You are on page 1of 6

Si Manuel Acuña Roxas (Enero 1, 1892 – Abril

15, 1948) ay isang pulitiko sa Pilipinas. Siya ay ang


ika-5 Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Mayo 28,
1946 – Abril 15, 1948), Isinilang si Roxas noong
Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya
nang siya ay namatay, ang Lungsod ng Roxas sa
lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo Roxas at Rosario
Acuna ang kanyang mga magulang.
Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng
Pilipinas (University of the Philippines) noong 1912
at naging topnatcher sa Bar. Nag-umpisa siya sa
pulitika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-
ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang
Komonwelt ni Manuel L. Quezon.
Noong 1912, naihalal siya sa House of
Representatives at sa sumunod na taon ay naging
speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng
Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National
Assembly, nagsilbi (1938 – 1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong
Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas.
Ilan sa mga organisasyon o grupong binuo ni Roxas sa kanyang termino bilang presidente
ay ang mga sumusunod:
 NARIC National Rice and Corn Corporation
 NACOCO National Coconut Corporation
 NAFCO National Abaca and others Fibers Corporation
 Maliban sa mga korporasyong ito na naglalyong tulungan ang mga magsasaka, bumuo
rin siya ng mga grupong naglalayong tumulong sa pagbangon ng tao at mga
pribadong kompanya mula sa epekto ng digmaan. Tinawag itong RFC Rehabililtation
Finance Corporation
Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890 –
Pebrero 29, 1956) ay isang pulitiko at ang ika-6 na
Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Abril 17, 1948 –
Disyembre 30, 1953). Isinilang si Quirino sa Vigan,
Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano
Quirino at Gregoria Rivera.
Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng
Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.
Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na
Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy nooong
1934 at naging kasapi ng “Constitutional
Convention”. Naging pangalawang pangulo siya ni
Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang
Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril
Submitted By:
Vivien B. Herrera
17, 1948. Kinaharap ng Administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang
komunistang Hukbalahap.
Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo
ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya. Tinalo ni Ramon
Magsaysay sa kaniyang ikalawang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso
noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66.
Ang dating guro na si Elpidio Quirino ay ang naging unang Foreign Secretary ng ating
bansa na Pilipino.
 Inumpisahan niya ang DFA (Department of Foreign Affairs)
 Naging pangunahing layunin niya ang magkaroon ng tamang relasyon sa ibang bansa
 Ang kanyang pagbibigay ng kahalagahan sa pandaigdig na kapayapaan ay malinaw sa
kaniyang mga ginawang kilos
 Pinahalagahan niya nag mga karapatang pantao maging dito sa ating bansa o sa labas
ng bansa
 Kasama rin sa kaniyang nagawa ang pagbabawas ng bilang ng base militar ng mga
Amerikano sa ating bansa sa bilang na 23

Submitted By:
Vivien B. Herrera
Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramon
“Monching” Magsaysay (Agosto 31, 1907 – Marso 17,
1957) ay ang ika-7 Pangulo ng Republika ng Pilipinas
(Disyembre 30, 1953 – Marso 17, 1957). Si
Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong
Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta
del Fierro.
Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal
College. Naglingkod siya bilang taga pamahala ng
Try-Trans Motors bago magkadigma. Nang bumagsak
ang Bataan inorganisa niya ang “Pwersang Gerilya sa
Kanlurang Luzon” at pinalaya ng pwersang
Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26,
1945, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang
binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap.
Pinigil niya ng panganib na lilikhain ng pulahang
Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan.
Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika.
Ang kaniyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.
Mga Nagawa Ni Ramon Magsaysay:
 Pagtatag ng hkuman ng relasyong Agraryo.
 Pamamahagi ng mga patente ng lupa para sa mga masaka.
 Paglilipat ng tirahan para sa walang matirhan.
 Pagtatayo ng mga karagdagang daan at tulay.
 Pagkakaloob ng mga pautang sa mga magsasaka.
 Pagkakaloob ng mga pasilidad na mapag-iimbakan ng mga anong produkto at mga
ito.
 Pagbubukas ng malacanang sa pampubliko.

