You are on page 1of 17

GAWAIN BLG.

2:

AKO BILANG GURO

Mga katangian bilang isang guro at katangian na tayo bilang guro.

1. Hindi tumitigil sa pag-aaral at paglikom ng kaalaman


- mas marami kang maibibigay kung marami ang mayroon ka. Ganoon din sa
online teaching. Ang isang guro ay hindi nakokontento sa kung ano ang estado
ng kanilang kaalaman ngayon at patuloy na tumutuklas ng mga panibagong
kaalaman.

2. Magaling sa komunikasyon
- dapat na may kakayahan, tama, malinaw at malinaw na pananalita upang
maging maayos ang komunikasyon sa bawat mag-aaral.

3. Mapanuri sa paligid
- upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa paligid.

4. May haplos-personal
- kinikilala nang mabuti ang bawat mag-aaral, tawagin sa pangalan, marunong
ngumiti, inaalama ang nararamdaman, opinion at interes ng mga mag-aaral
para alam kung paano ito tuturuan o didsiplinahin.

5. Walang itinatangi
- lahat ng mga mag-aaral ay itinuturing na pantay-pantay anuman ang kalagayan
nito sa lipunan.

6. May kuryusidad tungkol sa mga makabuluhang bagay


- sabi nga nila, sa kuryusidad nagsisimula ang kaalaman. Ang isang guro ay
gumagawa ng paraan upang matuto hindi lamang upang makalikom ng
kaalaman at impormasyon, kundi dahil mayroon siyang tunay na kagustuhang
makatuklas ng mga bagay na bago sa kanya o na hindi pa niya lubusang
maintindihan.

7. Mapagpatawad
- mabilis naitatama at napapatawad ang mga pagkakamaling nagawa ng mga
mag-aaral.

8. Malikhain
- nakahihikayat sa mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral kung maaliwalas ang
silid-aralan

9. May positibong ugali

- nakapagbibigay ng tamang kasagutan at hindi namamahiya ng mga mag-aaral


sa tuwing sila ay may maling kasagutan ay makatutulong lalo upang makita ng
mga mag-aaral ang kanilang direksyon.

10. Laging handa sa lahat ng oras


- may malawak na kaalaman sa paksang itinuturo at ang kakayahan nito na
iugnaysa iba pang larangan ang paksa.

11. May respeto


- samu’t saring mag-aaral ang nakakasalamuha ng guro bawat taon kaya dapat
iginagalang ng guro ang bawat mag-aaral.

12. Masayahin
- hindi malilimutan ng mga mag-aaral ang gurong laging may dalang ngiti sa
klase. Ano mang hirap na dala ng mag-aaral ay kagyat na gumagaang kung
masayahin ang isang guro.

13. May pagmamahal para sa mga mag-aaral.


- hindi lang flexible ang isang guro, kundi may tunay at malalim din na
pagmamahal sa kanyang mga mag-aaral.

14. Ipinadaramang kabilang ang bawat mag-aaral


- nagbibigay interes sa bawat estudyante at nagagawan ng paraan na maging
kabilang ang bawat isa sa talakayan.

15. Marunong tumanggap ng kamalian


- maapektohan ang klase kung ang guro ay nagkakamali. Sa pagkakataong ito,
mas nagiging modelong kababaang loob ang guro kung tinatanggap niya nang
buong puso ang nagawa niyang pagkakamali at may sinseridad ang paghingi
niya ng paumanhin sa klase.

16. Mapagpatawad
- marunong magpatawad sa kasalanang kanilang nagawa ay kinalulugdan ng
kaniyang mga mag - aaral, lalo't yaong nauukol sa kanilang maling gawi at
ikinilos.

17. May mataas na ekspektasyon


- umaasa na lahat ng mag-aaral ay magsisikap at gusting matuto.

18. Bukas sa Pamumuna


- bilang guro ay dapat bukas din sa pagpuna at nakikinig sa feedback dahil may
pagnanais na pagbutihin ang pagtuturo.

19. Disiplina
- dapat ay mulat sa mga kilos at gawa, lalo na kung ito ay direktang nauugnay sa
mga bata at sa proseso ng edukasyon.

20. Madaling maka-adjust sa pangangailangan ng panahon


- may kakayahan na mag-adjust sa pag-ikot ng mundo sa mga pagbabago na
nangyayari sa paligid, sa mga panibagong karanasan at kaalaman, at maging sa
mga pagbabago sa kultura at pag-iisip.

