You are on page 1of 20

MANUEL ROXAS

Kapanganakan : Kamatayan: Partido Politikal: May-bahay: Trabaho/Prope syon Relihiyon:

January 1, 1892 Capiz (now Roxas City), Capiz April 15, 1948 (aged 56) Clark Air Base, Angeles, Pampanga Nacionalista (19191945) Liberal Party (19451948) Trinidad de Leon Lawyer Roman Catholic

Ika-5 Presidente ng Pilipinas

====================== Ikatlong Presidente ng Komonwelt ========================== Unang Presidente ng Ikatlong Republika (Mayo 1946 - Abril 1948) ================================================== ============== Talambuhay: Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines)noong 1912 at naging topnatcher sa Bar. Bilang Pulitiko: Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly Nagsilbi (1938-1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon. Naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon.

Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong Abril 23, 1946 laban kay Sergio Osmea. Bilang Pangulo: Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon maliban doon sa may mabigat na kasalanang kriminal. Noong ang Pilipinas ay nasa kaguluhan, nagtagumpay si Roxas na makakuha/ makatanggap ng perang gagamitin sa rehabilitasyon mula sa digmaan ang Pilipinas mula sa estados Unidos sa pamamagitan ng Philippine Trade Act. Napilitan naman siyang lagdaan ang kasunduang militar na nagtakda sa estados Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga piling base military sa bansa (binawasan ito ng 25 taon noong 1967), naglimita sa pangangalakal sa mga Pilipino, at pribilehiyo sa mga taga-estados unidos na may mga pag-aari at inbestor. Sa kanyang panahon ay umabuso ang mga military police na naging sanhi ng pagkakabuo o November 16, 1890 pagtatag ng kalahating Kapanganakan: Vigan, Ilocos Sur parte ng Hukbalahap. Ito February 29, 1955 ay nagresulta sa Kamatayan: (aged 64) malawakang Quezon City pagmamalupit sa mga Partido Pulitikal: Liberal Party mababang uri ng tao o Trabaho o hampas lupa. Lawyer Propesyon: Sa kanyang pamahalaan Relihiyon: Roman Catholic ay lumaganap ang graft and corruption. Nagpayaman ng kanilang mga sarili ang mga collaborators. Nanatiling nakatali o umaasa ang ekonomiya ng pilipinas sa ekonomiya ng estados unidos. ELPIDIO QUIRINO

Ika-6 na Presidente ng Pilipinas Ikalawang Presidente ng Ikatlong republika (April 18, 1948 December 30, 1953) ================================= Ikatlong Bise-Presidente ng Pilipinas Ikalawa at Huling Bise-Presidente ng Komonwelt Unang Bise-Presidente ng Ikatlong Republika (May 28, 1946 April 17, 1948) ================================= Kalihim ng Ugnayang Panlabas (September 16, 1946 April 17, 1948) ================================================== ================ Talambuhay: Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915. Bilang Pangulo: Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya. Mga nagawa, patakaran at programa bilang Pangulo:

Nabunyag na makapayapa [pacifist] pala siya nang taimtim niyang


tinangkang pagbuklod-buklurin ang mga nag-aaway na pangkat-pangkat sa buong kapuluan.

Nakipagkasundo rin siya ng kapayapaan [peace treaty] sa Japan, gayung siya


ay ikinulong at pinahirapan nuong panahon ng Hapon, at ang kanyang asawa, si Alma Syquia, at 3 anak niya ay pinatay ng mga Hapon.

Marami siyang nahikayat at kung malaganap pa man din ang karahasan, ito'y
unti-unting nabawasan at nagsimulang tumahimik ang kalakihan ng bayan, maliban sa 2 - ang sugod ng mga Huk sa Luzon, at ang pusok ng mga Muslim sa kanlurang Mindanao. Sa 5 taon niyang pamamahala, iba't ibang paraan at pakana ang pinairal niya upang mapatahimik ang bayan at umunlad ang buhay ng mga mamamayan.

Siya ang nagpasimula ng takdang arawang kita [minimum daily wage]


para sa mga manggagawa at sa mga kawani ng pamahalaan.

Umutang siya ng 200 milyon dolyar mula sa America upang pundaran ang
ACCFA, pautangan ng mga magsasaka, sinabayan ng pagtatag niya ng mga bangko sa lalawigan upang mapundaran ang mga tagaroon.