Submitted By:
Vivien B. Herrera
Si Diosdado Pangan Macapagal (Setyembre 28,
1910 – Abril 21, 1997) ang ika-9 na Pangulo ng
Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1961 –
Disyembre 30, 1965). Ama siya ni Gloria
Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin. Isinilang
siya noong Setyembre 28, 1910 sa San Nicolas,
Lubao, Pampanga.
Ang kaniyang mga magulang ay sina Urbano
Macapagal at Romana Pangan. Pangalawa siya sa
apat na magkakapatid. Ang kaniyang ama ay isang
manunulat ng mga salitang Kapampangan at ang
kaniyang ina ay isang guro na nagtuturo ng
katesismo.
Nakapagtapos siya ng elementarya sa Lubao
Elementaryu School bilang valedectorian at bilang
sekundarya sa Pampanga High School bilang
salutatorian.

Mga Nagawa:
 Inilunsad niya agad ang programa sa dekontrol. Ibig sabihin, wala nang limitasyon sa
importasyon at palitan ng piso sa dolyar
 Bilang pag-alinsunod sa kahilingan ni Macapagal, ang Kodigo ng Repormang
Panlupa, ay ipinasa ng Kongreso. Ito ay nilagdaaan noi Macapagal noong Agosto 8,
1963 upang maging ganap na batas.
 Sa ilalim ng Administrasyon ni Macapagal ay nalipat ang pagdiriwang ng Araw ng
Kalayaan sa Hunyo 12 sa halip na Hulyo 4, tinawag na lamang na Araw ng
Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Amerikano ang Hulyo 4, 1946.

Submitted By:
Vivien B. Herrera
Carlos Polistico Doi Garcia (1896 – 1971),
Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1957
hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre
4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa Kapuluan
ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. Ang
kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at
Ambrosia Polistico.
Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman
Institute, sa Lungsod nng Dumaguete, at kinalaunan
nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law
School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at
guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang
mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga
Kinatawan (Philippine House of Representatives) at
naglingkod hanggang 1932.
Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang
probinsya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932
hanggang 1942, at naging miyembro ng Senado mula
1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939 – 1945), lumaban siya
sa pananakop ng mga hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang
tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay nanging puno
siya ng minorya sa Senado. Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang Bise Pangulong na
kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang poitikong
Pilipino na bumuo at namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga
Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise
presidente at kalihim ng suliraning panlabas.
Ito ang mga naging programa ng dating Pangulong si Carlos P. Garcia:
 Ang paglunsad ng “Pilipino muna” noong ika-21 ng Agosto 1958
 Ang patuloy na pakikipagugnayan sa karatig bansa sa Asya
 Ang pagpapalakas ng demokrasya ng ating bvansa sa pamamgitan ng pagpapalakas
ng karapatang pantao
 Ang pagtatag ng Jose Rizal Centennial Commission. Ito ang namamhala sa
pagdiriwang ng First Centenary of the National Hero of the Philippines

Submitted By:
Vivien B. Herrera
Si Ferdinand Marcos ay ang ika-10 na Pamgulo
ng Republika ng Pilipinas. Siya ay nagmula at
ipinanganak sa bayang Ilocos noong ika-11 ng
Setyembre taong 1917. Siya ang kauna-unahang
pangulo na nagpatupad ng Martial Law sa bansa.
Ang kanyang termino bilang pangulo ay nagtagal
mula 1965 hanggang 1986 matapos magkaroon ng
People’s Power Revolution kung saan siya ay
pinatalsik sa pwesto at pinalitan ni Cory Aquino
bilang pangulo ng bansa.
Mga Nagawa:
 Green Revolution-Ang produksiyon ng palay
ay dumami dahil sa kultibasyon ng IR-8
hybrid na palay. Taong 1968, ang Pilipinas
ay nakpaglabas ng ng mahigit sa pitong
milyong dolyar na halaga ng bigas
 Blue Revolution-Ang mga pagkaing mpandagat gaya ng mga seafoods ay
ipinamahagi sa mga magsasaka upang palaguin at paramihin
 Liberalized Credit-Nagpapautang ang mga bangko para sa mga magsasaka at iba pa.
Ito ay mayroong mababang interes o tubo
 Biyayang Dagat-Pagpautang sa mga mangingisda
 Bakahang Barangay-supporta sa mga nag-aalaga ng baka
 Masaganang Maisan, Maisagana at Expanded Yellow Corn Program
 Gulayan sa Kalusugan at Pagkain ng Bayan Programs
 Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran (KKK)
 Reporma sa Edukasyon
 Reporma sa Pagsasaka
 Pagkakaroon ng Primary Health Care ng mga Pilipino
 Pabahay sa pamamagitan ng Bagong Lipunan Improvement of Sites ang Services
(BLISS) Housing project

Submitted By:
Vivien B. Herrera

You might also like