GAWAIN BLG. 3:

Mababatid sa isang episode ng Ipaglaban mo ang pagganap ni Miles Ocampo bilang isang
guro. Masilan ang paksa, maraming dapat talakayin. Bilang guro, anong mga partikular na
konsepto ang iyong namalas sa episode na ito? Kailan ka dapat tumindig sa mga oras na
kailangan mong magsalita? Kailan ka magiging guro?
Ang aral na napulot ko sa aking pinanuod na Ipaglaban mo "Disiplina", ay habaan
natin ang pasensya lalo na’t bata ang ating mga estudyante. Hindi ang pagbubuhat ng
kamay ang solusyon para madisiplina ang bata. Darating ang mga problema, sa
trabaho, sa bahay, sa relasyon, at minsan ay sabay-sabay na dumarating. Ngunit hindi
natin dapat hayaang lamunin tayo ng mga problema na ito.

GAWAIN BLG. 4:

D. Layunin ng Pagtuturo
- Turuang matuto ang mag-aaral
- Turuang gumawa ang mag-aaral
- Turuang mag isip ang mag-aaral

E. Kasangkapan sa Proseso ng Pagtuturo


- Pagganyak (hook)
- Aralin (bool
- Kabatiran (look)
- Pagtugon (took)

F. Mga Elemento ng Mabuting Pagtuturo


- Paglalarawan
- Layunin
- Mga file
- Ang pagkakasunod sunod ng mga aktibidad
- Pamamaraan
- Mga materyales at mapagkukunan
- Pagsusuri sa yunit ng pagtuturo
-
3. Ang mga Kasanayang Pangwika at Pagtatamo ng Kasanayang Akademik
• Pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagrereistruktura ng kurikulum sa
batayang edukasyon dahil sa mga sumusunod na dahilan:

1. Higit na magiging malikhain o inobatibo sa interdisiplinari ang mga guro sa


kanilang mga estratehiya sa pagtuturo.
2. Higit na mahahamon ang mga mag-aaral na makapag-isip nang kritikal upang
mahikayat silang masikap na matamo ang kanilang interes o pangarap sa buhay.
3. Interaktib ang pinakaideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
4. Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral sa
iba’t ibang disiplina, sa mga gagamiting kagamitang paturo at multi-media
sources.
5. Kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyong sosyal at
interpersonal at ito’y behikulo sa pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa
Filipino.

4. Kasalukuyang Kalagayan ng Pagtuturo ng Filipino sa Batayang Eduksayon

Ang Filipino bilang isang aralin o asignatura ay lumilinang  sa kasanayan sa


pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag-iisip. Para sa mabisang pagtuturo, ang
mga tiyak na kasanayan ay nililinang sa pamamagitan ng mga sitwasyon ng iba’t-ibang
kagamitan sa lubusang pagkatuto.
GAWAIN BLG. 5:

Batay sa Video na mapapanood saang artikulo mula sa Code of Ethics ng pagiging


propesyonal na Guro ang isinasaad nito. Sikaping palawakin ang diskusyon, sikaping
magkaroon ng posisyon tingkol dito.

Video Blg. 1

Hindi masama ang sumayaw pero dapat naaayon sa lugar at sa iyong propesyon.
Ang mga guro ay dapat maging mga huwaran at magtrabaho nang may disensyo at
hindi kabastusan. Ang mga guro ay lubos na iginagalang dahil sa kanilang propesyon.
Tinatawag sila upang hubugin ang kanilang mga mag-aaral para sa kanilang
kinabukasan hindi para mawalan ng respeto sa kanila ang kanilang mga estudyante
dahil sa kanilang pinapakita o ginagawa.
Video Blg. 2

Batay po sa aking napanood sa bidyo na tungkol sa isang guro sa Kalinga na


hinampas nya ang kanyang dalawang estudyante ng maraming beses. Ang pangyayari
pong ito ay nakapaloob sa Artikulo VIII seksyon 9 na sinasabing A Teacher shall insure
that condition contributive to the maximum development of learners are adequate and
shall extended needed assistance in preventing or solving learners problems and
difficulties. Ang isang guro ang syang magtuturo ng tama at gagabay sa mga
estudyante para magkaroon ito ng sapat na kaalaman at magandang bunga ng kanilanh
pag-aaral. Porke tayo po ay guro gagawa na po tayo ng ganyan.Dapat maging masipag
at matyaga tayo sa pagtuturo sa ating estudyante dapat pag hindi po talaga nila
naunawaan ang ating itinuturo may posibilidad po na ang sagot po nila ay mali rin. Kaya
po maging matyaga po tayo sa pagtuturo at pangaralan natin ang estudyante natin para
maging maayos sila sa kanilang pag-aaral.