Isinugo

niya ang kanyang kapatid, si Antonio Quirino, upang makipagkasundo kay Luis Taruc. Inalok niya nuong Junio 21, 1948 ng kapatawaran [amnesty] ngunit tumanggi ang mga Huk na isuko ang kanilang mga sandata. Nagpatuloy ang sagupaan sa Gitnaang Luzon.

Naging suliranin at masamang nangyari noong kanyang panunungkulan: Mabuti man ang pagkatao, kahit mahusay ang damdamin at mga tangka ni Quirino, nadaig siya ng mga alalay at kakampi sa politica, ang mga gahaman at walang pitagang nagnakaw sa pamahalaan na pinakawalan at binigyan ng kapangyarihan ni Roxas.

Sa pamahalaan ni Quirino nagsimula ang masaklap na gawi sa Pilipinas ang bawat pamunuan [administration] ay nawawatak, walang pangulo ang muling nahahalal dahil sa kagagawan ng kanilang mga kawatan at katulong sa politica. Sa English, graft and corruption ang tawag, latay pa sa likod ng bayan hanggang ngayon.

Sukdulang kakatwa na si Quirino, ang mapagpayapa, na kusa at handang


pagbigyan ang mga Huk, ang naging sanhi ng pinakamasidhing lusong ng mga tagabukid nuong 1950 nang umabot sa 15,000 ang mga nag-aklas.

Ang patayan, mga karahasan at pandarayang naganap nuong 1949 nang


mahalal muling pangulo si Quirino ang nag-udyok sa maraming magsasaka na tumulong o sumanib sa mga Huk.

RAMON MAGSAYSAY He who has less in life should have more in law. [Ang magkamit nang kulang sa buhay ay dapat makatanggap nang higit sa batas] - Ramon Magsaysay August 31, 1907 Iba, Zambales March 17, 1957 (aged 49) Mt. Manunggal, Balamban, Cebu Nacionalista Party Luz Banzon Engineer Roman Catholic

Kapanganakan: Kamatayan: Partido Pulitikal: May-bahay: Trabaho o Propesyon: Relihiyon:

Ika-7 Presidente ng Pilipinas Ikatlong Presidente ng Ikatlong Republika (December 30, 1953 March 17, 1957) ================================================== ================ Sino ang makalilimot sa popularidad ni Ramon Magsaysay? Siya ang bukodtanging pangulo na nagbukas sa pintuan ng Malakanyang para sa lahat ng mamamayan. Nagawa niyang ilapit ang pamahalaan sa puso ng bayan at pagalabin ang diwa ng pagkamakabayan sa damdamin ng mga Pilipino. Pinasigla rin niya ang paggamit ng Wikang Pambansa. At hindi katulad ng ibang sikat noong panahon niya na nagsusuot ng Amerikana, mas pinili niyang isuot ang Barong Tagalog. Talambuhay: Ipinanganak si Ramon Magsay-say kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907. Una siyang nag-aral ng elementarya sa paaralan ng Castillejos at tinanghal siyang salutatorian sa Mataas na Paaralan ng Zambales Academy. Mahilig siya sa teknolohiya kaya pumasok siya sa Pamantasan ng Pilipinas at nag-aral ng Mechanical Engineering. Dahil sa isang matinding pagkakasakit at pagiging self-supporting student sa pag-aaral ay lumipat siya sa Jose Rizal College at doon nagtapos ng Bachelor of Science in Commerce noong 1932. Nang makatapos sa kolehiyo, naging kawani si Ramon sa Try-Tran, isang malaking transportation Company sa Maynila. Dito niya nakilala ang kanyang napangasawa, si Luz Banzon. Tatlo ang naging anak nila, sina Teresita, Milagros at Ramon Jr.

Mga nagawa, programa at pamamalakad sa pamahalaan: Naging maganda ang pamamalakad ni Magsaysay bilang pangulo. Siya ang nagpahayag na "walang kahulugan ang demokrasya kung bigo itong tustusan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao at hindi maipagkaloob sa kanila ang isang pamumuhay na malayo sa takot at kahirapan."

Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang


kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".

Nagpatuloy siya ng pagtangkilik sa mga common tao, binuksan niya ang


Malacanang Palace upang kahit sinong nakabakya lamang ay maaaring pumasok at kausapin ang kanilang pangulo.

