You are on page 1of 19

Mga Pangulo

ng Pilipinas

A.P Q4 Week4

RACHEL KARL V. VIVAS


Emilio Aguinaldo
Unang Pangulo ng Pilipinas

Naging Pangulo ng bansa noong Enero 23,


1899 hanggang 1, 1901. Isang tanyag na
heneral na nagsusulong ng kasarinlan ng
bansa at namuno ng maraming pag-aalsa
laban sa Espanya kasama ang nabigong
rebolusyong noong1896
Manuel L. Quezon
Ikalawang Pangulo ng Pilipinas
Si Manuel Luis Quezon y Molina ay ang Unang Presidente
ng Commonwealth.Naging Ikalawang Pangulo ng Pilipinas
noong Nobyembre 15, 1935 hanggang Agosto 1, 1944.
Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler sa lalawigan ng
Tayabas noong Agosto 19, 1878. Kapwa mga guro ang
kanyang mga magulang na sina Lucio Quezon at Ma.
Dolores Molina. Nakiisa siya sa pakikibaka laban sa kastila
noong siya ay binate pa.
Jose P. Laurel
Ikatlong Pangulo ng Pilipinas
Si Jose Paciano Laurel y Garcia ay Pangulo ng
Ikalawang Republika. Naging pangulo ng
bansa noong Oktubre 14, 1943 hanggang
Agosto 17, 1945. Siya ay nagging pangulo
matapos italaga ng Hapones sa ilalim ng
kanilang pananakop. Matapos ang digmaan,
siya ay nahalal na Senador ng Ikatlong
Republika.
Sergio Osmena
Ikaapat na Pangulo ng Pilipinas
Si Sergio Osmena y Suico ay Ikalawang
Pangulo ng Commonwealth. Naging pangulo
noong 1, 1944 hanggang 28, 1946. Bago
naging pangulo siya ay nahirang na Bise-
Presidente noong 1935. Kasama siya nang
bumalik si Heneral MacArthur sa Pilipinas at
nagsumikap na muling maibangon ang bansa
sa pinsala ng digmaang nagdaan.
Manuel Roxas
Ikalimang Pangulo ng Pilipinas
Si Manuel Acuna Roxas ay ang ikatlong
Pangulo ng Commonwealth at Unang pangulo
ng Ikatlong Republika. Naging pangulo ng
Republika noong Mayo 28, 1946 hanggang
April 15, 1948. Nagtapos siya ng abogasya sa
UP at nagging topnotcher sa Bar Exam noong
1912.
Elpidio Quirino
Ikaanim na Pangulo ng Pilipinas
Elpidio Rivera Quirino ay ang ikalawang pangulo ng
ikatlong republika. Naging Pangulo ng republika
mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953.
Pagkatapos ng digmaan siya ay nahalal bilang bise-
Presidente noong 1946 at nahirang na kapalit ni
Pangulong Roxas matapos itong pumanaw noong
1946.
Ramon Magsaysay
Ikapitong Presidente ng Pilipinas
Si Ramon del Fierro Magsaysay ay naging ikatlong Pangulo
ng Ikatlong Republika. Naging pangulo ng Bansa Mula
Disyembre 30, 1953 hanggang Marso 17, 1957. Hinirang na
“ Tagapagligtas ng Demokrasya” sapagkat pinigilan niya ang
paghihimagsik ng Huk. Nagpamahagi rin niya ang mga
lupain sa mga magsasaka. Siya ay pumanaw nang
bumagsak ang sinasakyan niyang eroplano sa Cebu noong
Marso 17, 1957 sa edad na 49.
Carlos P. Garcia
Ikawalong Pangulo ng Pilipinas
Carlos Polistico Garcia ay ang ikaapat na
pangulo ng Ikatlong Republika. Naging
pangulo mula Marso 18, 1957 hanggang
Disyembre 30, 1961. Humalili kay Pangulong
Magsaysay matapos itong masawi. Siya ay
nagsimula ng katawang “Pilipino Muna”
bilang simbolo ng pagiging makabayan.
Diosdado Macapagal
Ikasiyam na Pangulo ng Pilipinas
Diosdado Pangan Macapagal ay ang
Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika.
Naging pangulo mula Disyembre 30, 1961
hanggang Disyembre 30, 1965. Kilala bilang
“poor boy from Lubao” dahil siya ay lumaki sa
kahirapan . Siya ay nagging tanyag sa
paglulunsad ng Kodigong Pangrepormang
Panlupang Pansakahan.
Ferdinand Marcos
Ikasampung Pangulo ng Pilipinas

