You are on page 1of 10

PANITIKANG PILIPINO

“Ang panitikan ay kabuuan o kalipunan ng mga


pinagyamang sinulat o nilimbag sa isang tanging wika ng
PANITIKAN
mga tao; ang mga naisatitik na pagpapahayag na may
kaugnayan sa iba’t ibang paksa; o anumang bungang-isip na
naisatitik.”
- Bagong Pangkolehiyong Diksyunaryo ni Webster
PANITIKAN

“Ang pagpapahayag ng mga damdamin ng tao tungkol sa


iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan,
sa lipunan, at kaugnayan ng kaluluwa sa Dakilang Lumikha.”
- Bro. Azarias, Pilosopiya ng Literatura
PANITIKAN

“Ang panitikan ay kabuuan ng mga karanasan ng isang


bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan, at
pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling salita;
sa isang maganda at makasining na paraan, nakasulat man o
hindi.”
- Paz Nicasio at Federico Sebastian
PANITIKAN – DAAN TUNGO SA
INTELEKTWALISASYON

PANITIKAN
• Isang mabisang ekspresyon ng isang lipunan.
• Pangunahing institusyon ng pagsasalin ng kultura sa mga
henerasyon na bumubuo ng bawat lipunan.
PANITIKAN – DAAN TUNGO SA
INTELEKTWALISASYON

Apperception Theory
Ang mga ideyang lumilitaw sa pag-iisip ay hindi lang galing sa
pandama o pakiramdam (percept) kundi mula sa rin pagmumuni-muni
o paglilimi (concept) ng isang tao sa kanyang isipan.
Ang panitikan at pag-aaral nito ay pumapasok sa dalawang (2) antas
ng teoryang Apperception Theory:
• Percept
• Concept
DALAWANG ANYO NG AKDANG
PAMPANITIKAN

1. Patula – masining o karaniwang pagsasama-sama ng mga


salita upang makabuo ng mga taludtod na maaaring may
sukat o tugma.
• Liriko
• Pasalaysay
• Tulang Pandulaan
• Tulang patnigan
DALAWANG ANYO NG AKDANG
PAMPANITIKAN

2. Tuluyan – maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa


katutubong takbo ng pangungusap. Nabibilang dito ang
Anekdota, Maikling Kwento, Alamat, Mito, Nobela,
Talambuhay, Pangulong tudling, Sanaysay, Balita, Talumpati,
Dula atbp.
MGA ELEMENTONG LUMILIKHA NG
MGA AKDANG PAMPANITIKAN

Ang mga akdang pampanitikan ay nalilikha at


nabubuo sa pamamagitan ng iba’t ibang tungkulin
upang ang mga “obra-maestra” sa larangang ito ng
sining ay magkaroon ng buhay.
MGA ELEMENTONG LUMILIKHA NG
MGA AKDANG PAMPANITIKAN

• Kapaligiran
• Karanasan
• Salik na Panlipunan at Pampulitika
• Salik Panrelihiyon
• Edukasyon

You might also like