Itinatag niya ang NARIC [National Rice Corporation] upang pamahalaan ang
pag-imbak, kalakal at presyo ng bigas upang makayanang bilihin ng kahit pinakadukhang Pilipino.

Itinatag din niya ang Namarco [National Marketing Corporation] upang


makabili ang mga tao ng murang delata, gaya ng gatas, karne-norte, atbp.

Pinalawak din ni Magsaysay ang SWA [Social Welfare Administration] upang


tulungan ang mga dukhang dumadagsa sa mga squatters area sa Manila nuon.

CARLOS GARCIA

Kapanganakan: Kamatayan: Partido Pulitikal: May-Bahay: Trabaho o Propesyon: Relihiyon:

November 4, 1896 Talibon, Bohol June 14, 1971 (aged 74) Bohol, Philippines Nacionalista Party Leonila Dimataga Lawyer Roman Catholic

Ika-8 Presidente ng Pilipinas Ika-4 na Presidente ng Ikatlong Republika March 23, 1957 (elected December 30, 1957) December 30, 1961 ================================= Ika-5 Bise-Presidente ng Pilipinas Ikatlong Bise-Presidente ng Ikatlong Republika December 30, 1953 March 18, 1957 ================================================== ================ Talambuhay: Isinilang si Carlos Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. Ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Siya ay naging abogado at guro. Mga nagawa at pamamalakad sa pamahalaan: Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961.

Ipinatupad niya ang Filipino First Policy. Dala rin nito, sinulsulan niya ang
paglalakbay ng Bayanihan Dance Troupe at iba pang pangkat ng sayaw Pilipino sa America at marami pang bansa upang ipakita, lalo na sa mga Pilipino mismo, ang ganda at yaman ng mga gawi at katauhan ng mga tagapulo.

Siya rin ang nagsimula ng programa sa pagtitipid sa pangalang


austerity nang masansala ang paggasta ng salapi ng bayan at makapagimbak para sa kinabukasan, bagamat binabatikos siya sa mga paglalakbay niya sa ibang bansa, at pagbili ng mamahaling yate at eroplano para sa presidente. DIOSDADO MACAPAGAL September 28, 1910 Lubao, Pampanga, Philippines April 21, 1997 (aged 86) Makati City, Metro Manila Liberal Party (1) Purita dela Rosa died (2) Evangelina Macaraeg Lawyer Roman Catholic

Kapanganakan: Kamatayan: Partido Pulitikal: May-bahay: Trabaho o Propesyon: Relihiyon:

Ika-9 na Presidente ng Pilipinas Ika-5 Presidente ng Ikatlong Republika December 30, 1961 December 30, 1965 ================================ Ika-6 na Bise-Presidente ng Pilipinas Ika-4 na Bise-Presidente ng Ikatlong Republika December 30, 1957 December 30, 1961 ================================================== ================ Talambuhay: "Poor boy from Lubao" ang taguri kay Diosdado Macapagal dahil anak siya ng mahirap na magsasaka. Isinilang sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong Setyembre 28, 1910. Ang kanyang mga magulang ay sina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang siya'y magtapos ng "Doctor of Laws" sa Unibersidad ng Sto. Tomas noong 1936 at pumasok sa pulitika. Siya ay bayaw ni Rogelio de la Rosa, Ambassador ng Pilipinas sa Cambodia. Una siyang nagtrabaho bilang abogado sa isang tanggapan ng Amerikano. Mga Batas at Programa ng kanyang Pamahalaan:

