You are on page 1of 40

kabanata 1

Kaligirang
Pangkasaysayan
ng Panitikan

FILPAN 030
Panitikang Pilipino

G. JOHN CARLO A. TOMESA, MAEd


Guro
Filipi
Panitika
Ano ang PANITIKAN?
Ang panitikan ay ang kahit anong nasusulat na gawa
ng tao. Kabilang na dito ang mga libro, nobela, tula at
iba pang komposisyong mayroong halaga sa lipunan.
Ito ay ginagamit ng mga tao upang magpahayag ng
kanilang mga nararamdaman, mga naiisip, mga
karanasan, at mga hangarin sa pamamagitan ng 
pagsulat.
Ano ang PANITIKAN?
Ang salitang ito ay tinatawag na literatura (literature). Ito
ay nagmula sa salitang Latin na “litera” na
nangangahulugang “titik“.
Ang salitang Tagalog naman na “panitikan” ayon kay Dr.
Jose Villa Panganiban, ay nanggaling sa salitang ugat na
“TITIK”, na dinagdagan ng panlaping “pang- at -an”.
Samakatuwid, ito ay pinaikling salita na PANG+TITIK+AN.
Katuturan ng Panitikan
ayon sa mga Kilalang
Manunulat
Katuturan ng Panitikan ayon sa mga kilalang manunulat.

Ito ay nasusulat na tala


ng pinakamabuting
kaisipan at damdamin ng
tao.

-W.J. Long
Katuturan ng Panitikan ayon sa mga kilalang manunulat.

Ang panitikan ay katipunan ng


magaganda, mararangal, masisining
at madamdaming kaisipang
nagpapahayag ng mga karanasan at
lunggati ng isang lahi.

-Ponciano B.P. Pineda


Katuturan ng Panitikan ayon sa mga kilalang manunulat.

Kasaysayan ng kaluluwa ng mga


mamamayan. Nasasalamin ang mga
layunin, damdamin, panaginip, pag-asa,
hinaing at guni-guni ng mga
mamamayan na nasusulat o binabanggit
sa maganda, makulay, makahulugan,
matalinghaga at masining na mga
pahayag.

- Maria Ramos
Katuturan ng Panitikan ayon sa mga kilalang manunulat.

Pagpapahayag ng mga
damdamin ng tao hinggil sa
bagay-bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa lipunan at
pamahalaan at sa kaugnayan
ng kaluluwa a Bathalang
Lumikha.

- J. Panganiban/Honorio Azarias
Dalawang
pangkalahatang anyo ng
literatura
(patula at tuluyan o prosa)
II. Dalawang Pangkalahatang Anyo ng Literatura
1. Patula
Ang patula ay sangay ng panitikan na may anyong
lirikal at tugma.  Samantalang ang tuluyan o prosa ay
ang sangay ng panitikan na may anyong pakwento at
nagtataglay ng aral.

Kabilang sa panitikang patula ang awit o korido,


balad, bugtong, epiko, sawikain na binubuo ng
kasabihan, idyoma, at salawikain, tanaga, at tulang
pasalaysay.
Mga Halimbawa:
•Florante at Laura
•Sa Aking Mga Kabata ni Dr. Rizal
Iba’t ibang uri ng Patula
• Tulang Liriko o Tula ng Damdamin –Itinatampok ng makata ang kanyang
sariling damdamin at maging ang kanyang pagbubulay-bulay (Awit, Soneto,
Oda, Elehiya, Dalit)

• Tulang Pasalaysay –Isang uri ng tula na nagsasalaysay ng mga pangyayari


sa pamamagitan ng mga taludtod. (Epiko, Awit at Korido, Balad)

• Tulang Patnigan – Isang uri ng tula na namayani noong Panahon ng


Espanyol. Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng nagtutunggaling mga
makata. (Karagatan, Duplo, Balagtasan/Batutian)

• Tulang Dula o Pantanghalan – uri ng tulang itinatanghal sa isang tanghalan.


