa sa tagapagtatag ng kilalang partido. Ang Partido Nacionalista at naging una
nitong pangulo.
 Nahalal na senador noong 1922.
 Kasama si Manuel Roxas ay sinikap nilang mapagtibay ng Pamahalaang
Amerikano ang isang Constitutional Convention na magbibigay daan sa
kasarinlan ng Pilipinas.
 Natamo ang batas ukol sa Kasarinlan, ang Hare-Hawes-Cutting mula sa
Kongreso ng Estados Unidos.
 Naging Pangalawang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong Nobyembre
15, 1935.
Manuel Roxas

Huling Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas


Unang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas Mayo 28, 1946 - Abril 5, 1948
Araw ng pagkasilang: Enero 1, 1892 Lugar na sinilangan: Capiz
Ama: Gerardo Roxas Ina: Rosario Acuña Maybahay: Trinidad de Leon
Araw ng kamatayan: Abril 15, 1948
Lugar kung saan namatay: Angeles City, Pampanga Sanhi ng Kamatayan: Atake sa puso
Edad nang mamatay: 56

Edukasyon
Elementarya at Mataas na Paaralan
Pampublikong Paaralan ng Capiz
Kolehiyo ng Saint Joseph sa Hongkong
Mataas na Paaralan ng Maynila (1910)

Kolehiyo

Batsilyer ng Abogasya, Pamantasan ng Pilipinas


Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

 Nagtrabaho bilang personal na kalihim ng Kataas-taasang Hukom Cayetano


Arellano.
 Nagturo ng Abogasya sa Philippine Law School at National University.
 Naging Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong Abril 23, 1946.
 Naging Pangulo ng Pilipinas sa Panahon ng Pananakop ng mga Hapon.
 Pinamunuan niya ang Preparatory Commission for Philippine Independence na
may layuning himukin ang mga Pilipino na sumuko na at makipagkaibigan na
lamang sa mga Hapones.
 Katulong na bumuo ng Saligang Batas ng Japanese-Sponsored-Philippine
Republic.
 Tinangkang patayin noong Hulyo 5, 1943 ng mga taong galit sa kanya dahil sa
pakikipagkaibigan niya sa mga Hapon.
 Nahuli ng mga kalabang Hapon sa Mindanao at ibinilanggo sa Camp Caisag.
 Nakipagtulungan sa Estados Unidos para sa gawaing pang-ekonomiya upang
maiangat ang kabuhayan ng bansa na sinalanta ng digmaan.
 Sa ilalim ng kanyang pamamahala nagkarron ng kasunduan tungkol sa Philippine
Trade Act of 1946 kung saan nabuo ang malayang pakikipag-kalakalan ng
Amerika sa Pilipinas.
 Agarang nahirang sa tungkulin sanhi ng pagpalit ng uri ng pamamahala mula
Komonwelt tungo sa Republika.
Elpidio Quirino

Ang Ikaanim ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas Abril 17, 1948 - Disyembre 30, 1953
Araw ng pagkasilang: Nobyembre 16, 1890 Lugar na sinilangan: Vigan, Ilocos Sur
Ama: Mariano Quirino Ina: Gregoria Rivera Maybahay: Alicia Syquia
Mga Anak: Armando, Norma at Fe Araw ng kamatayan: Pebrero 29, 1955
Lugar kung saan namatay: Novaliches, Quezon City Edad nang mamatay: 65
Edukasyon
Elementarya at Mataas na Paaralan
Mababang Paaralan ng Aringay, La Union
Mataas na Paaralan ng San Fernando, La Union
Mataas na Paaralan ng Vigan, Ilocos Sur
Mataas na Paaralan ng Maynila (1911)
Kolehiyo
Batsilyer ng Abogasya, Kolehiyo ng Abogasya ng Pamantasan ng Pilipinas (1915)
Doktor ng Abogasya, honoris causa, Pamantasan ng Maynila noong Abril 17, 1948
Doktor ng Abogasya, honoris causa, Pamantasan ng Maynila noong Pebrero 12, 1949
Doktor ng Abogasya, honoris causa, Fordham University, New York noong Agosto 12, 1949
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

• May taguring Arkitekto ng Pambansang Ekonomiya.


