You are on page 1of 6

MGA PANGULO SA IKATLONG REPUBLIKA

– Ang ikatlong republika ng Pilipinas ay batay sa Saligang Batas ng 1935 at pinagtibay


ng Commonwealth ng Pilipinas. Ito'y inspirasyon ng mapanlinlang na "benevolent
assimilation" na patakaran ng Amerika bilang transisyon ng Pilipinas mula direktang
kolonya patungong kasarinlan.

Mga Pangulo sa Ikatlong Republika

Manuel Roxas (1946 - 1948)

— Bago pa man din siyang maging unang pangulo ng Ikatlong Republika, si Manuel Roxas ang
naging huling pangulo ng Commonwealth. Isang estadista ng Capiz (sa lungsod na ipinangalan
sa kanya nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas), si Roxas ang nagsimulang magtayo
ng ekonomiya ng isang bansang winasak ng digmaan. Kaniyang ipinatupad ang ibang
pangunahing mga prayoridad ng kaniyang administrasyon gaya ng: ang industrialisasyon ng
Pilipinas, ang pagpapatagal ng malapit na kooperasyon at ispesyal na relasyon sa Estados
Unidos (dahilan kung bakit sa panahon niya'y isang pampublikong kaalaman na siya'y isang
"Pro-American"), ang pagpapanatili ng batas at kaayusan at ang pagpasa sa kongreso ng batas
na magbibigay sa magsasaka ng 70% ng kabuuang kinitang ani (30% lamang sa panginoong
maylupa). Ngunit noong gabi ng Abril 16, 1948, si Roxas ay namatay sa isang atake sa puso sa
Clark Field, Pampanga matapos magbigay ng talumpati sa mga sundalong Amerikano at
tagasuportang Pilipino.

— Mga Batas / Programa na naipatupad ni Manuel Roxas


- Batas Tydings–McDuffie
- Bell Trade Act
- Batas ng Rehabilitasyon (RFC)
- Parity Rights
Elpidio Quirino (1948 - 1953)

— Ang pangalawang pangulo ng Pilipinas sa administrasyon ni Roxas na si Elpidio Quirino ang


siyang pumalit matapos ang kaniyang pagpanaw. Siya ang unang Ilokanong pangulo na
nagtapos sa 4 na taong termino ni Roxas at nanalo sa halalan noong 1949. Sa kaniyang
administrasyon, pinakamalaki niyang pinagtuunan ng pansin ang pagpapatuloy ng pagbabago
at rehabilitasyon ng ekonomiya & ang pagpapanumbalik ng tiwala at kooperasyon ng marami sa
pamahalaan. Kinaharap ng kaniyang administrasyon ang isang malubhang banta ng kilusang
komunistang Hukbalahap (Hukbo ng Bayan laban sa Hapon), isang pulang komunista.

— Mga Batas / Programa na naipatupad ni Elpidio Quirino


- Rekonstruksiyon ng ekonomiya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- Pinalawig niya ang mga sistemang irigasyon
- Ipinatayo ang mga plantang hydroelectric sa talong Maria Cristina at Bulacan
- Social Security Commission
- President's Action Committee on Social Amelioration
Ramon Magsaysay (1953 – 1957)

— Si Ramon Magsaysay ang kalihim ng Tanggulang Pambansa sa ilalim ng administrasyong Quirino.


Kaniyang iniligtas ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kaniyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya
ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Sumuko sa kaniya si Luis Taruc, ang Supremo ng Huk o ang
pinakamataas na lider ng komunista. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya"
na naging sanhi ng kaniyang pagiging tanyag. Ilan sa kaniyang mga nakamit ay ang mga sumusunod:
Ang pagpapabuti ng pamantayan ng pamumuhay sa pamamagitan ng paggawa ng mga sistemang
patubig, tulay, balon at kalsada; pagsasakatuparan ng paggamit ng Barong Tagalog sa mga opisyal at
sosyal na gawain na dati ay itinuturing na damit ng mahirap, pagtatatag ng SEATO (Southeast Asia
Treaty Organization), isang panrehiyon na politiko-militar na agregasyon, noong Setyembre 18, 1954;
negosasyon sa Hapon ukol sa kasunduan ng bayad-pinsala sa digmaan kung saan ay huling nilagdaan
sa Maynila (ang bansang Hapon ay magbabayad ng bayad-pinsala sa digmaan nagkakahalaga ng
$300,000,000 sa loob ng 25 taon) at ang Kasunduang San Francisco, kung saan opisyal na nagpawakas
sa bansang Hapon at Pilipinas mula sa estado ng digmaan. Siya ang "pinakamamahal" na Pangulo ng
Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng marami sa pamahalaan. Subalit nagwakas ito nang mamatay
siya dahil sa isang pagbagsak ng eroplano na bumangga sa Bundok Manunggal malapit sa Balamban,
Cebu noong Marso 17, 1957.