Siya ang may-akda ng "Rural Health Law" at "Minimum Wage Law". Nanguna rin siya sa delegasyon para sa "US-RP Mutual Defense Treaty". Inilunsad niya ang "Agricultural Land Reform Code" at nilinis ang
pamahalaan sa katiwalian. Ito ang simula nang pag-aalis ng sistemang kasama o tenancy at pagbibigay ng sariling lupa sa mga magsasaka. Napagtibay ito noong Agosto 5, 1963. Limang taon sa Socio-Economic Program para sa pag control ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala siya sa nationalization of Retail and Land Reform Bill. Kilala din siya sa mga sumunsunod: The Spread of National Language Changing Our Independence from July 4 to June 12. May anim na buwan pa lamang siyang nakaupo sa Malacanang, binago na niya ang Araw ng Pagdiriwang ng Kalayaan. Sa Halip na Hulyo 4, inilipat ito sa Hunyo 12. Ito ang petsa nang ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas sa pananakop ng mga Espanyol at napagpatibay na ito noong Agosto 4, 1964 bilang Batas Republika Blg. 4166. Ang Hulyo 4 ay itinakda namang Philippine-American Friendship Day. Official Filing on June 22, 1962, the Philippine claim over Sabah. Formation of Maphilindo. Binubuo ito ng Malaysia, Pilipinas at Indonesia. Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato ng Partido Liberal naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos na isa ring liberal katulad Macapagal. Pero nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Himiwalay Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista pagkapangulo sa halalang 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon. Humalili siya bilang pangulo ng Contitutional Convention noong 1971. Panahon ng panunungkulan: Dahil dito, naging masigasig siya tungkol sa reporma sa lupa. Ayon sa kanya, Kung walang reporma sa lupa, mawawala hindi lamang ang lupa kundi ang buhay man ng magmamay-ari nito. Sinikap niyang masugpo ang katiwalian sa pamahalaan. Nagpakita si Pangulong Diosdado Macapagal ng magandang halimbawa ng katapatan, payak ng pamumuhay at mataas na moralidad. Ngunit tulad ng mga naunang pangulo, ang kaniyang halimbawa ay sinira ng kaniyang mga tauhan. Ayon sa kanya, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagpahayag ng kaniyang kalayaan mula sa pananakop ng mga dayuhan. at ni sa sa

Sa Panahon din ng pamamahala niya nagsimula ang laganap ng Wikang Pambansa. Sa mga kasulatang pandiplomatiko, selyo at panandang pantrapiko, ginamit ang sariling wika natin. Ginamit din ang mga pangalang Pilipino sa pagpapangalan sa mga bagyo.

Sa pamahalaan ni Pres. Diosdado Macapagal nagsimula ring magtanim ng


Miracle Rice. Nagsimula rin ang infrastructure projects na kagaya ng North Diversion Road, South Super Highway at mga Tenement Housing Projects. Naitatag rin ang NACIDA, Phil, Veterans Bank atbp. Noong Hunyo 22 1962, nagsimulang ipinaglaban at tinuwid ni Pres. Macapagal ang karapatan ng Pilipinas sa Isla ng Sabah. FERDINAND MARCOS

Kapanganakan: 1917 Norte Kamatayan:

Setyembre 11, Sarrat, Ilocos Setyembre 28, 1989 Makiki, Hawaii Imelda Romualdez Marcos Abogado

May-bahay: Trabaho o Propesyon:

Ika-10 Pangulo ng Pilipinas Ika-6 na Pangulo ng Ikatlong Republika Una at Huling Pangulo ng Ika-Apat na Republika | Disyembre 30, 1965 - Pebrero 25, 1986 ============================== Punong Ministro ng Republika ng Pilipinas Hunyo 12, 1978 - Hunyo 30, 1981 ============================== Kasapi, Senado ng Pilipinas (1959-1965) Pangulo ng Senado (1963-1965) Senate President Pro-tempore(1963) Minority Floor Leader (1959-1963)

============================== Kasapi, Kapulungan ng mga Kinatawan (1949-1959) Kinatawan, Ika-2 Distrito ng Ilocos Norte (1949-1959) ================================================== ================ Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (Setyembre 11, 1917 Setyembre 28, 1989) ang ika-10 Pangulo ng Pilipinas na nanungkulan mula 1965 hanggang 1986. Siya ay isang abugado, kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay naging lidergerilya sa hilagang Luzon. Noong 1963, siya ay naging Pangulo ng Senado kapalit ni Senador Eulogio Rodriguez, Sr.. Bilang Pangulo ng Pilipinas, kahanga-hanga ang kanyang mga nagawa sa larangan ng diplomasya at pagpapagawa ng mga mahahalagang imprastraktura sa bansa. Ngunit, ang tagumpay ng kanyang pangasiwaan ay nabahiran ng talamak na katiwalian, paniniil sa karapatang pantao, at panunupil sa oposisyon. Bumagsak ang kanyang pamunuan sa Rebolusyon sa EDSA na naganap noong 1986. Bilang Isang Politiko Pagkaraan ng digmaan at pagtatag ng Republika ng Pilipinas, hinirang ni Pangulong Manuel Roxas si Marcos bilang special technical assistant. Noong 1949, siya ay tumakbo at nagwagi bilang kinatawan ng Ilocos Norte sa Kongreso. Ang unang pinagtuunan niya ng pansin ay ang kalagayan ng mga magsasaka sa kanilang lalawigan at sa buong bansa na rin. Nang sumunod na halalan, 1953, ay muli siyang nanalong kongresista at naging assistant minority floor leader sa kongreso. Sa ikatlong pagkakataon ay nahalal siyang kongresista noong 1957 Noong 1959 siya ay tumakbo at nanalo pinakamalaking boto. At nagging Pangulo ng Senado. bilang Senador na may

