You are on page 1of 10

“Araling Panlipunan”

Submitted to:
Teacher. Maricel Dulay
Submitted by:
Lan Coleen S. Asok
Carlos P. Garcia
18 Marso 1957– 30 Disyembre 1961
Si Carlos Polistico Garcia (4 Nobyembre 1896 - 14
Hunyo 1971)
Ay isang Pilipinong makata at politiko at ang
ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (18
Marso 1957–30 Disyembre 1961).
Naging pangalawang pangulo at miyembro ng
gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa
siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay.
Kilala si Garcia sa kanyang pagpapatupad ng
patakarang "Pilipino Muna" ("Filipino First").
• Maagang buhay
• Sinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa bayan ng Talibon,
Bohol. Ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at
Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Pamantasang Silliman sa Lungsod
ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa
Philippine Law School at nakapasok sa bar noong 1923 sa Maynila.
• Iniwan niya pagsasanay ng abugasya at naging guro ng highschool.
• Una niyang pinasok ang politika noong 1926 bilang kaanib sa
Kapulungan ng mga Kinatawan at naglingkod hanggang 1932.
• Gobernador ng Bohol
Nagsilbi si Garcia bilang gobernador ng Bohol mula 1932 hanggang
1941.
• Senado
Nahalal siya sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit hindi
nakapaglingkod dahil sa pananakop ng mga Hapones noong
Disyembre 1941. Ipinagpatuloy niya ang paglilingkod bilang
Senador nang mapalaya ang Pilipinas sa pananakop ng mga
Hapones noong 1945. Siya ay nanungkulan mula 1945
hanggang 1953. Tumungo si Garcia sa Estados Unidos upang
ilobby ang kabayaran para pinsala sa digmaan ng Pilipinas. Siya
ay nagsilbi ring delegado ng bagong nabuong United Nations
sa San Francisco. Sa Senado, siya ay naging pinuno ng minorya
at namuno sa mga impluwensiyal na komite hingil sa
pamahalaan, hukbo, katarungan at ugnayang pandayuhan ng
• Panahong Hapones
Pagkatapos sumuko ang mga Amerikano sa mga Hapones
noong Mayo 1942, si Garcia ay pinahanap ng mga autoridad na
Hapones upang hulihin dahil sa kanyang pagtangging sumali sa
pananakop ng mga Hapones. Siya ay sumali sa puwersang
gerilyang laban sa Hapon sa Bohol hanggang sa matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
• Pangalawang Pangulo
Noong Nobyembre 1953, si Garcia ay nahalal na Pangalawang Pangulo kasama ni
Ramon Magsaysay bilang Pangulo ng Pilipinas. Sa ilalim ni Magsaysay, si Garcia ay
naging Kalihim ng ugnayang pandayuhan. Bilang kalihim nito, nilikha niya ang
kasunduang kapayapaan sa Hapones at nakipagayos para sa pagbabayad nito sa
digmaan. Dumalo si Garcia sa Komperensiyang Geneva hinggil sa mga bagay na
Asyano. Kanyang inatake ang mga komunista at sinuportahan ang mga patakarang
Amerikano sa buong Silangan. Sa Pilipinas, patuloy niyang binuo ang mga
patakarang pandayuhan at nangasiwa sa Southeast Asia Treaty Organization
(SEATO) Conference noong 1954 na nagresulta sa walong kasaping alyansang
panghukbo upang pigilan ang paglawak ng komunismo.
• Pangulo
Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si
Ramon Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano.

Nagwagi siya sa halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957.


Upang makuha ang pagkapanalo sa 1957 halalan, pinili niya si Diosdado
Macapagal mula sa oposisyong Partido Liberal na maging kasamang
tatakbo bilang pangalawang pangulo.
• Ekonomiya
Bilang Pangulo, nagpanatili siya ng isang striktong
programa ng paghihigpit upang maalis ang korupsiyon.
Sinikap niyang pigilan ang yumayabong na itim na
pamilihan at sinikap na pagsiglahin ang ekonomiya. Ang
paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay nasa 4.54 %.
Kanyang ipinatupad ang patakarang "Pilipino Muna" upang
wakasan ang pananaig ng mga dayuhan sa ekonomiya ng
Pilipinas. Ang lahat ng mga imbestor na dayuhan na
karamihan ay mga Amerikano ay nilimitahan sa kaunti sa
51 porsiyentong interes sa mga kompanyang domestiko.
• 1961 halalan ng pagkapangulo
Noong 1961, sa gitna ng isang bumagal na ekonomiya at mga
alegasyon ng korupsiyon, si Garcia ay natalo sa halalan ng
pagkapangulo sa kanyang pangalawang pangulong si Diosdado
Macapagal. Pagkatapos ng pagkatalo, siya ay nagretiro na sa pultika
ngunit noong 1971 ay hinikayat siya ni Ferdinand Marcos na
mamuno sa isang bagong kumbensiyong konstitusyonal na lilikha ng
Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973 ngunit namatay siya bago pa
makuha ang posisyon.
• Kamatayan
Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang politiko, si
Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Boholano.
Namatay siya sa atake sa puso noong 14 Hunyo 1971 sa edad na 74.

You might also like