You are on page 1of 7

PAGSASAKA

PARAAN SA PAGTATANIM NG PALAY: PAGHAHANDA NG BINHI AT PAGGAWA


1. Pag-aararo. NG PUNLAAN:
2. Pagsusuyod. 1. Pagpili ng punlaan.
3. Pagpapatag. 2. Paghahanda ng punlaan.
4. Pagsasaayos ng mga pilapil. 3. Paghahanda ng binhi.
4. Pagsasabog ng pinatubong binhi.

MGA KAGAMITAN SA PAGSAKA MGA PRODUKTO


PANGINGISDA

Ang sinaunang paraan ng pangingisda gamit ang pangubkob na lambat ay malamang na


kagayang-kagaya ng pamamaraan sa Gitnang Silangan nitong nakalipas na mga panahon. Ang
pangubkob na lambat ay inihuhulog mula sa mga bangka upang makulong nito ang isang
kawan ng mga isda, at ang mahahabang lubid na nakakabit sa magkabilang dulo ng lambat ay
iniaahon sa baybayin. Pagkatapos, unti-unting hihilahin ng dalawang pangkat ng mga lalaki ang
magkabilang dulo ng lubid patungo sa dalampasigan. Ang isa pang paraan ay ang paghila sa
lambat hanggang sa ito’y maging parang malaking buslo. Sisisid naman ang mga mangingisda
sa tubig at hihilahin ang isang bahagi ng gilid na may mga pabigat patungo sa ilalim ng buong
lambat upang magkaroon ito ng lundo. Pagkatapos nito, iaahon ang lambat sa isang bangka
o mga bangka. Kung minsan naman ay hinihila muna ang lambat sa mas mababaw na bahagi
ng tubig bago ito alisan ng laman.

MGA KAGAMITAN SA PANGINGISDA MGA PRODUKTO


PAG-AALAGA NG HAYOP AT
PANGANGASO

Ang pangangaso ay ang kasanayan ng pagpatay o pagbitag ng kahit anong hayop, o


pagsunod o pagsubaybay nito na may layunin ng paggawa nito. Ang pangangaso ng mga
hayop at mababangis na hayop ay pinaka-karaniwang ginagawa ng mga tao para sa pagkain,
libangan, pagtanggal ng mga maninila na mapanganib sa tao o alagang hayop, o para sa
kalakalan. Ang sang ayon sa batas na pangangaso ay naiiba mula sa pangungurakot, kung alin
ay ang ilegal na pagpatay, pagbitag o pagdakip ng mga napangasong espesye.

MGA KAGAMITAN SA PANGANGASO MGA PRODUKTO


PAGMIMINA

Ilang uri ng pagmimina ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkayod ng lupa o dumi mula sa


ibabaw ng lupa. Tinatawag itongpagmiminang patalop o strip mining sa Ingles. Ang ilang
pagmimina ay isinasagawa sa pamamagitan ng malalim na pagpunta sa ilalim ng lupa upang
marating ang isang poso ng mina (mine shaft sa Ingles). Tinatawag ang ganitong pagmimina
bilang pagmimina sa ilalim ng lupa o undergound mining. Ang ilang pagmimina, katulad ng
pagmimina ng ginto, ay isinasagawa sa ibang mga paraan. Ang ginto ay maaaring mamina sa
pamamagitan ng paghahanap sa loob ng himlayan ng isang ilog ibang agusan o bugsuan
ng tubig upang maalis ang mga maliliit na piraso ng ginto. Tinatawag itong pananala ng ginto.

MGA KAGAMITAN SA PAGMIMINA MGA PRODUKTO


PAGPAPALAYOK

Ang panimulang mga hakbang sa karaniwang paraan ng paggawa ng mga kagamitang luwad:
hinuhugasan muna ang luwad at inaalisan ito ng dumi, inilalagay ito sa isang hantad na dako, at
niyuyurakan ng paa ang mamasa-masang luwad upang lumagkit ito at maging madaling
hubugin. Pagkatapos, ang luwad ay nilalamas ng kamay at inilalagay sa ibabaw ng gulong ng
magpapalayok.

Ang sinaunang gulong ng magpapalayok ay karaniwan nang gawa sa bato (bagaman kung
minsan ay kahoy) at pangunahin na, ito’y lapad at bilog anupat may patayong ehe sa gitna at
pinaiikot nang pahiga. Dahil mabigat ang gilid nito, matatag at tuluy-tuloy na umiikot ang gulong
habang pinaiikot ito ng kamay. Nang maglaon, noong idagdag ang isang mas malaki at mas
mabigat na gulong na pang-ibaba (sa mismong tagdan ng gulong na pang-ibabaw at umiikot din
nang pahiga), naging posibleng paikutin ng nakaupong magpapalayok ang mga gulong sa
pamamagitan ng kaniyang paa.

MGA KAGAMITAN SA PAGPAPALAYOK MGA PRODUKTO


PAGHAHABI

Ang sinaunang mga habihan ay maaaring patindig o pahiga. Ang isang uri ng patindig na
habihan ay binubuo ng dalawang posteng patayo na may nakapahalang na biga sa ibabaw.
Doon nakasabit ang mga sinulid na paayon na kinabitan ng mga pabigat upang manatiling
tuwid. Sa ilang habihan, isang mas mababang biga ang ginagamit sa halip na mga pabigat, at
sa iba naman, ang bigang ito ay maaaring paikutin upang magsilbing panggulong sa hinabing
tela. Samantala, ang isang karaniwang pahigang habihan ay binubuo ng dalawang
magkaagapay na biga na bahagyang magkalayo at sinusuhayan ng apat na tulos na nakabaon
sa lupa sa mga dulo ng mga biga. Iniuunat sa pagitan ng dalawang bigang ito ang mga sinulid
na paayon. Posibleng sa gayong uri ng mabigat na biga inihahambing ang tagdang kahoy ng
sibat ni Goliat nang ihalintulad ito sa “biga ng mga manggagawa sa habihan.

MGA KAGAMITAN SA PAGHAHABI MGA PRODUKTO


PAGPAPANDAY

MGA KAGAMITAN SA PAGPAPANDAY MGA PRODUKTO

You might also like