Mga Batas / Programa na ipinatupad ni Ramon Magsaysay


- Pinagtibay ang Land Tenure Reform Law
- Pagpapatayo ng ACCFA (Agricultural Credit and Cooperative Financing
Administration)
- Pagpapatayo ng Farmers Cooperative Marketing Association (FACOMA)
Carlos Garcia (1957 – 1961)

— Ang araw matapos ang malungkot na pagpanaw ni Magsaysay, ang pangalawang pangulong
si Carlos P. Garcia ang siyang umupo bilang ikaapat na pangulo ng Ikatlong Republika. Tinapos
niya ang huling termino ni Magsaysay at nanalo bilang pangulo pagkatapos. Ang pangalawang
pangulo niyang si Diosdado Macapagal ng Partido Liberal at siyang naging unang pagkakataon
na may magkaibang partidong pangulo at pangalawang pangulo. Gayunpaman, nakamit niya
ang mga sumusunod: ang pagpapatupad ng patakarang "Pilipino Muna" (First Filipino Policy)
para itaguyod at protektahan ang produktong Pilipino; ang pagpapalaganap ng kulturang
Pilipino sa pamamagitan ng mabuting pakikisama ng Bayanihan Dance Troupe sa ibang bansa;
pagrespeto sa karapatang pantao at pagpapanatili ng malayang halalan; ang paggawa ng
Komisyong Sentenaryo ng Dr. Jose P. Rizal at ang pagtataguyod ng pandaigdigang
kapayapaan at pagkakasundo sa pamamagitan ng opisyal na mga pagbisita. Habang nasa
kapangyarihan, ang pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng bansang
Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang hindi na ginagamit na mga base militar ng
Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagkasira sa
kanya ay sinimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang
pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa halalan noong
1961. Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansa ng pulitika, si Garcia ay kilala rin na
makata sa kanyang diyalekto ng Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong Hulyo 14, 1971
sa edad na 75.

Mga Batas / Programa na ipinatupad ni Carlos Garcia


- Patakarang “Pilipino Muna”
- Community Development Planning Council
Diosdado Macapagal (1961 – 1965)

— Kahit siya ay kilala bilang "batang dukha" mula sa Lubao, si Diosdado Macapagal ay isang
bar topnotcher, isang respetadong abogado at manunulat at epektibong manunulat. Kaniyang
pinangako ang "Bagong Panahon" ("New Era") sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng mga
sumusunod: paggamit ng pambansang wika (Filipino) sa mga pasaporte, selyo, palatandaang
trapiko, pangalan ng mga bagyo, diplomang pampaaralan at iba pang mga katibayan
diplomatiko; paglipat ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12 mula Hulyo 4; paghahain
ng opisyal na pag-aari ng Pilipinas sa Sabah noong Hulyo 22, 1962; ang pagkakalikha ng
samahang Maphilindo (Malaysia, Pilipinas, Indonesia) na isang pagkakaisang pang-ekonomiya
at ang pagpasa sa kongreso ng Agricultural Land Reform Code noong 1963. Humalili rin siya
bilang pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal noong 1971 para sa pagbabago ng saligang
batas. Namatay siya sa atake sa puso, pulmonya at sakit sa bato sa Ospital ng Makati noong
Abril 21, 1997 makaraan ang isang taon, ang kanyang anak na si Gloria Macapagal-Arroyo ay
ipinroklamang ikaapat na pangulo ng Ikalimang Republika ng Pilipinas dahil sa EDSA II.

Mga Batas / Programa na ipinatupad ni Diosdado Macapagal


- Ang pagsasabatas ng Land Reform (Republic Act No. 3844)
- Dahil sa kanya, maaari na ring bumuo ng samahan o organisasyon ang mga nasa
agrikultura, paraan ito upang makatanggap sila ng kita na pasok sa minimum wage law.
- Siya ang nagtatag ng Philippine Veterans Bank.

Ferdinand Marcos (1965 - 1972)


— Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989) ay isang
politiko, abogado, diktador,[1][2][3][4] na naging ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30
Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986. Siya ay nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga
Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959
hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino.
Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko
kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela. Kanyang
napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong 1969 ay muling nahalal
bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman, ang kasikatan ni Marcos
bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino.

Mga Batas / Programa na ipinatupad ni Ferdinand Marcos


- Mga proyektong imprastraktura
- Paglilinang sa kultura ng sinaunang Pilipino
- Pagkakaroon ng programa ukol sa reporma ng lupa
- Green revolution

You might also like