(pantasya, romantiko, parsa, parodya)
II. Dalawang Pangkalahatang Anyo ng Literatura

2. Tuluyan/Prosa
Pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng
malayang pagsasama-sama ng mga salita.
Limitado ang paggamit ng mga salita kung
ihahalintulad sa tula.
Iba’t ibang uri ng Tuluyan/Prosa:
• Maikling Kwento/Katha
• Kathambuhay/Nobela
• Dula o drama
• Sanaysay
• Talambuhay
• Pangulong Tudling
• Balita
• Talumpati
• Salaysay
Iba’t ibang uri ng Tuluyan/Prosa:
Pabula – Isang maikling salaysay na patalinghaga
at kinatha upang maglarawan ng isang aral na moral.
Ang mga panauhan dito ay mga hayop o mga bagay na
binibigyang-katauhan, gaya ng kapangyarihang
magsalita ar umisip na parang tao.

Halimbawa: Si Pagong at Si Matsing


Iba’t ibang uri ng Tuluyan/Prosa:

Parabula - upang maglarawan ng isang aral


hinggil sa kalinisan ng pamumuhay, kabanalan,
pagkakawangga, mabuting pakikipagkapwa.

Halimbawa: Ang Parabula ng Sampung Dalaga


Iba’t ibang uri ng Tuluyan/Prosa:

Alamat – isang kuwento ng mahiwagang


pangyayari na nagpagsalin-salin sa pamamagitan
ng mga bibig at pinaniniwalaang may batayang
historikal bagamat walang kakayahang patunayan
sa katotohanan.

Halimbawa: Ang Alamat ng Pinya


Iba’t ibang uri ng Tuluyan/Prosa:

Anekdota – ay maikling salaysay ng mga


tunay na karanasan o katawa-tawa at nag-iiwan
ng magagandang aral sa buhay.

Halimbawa: Anekdota sa Buhay ni Nelson Mandela


Iba’t ibang uri ng Tuluyan/Prosa:

Mitolohiya – katipunan ng iba’t ibang paniniwala at mga


kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa.

Halimbawa: Si Pygmalion at Si Galatea,


Si Pele, Ang Diyosa ng Apoy at Bulkan
Troy, Clash of the Titans at Percy Jackson
na ibinase sa Mitolohiya ng Griyego at Roma
Iba’t ibang uri ng Tuluyan/Prosa:

Kuwentong-bayan – mga kuwentong pumapaksa


sa mga katangian ng mga tauhan at may layuning
maglibang. Nagpasalin-salin din ito sa bibig ng mga
tao.

Halimbawa: Alamat, Mito, Parabula, Pabula


Bakit kailangang pag-
aralan ang panitikan?
III. Bakit kailangang pag-aralan ang Literatura at Panitikan?

- Upang makilala natin ang ating sarili bilang


Pilipino, matalos ang ating minanang yaman ng
isip at angking talino ng ating pinanggalingang
lahi.
III. Bakit kailangang pag-aralan ang Literatura at Panitikan?

-Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating


mabatid na tayo’y may dakila at marangal na
tradisyong siya nating ginawang sandigan ng
pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating
bansa.
III. Bakit kailangang pag-aralan ang Literatura at Panitikan?

- Upang matanto natin ang ating mga kakulangan


sa pagsulat ng literatura at makapagsanay na
ito’y matuwid at mabago.
III. Bakit kailangang pag-aralan ang Literatura at Panitikan?

- Upang makilala at magamit ang ating mga


kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito’y
malinang at mapaunlad.
III. Bakit kailangang pag-aralan ang Literatura at Panitikan?

- Mapahalagahan ang kagandahan ng sariling wika


at makapagbubukas ito ng isipan sa ganap na
pag-unawa sa ating pagka-Filipino.
III. Bakit kailangang pag-aralan ang Literatura at Panitikan?