• Nagtrabaho bilang kawani sa Maynila Police Department upang
matustusan ang pag-aaral.
• Nagtrabaho sa Kawanihan ng Mga Lupain.
• Personal na Kalihim ni pangulong Quezon, komisyonado ng Pilipinas at
Senado.
• Naging kinatawan ng Ilocos Sur sa Pambansang Asembleya.
• Napanumbalik ang kapayapaan at katiwasayan ng bansa sa pagkalupig
ng HUKBALAHAP sa tulong nang itinatalagang Kalihim ng Tanggulan
ng bansa na si Ramon Magsaysay.
• Sa panahon niya itinatag ang mga Bangko Rural at Bangko Sentral ng
Pilipinas
Ramon Magsaysay

Ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas Disyembre 30, 1953 - Marso 17, 1957
Araw ng pagkasilang: Agosto 31, 1907 Lugar na sinilangan: Iba, Zambales
Ama: Exequiel Magsaysay Ina: Perfecta del Fierro
Mga Anak: Teresita, Milagros at Ramon, Jr. Araw ng kamatayan: Marso 17, 1957
Lugar kung saan namatay: Bundok Manunggal, Cebu
Sanhi ng Kamatayan: Bumagsak ang eroplano niyang sinasakyan
Edad nang mamatay: 50
Edukasyon
Elementarya at Mataas na Paaralan Mababang Paaralan ng Castillejos Zambales Academy
Kolehiyo
Mechanical Engineering, Pamantasan ng Pilipinas (1927) Batsilyer ng Agham sa Komersiyo,
Jose Rizal College (1932)
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

 Naging malaki ang bahagi sa pagkakapasa ng panukalang batas sa pagbibigay


benepisyo ng Estados Unidos sa mga Pilipinong beterano sa digmaan at isa rito ang
pagpapatayo ng Veterans Memorial Hospital.
 Kalihim ng Kagawaran ng Pambansang Depensa noong 1950.
 Matagumpay niyang nahikayat ang mga miyembro ng HUKBALAHAP na sumuko at
magbalik sa pamahalaan.
 Tumanggap ng Man of the Year Award noong 1951.
 Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Nobyembre 1953).
 Binuksan niya ang pinto ng Malacañang sa taumbayan.
 Binuo ang President’s Action Committee (PCAC) bilang kanyang linyang
tagapagpatupad ng pagtulong sa masa.
 Binuksan ang mga pintuan ng Malacañang sa mga karaniwang tao upang ipahayag ang
kanilang mga hinaing at suliranin.
 Sa ilalim ng kanyang pamumuno binigyan ng pagkakataong mag-ari ng sariling lupa
ang mga magbubukid ayon sa batas ng Land Reform Act of 1955.
 Personal na sumuko sa kanya ang Supremo ng mga Huk na si Luis Taruc na naghudyat
ng ganap na katahimikan ng bansa.
 Tinawag na Kampeon ng Masa.
 Higit niyang pinalawig ang paggamit ng Wikang Pambansa at ang pagsusuot ng Barong
Tagalog.
Carlos P. Garcia

Ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas Marso 18, 1957 - Disyembre 30, 1961
Araw ng Pagkasilang: Nobyembre 4, 1896 Lugar ng Sinilangan: Talibon, Bohol
Ama: Policarpio Garcia Ina: Ambrosia Polistico
Anak: Linda Garcia-Campos
Araw ng Kamatayan: Hunyo 14, 1957 Sanhi ng Kamatayan: Atake sa puso
Edad nang mamatay: 61

Edukasyon
Elementarya at Mataas na Paaralan Mababang Paaralan ng Talibon, Bohol Mataas na Paaralang
Panlalawigan ng Cebu

Kolehiyo
Pamantasan ng Siliman, Dumaguete City
Batsilyer ng Abogasya, Philippine Law School (1923)
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