Noong Nobyembre 9, 1965, nanalong pangulo si Marcos at pangalawang pangulo naman si Eugenio Lopez. Natalo nila sina Diosdado Macapagal at Gerry Roxas sa isang "landslide victory". Umalingawngaw sa buong bansa ang kanyang slogan, Magiging Dakilang muli ang bansang ito! Mga Nagawa sa Loob ng Unang Termino: Marami at lubhang kapaki-pakinabang ang mga nagawa ng Pangulong Marcos sa mga unang apat na taon ng kanyang panunungkulan. Ang mga ito'y ang sumusunod:

Ang pagpapanibagong-ayos ng may 2,000 malalaki at malilit na industriya; Pagsugpo sa katiwalian at kasamaan sa pamahalaan; Pagpapaunlad ng mga baryo na sa unang pagkakataon sa kasaysayan nabigyan ng tiyak na kaparti sa kinikita ng pamahalaan; Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid-aralan at higit sa 6,000 kilometro ng mga lansangan (kabilang na ang unang phase ng North Diversion Road mula Balintawak hanggang Tabang sa Bulacan); Ang pagpapatayo o rehabilitasyon ng pamamaraan ng mga patubig, o irigasyon na ang ang kabuuang bilang nito'y nakakahigit sa lahat ng patubig na naitayo sapul sa panahon ng mga Kastila noong 1565 hanggang sa pangasiwaang kanyang sinundan. Ang pagsisimula ng Green revolution at pagkakaroon ng 'mapaghimalang palay' o "miracle rice'; Ang puspusang pagsasakatuparan ng reporma sa lupa; Ang pagpapalakas ng kilusang kooperatiba sa isang pambansang sukatan;at Ang muling pagpapasigla at pagtangkilik sa sining at kulturang sariling atin sa pamamagitan ng pamamahala ng Unang Ginang Imelda Marcos. Pangalawang termino: Nang sumapit ang sumunod na halalan noong 1969, muling nanalo si Marcos bilang pangulo at si Lopez bilang pangalawang pangulo. Ngunit sa pagkakataong ito ay unti- unti nang nawawala ang tiwala ng tao sa pamahalaan dala ng malalaking problemang kinakaharap ng bansa. Mga desisyon at solusyong ginawa ni Marcos: Agosto 21, 1971 ay sinuspinde ni Marcos ang Writ of Habeas Corpus upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Binomba kasi ang rally ang Liberal Party sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971 upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa. Noong Setyembre 21, 1972 ay ibinaba ang Batas Militar o Martial Law. Marami na raw krisis ang nararanasan ng bansa tulad ng pagbomba sa Plaza Miranda, pagsabotahe at pagwasak sa mga pribado at pambansang ariarian. Walang puknat na rally ng mga manggagawa at mga estudyante at ang pinakahuli ay ang pagtambang sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile. Nobyembre 19, 1972 ay natapos ang bagong Saligang Batas. Pinagtibay ito sa isang referendum noong Enero 19, 1973. Totoong nabawasan ang kriminalidad dahil sa takot ng mga mamamayan sa Batas Militar. Maraming ipinahuli at ipinabilanggo si Marcos, lalo na ang mga lumalaban sa gobyerno. Ngunit hindi napayapa ang damdamin ng bayan. Anuman ang ipalabas ng pamahalaan tungkol sa kalagayan ng mga mamamayan sa malalaking anomalya sa gobyerno. CORAZON AQUINO