- Higit sa lahat, bilang mga Filipinong nagmamahal


sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang
pagmamalasakit sa ating sariling literatura.
Iba’t ibang panahon sa
kasaysayan ng
literaturang filipino
IV. Iba’t Ibang Panahon sa Kasaysayan ng Literaturang Filipino

1. Katutubong Panitikan o ang Panitikan sa Panahon Bago Dumating


ang mga Kastila – mula sa kamula-mulaang panahon hanggang sa
pananakop na ginawa ni Legazpi noong 1565.
2. Panitikan sa Panahon ng Kastila – mula noong 1565 hanggang sa
pag-aalsa sa Cavite noong 1872, nang bitayin ang tatlong paring
Pilipino na sina Burgos, Gomez at Zamora.
3. Panitikan sa Panahon ng Kilusang Propaganda – mula noong 1872
hanggang 1896.
IV. Iba’t Ibang Panahon sa Kasaysayan ng Literaturang Filipino
4. Panitikan ng Himagsikan – mulang noong 1896 hanggang sa
pananakop ng Amerika.
5. Panitikan sa Panahon ng Amerikano – mula 1910 hanggang 1941.

6. Panitikan sa Panahon ng Hapon – mula 1942 hanggang 1944.


7. Panahon ng Bagong Kalayaan at Pambansang Krisis
8. Panahon ng Protesta
9. Panahon ng Bagong Lipunan
10. Ang Rebolusyong EDSA hanggang sa Kasalukuyan
Pagsalakay sa Pearl Harbor
►Dec. 8, 1941, sinalakay ng mga
puwersang Hapon ang Pearl
Harbor, Hawaii. Sunod-sunod
na sinalakay ng mga Hapon
ang mga base ng mga
Amerikano sa Davao, Cavite,
Baguio, Clark Field, at
Zambales.
Pagdating ng mga Hapon
►Dec. 10, 1941, narating ng
mga Hapon ang Aparri,
Cagayan at Vigan, Ilocos
Sur. Dumaong naman ang
malaking puwersa ng mga
Hapon sa Lingayen,
Pangasinan. Unti-unting
nasakop ng mga Hapon
ang buong Pilipinas.
Open City
►Upang iligtas sa trahedya
ng digmaan ang Maynila,
idineklara ni Hen.
MacArthur ito bilang Open
City Noong Dec. 26, 1941.
Iniutos din nito na alisin
ang mga kagamitang
pandigma sa Maynila at
ilipat sa Bataan.
Pagtakas ni Hen. MacArthur
►Labag man sa kanyang
kalooban, nilisan ni Hen.
MacArthur ang Corregidor
papuntang Australia noong
Marso 11, 1942. Humalili sa
kanya bilang pinuno si Hen.
Jonathan Wainwright.
Pagdating sa Australia,
ipinahayag niya ang
makasaysayang pangakong “I
shall return.”
Pagsuko ng Bataan
►Dahil sa matinding hirap
at gutom, isinuko ni Hen.
Edward P. King, kumander
ng USAFFE sa Bataan, ang
mga puwersa nito kay
Hen. Masaharu Homma
noong Abril 9, 1942.
Death March
►Ang mga sumukong
sundalo ay nagmartsa sa
loob ng maraming araw ng
walang pagkain at inumin
mula Mariveles, Bataan
hanggang San Fernando,
Pampanga. Mula dito, sila
ay isinakay sa mga tren at
dinala sa Camp O’ Donnel
sa Capas, Tarlac.
Pagsuko ng Corregidor
►Noong Mayo 6, 1942
isinuko ni Hen. Jonathan
Wainwright ang Corregidor
sa mga Hapon. Ipinag-utos
niya rin ang pagsuko sa lahat
ng puwersa ng USAFFE sa
buong Pilipinas.
Ikalawang Republika ng Pilipinas
• Itinatag ang Preparatory
Commission for Philippine
Independence noong Sept. 7,
1943 upang bumuo ng
bagong Saligang Batas. Napili
bilang pinuno nito si Jose P.
Laurel.
WAKAS
ng
UNANG KABANATA

You might also like