Video Blg. 3

Batay sa aking napanood na bidyo ito ay tungkol sa estudyante at guro na naging


magkasintahan ito ay nakaloob sa code of ethics Article VIII Section 7. Na ang guro at
estudyante ay hindi maaring magkaroon ng atraksyon dahil ito ay maaring makaapekto
sa iyong propesyon bilang guro pati na sa estudyante. Kailangan nating isaalang-alang
ang mga bagay kung ito ba ay makakaapekto sa atin, kung alam nating ito ay mali ay
huwag nalang gawin. Bilang guro ikaw ang mas may alam sa kahulugan ng tamang pag-
ibig kaysa sa estudyante kaya huwag magpapadala sa bugso ng damdamin bagkus
kailangan gumamit ng propesyonal na pagpapasya. Guro ka para irespeto at maging
huwaran sa iyong mga mag-aaral kasi alam mo ang tama at mali.

GAWAIN BLG. 6:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at bigyan ng pagpapaliwanag. Sikaping
mananaliksik sa silid-aklatan hinggil sa mga konsepto. Malalim na talakayan mula sa
iba’t ibang mga pag-aaral o konsepto ng iba’t ibang tao hinggil sa bawat tanong.

1. Ano ang layuning instruksiyonal?

Ang layuning instruksyunal ay ang inaasahang kalalabasan ng pag-aaral na


ipinapahayag sa mga termino ng namamasdang kilos o gawain na isinasagawa ng mga
mag-aaral. Karaniwan na ang mga kilos na namamasdan pagkatapos ng aralin ay
bagong kilos o kaya’y ekstensyon ng kasalukuyang gawi o kilos. Nais ng guro na
matutuhan at gawin ng mga mag-aaral pagkatapos ng aralin. Maaaring ito ay isang
bagong bagay na hindi pa nila nagawa noon, o isang bagay na nabubuo sa kung ano
ang alam na nila.

2. Kailangan ba ng layuning instruksiyonal sa pagpaplano ng instruksiyon? Bakit?

3. Ano-ano ang pinagkukunan ng mga layuning instruksiyonal? Magbigay ng


halimbawa.
 Kurikulum
 Batayang aklat
 Paksang aralin

4. Ano ang layuning behebyural?

Ang layuning behebyural ay karaniwan na gumagamit ang mga guro ng mga


layuning behebyural sa pagpaplano ng instruksyon. Sa pamamagitan ng mga layuning
behebyural madaling natutukoy ng mga guro ang kalalabasan ng instruksyon.

5. Paano natutulungan ang mga guro ng mga layuning instruksiyonal sa pagpaplano ng


instruksiyon?

6. Ano-ano ang mga komponente ng mga layuning behebyural? Magbigay ng mga


halimbawa.
 Kilos
- nailalahad ang kilos sa paggamit ng mga pandiwa para maobserbahan kung
natugunan na ang mga layunin.
 Paksang tinutukoy ng kilos
- ay ang nilalaman ng instruksyon, kasanayan o pagpapahalaga na dapat
mapag-aralan o matalakay ng mga mag-aaral.
 Kondisyon
- ay ang pagtungo sa mga pangangailangan sa pagtalakay sa aralin tulad ng
lugar, oras sa paggawa, at uri ng gawain na dapat maisagawa ayon sa
itinakdang pamantayan ng guro

7. Ano-ano ang mga domain ng mga layunin na ginagamit sa pagpaplano ng


instruksiyon? Magbigay ng mga halimbawa.
 Kognitibo
- layunin na lumilinang sa mga kakayahan at kasanayang pangkaisipan ng mga
mag-aaral.
 Apektibo
- nauukol ang mga layuning pandamdamin sa paglinang ng mga saloobin,
emosyon, kawilihan at pagpapahayaga ng mga mag- aaral.
 Saykomotor
- napapaloob dito ang mga layuning makalilinang sa kasayang motor at
manipulatibo ng bawat mag-aaral.

GAWAIN BLG. 7:

Panuto: Lumikha ng tiglimang (5) layunin na nakaalangkla sa bawat layuning kognitibo,


apektibo at Saykomotor. Malayang pumili ng paksa sa Filipino baitang 7 at 10.
Maaaring sumangguni mula sa Curriculum Guide ng Kagawaran ng Edukasyon sa mga
paksa at kompetensi. Huwag kokopyahin ang mga kasanayang pampagkatuto mula sa
Curriculum Guide bagkus sariling likhang kasanayan ang dapat.

