You are on page 1of 13

• Isinilang si Garcia noong 4 Nobyembre 1896 sa bayan ng

Talibon, Bohol.
• Nag-aral sa Pamantasang Silliman, Lungsod ng Dumaguete.
• Nagtapos ng abogasya sa Philippine Law School at nakapasok
sa bar noong 1923 sa Maynila.
• Iniwan ang pagsasanay ng abugasya at naging guro ng mataas
na paaralan.
• Unang pinasok ang politika noong 1926 bilang kaanib sa
Kapulungan ng mga Kinatawan (naglingkod hanggang 1932)
• Gobernador ng Bohol Nagsilbi si Garcia bilang gobernador ng
Bohol (1932-1941).
• Nahalal sa Senado ng Pilipinas noong 1941 (1945-1953)
 Bagama’t nahalal sa pagiging senador, hindi siya nakapaglingkod dahil
sa pananakop ng mga Hapones noong Disyembre 1941.
 Ipinagpatuloy niya ang paglilingkod bilang Senador nang mapalaya ang
Pilipinas sa pananakop ng mga Hapones noong 1945.
 Tumungo si Garcia Estados Unidos upang ilakad ang kabayaran para sa
pinsala sa digmaan ng Pilipinas. Siya ay nagging delegado ng bagong
nabuong United Nations sa San Francisco. Sa Senado, siya ay naging
pinuno ng minorya at namuno sa mga impluwensiyal na komite hingil sa
pamahalaan, hukbo, katarungan at ugnayang pandayuhan ng Pilipinas.
• Siya aypinahanap ng mga autoridad na Hapones upang
hulihin dahil sa kanyang pagtangging sumali sa pananakop
ng mga Hapones.
• Siya ay sumali sa puwersang gerilyang laban sa Hapon sa
Bohol hanggang sa matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
• Si Garcia ay nahalal na Pangalawang Pangulo kasama ni
Ramon Magsaysay bilang Pangulo ng Pilipinas.
• Siya ay naging Kalihim ng ugnayang-pandayuhan.
 nilikha niya ang kasunduang kapayapaan sa Hapones at
nakipagayos para sa pagbabayad nito sa digmaan.
• Sa Pilipinas, patuloy niyang binuo ang mga patakarang
pandayuhan at nangasiwa sa Southeast Asia Treaty
Organization (SEATO) Conference noong 1954 na
nagresulta sa walong kasaping alyansang panghukbo
upang pigilan ang paglawak ng komunismo.
• Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos
pumanaw si Ramon Magsaysay sa isang aksidente sa
eroplano.
• Nagwagi siya sa halalang pampanguluhan noong
Nobyembre 1957.
• Upang makuha ang pagkapanalo sa 1957 halalan, pinili niya
si Diosdado Macapagal mula sa oposisyong Partido Liberal
na maging kasamang tatakbo bilang pangalawang pangulo.
• Nagpanatili siya ng isang striktong programa ng
paghihigpit upang maalis ang korupsiyon.
• Sinikap niyang pigilan ang yumayabong na itim na
pamilihan at sinikap na pagsiglahin ang ekonomiya.
• Kanyang ipinatupad ang patakarang "Pilipino Muna" upang
wakasan ang pananaig ng mga dayuhan sa ekonomiya ng
Pilipinas.
• Sinikap rin ni Garcia na buhayin ang mga katutubong
sining pangkultura upang pagtibayin ang pagkakakilanlang
pambansa ng mga Pilipino.
• Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni
Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga
pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang
pinaboran naman ng mga Amerikano siDiosdado
Macapagal upang manalo sa halalan noong 1961.
• Inilunsad niya ang patakarang "Pilipino Muna" noong ika-
21 ng Agosto 1958.
• Noong 1959, hinikayat nina Pangulong Garcia at Tungku
Abdul Rahman ng Malaysia ang mga bansa sa Asya na
bumuo ng isang samahan ngunit tanging Thailand lamang
ang tumugon.
 Itinatag ang tatlong bansa ang Association of1961.
• Muling pagpapalakas ng demokrasya sa bansa sa
pamamagitan ng paggalang Southeast Asia (ASA) noong
sa mga karapatang pantao.
• Muling pagsasabuhay ng kulturang Pilipino sa pamamagitan
ng pagbibigay ng mga gantimpala at parangal sa mahuhusay
na Pilipino sa larangan ng sining, agham, at panitikan
(Republic Cultural Heritage Award)
• Paglikha ng Jose Rizal Centennial Commission na namahala
sa pagdiriwang ng First Centenary of the National Hero of the
Philippines noong ika-19 ng hunyo 1971.
• Sa bisa ng Republic Act No. 1700, ipinagbawal ang pagsapi
sa rebolusyonaryong organisasyon na sumusuporta sa
komunismo.
• Sa kanyang administrasyon, pinaigsi rin ang panahon
pagpaparenta ng mga base militar ng Amerikano sa bansa
ng hanggang 25 taon na lamang, mula sa orihinal na 99.
a friendly reminder from

You might also like