Ang kauna-unahang hangarin ay hindi rangya o pakinabang kundi democracia, - ang karapatan ng bawat Pilipino at sinilangan ng ating lahi - 'Cory' Corazon Aquino Kapanganakan: January 25, 1933 (age 74) Paniqui, Philippines United Nationalists Democratic Organizations (UNIDO)/Liberal Benigno Aquino, Jr. Housewife, Politician Roman Catholic

Partido Politikal: Asawa: Trabaho o propesyon: Relihiyon:

Ika-11 Presidente ng Pilipinas Ikalawang Presidente ng 4th Republic Unang Presidente ng 5th Republic February 25, 1986 June 30, 1992 ================================================== ================ Si Mara Corazn Sumulong Cojuangco-Aquino (Enero 25, 1933- ) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikapitong pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986 Hunyo 30, 1992). Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Talambuhay: Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Bilang Pangulo: Itinalagang Pangulo ng Pilipinas ng nasabing rebolusyon si Corazon C. Aquino, na lalong kilala bilang Cory, ang maybahay ng napaslang na dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino. At hayagang sinasabi ng ilan na ang bahaging yaon ng kasaysayan ang nagpanumbalik sa tinatawag na tunay na demokrasya, o kalayaaan sa bansa.

Ito ay ang kalayaan sa pagsasalita (freedom of speech) at pagpapahayag (freedom of the press) na hindi tinamasa sa nakaraang administrasyon sapagkat mahigpit na sinisikil, sa layuning iligaw o lasunin ang kaisipan ng mga mamamayan hingggil sa tunay na isyung kinakaharap ng bansa. Tahimik na nakaraos si Cory sa pagiging pangulo, na sinimulang sintaas ng langit sa paghahangad ng karamihan at natapos singlalim ng dagat sa walang nangyari paris din ng dati na pagtamlay ng mga tao. Maraming pagkakamali at pagkukulang ang maybahay na naging pangulo at malamang matagal na panahon pa bago kilalanin ng mga mamamayang hindi pa ipinanganganak ngayon ang pagkabayaning ginampanan niya nuong Himagsikan ng 1986 at sa pamamahala niya sa sumunod na 6 taon. Si dating Pangulong Corazon Aquino ay nagsilbi sa bansa mula noong Feb.1986June 1992.

FIDEL RAMOS Palakasin ang kapangyarihan ng mga tao at uunlad ang bayan, magpapantayan sa lipunan at magkakaisa ang mga mamamayan. - Fidel Ramos March 18, 1928 (age 79) Lingayen, Pangasinan, Philippines Lakas-Christian Muslim Democrats Amelita Martinez Military United Methodist

Kapanganakan: Partido Politikal: May-bahay: Trabaho o Propesyon: Relihiyon:

Ika-12 Presidente ng Pilipinas Ikalawang Presidente ng 5th Republic June 30, 1992 June 30, 1998 ================================================== ================

Bilang Pulitiko: Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran. Mga Programa at nagawa sa panunungkulan:

Bago pa nahirang na pangulo nuong Hunyo 30, 1992, natupad na niya ang
pinakamalaking tungkulin niya sa bayan. Naiwasan ang digmaan at nanatiling malaya ang Pilipinas. Gaya ngunit higit sa mga magiting ng baranggay nuong panahon ng mga magdaragat, si Fidel Ramos ay isang magiting ng bayan.

Sa kanyang walang maliw na pagtangkilik kay Pangulo Cory Aquino nagapi


ang paghahari ng mga nag-kudeyta-kudeyta nang walang puknat, at nanaig ang pamahalaan ng mga tao. Sa kanyang mahinahong paraan, hindi naganap ang digmaan ng mga magkabayan [civil war] na malamang hangad ng mga nais maging diktador gaya ni Ferdinand. Sapat na iyon upang tanghalin siyang bayani. Ang iba pang nagawa ni Ramos bilang pangulo ay dagdag na lamang.

Tinangkilik niya si Ernesto Garilao bilang kalihim ng Pagsasaayos ng


Pagsasaka [secretary of land reform] nuong 1992, na nagbahagi ng kulangkulang 2 milyon hektarya ng lupa sa mga magbubukid. Bagama't hindi ganap, napakalaki naman ang natupad ni Garilao kung ihahambing sa 848,518 hektaryang ipinamahagi sa pamumuno ni Cory Aquino.