Halimbawa: Natutukoy ang kahulugan ng alamat ng Mindanao.

A. Mga Layuning Kognitibo (Cognitive Objectives)


1. Kaalaman (Knowledge)
- matatandaan
- maisasaayos
- mapili
- malelebeylan
- masasabi

2. Komprehensiyon (Comprehension)
- maipapaliwanag
- maiuugnay
- matatalakay
- maiuulat
- maikakategorya

3. Aplikasyon (Application)
- maipapakita
- mailalapat
- matatalakay
4. Pagsusuri (Analysis)
- masusuri
- maitatanong
- makakalkula
- mapupuna
- mahihiwalay

5. Pagbuo (Synthesis)
- maiuugnay
- mabubuo
- mapaplano
- magagawa

6. Pagtaya (Evaluation)
- nagpapatotoo
- nagtatasa

B. Mga Layuning Apektibo (Affective Objectives)


1. Pagtalima (Attend)
- mapapansin
- mahahanap
- maibabahagi
- makikinig
- matutukoy

2. Pagtugon (Respond)
- makakagawa
- masasagot
- matatanggap
- makakalahok
- makakasunod

3. Pagpapahalaga (Valuing)
- maipipilit
- mangangako
- mapupuri
- magugunita
- maipapahayag

4. Pag-oorganisa (Organization)
- makakapili
- mapaghahambing
- makakabuo
- maipapakita
- maisasaayos

5. Pagbibigay ng Katangian (Characterization)


- maipagtatanggol
- mailalahad
- matitiyak
- masusuring muli
- matatanggihan

C. Mga Layuning Saykomotor (Psychomotor Objectives)


1. Paggaya (Imitation)
- magagaya
- madadama
- maiisaisip
- magagawang muli
- magagawan ng kaparehas

2. Manipulasyon (Manipulation)
- mababago
- maidudugtong
- mababasa
- masisimulan
- makakasunod

3. Presisyon (Precision)
- maisasagawa ng mag-isa
- maitutumpak
- mapagbubuti
- mapapagaling
- maitatama

4. Artikulasyon (Artikulation)
- mailalahok
- maiuugnay
- makakaya
- mapapadali
- mapagdudugtong

5. Naturalisasyon (Naturalization)
- madadalian sa pagsasagawa
- ekspektong maisasagawa
- madadalian
- mapagbubuti
- mabilis
GAWAIN BLG. 8:

Panuto. Laging isa-alang-alang ang apat na komponente sa pagpaplano ng instrusiyon


sa Filipino. Dito nabibilang ang layunin, nilalaman ng instruksiyon, estratehiya at
pagtataya. Ito ay tinatawag na kontinum sa pagkatuto (learning continuum). Sa
pamamagitan ng ilustrasyon, ipaliwanag nang mahusay ang mga hakbang sa
pagpaplano ng Intruksiyon.

D. Pagtataya (Assessment)
Pagtataya (Evaluation)

Sa pagpili ng akmang
estratehiya sa pagtuturo; at sa
pagsulat/paghahanda ng mga
materyales sa pagtasa
(assessment) at pagtaya
(evaluation) ng mga gawain
B. Pag-oorganisa ng para sa aralin na tinatalakay.
Nilalaman ng Intruksiyon
C. Paggamit ng Akmang
Malaking hamon sa guro Estratehiya sa Pagtuturo
ang pag-oorganisa ng nilalaman
Masigla ang mga gawain
ng instruksyon lalo na sa
A. Pagsulat ng mga Layuning
Intruksiyonal

Gabay ang mga layuning


instruksyunal sa pag-oorganisa ng
nilalaman ng instruksyon; sa pagpili ng
akmang estratehiya sa pagtuturo; at
sa pagsulat/paghahanda ng mga
materyales sa pagtasa at pagtaya ng
mga gawain para sa aralin na
tinatalakay
GAWAIN BLG. 9:

Panuto:
Bumuo ng ilang konsepto at paliwanag na nagrerepresenta sa bawat titik ng salitang
kurikulum. Talakayin ito sa pamamagitan ng pagbabasa at pananaliksik sa ilang mga
sanggunian. Huwag maging subhetibo ang sagot, research-based ang kailangan.