• Tinaguriang prinsipe ng Panulaan sa Bisaya at Makata ng Bohol


• Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay sumapi sa Guerila Forces na
lumaban sa mga Hapon
• Nahalal na Pangalawang Pangulo ni Ramon Magsaysay noong 1953
• Naging Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayan Panlabas
• Nanumpa bilang pangulo ng Pilipinas makaraan ang Araw ng Kamatayan ng
Pangulong Magsaysay sa pagbagsak ng eroplanong sinasakayan nito noong
Marso 18, 1957
• Nahalal na pangulo ng Pilipinas sa opisyal na halalang pampanguluhan noong
Nobyembre 1957
• Nagpatupad ng patakarang "Pilipuno Muna" na ang layunin ay tangkilikin ang
sariling gawa tulad ng mga produktong Pilipino, Wikang Pilipino, musika,
arte, at lahat ng gawa ng mga Pilipino. Binigyan pansin din ng palatuntunan
ang pagbibigay prayoridad sa mga Pilipino kaysa sa mga banyaga
• Tinapos ang kasunduang Pagbabayad-pinsala ng Hapon na nagtatakda ng
pagbabayad ng $550 milyon sa Pilipinas ng Hapon sa pinsalang tinamo ng
bansa sa digmaan
• Naging Pangulo ng 1971-1972 Consitutional Convention
• Nahalal na pangulo ng Second Constitutional Convention noong Hulyo 11,
1971
Diosdado Macapagal

Ikasiyam na Pangulo ng Republika ng Pilipinas Disyembre 30, 1961 - Disyembre 30, 1965
Araw ng pagkasilang: Setyembre 28, 1910
Lugar na sinilangan: San Nicolas, Lubao, Pampanga Ama: Urbano Macapagal
Ina: Romana Pangan
Araw ng kamatayan: Abril 21, 1997 Lugar kung saan namatay: Makati
Sanhi ng kamatayan: Sakit sa puso, pulmonya at bato Edad nang mamatay: 87
Edukasyon
Elementarya at Mataas na Paaralan
Mababang Paaralan ng Lubao (1925)
Mataas na Paaralan ng Pampanga (1929)
Kolehiyo
Associate of Arts, Pamantasan ng Pilipinas
Iskolar, Philippine Law School
Batsilyer ng Abogasya, Pamantasan ng Sto. Tomas (1936)
Dalubhasa ng Abogasya (1941)
Doktor ng mga Batas Pambayan (1947)
Doktor ng Pilosopiya sa Ekonomiya (1957)
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

• Tinawag na Kampeon ng Masa dahil sa pagmamalasakit sa mahihirap.


• Tinanghal na Pinakamahusay na Mambabatas ng Ikatlong Kongreso.
• Naging Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong 1957.
• Naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1961.
• Dahil sa kanyang mahigpit na kampanya laban sa katiwalian ay umani siya
ng taguring The Incorruptible.
• Ipinasa ng Kodigo ng Reporma sa Lupang Pansakahan (Republic Act No.
3844) noong Agosto 8, 1963.
• Nakatulong sa pagbuo ng MAPHILINDO (Malaysia, Philippines,
Indonesia), na hinalinhinan ng ASEAN noong 1963.
• Siya ang nagpasimuno na angkinin ng Pilipinas ang Sabah mula sa
Malaysia.
Ferdinand Marcos

Ikasampung Pangulo ng Republika ng Pilipinas Disyembre 30, 1965 – Pebrero 25, 1986
Araw ng pagkasilang: Setyembre 11, 1917 Lugar na sinilangan: Sarrat, Ilocos Norte Ama: Mariano Marcos
Ina: Josefa Edralin Maybahay: Imelda Romualdez
Mga anak: Maria Imelda, Ferdinand, Jr. at Irene Araw ng kamatayan: Setyembre 28, 1989
Lugar kung saan namatay: Honolulu, Hawaii Edad nang mamatay: 72

Edukasyon
Elementarya at Mataas na Paaralan

Paaralang Sentral ng Sarrat


Mababang Paaralan ng Shamrock sa Laoag
Mababang Paaralan ng Ermita
Mataas na Paaralan ng Pamantasan ng Pilipinas, (1933).

Kolehiyo

Malayang Sining, Pamantasan ng Pilipinas, (1936).


