You are on page 1of 23

Panitikan

sa
Pilipinas
Ano ang Panitikan?
Depinisyon
Ano ang Panitikan ayon sa mga prominanteng
manunulat?
► Ayon kina Rufino Alejandro at Julian Pineda ang
panitikan ay “bungang isip na isinatitik.”
► Isinaad ni W.J Long na ang panitikan ay nasusulat
ng mga tala ng “pinakamabuting kaisipan at
damdamin ng tao.”
► Wika ni Arrogante (1983), ang panitikan ay talaan
ng buhay ng literatura.
► Para naman kina Salazar (1995:2), ang panitikan
ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri
Art by Julia ng lipunan.
Baustista/
wordpress.com ► Sinabi naman ni Maria Ramos na ang panitikan ay
kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.

Jens
Martensson
Depinisyon
Ano ang kahulugan ng Panitikan?
► Batay sa Webster Dictionary, ang panitikan ay
katipunan ng mga akdang nasusulat na
makikilala sa pamamagitan ng malikhaing
pagpapahayag, aestitikong anyo, pandaigdigang
kaisipan at kawalang-maliw
► Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng
mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan,
hangarin at diwa ng mga tao.
► Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang
"pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay
Art by Mari Kloie D. Ledesma/The
ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik"
Varsitarian naman ay nangunguhulugang literatura
(literature), na ang literatura ay galing sa Latin na
litterana nangunguhulugang titik.

Jens
Martensson
Kahalagahan
Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan?

► Upang ipaalala sa atin ang magagandang


kaugalian, kultura’t tradisyon na ikinaiiba
natin sa ibang lahi.
► Upang tuklasin ang ating aydentidad bilang
mga Pilipino.
► Upang madiskubre at maipagmalaki natin ang
mga mahuhusay na PIlipinong manunulat
Native Tagalog men ► Upang mabatid ang sariling kahusayan sa
panitikan gayundin ang ating mga
kapintasan at kahinaan.

Jens
Martensson
Kahalagahan
Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan?

► Upang mabatid natin ang magaganda at


mahuhusay na mga akdang Pilipino at nang
sa gayon ay matutuhan nating pahalagahan at
pagmalasakitan ang mga ito.
► Upang maipakita bilang Pilipino ang
pagmamahal sa sariling kultura at
Noble Tagalog couple
pagmamalasakit sa sariling panitikan.

Jens
Martensson
Mga Tagahubog
Ano-ano ang mga humuhubog sa Panitikan ng isang
bansa?
► Kultura, Kaugalian at Tradisyon
► Hanapbuhay o Gawain/ Propesyon
► Lipunan at Pulitika
► Edukasyon at Pananampalataya
► Lugar na tinitirahan
Filipino commoner couple

Jens
Martensson
Kasaysayan ng
Panitikan
sa
Pilipinas
Panitikansa
Pilipinasbago
sumakop ang mga
Espanyol
Kasaysayan
Ano ang lagay ng panitikan sa Pilipinas bago sumakop
ang mga Kastila?
► Bago pa man dumating ang mga Kastila sa
Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan
ang mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa
mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila
gaya ng mga bulong, tugmang-bayan,
bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na
anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat
at mito na anyong tuluyan at ang mga
katutubong sayaw at ritwal ng babaylan
bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.

Jens
Martensson
Kasaysayan
Ano ang lagay ng panitikan sa Pilipinas bago sumakop
ang mga Kastila?
► Bagaman karamihan sa mga panitikang ito
ay pasalin-dila. May mga panitikan ring
nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay
na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na
lamang ang mga natagpuan ng mga
arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa
kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga
prayle nang dumating sila sa bansa sa
paniniwalang ang mga ito ay gawa ng
demonyo.