Titik Paliwanag

K - kurikulum ay maaaring bigyang kahulugan bilang isang plano upang


matamo ang mga adhikain.
- upang mapaunlad ang mamamayan sa tulong ng edukasyon,

U kinakailangang mahusay na maihanda ang kalipunan ng kurso


at gawaing pampagkatuto.

R - Ragan at Sheperd, ayon sa kanila ang kurikulum ay isang


daluyang magpapadali

I - interes ng mga mag-aaral sa pangkalahatan pati na rin sa


komunidad, sa kabuuan ay kailangan laging isaisip.

K
- kurikulum ay maaaring bigyang kahulugan bilang isang sangay ng
pag-aaral na nagtataglay ng sarili nitong mga pundasyon, domayn ng
kaalaman, pananaliksik, teorya, prinsipyo, at dalubhasa.

U - upang maisagawa ito kailangan ng kooperasyon ng mga guro


para maisagawa ito.

L - layunin nito na madebelop ang kakayahan ng mga mag-aaral.

U - uunahin nilang iisipin ang mga estudyante para maisagawa ito


ng nararapat.

- masiguro na ang mga mag-aaral ng isang bansa ay

M matutugunanang kaukulang kaalaman at ng mga mag-aaral sa


bawat antas, samakatuwid, angtagagawa ng disenyo ng
kurikulum ay laging iniisip ang pangangailangan ng mgamag-
aaral at ang angkop ng kurikulum para sa kanila.

GAWAIN BLG. 10:


Panuto: Sikaping mananaliksik sa silid-aklatan hinggil sa mga konsepto. Malalim na
talakayan mula sa iba’t ibang mga pag-aaral o konsepto ng iba’t ibang tao hinggil sa
bawat tanong.

1. Ang PROCEED at ang Bagong Kurikulum sa Paaralang Elementarya (NESC)


 PROCEED (Program for a Comprehensive Elementary Education)
- Ito ay sampung taong programa para sa komprehensibong edukasyong
elementarya. Ito ay iminungkahi ni Dr. Minda C. Sutaria, director ng Kawanihan ng
Edukasyong Elementarya.

 New Elementary School Curriculum (NESC)


- Ito ay nabuo bilang bahagi sa pag-implementa ng PRODED (Program for
Decentralized Education). Inilunsad ng DECS (Department of Education,
Culture and Sports) upang mabago ang kurikulum at bigyang diin ang agham,
teknolohiya, matematika, pagbasa at pagsulat.
- Pangunahing pokus nito ang proseso ng pag-aaral, hindi sa asignatura/paksa.

2. Ang SEDP (Secondary Education Development Program)


- Ito ay tugon sa pangangailangan na ipagpatuloy ang pagkalinang ng mga nag-aaral
na pinasimulan ng PROCEED.
- Nilayon ng programang ito na mapabuti ang uri ng edukasyong pansekondarya sa
bansa, mapalawak ang access ng mga mamamayan sa may uring edukasyong
pansekondarya at maitaguyod ang pagkapantay-pantay sa mga alokasyon ng mga
mapagkukunan lalo na sa mga kapantayang lokal.

3. Mga Kasanayan sa Filipino sa SEDP Kurikulum


Sa ilalim ng SEDP kurikulum nakapaloob dito na linangin ang mga kakayahan sa
paggamit ng Filipino sa tulong ng mga tinuturing pambalarila upang matamo ang
kasanayang makro. Sa loob ng SEDP Kurikulum tinuon nito ang paglinang sa
sumusunod na kasanayan sa wika at/o panitikan.

4. Ang mga Komponents at Katangian ng Asignaturang Filipino sa Kurikulum ng 1989.


1. Wika
2. Panitikan
3. Halagahang Pangkatauhan
4. Palatuntunang Pampamahalaan
5. Mga Pag-aaral/ Pananaliksik 6. Pagsasaling-wika

5. Ang Kurikulum sa kasalukuyang panahon (2012) Ang Mother Tongue Based


Multingual Educations.
- ay ang paggamit ng mga mag-aaral ng kanilang unang wika bilang wikang panturo
mula Kindergarten hanggang ikatlong baitang. Isa ang Pilipinas sa may maraming
wikang ginagamit bilang dialekto ng wika ng mga Filipino na kung saan mayroong
humigit kumulang 181 na wika na naging sanhi ng pagkakaroon ng problema ng
Kagawaran ng Edukasyon sa pagpaptupad ng nasabing sistema.

You might also like