Nakipagpayapa si Ramos sa MNLF [Moro National Liberation Front] matapos


ng 24 taong pag-aaklas nito sa Mindanao, bagama't nagpatuloy ng paglaban ang katuwang na pangkat na MILF [Moro Islamic Liberation Front] sa Basilan at Sulu.

Ang pag-unlad ng paghanapang-buhay [economy] ng Pilipinas na inasam


nuon pang namumuno si Aquino at nagsimula nuong 1992, lalo na nuong 1994 - 1995, sa pagharap ni Ramos sa mga suliranin ng koryente at tubig, pagsupil sa pagkurakot sa pamahalaan at pagpapasok ng pundar mula sa ibang bayan [foreign investments]. Sa ilalim ng gobyernong Ramos, pinagbuti niya ang pakikipag-ugnayang panlabas, at walang sawang itinaguyod ang pandaigdigang kalakalan sa pamamagitan ng walang humpay na paglalakbay sa halos lahat ng panig ng daigdig upang makuha ang tinatawag ng investor's confidence at ipaalam sa kanila na ang Pilipinas ay handang makipagkalakalan, at sa kanyang sariling pananalita ay sinasabing "back to business in the heart of Asia".

Pinasigla nito ang ekonomoiya ng bansa at nagbalik ng tiwala sa mga dayuhang mamumuhunan na magtayo ng negosyo sa Pilipinas, na mangangahulugan naman ng opurtunidad sa empleyo, buwis, inprastraktura at iba pang kaugnay nito para sa mga Pilipino. Sa madaling salita ay itinaguyod at isinulong ng kanyang administrasyon ang tatlong pangunahing layunin patungo sa diumano'y kaunlaran ng bansa: globalisasyon, pribatisasyon, deregulasyon. Bagaman at ang direktang epekto ng kanyang mga programa ay patuloy na pinagdedebatihan ng mga ekonomista, business sector, consumers at iba't-ibang awtoridad ukol dito. JOSEPH EJERCITO ESTRADA

Mga kinabilangang Partido Pulitikal Nacionalista Party Kilusang Bagong Lipunan Grand Alliance for Democracy Liberal Party Partido ng Masang Pilipino

Ika-13 Pangulo ng Pilipinas Ika-3 Pangulo ng Ikalimang Republika Hunyo 30, 1998 - Enero 20, 2001 ============================= Ika- 11 Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas Hunyo 30, 1978 - Hunyo 30, 1998 ============================= Kasapi, Senado ng Pilipinas (1987-1992) Punong-Bayan, Bayan ng San Juan (1969-1986) ================================================== ================ Si Jose Marcelo Ejercito Estrada (ipinanganak Abril 19, 1937), kilala bilang Erap, ang ikasiyam na pangulo ng Republika ng Pilipinas o ika-13 simula noong Unang Republika. Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila. Anak siya nina Emilio Ejercito na isang inhinyero at si Maria Marcelo. Talambuhay:

Bilang Politiko Pinasok ni Estrada ang larangan ng politika noong 1967 nang mahalal siya bilang Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong 1971, pinarangalan siya bilang "Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial Information Service at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ng Philippines Princetone Poll. Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsik Ferdinand E. Marcos sa pwesto noong Pebrero 25, 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution. Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and Urban Planning. Batas na isinulong bilang Senador: Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pagprotekta sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa Three Outstanding Senators of the Year. Isa si Estrada sa mga senador na tumangging sang-ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit sana sa 1947 Military Bases Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992. Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Presidente ang kaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Panguluhan at Pangalawang Panguluhan noong 1992, bagama't siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay nanalong Pangulo, Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997. Bilang Pangulo Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng Makabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng lahat ng boto. "Erap Para sa Mahirap" ang kaniyang islogan sa pangangampanya. Bilang pangulo ng Pilipinas, ang pinakamalaking papel na maaari niyang gampanan sa buhay. Ang hirap lang, hindi nagampanan. Sa kanyang pagkahirang nagsimula, mula sa pinakamatayog na tagumpay niya, natupad ang pinakamasakit na bagsak ni Estrada. Marahil, dahil napahaba nang husto ang paggantimpala sa

sarili, o maaaring nawaglit sa isip ang mga alituntunin na naghatid sa kanya sa Malacanang. Nakalimutan niya ang maraming pelikula niyang nilabasan, nalimot niya ang daan-daang papel ng pakikibaka na ginampanan, nalimot niya ang pamumuhay nang marangal. Nagsampa ng impeachment laban kay Estrada sa maraming kasong katiwalian sa kanyang pamumuno na may kinalaman sa suhol sa jueteng at ang mga di maipaliwanag na deposito ng pera sa bangko. Maraming tumestigo sa kaso ngunit hindi ito natapos dahil unti-unting nawala ang suporta sa kanya ng mga kakampi at napaalis siya sa puwesto sa pamamagitan ng Peoples Power 2. Naging pangulo si Gloria Arroyo at nakulong si Estrada habang nililitis ang kanyang kaso. GLORIA MACAPAGAL ARROYO