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos ay ang


ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika at unang
Pangulo ng ikaapat na Republika. Naging pangulo
mula Disyembre 30, 1965 hanggang Pebrero 25,
1986. Pinakamatagal na naging pangulo ng
Pilipinas. Nagpatupad ng “Martial Law”.
Corazon Aquino
Ikalabing-isang Pangulo ng Pilipinas
Maria Corazon Conjuangco-Aquino, Ikalawang
pangulo ng ikaapat na Republika at Unang pangulo
ng ikalimang republika. Kauna-unahang babaeng
president ng bansa mula Pebrero 25, 1986
hanggang Marso 25, 1986. Tinaguriang “Ina ng
Demokrasya” dahil sa pagiging instrument sa
panunumbalik ng demokrasya sa bansa. Siya ay
naluklok sa pamamagitan ng mapayapang “People
Power Revolution”
Fidel V. Ramos
Ikalabindalawang Pangulo ng Pilipinas
Si Fidel Valdez Ramos ay ang ikalawang pangulo ng
Ikalimang Republika. Naging pangulo noong Hunyo 30,
1992 hanggang Hunyo 30, 1996. Sa ilalim ng kanyang
panunungkulan, nagtamasa ng palago ang ekonomiya dahil
sa mga repormang ipinatupad at napabuti ang imahe ng
Pilipinas sa internasyunal na larangan. Subalit hindi rin
nagtagal ang pag-unlad matapos na makasama ang bansa
sa pagbulusok matapos na madamay sa “krisis ---- ng mga
katabing bansa sa Timog Silangang Asya noong 1987
Joseph Ejercito Estrada
Ikalabintatlong pangulo ng Pilipinas

Ikatlong Pangulo ng ikalimang Republika. Naging


pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 30, 1996
hanggang Enero 20, 2001 . Kilala din siya sa tawag
na “Erap”. Isang popular na actor at pulitiko.
Nagsimula ang kaniyang karera sa pulitika bilang
alkalde ng San Juan sa Kalakhang Maynila. Noong
Enero 2001, iniwan niya ang pwesto pagkapangulo
dahil sa alegasyong korapsyon.
Gloria Macapagal Arroyo
Ikalabing-apat na Pangulo ng Pilipinas
Maria Gloria Macapagal-Arroyo, ikaapat na pangulo ng
ikalimang Republika. Naging pangulo ng Pilipinas mula Enero
20, 2001 hanggang Hunyo 30, 2010. Siya ay anak ni Pangulong
Diosdado Macapagal at isang propesor ng ekonomiya at
nanilbihan sa pamahalaan noong 1987 bilang pangalawang
kalihim ng Kagawaran ng Kalakaran at Industriya nang italaga
siya ni pangulong Corazon Aquino. Siya ay naging senador
(1992-1998) at pagkatapos ay nagging Pangalawang Pangulo ng
bansa. Naging Pangulo siya ng bansa matapos na iwanan ni
Presidente Estrada ang pwesto noong 2001.
Benigno S. Aquino III
Ikalabinlimang Pangulo ng Pilipinas
Benigno Simeon Cojuangco Aquino III,
Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika.
Kilala sa tawag na “P-Noy” o “ Pangulong
Noynoy” . Nahalal noong Hunyo 30, 20010.
Siya ay ang nag-iisang anak na lalaki nina
dating Senador Benigno Aquino Jr. at
Pangulong Corazon Aquino.
Rodrigo Duterte
Ikalabing anim na Pangulo ng Pilipinas

Rodrigo Duterte, Ika-anim na Pangulo


ng Ikalimang Republika. Ang
ksalukuyang pangulo ng Pilipinas.
Nahalal noong
Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.
1. Sino ang kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas?
2. Siya ay pumanaw nang bumagsak ang sinasakyan niyang
eroplano sa Cebu noong Marso 17, 1957 sa edad na 49.
3. Siya ay nagsimula ng katawang “Pilipino Muna” bilang simbolo
ng pagiging makabayan
4. Siya ang nagpatupad ng Martial Law at pinakmatagal na nagging
Pangulo ng Pilipinas.
5. Kauna-unang babaeng Pangulo ng Pilipinas
1.Emilio Aguinaldo
2.Ramon Magsaysay
3.Carlos P. Garcia
4.Ferdinand Marcos
5.Corazon Aquino

You might also like