Jens
Martensson
Iba’t ibang uri
ng Panitikan
Batay sa Pagsasalin
Batay sa Anyo

Jens
Martensson
Uri ng Panitikan

Jens
Martensson
Uri ng Panitikan batay sa Pagsasalin

Jens
Martensson
Uri ng Panitikan batay sa Anyo

Jens
Martensson
Jens
Martensson
Halimbawa ng Panitikang Tuluyan/ Prosa
 Nobela- mahabang kuwentong piksyon na
binubuo ng iba't ibang kabanata.
 Alamat- isang uri ng panitikan na
nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa daigdig.
 Anekdota- isang uri ng akdang tuluyan na
tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring naganap sa buhay ng isang
kilala, sikat o tanyag na tao.
 Pabula- (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay
isang uri ng kathang-isip na panitikan kung
saan mga hayop o kaya mga bagay na
walang- buhay ang gumaganap na mga
tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at
matsing, at lobo at kambing.
 Parabula- maikling kuwentong may aral na
kalimitang hinahango mula sa Bibliya.

Jens
Martensson
Halimbawa ng Panitikang Tuluyan/ Prosa
 Maikling kwento- maiksing salaysay hinggil
sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan o impresyon lamang.
 Dula- uri ng panitikan na itinatanghal sa mga
teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong
itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado.
 Sanaysay- maiksing komposisyon na
kailimitang naglalaman ng personal na kuru-
kuro ng may-akda.
 Talambuhay- anyo ng panitikan na
nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang
tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari
o impormasyon.

Jens
Martensson
Patula
Ang akda ay patula kapag ito’y nasusulat sa taludturan
at saknungan.

► Mga halimbawa:
• Epiko • Dalit
• Awit at Kurido • Pastoral
• Soneto • Senakulo
• Elehiya • Panunuluyan
Biag ni Lam-ang • Awiting-bayan • Karagatan
• Oda • Duplo

Jens
Martensson
Halimbawa ng Panitikang Patula
► Tulang Pasalaysay- pinapaksa nito ang
mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa
buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng
tauhan.
► Awit- musika na magandang pakinggan.
Mayroon itong tono at sukat.
► Korido- isang uri ng tulang nakuha natin sa
impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may
sukat na walong pantig bawat linya at may
apat na linya sa isang stanza.
Ibalon: Epiko ng Bicol ► Epiko- uri ng panitikan na tumatalakay sa mga
kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang
tao o mga tao laban sa mga. May mga
epikong binibigkas at mayroong inaawit.

Jens
Martensson
Halimbawa ng Panitikang Patula

► Balad- uri o tema ng isang tugtugin.


► Sawikain- maaaring tumukoy sa:
1. Idioma: isang pagpapahayag na ang
kahulugan ay hindi komposisyunal.
2. Moto: parirala na nagpapahiwatig ng
sentimiento ng isang grupo ng mga
tao.
3. Salawikain: mga kasabihan o kawikaan.
► Bugtong- Ang bugtong, pahulaan, o patuuran
ay isang pangungusap o tanong na may doble
o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang
Bugtong? Bugtong!
isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan
ang bugtong).

Jens
Martensson
Halimbawa ng Panitikang Patula
► Kantahin– (katulad din ng awit) mga awitin
na matatagpuan sa iba't ibang panig ng lugar
sa bansa.
► Tanaga- Ang tanaga ay isang maikling
katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng
pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit
ng matatanda sa pagpapagunita sa mga
kabataan. May estrukturang itong apat (4) na
taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.
Tanaga

Jens
Martensson
• Mabait, M. (2014, July 8). Panitikan Bago Dumating ang
mga Kastila.
https://www.slideshare.net/GinoongGood/panitikan- bago-
dumating-ang-mga-kastila.
• Bows, A. (2011, July 13). Katutubong Panitikan bago
dumating ang mga Kastila.
https://www.slideshare.net/bowsandarrows/katutubong-
panitikan-bago-dumating-ang-mga-kastila-8584598.
• Bautista, J. (2016, August 18). Ang Literatura: Panitikang Bibliograpiya
Mediterrenean-Panitikang Pilipino.
https://theliteratura.wordpress.com/2016/08/18/panitikang-
mediterrenean/
• Salosa, J. (2019, November 14). Ang Panitikan.
https://www.slideshare.net/JhonRickySalosa/ang-panitikan-
193399071
• Rubi, R. (2021, August 16). Panitikan ng Pilipinas Module 1-
2.
https://classroom.google.com/c/Mzc4NDU3NjM1ODcy/m/Mz
c4NDY4MjcxODE2/details
Wakas
Pagpupugay sa mga manunulat ng bayan!

You might also like