Kapanganaka Abril 5, 1947 n: San Juan, Rizal Partido Politikal: Asawa: Relihiyon: Lakas-Christian Muslim Democrats Jose Miguel Arroyo Katoliko

Pang-14 Pangulo ng Pilipinas Ikaapat na Pangulo ng Ikalimang Republika ======================== Pang-11 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Ikatlong Pangalawang Pangulo ng Ikalimang Republika June 30, 1998 January 20, 2001 ================================================== ================ Si Maria Gloria Macaraeg Macapagal-Arroyo, na mas kilala bilang Gloria Macapagal-Arroyo, (ipinanganak Abril 5, 1947) ay ika-labing apat at ang kasalukuyang pangulo ng bansang Pilipinas. Talambuhay: Pamilya Ipinanganak siya noong Abril 5, 1947 sa San Juan, Kalakhang Maynila. Ang kanyang mga magulang ay ang ika-siyam na Pangulo ng Pilipinas, si Diosdado Macapagal at si Dra. Evangelina Macaraeg-Macapagal.

Noong Agosto 2,1968, ikinasal siya sa abogadong si Jose Miguel T. Arroyo na nagtapos sa Ateneo Law School noong 1972. May tatlo silang mga anak: Juan Miguel (ipinanganak Abril 26, 1969) nagtapos ng Diploma in Business Administration sa University of California, Berkeley Evangelina Lourdes (Hunyo 5, 1971) nagtapos ng MS in Foreign Service sa Georgetown University Diosdado Ignacio (ipinanganak Setyembre 4, 1974) nagtapos ng BS in Legal Management, sa Ateneo de Naga Edukasyon Elementarya: Assumption Convent High School (1954-1960) Mataas na Paaralan : Assumption Convent High School (1960-1964) Valedictorian Kolehiyo : Georgetown University, AB Economics (1964-66) Deans Lister Assumption College, AB Economics (1968) Magna cum Laude Post Graduate : Ateneo de Manila University, MA Economics (1978) UP School of Economics, Ph.D. in Economics (1985) Bilang Politiko: Nagsimula si Macapagal-Arroyo na pumasok sa pulitika noong 1986 bilang Undersecretary of Trade and Industry. Sa kanyang panunungkulan sa senado nakapagpasa siya ng 55 batas tungkol sa economic and social reform at pinarangalan bilang Outstanding Senator ng maraming beses. Noong siya ay mahalal na Bise-Presidente, siya ay itinalaga bilang kalihim ng Social Welfare and Development. Ang katungkulang kanyang hinawakan hanggang sa siya ay magbitiw sa gabinete noong Oktubre 12, 2000. Mga Nagawa, programa at batas: Pinarangalan bilang Outstanding Senator ng Trade Union Congress of the Philippines at ng SBN 336, Magna Carta for the Urban Poor Pinarangalan din bilang Outstanding Legislator at isa sa Asians Most Powerful Women. Pinagbuti ang pagpapaganda ng Economic Environment sa bansa. FOR WOMEN EMPOWERMENT Women's desk to provide assistance to battered wives and other victims of domestic violence RA 7877, Declaring sexual harassment unlawful in the employment, education or training environment and for other purposes SBN 356, Increasing penalties for wife-beating SBN 362, Mandatory employment of women Establishment of the Movement Against Sexual Abuse (MASA)

FOR AGRICULTURE & THE ENVIRONMENT RA 7900, Promoting the production, processing, marketing and distribution of high-value crops RA 8175. Amending the Charter of the Philippine Crop Insurance Corporation in order to make more stable and beneficial to farmers and the national economy Co-host, "Dighay Bayan" TV program catering to farmers Pres. Macapagal Awards for best rice farm cooperative

You might also like