Batsilyer ng Abogasya, Pamantasan ng Pilipinas.
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

• Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakasama sila sa Death March at
nakaranas ng hirap at sakit bilang bilanggo ng giyera sa Fort Santiago at Capas, Tarlac.
• Pinasikat niya ang islogang “Magiging Dakilang Muli ang Bansang ito”.
• Muling nahalal para sa apat na taong panahon (1969); ang kauna-unahang muling nahalal
sa kapulungann sa kasaysayan ng Pilipinas.
• Nakapagpagawa ng maraming patubig at naipalaganap sa buong bansa ang tinatawag na
miracle rice.
• Ang pinakamadugong demonstrasyon ay naganap noong Enero 30, 1970 sa Mendiola
Bridge.
• Sinuspende niya ang Writ of Habeas Corpus noong Agosto 21, 1971 matapos bombahin ang
rally ng Liberal Party sa Plaza Miranda.
• Ipinatupad ang Batas Militar at sinuspende ang 1935 Konstitusyon (Setyembre 21, 1972).
• Iprinoklama niya ang 1973 Konstitusyon na naglalayong palawigin ang kanyang
pamamahala hanggang sa pagtatapos ng pag-iral ng Base Militar.
• Sa panahon ng Batas Militar ay sumikat ang Bagong Lipunan.
• Nilagdaan niya ang pagpapawalang bisa ng Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa
pamamagitan ng Proklamasyon 2045.
• Muling nahalal na pangulo sa anim na taong panahon makaraang magwakas ang Batas
Militar.
• Tumawag ng isang snap election sa pagkapangulo noong Pebrero 7, 1986 at nanalo kay Cory
Aquino sa kabila ng malawakang dayaan at karahasan.
• Pinatalsik ng makasaysayang People’s Power noong Pebrero 25, 1986.
• Tumakas at napatapon sa Hawaii, U.S.A.
• Ibinalik ang bangkay sa Pilipinas noong 1992.
Corazon Aquino

Ikalabing –isa at Unang Babaing Pangulo ng Republika ng Pilipinas Pebrero 26, 1986 –
Hunyo 30, 1992
Araw ng pagkasilang: Enero 25, 1933 Lugar na sinilangan: Maynila
Ama: Jose Cojuangco Ina: Demetria Sumulong Asawa: Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.
Mga anak: Maria, Aurora, Benigno III, Victoria at Kristina Araw ng kamatayan: Agosto 1, 2009
Lugar kung saan namatay: Makati Sanhi ng kamatayan: Kanser sa bituka
Edad nang mamatay: 76
Edukasyon
Elementarya at Mataas na Paaralan St. Scholastica College Akademya ng Ravenhill sa
Philadelphia, Estados Unidos Kumbentong paaralan ng Notre Dame sa New York
Kolehiyo
Batsilyer ng Sining, Kolehiyo ng Mount Saint Vincent sa New York (1953)
Doctor of Humanities, honoris causa, Kolehiyo ng Mount Saint Vincent, New York; Pamantasan ng
Ateneo de Manila at pamantasan ng Xavier sa Pilipinas
Doctor of Humanities, honoris causa, Pamantasan ng Boston, Pamantasan ng Fordham,
pamantasan ng Waseda (Tokyo), Pamantasan ng Far Eastern at Pamantasan ng Santo Tomas,
Honoris Causa, Kolehiyo ng Stonehill (Masachusetts)
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

• Iniluklok bilang Pangulo ng Pilipinas noong Pebrero 25, 1986 dahil sa


makasaysayang People’s Power na nagpatalsik kay Marcos sa posisyon.
• Pinanumpa ni Hukom ng Korte Suprema Claudio Teehankee bilang
pangulo ng Pilipinas.
• Nagpatupad ng rekonsilyasyon at pinalaya ang mga bilanggo ng New
People’s Army at Jose Maria Sison ng Communist Party of the Philippines.
• Nagpabalik ng pampanguluhang balangkas ng pamahalaan.
• Nagdaos ng isang pambansang plebisito upang pagtibayin ng bayan ang
mga susog sa Saligang Batas ng 1935 noong Pebrero 2, 1987.
• Tinanghal na Babae ng Taon ng Time Magazine.
• Ginawaran ng Gawad Eleanor Roosevelt para sa Karapatang Pantao.
• Nagkaroon ng anim na malalaking coup d’ etat na nais magpatalsik sa
kanyang pamahalaan na ang pinakamadugo ay naganap noong 1987 at
1989.
Fidel Ramos
Ikalabindalawang Pangulo ng
Republika ng Pilipinas Hunyo 30, 1992
– Hunyo 30, 1998
Araw ng pagkasilang: Marso 18, 1928
Lugar na sinilangan: Lingayen,
Pangasinan Ama: Atty. Narciso Ramos
Ina: Angela Valdez
Maybahay: Amelita “Ming” Martinez
Mga anak: Angelina, Josephine, Carolina,
Christine at Gloria

