You are on page 1of 10

Pamahalaang Komonwelt

Landas Tungo sa Kalayaan


Mga Programa ni Pang. Quezon
B. Pagbabagong Pampulitika

1. Pagtatatag ng Kagawaran ng
Tanggulang Pambansa. Inatasan si
Heneral. Douglas MacArthur bilang
tagapayong militar kung saan
sinanay niya ang mga kalalakihang
may edad 21 pataas ng taktikang
militar.
Batas Komonwelt Bilang 1
Tinatawag na Batas ng
Tanggulang Pambansa.
Itinatag upang mapangalagaan
mula sa panloob at panlabas na
panganib ang bansa. Ang mga
Hukbong Panlupa, Pandagat at
Panghimpapawid ay binuo bilang
bahagi ng Sandatahang Lakas ng
bansa.
2. Pinagtibay ang National
Defense Act
• Layunin nitong
mapangalagaan ang
seguridad ng bansa.
• Pagtatatag ng Hukbong
Sandatahan ng
Pilipinas na binubuo ng
mga regular force
(sundalo) at reserve
force (sibilyan).
Naging tagapayo ng Hukbong
Sandatahan si Gen. Douglas
MacArthur.
3. Pinagtibay ang Women's
Suffrage Act
• Nagbigay ng pantay na karapatan
sa mga babae na bumoto at
mahalal sa pampublikong
posisyon.

Paglagda ni Pang. Quezon Bumoto si Unang Ginang


sa Women’s Suffrage Law Aurora Aragon-Quezon sa
unang pagkakataon.
Si Dr. Maria Paz Mendoza, pangulo
ng WCL o Women’s Citizens League
ang nanguna sa kampanya ukol sa
pagbibigay ng karapatan sa mga
kababaihang makaboto
Kabilang sa mga kababaihan na
nahalal sa iba’t ibang posisyon sa
pamahalaan ay sina:
1. Carmen Planas, ang kauna-
unahang nahalal na babaeng
konsehal ng Maynila
2. Elisa K. Ochoa ng Agusan, ang
kauna-unahang babaeng nahaal na
kinatawan sa Kongreso.
Mga Programa ni Pang. Quezon
B. Pagbabagong Pangkabuhayan
1. Pagtatatag ng National
Economic Council (NEC)
Naglalayong magbigay
mungkahi sa pamahalaan tungkol
sa kabuhayan at pananalapi,
maging ang pagpapaunlad ng mga
industriya at pagpaparami ng mga
pananim at ani.
2. Pagkakaroon ng National Rice
and Corn Corporation (NARIC)
Magbabantay sa halaga ng bigas
upang mailigtas ang bayan sa
gutom at pagsasamantala ng mga
negosyante.

3. Pagpapaayos ng sistema ng
transportasyon upang mapabilis
ang pagdadala ng mga produktong
iniluluwas at inaangkat.
4. Pagpapairal nang maayos na
komunikasyon sa pamamagitan ng
pagpapaunlad ng sistema ng
telepono at telegrapo.
5. Pagbibigay ng pagkakataon sa
mga magsasaka na walang sariling
lupa na makapag-may-ari ng lupang
sakahan ng hindi hihigit sa 24
ektaryang lupaing
pansakahan. Tinawag itong
Patakarang Homestead.
Ang lahat ng nagmamay-ari
ng lupain ay kinakailangang
maiparehistro ang lupa at bibigyan
ng titulo o tinatawag na Torrens
Title bilang katibayan sa ilalim ng
Batas sa Titulo.
Karamihan ng mga Homestead ay
nasa Mindanao.

You might also like