Edukasyon
Elementarya at Mataas na Paaralan
Padilla Elementary School

Kolehiyo
Philippine Military Academy, (1947)
U.S. Military Academy, West point, New York, United States, (1950) Civil Engineering
Masteral Degree, University of Illinois (1951) Associate Infantry Company Officer’s
Course Fort Benning, Georgia MBA, Pamantasan ng Ateneo de Manila
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

• Ipinadala ng Pilipinas sa aktibong serbisyo sa digmaang Korea (1950-1953)


at Digmaang Vietnam (1959-1975).
• Siya ang nagtatag ng Special Forces ng Hukbo ng Pilipinas.
• Naging Hepe ng Philippine Constabulary, na kilala ngayon bilang
Philippine National Police o PNP.
• Hinirang na Vice Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines o AFP
sa loob ng limang taon sa administrasyong Marcos.
• Naglunsad ng Philippines 2000 na ang layunin ay mapaunlad ang bansa.
• Nahalal na Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1992.
• Upang wakasan ang paghihimagsik ng rebeldeng Komunista at Muslim ay
binuo ang Komisyon sa Pambansang Pagkakaisa.
• Nakamit ang isang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro
National Liberation Front ni Nur Misuari.
Joseph Estrada

Ikalabintatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas Hunyo 30, 1998 – Enero 20, 2001
Araw ng pagkasilang: Abril 19, 1937 Lugar na sinilangan: Tondo, Maynila
Ama: Engr. Emilio Ejercito Ina: Maria Marcelo
Maybahay: Dra. Luisa “Loi” Pimentel Mga Anak: Jinggoy, Jacqueline at Jude
Edukasyon
Elementarya at Mataas na Paaralan
Tondo, Maynila
San Juan, Metro Manila

Kolehiyo

Pamantasan ng Ateneo de Manila Mapua Institute of Technology, Manila


Doktor ng Humanities, honoris causa, Pamantasan ng Pangasinan, (1990)
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

• Pinasikat ang islogang “Erap para sa Mahirap”.


• Naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong Mayo 11, 1998.
• Kaunaunahang Pangulo na isinakdal dahil sa pagmamalabis sa tungkulin
dahil sa pagkakasangkot sa ilang ilegal na gawain noong Nobyembre 13,
2000.
• Sapilitang pinaalis sa tungkulin dahil na rin sa pagkawala ng tiwala ng mga
mamamayan, pagtalikod ng mahahalagang miyembro ng kanyang gabinete,
paglipat ng suporta ng mga mahahalagang opisyal ng military sa kanyang
kalaban na naging sanhi ng tagumpay ng People Power Revolution noong
EDSA II.
• Inaresto noong Abril 25, 2001 habang nililitis ang kanyang mga kaso.
• Kasalukuyang nasa ilalim ng House Arrest sa kanyang bahay sa Tanay, Rizal
hanggang siya ay pinatawad ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
• Siya ay tumakbong muli sa pagka pangulo ng Pilipinas noong Mayo 2010
ngunit pumangalawa lang siya kay Noynoy Aquino.
Gloria Macapagal Arroyo

Ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas Enero 20, 2001 – June 31, 2010
Araw ng pagkasilang: Abril 5, 1947 Lugar na sinilangan: San Juan, Rizal
Ama: Diosdado Macapagal, Sr. Ina: Evangelina Macaraeg
Asawa: Atty. Jose Miguel T. Arroyo
Mga Anak: Juan Miguel, Evangelina Lourdes at Diosdado Ignacio
Edukasyon
Elementarya at Mataas na Paaralan Kumbento ng Assumption
Kolehiyo
Bachelor of Science in Commerce, Assumption Convent (1968).
Bachelor of Arts in Economics, Georgetown University, Washington, D.C.
UPSE Fellowship (1970-1971).
Japan Foundation Grant, (1976-1977).
Master of Arts in Econimics, Ateneo de Manila University (1978).
Rockefeller Foundation, Scholarship (1978-1983).
PhD in Economics, Pamantasan ng Pilipinas (1985).
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

• Tinanghal na Outstanding Senator ng Trade Congress Union ng Pilipinas.


• Binigyang taguri ng Asiaweek Magazine bilang “Isa sa
Pinakamakapangyarihang Babae sa Asya”.
• Pinarangalan din bilang “Woman of the Year” ng Samahan ng mga
Katolikong Guro ng Pilipinas.
• Inihalal na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong Mayo 11, 1998.
• Umani ng batikos ang kanyang pamahalaan sa pagkampi kay Pangulong
George Bush ng Estados Unidos nang magdeklara ito ng giyera laban sa
bansang Iraq.
• Humarap sa isang fiscal crisis ang kanyang pamahalaan makaraan ang
patuloy na pagtaas ng langis sa pandaigdigang pamilihan at patuloy na
pagbagsak ng ekonomiya.
Benigno Aquino, III
Ikalabing-limang Pangulo ng
Republika ng Pilipinas Hulyo 1, 2010

Araw ng pagkasilang: Pebrero 8, 1960


Lugar na sinilangan: Manila
Ama: Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.
Ina: Corazon S. Cojuangco
Mga kapatid: Maria Elena “Balsy”,
Aurora Corazon “Pinky”, Victoria Eliza “
Viel” at Kristina Bernadette “Kris”.

Edukasyon
Elementarya at Mataas na Paaralan
Ateneo de Manila University

Kolehiyo

Bachelor of Arts in Economics, Ateneo de


Manila University, 1981.
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

• Inihalal si Aquino sa Kapulungan ng mga Kinatawan noong 1998, na


kumakatawan sa 2nd District ng Tarlac. Siya ay nanalong muli sa
halalan noong 2001 at 2004 at nagsilbi hanggang 2007.
• Si Aquino ay isa sa nangungunang kasapi ng Liberal Party. Siya ang
Vice Chaiman ng Partido Liberal mula noong Marso 17, 2006
hanggang sa kasalukuyan. Siya ay dati ng Secretary General ng
partido (1999-2002), Bise-Presidente ng Luzon Liberal Party (2002-
2004) at ang Secretary General ng partido (2004-16 Marso 2006).
• Si Noynoy ay nahalal bilang Presidente ng Republika ng Pilipinas
noong Mayo 10, 2010.
• Sa kanyang kampanya nangako siyang lilinisin niya ang korapsyon at
wawakasan ang kahirapan at aalisin ang mga ilegal na sugal.
• Si Benigno Simeon C. Aquino III ay kaisa-isang anak na lalaki ni
dating Presidente Corazon Aquino
• at dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. at siya rin ang kauna-
unahang Presidente ng Pilipinas na binata.
Rodrigo Duterte
Ikalabing-limang Pangulo ng
Republika ng Pilipinas Hunyo 30,
2016
Araw ng pagkasilang: Marso 28, 1945
Lugar na sinilangan: Maasin, Leyte
Ama: Vicente Duterte
Ina: Soledad Roa

Edukasyon
Elementarya at Mataas na Paaralan
Laboon Elementary School
Sta. Ana Elementary School
Cor Jesu College, Digos, Davao Del Sur

Kolehiyo
Abogasya sa San Beda College of Law
Tala sa Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad

• Mahinto ang droga


• Maisaayos ang lagay ng trapiko sa Kamaynilaan
• Pagpapahinto ng kontraktwalisasyon
• Pagsasaayos ng MRT.
• Labanan ang korapsyon
• Pagbaba ng mga bilihin dahil sa magandang ekonomiya
• Comprehensive Tax Reform Package
• War on drugs o Madugong kampanya kontra droga
• Pagdedeklara at pag-extend ng Batas Militar sa Mindanao
• Usaping pangkapayapaan

You might also like